Pilit kong sinangga ang lahat ng atake sa akin ni blondy girl na naging mabangis ang kanyang mukha. Ang naririnig ko lang na namumutawi sa kanyang bibig ay growls at hisses and mukhang siya pa nga ang mas weird kaysa sakin. Ang how could a woman like her be this strong! Naka-pin ako sa sahig, ramdam ko na rin ang kirot sa aking mga sugat dahil sa kanyang kalmot at sa aking ulo na kanyang sinabunutan. Pinilit ko ngang lumaban eh pero ang lamya ko! I am just a cupid carrying bone and arrows, pero hindi ako amazona! I tried to stop her with all my might pero hindi ko talaga kaya!Nakaramdam na talaga ako ng takot ng mahawakan niya ang wrists ko at malakas itong pinisil na kinasigaw ko sa sakit, parang babaliin niya ang kamay ko!
“Akin lang siya!” pa-growl niyang sabi. “Sisirain ko ang mukha mo babae ka!” at akma niyang kakalmutin ang mukha ko gamit ang matatalas niyang kuko. She swipe her hands with her elongated nails pero naharang ko ito ng isa kong kamay. Sinamahan na rin kami ng brunette girl at mahigpit niyang hinawakan ang dalawa ko ng kamay!
“Go! Gawin mo na!” sabi nito sa kaibigan at binalingan niya ako. “Lumayo ka na sa kanya babae ka!" Napapikit na lang ako, hinihintay ang sakit na pwedeng idulot niya sa aking mukha pero natigilan kami ng may marinig kaming malakas na roar na nagpanginig pa sa buong lugar. The lights in the bathroom turned on and off, the whole room vibrates that made us all stopped. Unti-unting nawala ang bangis ng mukha ng babae, napalitan ito ng takot. Narinig ko ang biglang paghikbi ng kasama nito na mukhang takot na takot na rin na binitawan ako at lumayo. Nagulat kaming tatlo ng bumukas ang pinto, nasira pa ito at nakita namin ang galit na galit na mukha ni Lorkhan, nasa likod niya si Orson. His eyes were pure bright gold, swirling with controlling menace. Naglakbay ang kanyang mga mata hanggang sa tumigil ito sa akin. Napapikit siya, napakuyom ang kanyang palad na napansin kong may tumulong dugo at huminga siya ng napakalalim.
“Orson, take those girls…” utos nito. Tumalima naman si Orson, pumasok siya at hinila patayo ang blond girl sa ibabaw ko. Hinawakan niya pa ang kaibigan nito at malakas silang hinila palabas, naririnig ko na umiiyak na ang dalawa. Mabilis namang lumapit sa akin si Lorkhan at tinignan ang buo kong katawan. Natuon ang pansin niya sa braso ko na puno ng kalmot, ang aking damit na medyo punit na dahil sa pag-atake ng babaeng yon. Hindi ko nga alam kung bakit siya galit eh sinabi ko lang naman kung ano ang totoo. The truth hurts sabi nga nila.
“Sorry, hindi ko na dapat siya pinatulan.” sabi ko sa kanya at napa-hiss ako ng hawakan niya ako. “So this is what pain feels like.”
“Stop talking…” seryoso niyang sabi at natigilan naman ako. Napakagat na lang ako ng aking labi at tumango. Mukhang galit siya sakin dahil sa ginawa kong gulo. Hindi naman ako ang nauna eh, tsaka sinagot ko lang naman ang warfreak na babaeng yon. Siya ang unang sumugod sakin, nasaan ang hustisya don?! Kainis naman kasi ang babaeng yon, galit na ngayon sa akin si Lorky ko. Sabagay, dinala niya ko dito sa mamahaling restaurant, pinakain ng masarap tapos gumawa lang ako ng eksena. “Can you stand?” tanong niya at tumango ulit ako. Inalalayan niya akong tumayo at hindi ko maiwasang mapahikbi ng konti dahil sa kirot ng mga sugat ko. Napatingin ako sa aking wrist kung saan ako mahigpit na hinawakan ni blondy girl at may namumulang marka ng kamay niya. Nakita niya rin ito at tumalim ang kanyang mga mata. Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat at lumabas kami sa restaurant gamit ang backdoor. Nakaabang na ang sasakyan namin sa harap ng alleyway, naghihintay doon si Orson at nakabukas na ang pinto.
Una niya akong pinapasok sa sasakyan tapos ay sumunod siya. Tahimik lang kami habang tinatahak namin ang daan pabalik sa malaking condo building kung nasaan ang penthouse niya. Naiiyak na nga ako dahil bukod sa masakit ang mga sugat ko, masakit din ang puso ko dahil galit siya sa akin. Hindi nga niya hinawakan ang kamay ko gaya ng ginawa niya buong araw. Parang yong masayang araw namin together ay nasira dahil pumatol ako sa isa sa mga babae na dumaan sa buhay niya. Ako ba ang nagkamali? Tumingin ako sa kanya at seryoso ang kanyang mukha, nanatili din nakakuyom ang kanyang kamay na parang pinipigilan niya ang sarili. Bumaba siya at inalalayan niya ako ng maka-park ang sasakyan sa harap ng building. Binuhat niya ulit ako papasok hanggang sa pumasok na rin kami saelevator at umakyat ito pataas papunta sa penthouse. Agad na bumukas ang pinto ng kanyang bahay ng makarating kami doon,nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mrs. Llanez ng makita niya ako. Nagtaka ako dahil parang alam nito na darating kami tsaka may naka-ready na rin na medicine kit sa ibabaw ng lamesa ng inupo niya ako sa sofa. Namilog ang aking mga mata ng pinunit ni Lorkhan ang shirt ko sa gitna, at nakita niyang may kalmot din ako sa tagiliran at saka sa aking tiyan. Nanatiling naka distansya sa akin si Mrs. Llanez at maingat lang itong nagmamasid sa amin. Sinimulan na niyang gamutin ang mga sugat ko at napapahiyaw ako sa sakit pag dinadampi niya ang bulak na may disinfectant sa scratches ko.
“Baby, huwag kang magalaw.” saway niya sa akin at napanguso naman ako sa kanya. Bumuntong-hininga siya at binigyan niya ako ng light kiss sa aking pisngi. “Kailangan lagyan natin nito para hindi ma-infect ang mga sugat mo.”
“Paaalisin mo na ko noh?” nakakunot-noo siya ng tinignan niya ako. “Hate mo na ko dahil sa ginawa ko.” naiiyak kong sabi sa kanya at natigilan siya.
“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita paaalisin Emlove and I don’t hate you. Gusto ko lang na alagaan ka. Nagsisisi ako na dinala kita doon, not because of what happened pero dahil hinayaan kitang saktan nila. Alam mo bang kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na huwag silang saktan sa ginawa nila sayo? I am not a calm person baby pero mas gusto ko na nandito ako para alagaan ka.” sincere niyang sabi at gumaan naman ang pakiramdam ko.
“Sorry talaga, malay ko ba na aatakihin niya ako ng ganon. Nagsabi lang naman ako ng totoo na hindi mo na siya papatulan pa.”
“What do you mean?” nagtataka niyang tanong at napangiwi ako ng may pinapahid siyang cream na gamot sa aking mga sugat.
“She said that you slept with her.” bigla siyang napamura. Binuhat niya ako ulit matapos niya akong gamutin at dinala sa kanyang kwarto. Pinaupo niya ako sa kama at siya ang nagtanggal sa aking sapatos at jeans. “Teka, gagawin na ba natin? Ngayon na?” di-makapaniwala kong sabi sa kanya. Natigilan siya saglit tapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng marealize niya ang sinabi ko.
“No little cupid, your hurt, your injured. Hindi ako ganon na lalake okay? I want you be comfortable.” at hinaplos niya ang aking pisngi. “Kukuha lang ako ng damit ko.” at pumasok siya sa kanyang walk in closet. Paglabas niya nakabihis na rin siya ng pambahay at isinuot niya sa akin ang isang dark blue shirt niya na naging dress ko na sa laki nito. “May kailangan ka ba? Saan pa ang masakit sayo?”
“Wala na Lorky, mga kalmot lang talaga tsaka itong wrist ko.” hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ang namumula kong wrist tapos ay hinalikan ito.
“Kukuha lang ako ng yelo at baka mamaga pa yan.” tumango lang naman ako at lumabas na siya ng kwarto. Humiga naman ako sa malaking kama at tumingin sa labas ng bintana. Habang nakatitig ako sa asul na langit at mga clouds, naalala ko ang paglipad ko at ang pagiging cupid ko. Masaya ako na may physical form pero ang sakit din naman talaga pag nasasaktan ka, sana madali lang gumaling ang mga sugat ko para naman magawa na namin ang deed ni Lorkhan. Mababaw man ako kung iisipin pero isa yon sa pangarap ko, hindi ko alam kung kailan ako babalik ulit sa veil pero kailangan kong sulitin habang nandito pa ako sa human realm. Kumusta na kaya ang cupid headquarters namin? Ano kayang nangyari at nawala na lang ang veil? Kumusta na kaya ang ibang kasamahan ko na nandito? Nagka-physical form rin kaya sila?
Tsaka ang weird ni blondie girl kanina, wala pa akong nakikitang human na tumatalas ang kuko ng kusa at nago-glow ang kanilang eyes. Hers was like Lorkhan's, nangingislap na parang sinasabayan ang surge ng emotion nila. Napalingon ako ng bumalik siya na may dalang ice pack. Tumabi siya sa akin, maingat niyang kinuha ang kamay ko at dinampi ang ice.
“Here’s to cheer you up.” sabi niya at binuka niya ang isa niyang kamay na may maliit na chocolate na tinatawag na kisses. Natuwa naman ako, hinalikan ko siya sa pisngi at agad ko itong kinain.
“Thank you and you're doing a good job taking care of me.” malambing kong sabi at nilagay ang aking ulo sa kanyang balikat.
“Kasalanan ko kung bakit ka niya nasaktan little cupid. It was just a one time f*ck between that woman and me.”
“I think she was just jealous. Hindi kasi siya makapaniwala na kasama mo ko. Lorky, weird ba ko?”
“Hmmm… Yeah…” sagot niya. Bigla akong humiwalay sa kanya at nakalabi akong tumingin sa kanya. Bahagya naman siyang natawa, niyakap niya ako at hinalikan ang aking ulo. "Your weird, your very unique and no woman can compare to you Emlove. Bukod sa cupid ka, your cute, your sweet, lagi mo akong napapasaya. I haven't smiled and laughed like this for a long time. Baby, marami mang dumaan na babae sakin, I want you to understand that this is not just a one time thing. This is a forever kind of thing…" napangiti ako at humarap sa kanya. Napuno ng sobrang saya ang puso ko sa kanyang sinabi. It's like my heart is skipping with every beat, sparks flowing on my insides, ang gaan sa pakiramdam parang yong feeling na lumilipad ako. It's the only happiness aside from my successful matches, that I get from being a cupid. Sabi niya forever! Kyaaaaaaahhhh! Kinikilig ako!!!
"Forever?” tuwa kong sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko, nilapit niya ang kanyang mukha at hinalikan ako sa labi.
"Yes my little cupid…" sincere niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito tapos ay ngumiti na hanggang tenga.
"Ang sarap pakinggan non Lorkhan. Gusto ko din, forever tayo. Kaya lang… Cupid ako at may sarili kaming mundo. Paano pag bumalik na naman ako sa veil? I can be with you forever pero hindi mo ko makikita. Basta pag mangyari man yon, tandaan mo na nasa tabi mo lang ako palagi. Well, hindi siguro palagi because I have work to do. Mga gabi ganon…" bahagya siyang tumawa tapos naging seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig siya sa akin.
"Hindi ko yata kaya na hindi ka makita Emlove. I want to see you, touch you, kiss you always. Gagawa tayo ng paraan, I won't let you go back on that damn veil."
"Sa buong buhay ko being a cupid, naiinggit ako sa mga humans na may partners at forever ang kanilang relationship. And now, mararanasan ko na rin ito. Thank you Lorky!” ako naman ang humalik sa kanya, tumugon naman diya at masuyo kaming naghalikan. “Ako rin, gagawa ng paraan para hindi na ko bumalik sa veil.”
“Yes baby, we can do it together…” tumango ako at niyakap siya ulit. “Magpahinga ka na muna okay. You need it after ng pinagdaanan mo.”
“Okay heart ko…” malambing kong sabi sabay halik sa tungki ng kanyang ilong. Humiga ulit ako sa kama, tumabi rin siya sakin at niyakap mula sa likod. Napapikit ako ninamnam ang init ng kanyang katawan. Humikab ako, umikot ako paharap at siniksik ko ang aking katawan sa kanya tapos ay tuluyan na akong nakatulog.