CUPID 32

2317 Words
Elva’s POV Pinauna na kaming pinauwi ni Sir Lorkhan at si Orson na lang ang kasama ko na ngayon pabalik sa hotel. Niyaya niya akong mag-dinner na muna at pumayag naman ako dahil gutom na rin sa rami ng ginawa ko sa ospital. So far, okay naman ang mga teenagers na nakulong sa facility, wala naman ginawang malala sa kanila at intact pa rin ang reproduction ability nila despite na pinilit silang mag-breed. Buti na lang at nakinig ako sa mga kwento ng great grandfather ko noong bata pa ako. Ang kwento niya, hindi naman daw susugod sa amin ang mga shifters kung pinabayaan sila ng mga tao noon. Dahil nagiging advance na nga noon ang lahat, pati ang tirahan ng mga shifters ay inaangkin na ng mga tao. Hindi nila naisip kung gaano sila kalakas at mahirap silang mamatay. Isa pa, mas matagal na daw silang nabubuhay na umabot na sila sa kanilang hundreds. I wonder kung ilang taon na si Orson? Mukha kasi siyang nasa late 20s na, hindi maikakaila na sobrang ganda niyang lalake. Bukod pa don, gentleman pa at naging mabait siya sa akin. He never made me feel uncomfortable except yong mga tingin niya sa akin na nagpabuhay sa init ng aking katawan. His eyes are like dark chocolate, kumikislap na para ngang hini-hypnotize ako. May balbas siya sa kanyang mukha na nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan and his body is super fit! Bagay na bagay sa tangkad niya na halos 7ft na atah. Ang swerte ng magiging mate niya at walang oras na hiniling ko na sana ako yon. Pero tinatawanan ko na lang, a girl like me can dream right? Siguro mas mabuting unahin ko naman ang sarili ko ngayon at hindi ang mga lalake. Nagda-drive siya ngayon papunta sa isang restaurant at nasa front seat ako katabi niya. Lagi siyang nasa tabi ko habang nasa ospital kami at pag may questions ako, sinasagot naman niya. Hindi ko alam kung inutos ba yon ni Sir Lorkhan o nagkusa lang siya. Nahihiya nga ako eh kasi para niya akong binebaby sit. Kung sabagay, isa nga pala akong human na mahirap pagkatiwalaan. How did my failed marriage end here? Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng masayang pamilya, ang mamuhay ng successful at walang inaalala. Pero talagang pangarap lang pala yon na hindi natupad. Gusto lang naman magsimula ulit after the divorce but I got messed up with wrong people at ngayon natatakot na ko na may pumatay sakin o kaya tuluyan na akong iligpit ng mga shifters. Panatag naman ako na nandito ako sa kanila dahil kay Emlove, ang kauna-unahan kong kaibigan. Mula pa noong bata ako, invisible na talaga ako at mahilig akong mag-aral. Tinutukso din ako nong high school dahil sa laki ng aking katawan. Mas lalo pang na-down ang self-esteem ko ng makita akong pinagpalit ako ng aking asawa sa isang babaeng toothpick. I mean, ano bang masama sa pagkakaroon ng curvy na katawan. Sagana ako sa malaking dibdib at matambok na pwet noh! Bahagya akong napatawa ng maalala ko kung saan napunta ang usapan namin ni Emlove kagabi. “Anong nakakatawa?” tanong sa akin ni Orson at napatingin ako sa kanya. Parang nag-melt ang aking mga laman sa kanyang ngiti. “Naalala ko kasi ang pinag-usapan namin kagabi ni Emlove. She’s a nice girl, hindi lang ako makapaniwala na isa siyang cupid.” “Ako nga rin… Akala ko nga new obsession lang siya ni Lorkhan ng una, you know with his pink hair and eyes. Mate na pala siya ng boss ko.” “Matagal na ba siyang nandito?” umiling lang siya. “How did she end up here?” “Sa tingin ko mas mabuting sa kanya mo na lang itanong yan.” tumango ako. “Okay ka lang ba? Gusto ka talaga ng mga bata ng makita ka nila, I’m glad.” "Akala ko nga hindi nila ako makilala. I need to change my look though. Salamat nga pala at nandyan ka lang sa tabi ko." "Kanina ka pa nagpapasalamat sa akin Elva. Nasa ospital ka ng mga shifters, baka mapahamak ka pag wala kang kasama. Remember, you're a human, ayoko lang na may manakit sayo." "Oo nga pala… I forgot that one thing. Ang bait din kasi ng trato sa akin ni Dr. Holl at ng kanyang asawa." "Gusto mo bang magtrabaho doon?” natigilan ako tapos ay ngumiti. "Gusto ko… Kaya lang baka hindi ako tanggapin ng mga shifters na naroon." "I'll make sure they will. Kakausapin ko si Lorkhan and… uhm…" nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi na niya tinuloy ang kanyang sinasabi ng pumasok kami sa isang drive thru. "Dito na lang tayo ah, kailangan kasi nating mag-ingat." "Okay lang, matagal na din naman akong hindi nakakakain ng fast food." "Anong gusto mo?" sinabi ko sa kanya ang order ko na sinabi niya sa intercom at nagdrive siya ulit papunta sa window. Hinintay namin sandali ang pagkain namin tapos ay umalis na rin kami kaagad. Nasa highway kami ng mga oras na yon at gabi na rin, at masaya kaming nag-uusap. Pero may nakita akong sasakyan sa likod namin na mabilis ang takbo. Nasilaw ako ng i-flash niya ang headlights nito at napamura si Orson. Meron na palang nakaharang na sasakyan sa harapan namin. Buti na lang at mabilis siyang nakaiwas at bigla akong kinabahan ng pinaharurot niya ang sasakyan. "Elva, kumapit ka lang ng mabuti. Mukhang may humahabol sa atin." binigay niya sa akin ang phone niya. "Tawagan mo si Lorkhan." utos niya. Kahit nanginginig ang aking kamay, ginawa ko ang sinabi niya. Nang mahanap ko ang pangalan na Lorkhan sa screen, agad kong pinindot ang call button. Ni-loudspeaker ko pero walang sumasagot sa tawag. Napamura siya ulit ng katabi na namin ang sasakyan at tinutulak kami sa ibang daan. Wala siyang choice kaya lumiko siya doon at binilisan pa ang takbo ng sasakyan. "Sh-should I call the p-police?" nanginginig ang boses kong sabi. "No, you'll be more in danger pag tumawag tayo ng police. Tawagan mo lang siya ng tawagan hanggang sumagot siya." tumango lang ako at kumapit sa seatbelt. Palayo na kami ng palayo sa hotel, nag-iba na ang daan at mga puno na lang ang nakikita ko sa gilid. Tumingin ako sa aking likod at hinahabol pa rin kami ng malalaking sasakyan. "Oh my gosh… Alam na kaya nila? Nasundan ba nila ako?" takot kong sabi. "Ha? Sino naman?" taka niyang sabi. "Yong kumpanyang pinagtatrabahuhan ko. Baka nalaman na nila na buhay pa ako at gusto nila akong ligpitin." "They are not humans. Shifters ang humahabol sa atin, kilalang-kilala ko ang amoy nila. Swine Clan, mukhang nalaman nila na may human kaming kasama." "They want to get rid of me?" naiiyak ko ng sabi. "I'm sorry, mukhang nalaman na rin nila na galing ka sa facility. Damn it!" napakagat labi naman ako at tinawagan lang si Sir Lorkhan hanggang sa sumagot na siya. "Sir! Sir! Si Elva toh! Uhm, hinahabol kami ng shifters. Kasama ko si Orson, ano… Swine Clan daw." agad kong sabi sa kanya at narinig ko ang malutong niyang mura. Pinaharap ko sa kanya ang phone at may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Mas lalo akong kinabahan ng nasa gilid na ang isang sasakyan at binabangga bangga kami sa gilid. Napatili ako ng mag-swerve ang sasakyan namin. "Kapit ka ng mabuti!" binangga niya rin ang sasakyan na nasa gilid namin at sa lakas ng impact non tumagilid ito at natumba. Hinahabol pa kami ng isang sasakyan sa likod pero biglang brineak niya ang sasakyan namin at bumunggo ito. Pinaatras niya ito hanggang sa maibangga ang sasakyan sa likod namin sa isang puno. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt ko at madali kaming bumaba ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami papasok sa gubat na nasa gilid ng daan. "Siguradong hahabulin nila tayo. Kaya mong tumakbo?" "Yeah, nagja-jogging ako sa umaga!" sagot ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang pagngiti at pinisil niya ang aking kamay. Matagal kaming tumakbo sa kagubatan, alam kong weird pero malakas ang stamina ko kaya hindi pa ako pagod. From time to time tinitignan niya ko at tinatanong kong kaya ko pa. At lagi kong sinasagot na oo. Hindi ko alam pero parang tumalon ang puso ko sa saya ng sinabi niyang, 'that's my girl.' Ano ba toh! Para kaming nasa action movie lang ganern! Namilog ang aking mga mata ng may marinig akong mabibilis na yapak mula sa likod. Pero hindi ako lumingon at tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa tumigil si Orson at ganon din ako. Nang lumingon ako, nakita ko ang anim na malalaking lalake na may katabaan. Mas malaki pa rin si Orson pero anim sila at isa lang siya. Nagulat ako ng may tumubong dalawang horns sa kanilang pisngi, mas lumaki pa ang katawan at mukhang aatake na. "Ibigay mo na lang sa amin ang human Orson. Huwag mo na kaming pahirapan pa." sabi ng isa. “She’s under the protection of the Beast King. Kayo ang maghihirap pag sinaktan niyo ang kasama ko.” “Ang lambot naman kasi ng Beast King sa mga humans kaya nila tayo sinasamantala. Ibigay mo na ang babaeng yan, mapapahamak ka lang sa ginagawa mo eh.” nakita kong ngumisi siya at wala akong nararamdaman na takot mula sa kanya. “Sigurado ka?” confident niyang sabi at parag tinamaan ako ng malaking bato sa pagsabi niya ng mga salitang yon. Nangislap ang kanyang mga mata, may lumabas na fangs sa kanyang bibig, tumalas ang kanyang mga kuko at mas lumaki rin ang kanyang katawan na parang mapupunit na ang suot niyang damit. “Elva, tumakbo ka lang ng diretso. May darating na tulong para sa atin at sigurado akong makikilala ka niya.” “Pero paano ka?” alala kong sabi. Kahit kakakilala pa namin may iba na akong nararamdaman sa kanya. Sa tuwing hahawakan niya ako parang may kuryente na dumadaloy sa aking katawan. Kahit isang tingin niya lang sa akin parang binabalot ako ng matinding init at sobra akong kinikilig. Ayokong mapahamak siya ng dahil sa akin, isa lang akong human with simple wishes in life. Gusto ko pa siyang makilala ng mabuti, gusto ko pang makasama si Orson. Ngumiti siya sa akin at bahagya akong nagulat ng dinampian niya ako ng halik sa labi. “I’ll be okay love, kayang-kaya ko sila… Go, susunod ako yeah?” tumango lang naman ako at mabilis na tumakbo. Nakarinig nalang ako ng mga ungol at growls at mga nagbabangaang katawan pero hindi na ko lumingon pa. Ginawa ko ang sinabi niya, tumakbo ako pero natigilan ako ng bigla na lang may sumulpot na black wolf mula sa kakahuyan. His teeth were bared at may mga kasama pa siyang ibang kauri niya. Tumingin ako sa paligid ko at napapaligiran na nila ako! Napatingin ako sa black wolf ng may naririnig akong cracking at popping sound at hindi ako makapaniwala na nagta-transform ito sa harap ko. Nang fully transformed na siya nakilala ko agad si Kylo. Napahinga ako ng malalim at hindi ko na napigilan ang iyak ko dahil sa takot, muntik pa nga akong maihi. “Ate Elva?” sabi nito at lumapit sa akin. Pilit kong iniwas ang tingin sa kanyang hubad na katawan at tumango ako sa kanya. “Buti na lang malapit na ang pack house sa kinalalagyan niyo. Ayos ka lang?” “Oo!” agad kong sagot at pinahiran ang aking luha. “Pero si Orson, naiwan siya, kailangan niya ng tulong Kylo." alala kong sabi at nagtaka ako ng tumawa siya. Ano ba tong batang toh?! Bakit pa tumatawa eh baka napahamak na si Orson sa kamay ng mga lalakeng yon! “Kaya niya na yon Ate, huwag kang mag-alala. Ano pa at naging sentinel siya ng Beast King. Malakas siya, kaya nga niyang pumigil ng dalawang truck eh.” hindi naman akong makapaniwala na tumingin sa kanya at tumawa siya ulit. Maya-maya pa, nakarinig kami ng kaluskos sa likod ko at ng lumingon ako nakita ko si Orson na palapit sa amin. Agad ko siyang nilapitan at nakitang may claw mark siya sa kanyang chest na dumudugo pero unti-unti iyong naghilom hanggang sa dugo na lang ang naroon. Napahanga naman ako doon at hindi ko mapigilang mapa-wow. Narinig ko siyang tumawa at nagpapasalamat ako at okay lang siya at may pants pa rin siyang suot. “Sabi ko na eh! Did you got them good?” sabi ni Kylo. “Yeah… Magsuot ko nga ng damit! Nakakahiya kay Elva eh!” saway niya rito. “Nag-shift kami para mabilis namin kayong mapuntahan. Tara na, hinihintay na kayo sa pack house.” mabilis itong nag-shift ulit tapos ay tumingin ang wolf nito sa amin. Binuhat ako ni Orson at nilagay ako sa likod ng wolf ni Kylo at sinabihan na kumapit ako ng mabuti. Nag-aalangan lang akong tumango but I feel better ng hinalikan niya na naman ako ulit sa labi. Napatili ako ng mabilis siyang tumakbo at saglit lang yata yon hanggang sa tumigil kami sa isang napakalaking bahay sa gitna ng malalaking puno. Binaba ako ni Orson at nag-shift ulit si Kylo sa kanyang human form pati na rin ang iba pa. May mga nagbigay ng pants sa kanila na agad nilang sinuot. Sa porch ng isang bahay at nakatayo ang dalawang malaking lalake na may konting pagkakahawig kay Kylo at isang babae na nakangiti sa amin. “Bakit ka nagdala ng isang human dito?” sabi ng isang lalake na mas bata ang mukha. Nakatitig lang naman sa amin ang dalawa na nasa porch na mukhang mag-asawa. Hinapit ako sa bewang ni Orson at hinila palapit sa kanya. Napasinghap naman ako sa hawak niya at tumingin ako sa kanya. “Wolf Clan Leader Rune…” at nag-bow siya. Ganun din naman ang aking ginawa. “This is Elva Naquil, my mate…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD