CUPID 31

1537 Words
Suot ko ngayon ang shirt ni Lorkhan ng lumabas kami sa kwarto dahil pinunit niya ang top ko at sinira niya rin ang suot kong bra. Sa sobrang gigil niya hinablot niya kasi agad, tapos nasa labas pa sina Jariah at Aquila na nagbabantay pala kaya sobrang hiyang hiya ako. May nakakatuksong ngiti si Jariah na gusto kong sampalin sa kanyang pagmumukha at nakangiti lang din si Aquila. Nag-sorry ako sa kanya dahil sa paghingi ko ng hikaw sa kanya, hindi ko naman kasi alam na may tradition sila na ganon. Akala ko kasi pamporma niya dahil ang cool niyang tignan. Lumakad kami papunta sa ward kung nasaan ang mga shifters, ang iba natutulog na at ang iba naman ay nag-uusap hanggang sa tumahimik sila ng makita nila kami. Napansin ko na nakatitig sila sa akin, nandoon din si Kylo na mukhang kausap ang mga gising na mga bata. Nakangiti itong lumapit sa akin at sinabi na nakita daw ng karamihan ang pagharang ko sa tank. Nagpasama ako sa kanya at isa-isa ko silang nilapitan sa kanilang kama. Natutuwa naman ako dahil mukhang magaan ang loob nila sa akin at sinabi ko sa kanila kung gaano ako humahanga sa kanila dahil na-survive nila ang pang-aabuso sa kanila ng mga humans sa facility. “Guys si Dr. Elva!” malakas na sabi ng isang teenager at napatingin kaming lahat sa pinto. Pumasok sina Dr. Holl ang ang kanyang nurse na asawa at kasama nga nila si Elva at kasunod niya si Orson. “Dr. Elva! Mabuti naman at ligtas ka!” “Kilala niyo ba siya?” tanong ko at lumapit sa bago kong kaibigan na human. “Oo Miss Emlove, siya ang tumutulong sa amin sa facility. Siya din ang dahilan kung bakit lumalakas kami at pati na rin ang mga beast namin. It’s thanks to her kaya kami nakakalaban sa kanila kahit papano.” sabi ng isa. “Huwag niyo po siyang parusahan Beast King, mabait po siya.” sabi ng isa pa at napangiti naman ako. Mabait nga talaga si Elva at patunay yon ng mga reaksyon ng mga young shifters na pinagtatanggol pa siya. “Nandito siya para tumulong sa inyo.” sabi naman ni Lorkhan na nakangiti rin. “Siya ang nakakaalam kung anong ginawa sa inyo sa facility kaya nandito siya para tulungan si Dr. Holl.” Sabay-sabay silang nagpasalamat at tumango lang siya. Pagkatapos naming bisitahin ang mga bata, sunod kaming pumunta sa private room kung nasaan si Triple Seven. Agad akong lumapit sa kanya ng pumasok ako sa kanyang kwarto. Hinawakan ko ang kanyang mukha at narinig ko ang pag-growl ni Jariah. Lumingon ako sa kanya at pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Huwag mo kong maganyan Jaja, he is my friend and I'm just touching him.” sabi ko sa kanya at napakamot siya ng kanyang ulo. “Bakit nagagalit si Lorkhan pag hinahawakan kita?" irita niyang sabi sa akin. "Ewan ko, tanungin mo dyan sa bestfriend mo." nakangiti kong sagot. Binalingan ko ulit si Triple Seven at tinitigan ang cute niyang mukha. Ang tagal na na hindi kami nagkita ng kapwa ko pasaway at malanding tulad ko. Kung hindi ko naisip na i-check ang data ng lab baka hindi nila nalaman ang chamber 001 kung saan siya andoon. Tumingin ako sa kanyang kamay na may IV at nagtaka ako dahil ang sabi ni Elva hindi daw gumagana ang mga tools at equipments ng mga humans sa kanya. Siguro nga may defense mechanism kami na lumalabas lang pag kailangan talaga namin. Bakit kaya hindi ito itinuturo sa cupid training naman noon para mapakinabangan naman namin sa ganitong situation. Paano pag napahamak ang ibang cupid dahil sa pagkawala ng veil at bakit kaya wala pa ring kumukontak sa amin mula sa HQ? Ano ba kasi ang nangyayari? May sumira ba sa veil? May matinding powers na sumira doon? Bumuntong-hininga ako, sana nga wala ng cupid na nahuli ng mga humans. Kung meron man, kailangan ko na din tumulong sa paghahananp ng mga facility kung saan nagaganap ang experiments. Baka doon ko mahahanap ang mga katulad ko. “Emlove? May problema ba baby?” tanong sa akin ni Lorkhan na nasa tabi ko na pala. “Worried lang ako sa iba ko pang kapatid. Baka kasi ginagawa din silang experiments ng mga humans eh.” sabi ko sa kanya. “Don’t worry, magdo-double time pa ang tauhan ko na hanapin ang ibang facility.” at hinapit niya ako sa aking bewang. “Wala bang information sa nakuha naming data?” “Pina check ko na at lahat ng nandoon ay ang mga ginawa nilang experiments. And if ever man makakuha tayo ng info, siguradong wala na tayong matatagpuan doon dahil malamang lumipat na sila.” sumandig lang naman ako sa kanya. “Hindi ba siya gumising kahit minsan lang?” tanong ko kay Jariah. “He woke up once pero sandali lang tapos nakatulog siya ulit.” sagot niya at natuwa naman ako. “Nakita ka ba niya?” tumango siya. “Anong sinabi niya?” “Wala siyang sinabi Pinky, he was just staring at me.” “Speechless siguro siya dahil nakakita ng gwapo.” sabay tawa ko. Napangiti naman si Jaja at namula ng konti ang kanyang mukha. Siya naman ngayon ang tinutukso ko gaya ng ginawa niya sa akin kanina matapos naming lumabas ni Lorkhan sa bakanteng kwarto kanina. “Sa ngayon, walang dapat munang makaalam kung sino kayo at kung ano kayo. Hayaan muna natin na isipin nila na isa kang Aves.” “Isang Aves na humaharang sa isang tank.” natatawang sabi ni Aquila. “I will have fun training you, Emlove.” “Excited na rin ako!” tuwa kong sabi at tumawa ulit siya. “The sooner na magsimula ulit kayo ng training, the better. Ikaw muna ang papalit kay Jariah habang binabantayan niya si Triple Seven dito.” “Pwedeng huwag ng Triple Seven ang itawag natin sa kanya? Hindi bagay sa kanya eh!” angal ni Jariah at tinaasan ko siya ng kilay. “At ano naman ang gusto mong itawag sa kanya?” “Seven, it fits him more diba?” napaisip naman ako at tumango. “I like it! Sven then…” umupo ako sa silya na nasa tabi ng kama at nanatili lang ako doon para bantayan siya. Habang si Lorkhan at Aquila ay umalis muna dahil marami pa daw silang aasikasuhin. Nong lunchtime na, dumating si Mrs. Llanez at hinatiran niya kami ng pagkain. Namangha siya nang makita niya ang aking kaibigan at kinogratulate si Jariah ng sabihin nito na si Sven ang mate niya. Dumating din si Dr. Holl at Elva para i-check ang kaibigan ko at sabi niya bigyan namin siya ng time para mag-rest pa. Nalungkot naman ako doon, gaano pa ba siya katagal na mag-rest? Gusto ko na nga siyang gisingin para malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya at ano ang natatandaan niya. Baka may alam siya kung anong nangyari sa veil? Oh kaya naman ay baka kinontak siya ng HQ bago siya nagka-physical form. Ang hirap talagang maghintay… Parang noong naghihintay ko na may mangyari sa amin ni Lorkhan. Speaking of nangyari, sisimulan ba agad ni Jariah ang mating bond nila pag nagising na siya. Tumingin ako sa salarin at nagtataka naman siyang tumingin sa akin. I’m happy that his Jariah’s mate but given his history at sabi nga niya hindi siya satisfied sa isa lang, may yayayain kaya siyang babae para makapag-threesome sa kanila? Para na ngang gusto ko ng bawiin si Sven sa kanya. “What?” nagtataka niyang tanong sa akin. Tinitigan ko siya at pinaningkitan ng aking mga mata. Can I trust him with my friend? “Don’t worry, hindi ko lolokohin at sasaktan si Sven okay? He’s my life now, takot ko na lang pag nawala siya sakin dahil mababaliw ako.” “Are you going to start the mating bond once na nagising na siya?” “Pinky, I’ll go slow on him gaya ng ginawa ni Lorkhan sayo. Pag fully recovered na siya, sasabihin ko ang lahat sa kanya.” “Okay, makikita ko na ba ang jaguar beast mo?” umiling siya at napa-pout ako. “Damot!” “I told you, pag deserve mo ng makita ang jaguar ko, ipapakita ko siya sayo. Although hinarangan mo pala ang tank at niligtas mo ang aking mate.” “Duh? Hindi ko pa ba deserve?” sabay irap ko sa kanya at tumawa naman siya. “I’ll show you then, pagkatapos ko siyang ipakita kay Sven.” “Okay, alagaan mo siya ng mabuti ah. At dapat wala ng threesome!” namilog naman ang kanyang mga mata na parang tatanggi siya pero binato ko siya ng sapatos ko. Nagbibiro lang pala ang loko pero sa oras na ginawa niya yon, lagot siya sa akin! Nakatulog na ako sa pagbabantay kay Sven pero andyan naman si Jariah para bantayan kami kaya okay lang. Nagising ako ng may masuyong humahaplos sa aking ulo at buhok at pagtaas ko ng aking ulo, natigilan ako ng makitang gising na si Sven at nakangiti siya sa akin. “Oh, para kang nakakita ng multo dyan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD