CUPID 44

1521 Words
I was so scared, so scared but not for me, dahil ito sa narinig kong takot na boses ni Zira. I wasn't expecting na mangyayari ito, I gave her one of my feathers as a gift para daw idagdag sa collection niya. She's collecting feathers ng mga Aves na nakilala niya and she showed it to me, kaya binigyan ko siya ng feather ko. Hindi ko naman akalain na totoo ang myth tungkol sa mga cupid. Wala pa kasing nakakaranas non tsaka walang nagbibigay ng kanyang feather. Paano diba? Dahil invisible kami. And I gave her the feather as a gift at wala akong pinagsisishan na ginawa ko yon. Now that I know na nawawala nga ang mga bata ng tinawagan ni Jariah si Aquila kanina lang, I need to find her. Hindi pwedeng mapunta sila sa mga masasamang humans na yon. Napakuyom ako ng aking kamay, ngayon lang ako nagalit sa kanila ng sobra, I can't believe na pati maliliit na bata eh idadamay nila! How dare they! "Emlove, kumalma ka lang." sabi sa akin ni Sven na nakakasabay sa amin. He looks really worried at hindi din siya makapaniwala na may humans na gagawa ng mga ito. Siya tulog lang habang nasa lab pero ang mga bata, ayokong masira ang buhay nila dahil lang dito. "Focus on finding her, yeah?" tumango lang naman ako. I can feel her and I know malapit lang siya. Isang secluded na trail ang nakikita ko sa ibaba hanggang sa may narinig akong tunog ng mga sasakyan. Mula sa trail may nakita kaming black na mga sasakyan na nakapila at papunta sila sa iisang lugar. Sinundan namin sila at I can smell the same chemicals from the lab, ganon din ang naaamoy ng aking mga kasama. "Nandyan ba sila?" tanong ni Aquila. "Yeah, I can smell her sweet scent too kahit may naaamoy pa akong mga chemicals. You okay Sven?" tumango lang siya. "I think may nakuha na naman silang mga shifters" "Sundan na lang natin sila, mukhang malapit na tayo sa main facility nila. Kung ganyan kadami ang sasakyan, siguro doon nga sila pupunta. I just hope we are not too late." "Hey, ililigtas natin silang lahat and I hope this is the last one." "Emlove, tignan mo…" sabi sa akin ni Sven. Tumingin ako sa tinitignan niya at mula sa di-kalayuan ay may mga mabibilis na tumatakbong animals. There were wolves, bears, lions, bears, jaguars, and many more, may mga Aves din na lumilipad palapit sa amin. And the one who is leading is in the front, the magnificent, majestic lion with his dark golden mane, stripped body and he was running fast with a vengeance. Kinausap ni Aquila ang kanyang mga kasama at sinundan namin ang mga sasakyan ng mga tao na may pag-iingat. Agad kaming nagtago sa mga puno na naroon ng makita na namin sa di-kalayuan ang isang malaking facility na napapaligiran ng makakapal at malalaking pader. Mas madami ng guards sa paligid kaya hindi na kami lumapit pa para hindi kami makita ng mga humans. Maingat din kami at baka may mga alarm silang nilagay sa buong lugar. Doon pumasok ang mga sasakyan. Bumaba ako sa puno at patakbo akong lumapit kay Lorkhan ng makapag shift na siya at nakasuot na ng pants. Tumalon ako at sinalo niya naman ako. "Your amazing baby…" pabulong niyang sabi sa akin at napatawa ako ng konti. "How did you even track here?" "I'll tell you when everything is over. I'm glad you're here Lorky, let's save them all." kumislap ang kanyang mga mata. "We will, little cupid. Kakausapin ko lang ang mga kasama natin para ma plan ang aking attack." tumango lang at binaba niya na ako. "Emlove?" napalingon ako sa nagsabi non at nakita si Sarina na mugto ang mga mata. Nilapitan ko siya tapos ay mahigpit ko siyang niyakap. Tuluyan na siya napaiyak at inalo ko naman siya. "Is it true? Do you feel my baby girl right now? Andyan ba siya?" "Yes, she's very scared right now pero andito na tayo para iligtas sila. It's going to be okay, anak mo sila. I'm sure hindi siya pababayaan ng kanyang mga kapatid." "Salamat… Salamat at nahanap mo sila." hinawakan ko ang mukha niya. "Huwag ka munang magpasalamat. Importante din sila sakin Sari kaya hindi ko sila pababayaan." tumango lang siya. Lumingon ako kay Lorkhan at nakita kong kinakausap niya ang kanyang mga tauhan. Lumapit si Sven sa amin at pinakilala ko siya rito. "Ipapakilala kita sa mga bata after this. Excited silang makilala ka." sabi ko sa kanya. "Hindi ko gaanong naiintindihan ang nangyari Emlove, pero ginagawa talaga ng mga humans toh? Bakit wala akong nawi-witness na ganito?" "Hindi din ako makapaniwala nong una eh. Pero may mga humans na ganid sa kapangyarihan. Inggit din sila sa taglay na immortality ng mga shifters. Sana nga lang ito na ang main facility para matapos na toh. The young shifters deserve better." "Ate Red!" napangiti ako ng makita si Kylo na mabilis na palapit sa akin. "Ang galing mo talaga, nahanap mo na naman ang facility ng mga humans. Nandito ako para tumulong." "Buti at pinayagan ka, in training ka pa lang eh." "Ikaw din naman eh… Hi Kuya Seven!" bati niya sa kaibigan ko. "Hello! Kilala mo ko?" tanong niya. "Kasama siya noon ng matagpuan kita. Siya ang nakakita kay Elva na tumulong sayo na makalabas sa tube." "Ganon ba, salamat ah…" may tumawag sa kanya at nagpaalam na siya sa amin. "Grabe besh, ang gagandang lalake at babae naman ang mga shifters, walang tapon." mahina niyang sabi. Ngumiti lang naman ako at nilapitan namin sina Lorkhan at Jariah. Plano nilang i-infiltrate ang facility mamayang gabi at nagulat ako dahil isasama nila ako. Ang sabi ni Jaja kaya ko naman daw habang ang iba, si Seven, si Kylo, ay mananatili sa labas for lookout. Kaya naghanda na kami, may binigay sa akin si Aquila na strap na may mga maliliit na knives at natuwa ako don. Buong araw tinuruan niya ako para gamitin ang mga ito kaya ng gumabi na, isinagawa na namin ang plano. Nag-shift ang lahat na sasama sa amin sa attack maliban sa amin ni Lorkhan. Nakita kong lumitaw ang kanyang mga tribal tattoos sa kanyang katawan tapos ay nagpakawala siya ng isang malakas na roar. Sinundan ito ng alulong ng mga wolves, lumipad kami ni Aquila at gumalaw na kaming lahat. Habang palapit kami, nakita ko na naging alert ang lahat ng mga humans na nagbabantay, may iba na takot, may iba na nakatutok na ang kanilang malalaking baril. Lumiwanag ang buong facility at ang ginawa ko naman ay lumipad pa ng pataas hanggang sa nasa top na ako ng buong facility. Naglabas ako ng maraming lust dust and like a butterfly, I flutter around the area, spreading my dust sa mga humans na nagbabantay sa ibaba. Maya-maya pa, napansin ko na iba na ang kinikilos nila, hanggang sa naghalikan, naglandian na silang lahat. Dahil hindi na nila kami napapansin, sinira naman ni Aquila ang mga cameras na nagkalat sa buong area. Ang ibang kasama niyang Aves ay inatake ang lookout tower na naroon. Biglang nag-siren ang alarm at umatake na ang ibang shifters na nag-aabang. Lumapit si Lorkhan sa malaking metal door at sa isang malakas niyang suntok at ramdam ko pa ang impact, natumba ang malaking entrance. Sumugod ang mga shifters at may mga lumabas ding ibang guards na galing sa loob ng facility. Hindi lang baril ang hawak nila kundi isang black rod na naglalabas ng malakas na kuryente. Malakas na nag-roar ulit si Lorkhan, nakita ko ang matulin na jaguar ni Jariah, at namilog ang aking mga mata ng makita ko ang isang polar bear! OMG!!! "Emlove! Mag-concentrate ka!" sigaw sa akin ni Aquila. "Aqui! May polar bear!" tuwa kong sabi. Napa-roll eyes lang naman siya. May narinig kaming malakas na pagsabog at nakita namin ang ibang mga guards na may grenade launcher. Mabilis akong nag-dive pababa, nagulantang naman ang lalake at malakas ko siyang sinuntok. May isang napakalaking wolf na sumakmal rito at katulad siya ng kulay ni Kylo pero ang white na kulay ay nasa kanyang underbelly at leeg. Sinakmal niya ang leeg ng lalake at tuluyan na itong namatay. Nag-bow siya sa akin bago siya tumakbo ulit at sinakmal ang isa pang guard. Kinuha ko naman ang grenade launcher, at tinutok yon sa entrance ng facility and I pull the trigger. Medyo napaatras ako ng konti pero sumabog ang entrance. "Wow! That's so cool!" mangha kong sabi ng magkasira-sira na ang entrance ng facility. May pumatong na paw sa aking ulo na may malalaking claws at ng tumingin ako, nakita ko ang polar bear. Hindi ko napigilan ang sarili ko at mahigpit ko siyang niyakap at pinanggigilan ang malambot niyang fur. May humila sa akin palayo sa kanya at natawa ako ng makita ang nago-glow na mga mata ni Lorky. "Hey…" nahihiya kong sabi at ngumisi lang siya. "Let's go my queen… Let's save our people…" pa-growl niyang sabi at bigla akong sumeryoso. "Let's go, my Beast King." sagot ko sa kanya and his proud face says it all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD