Mahigpit ang hawak ko sa grenade launcher habang papasok ako sa facility. Kasama namin ang polar bear, si Jariah na naka jaguar form, si Aquila, ang sobrang laking wolf na mukhang may kaugnayan kay Kylo at isang bouda/hyena na hula ko ay si Rover, ang apo ni Mama Sha na naging kaibigan ko na rin. Nag-react kasi siya nang mag-hi ako sa kanya. May linoness din na si Sarina at si Vitani na malaki din ang lion kahit hybrid pa siya. May mga sumunod pang iba na naka-beast form ang lahat at naiwan ang iba sa labas ng building. Nagtataka na nakatingin sa akin si Lorkhan at ngumiti ako sa kanya.
"When did you learn to use that?" sabay turo niya sa hawak ko. Bumuntong hininga naman ako at pinindot ang tagiliran niya.
"Lagi tayong nanonood ng action movies and research." sagot ko. "Ang cool pa lang gamitin nito." narinig ko diyang tumawa. Naunang pumasok sila Jariah at tahimik ang kanilang tapak sa marble floor. Walang mga tao sa paligid, except for the guards ba namatay na. "Can you not kill everyone? Kahit magtira lang tayo ng isang human na nagtatrabaho rito." sabi ko at nag-growl si Jariah. "We need one to operate the machines and also information." sabi ko sa kanya. Nag-hiss siya at pinandilatan ko siya ng mga mata.
Napahawak ulit ako sa ulo, I feel a tug again at narinig ko ang boses ni Zira.
"Emmy hurry!" panic niyang sabi. Agad akong kumilos at sinundan ang nararamdaman kung paghila sa akin. Ang pagtawag sa akin ng bata.
"We have to hurry, mukhang tumatakas sila." alala kong sabi. Sinundan lang naman nila ako, wala ng katao-tao, empty ang mga glass rooms na naroon. Naga-alarm pa rin at may mga pulang ilaw na nagfla-flash hanggang sa nakarating kami sa isang hangar. May pinindot ako sa wall para mabuksan ito at bago pa ito tuluyan na bumukas, pinaulanan na kami ng putok ng baril. Mabilis akong tumalikod, nailabas ko ang aking wings at inextend yon para harangan ang mga bullets. Nakarinig kami ng tunog ng chopper, narinig ko din ang war cry ng mga shifters na mabilis na umatake sa mga humans na naroon! Isang malakas na pagaspas ng hangin na nagmumula sa malaki at mahaba na chopper plane ang sumalubong sa amin. Open ang taas ng hangar at umaangat na ito. May mga guards na pinutukan kami na parang wala lang sa mga shifters. Nakita kong mabilis na tumakbo si Lorkhan, hinawakan niya ang ibaba ng chopper plane para pigilan ito sa paglipad. Para lang itong laruan sa kanya na hinawakan niya. Pilit itong lumilipad pero wala na itong nagawa sa lakas ng Beast King na hindi ko mapaniwalaan. Mabilis na pumasok sa chopper si Aquila, nakita ko ang mga young shifters na naroon at nakita ko rin ang mga bata. Ilang sandali pa, nag-landing ulit ang chopper at unti-unti itong tumigil.
Patakbo akong lumapit at humahanga akong tumingin kay Lorkhan, kinindatan niya lang ako. Tumingin ako sa loob at nakita ko ang tuwa sa mga mukha ng mga young shifters. Bumukas ulit ang pinto ng chopper at lumabas si Aquila. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng inalalayan nito ang mga young shifters na lumabas at parang nawala ang nakadagan sa aking dibdib nang makita si Lev, si Lavi at si Zira na mahigpit ang hawak sa red feather ko. Lumawak ang kanilang ngiti ng makita nila ako, lalong-lalo na siya.
"Emmy!" tuwang sabi ng kanyang cute na boses. Tumalon siya at agad ko naman siyang sinalo at niyakap. "Dumating ka!" umiiyak na niyang sabi at hinalikan ko ang kanyang ulo. Yumakap din sa akin ang kanyang mga kapatid na pinipigilan ang umiyak katulad ko. I am so glad they are safe! Niyakap ko silang tatlo at chineck kung may mga sugat sila.
"Mama!" sabi nilang tatlo. Nakita kong lumapit sa akin si Sarina at binigay ko sa kanya si Zira. Umiiyak sila na nagyakapan at hindi ko napigilan na mapaluha rin.
"You guys okay?" tanong ni Lorkhan at tinignan rin sila. "Hindi ba nila kayo sinaktan?"
"Hindi uncle." sagot ni Lev at niyakap nito si Lorkhan. "Thank you for saving us."
"Ano bang nangyari? Bakit wala kayo sa safe room at nakuha nila kayo?" tanong ni Sarina at nagkatinginan silang tatlo.
"Lev, you need to tell uncle the truth. Sinong kumuha sa inyo?" napakagat labi siya tapos ay tumingin sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil ito. Buhat ko pa rin ni Sarina si Zira na nakapulupot sa kanya habang si Lavi ay hawak ang isa kong kamay ng mahigpit.
"Si Lolo Laider at Lola Subari po uncle. Akala ko tutulungan nila kami at itatago pero kasama pala nila ang humans."
nagtaka naman ako. Sino ang mga yon? Nangislap ang mga mata ni Lorkhan sa galit at nag-growl din si Sarina. Nagulat din kaming lahat ng mag-roar ang lion ni Vitani at nilapitan siya ng kanyang mga anak at niyakap nila ito.
"They're my parents." sagot ni Lorkhan sakin sa silent kong tanong.
"Ano?!! Bakit nila gagawin yon?! Sarili nilang apo ipapahamak nila?!" di-makapaniwala kong sabi. Sila nga talaga ang mga parents ni Lorkhan na kasagutan niya sa farm. Akala ko ba galit sila sa mga humans, kaya hindi nila tanggap si Vitani dahil hybrid siya tapos ngayon nakikipagtulungan sila sa mga ito.
"Kasama nila ang ibang humans na tumakas uncle. Sumakay sila sa black car." sabi naman ni Lavi. Tinawag niya si Jariah na naka-beast form pa rin at inutusan niya ang ito na habulin ang mga sasakyan. Nag-bow ang jaguar, nag-roar at mabilis na tumakbo kasama ang iba. Ang iba naman at sila Sarina, sinamahan ang mga young shifters palabas at kami nila Lorkhan, Aquila, ang malaking wolf at polar bear ang natira sa facility. Pinakilala sila ni Lorkhan sa akin, Wolf Clan leader pala ang kasama namin, si Rune Adalwulf at ang polar bear ay pinsan ni Orson, si Nanuq Bruin. Tinignan namin ang buong lugar at nahanap din namin ang lab na nasa isang underground din. Walang mga doctors at scientist na naroon, malamsng tumakas sila habang nagkakagulo sa labas. Wala akong nakitang mga shifters na nasa experiment table, wala din kaming nakitang nakakulong. Chineck namin ang mga computers pero deleted lahat ng data.
"Mukhang nakatakas na ang iba." sabi ni Aquila. "We should go bago pa may mga iba pang humans na dumating." narinig kong nag-growl ang polar bear tapos ay nag-whine.
"Anong problema?" tanong ko kay Aquila at napailing siya
"He's looking for his mate. Akala niya nandito siya, she's been missing for 5 years and she's pregnant."
"Oh no, I'm sorry." lungkot kong sabi at hinawakan ang braso nito. "Maghanap pa tayo baka may hidden chamber pa kagaya ng isang facility na nahanap natin." sabi ko at tumango lang sila. Hinalungkat namin ang buong chamber na naroon, may mga tubes na naglalaman ng mga hayop at nagpasalamat ako at hindi mga shifters ang mga yon. Chineck ko ang main computer, naghanap ng mga hidden rooms or mga kulungan hanggang sa natigilan ako ng may makita. "Lorky, may inactivate silang self-destruct!" takot kong sabi. "May 30 minutes lang tayo!"
"Let's go then, wala na tayong mapapala rito." sabi ni Aquila at umiling ako.
"Hindi pwede! Kailangan nating i-check ang buong facility. This is the main one! Hindi pwedeng ang mga young shifters lang na yon ang hawak nila."
"Pero wala ka namang nakita Emlove, deleted lahat ng data."
"Anong sa tingin mo kung bakit nila ginawa yon?! They're here, somewhere!" mariin kong sabi. "Kung alam ko lang ang password, I can deactivate it. Kahit isang staff lang sana ang nandito!"
"Ako na!" lumingon kami sa nagsabi non at nakita namin si Elva na patakbong lumapit sa amin, kasama niya si Orson. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa pagdating niya, buti na lang nandito siya! Siya na ang kumalikot sa main computer at ilang sandali lang deactivate na ang self-destruct. May mga pinindot pa siya hanggang sa gumalaw na lang ang kinatatayuan namin. Nag-slide ang floor sa may bandang gitna at may lumitaw na hole doon. May narinig kaming mga boses at ng lumapit kami at tinignan ang malaking butas, hindi kami makapaniwalang lahat.
Marami pang shifters na naroon, ang iba nag-mature na. May mga bata rin na yakap ang kanilang ina. Nakatingin silang lahat sa amin, ang iba umiiyak, ang iba sumisigaw sa tuwa. They were calling the Beast King at ng tumingin ako kay Lorkhan, sobrang saya ng kanyang mukha. Tinulungan naman silang makalabas at may isang babae na light blonde ang buhok at may kargang bata na medyo white ang buhok. Nakatitig siya sa polar bear tapos ay ngumiti.
"N-Nanuq…" nanginginig ang boses niyang sabi. Nag-whine ulit ang polar bear at niyakap niya ang mga ito. Pinahiran ko rin ang luhang dumaloy sa pisngi ko at napangiti na rin. Humarap ako kay Elva at niyakap siya ng mahigpit.
"Thank you, thank you at nandito ka." tuwa kong sabi sa kanya at hinagod niya ang likod ko. Iba na ngayon ang amot niya, he smells like Orson at pagtingin ko sa kanyang leeg, may marka siya doon. Isang bear na nakashow ang fangs, bear na katulad ng kay Orson. "Are you fully mated?" tanong ko sa kanya at tumawa siya. "Congrats!" nagpasalamat naman siya. Binati ko rin si Orson at niyakap din siya. Masaya siya para sa kanyang pinsan na natagpuan na ang kanyang mate at anak. I am happy for him too! Buti na lang dumating si Elva para tulungan kami. "Paano niyo nalaman na nandito kami?" tanong ko sa kanya.
"Pabalik na kami sa hotel pero tinawagan kami ng Papa ni Orson at sinabi ang nangyayari. Malapit din naman kami sa location niyo, kaya nandito kami para tumulong."
"Salamat talaga, kung hindi dahil sayo hindi namin nahanap ang iba pa."
"Beast Queen! Beast Queen! Beast Queen!" narinig kong sigaw rin ng mga naroon. Nagulat ako ng nilapitan ako ng mga shifters na niligtas namin at nagpasalamat. Kinumusta ko ang mga batang kasama nila at niyakap ko rin sila. Katabi ko si Lorkhan ng lumabas na kami at mas lalo akong nagulat ng mag-cheer lahat ng mga shifter na naroon. May mga shifters na lumapit sa kani-kanilang pamilya na natagpuan namin at parang isang malaking reunion ang naganap. Nakita ko si Nanuq kasama ang kanyang mate at anak kaya agad ko silang nilapitan. Nag-bow sila sa akin at ngumiti ako. Pinakilala sila ni Orson sa akin at ang pangalan ng babae ay Calissa at ang kanilang anak si Benno. Nakatitig ang bata sa akin, nag-squat ako sa harap niya.
"Your a brave boy Benno." sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya.
"T-Thank you B-Beast Queen…" mahina niyang sabi at nag-bow siya. Na-touch naman ako sa kanyang gesture at hinalikan siya sa pisngi. Bigla naman na nag-shift si Nanuq at umiwas ako ng tingin dahil nakahubad lang siya. Nagulat na lang ako ng may malaking braso na yumakap sa akin at bahagya pa akong binuhat. Narinig ko ang malakas niyang tawa at yakap na pala ako ng human form ni Nanuq. He's a handsome, mature man, silvery white white hair na layered at medyo mahaba. Sobrang laki ng kanyang katawan, mas matangkad pa siya ng konti kay Orson. Binaba niya ako tapos ay binuhat niya ang kanyang anak.
"Maraming salamat at hindi mo kami sinukuan Beast Queen." malalim ang boses niyang sabi at nag-bow siya sakin.
"Naku, Emlove na lang ang itawag mo sa akin. Hindi pa ako Beast Queen noh, ayoko namang pangunahan si Lorkhan."
"What's wrong with that?" sabi ni Lorkhan na nasa likod na pala at hinapit niya ako sa bewang. "You are going to anyway tsaka lahat na nandito ngayon ay kinikilala kang reyna ko, my Beast Queen." yumakap lang naman ako sa kanya at nahihiyang ngumiti. "By the way, isa siya sa mga sentinels ko."
"Really? Ang aangas naman ng mga sentinels mo Lorky. Pasensya na sa pagyakap ko sayo kanina ah, gusto ko lang talaga na makakita ng polar bear."
"Ayos lang Emlove, again, salamat sa pagliligtas mo sa aking pamilya. Hindi mo kami sinukuan."
"May mate ka na pala King Lorkhan, masaya ako para sayo." sabi ni Callisa. "Bagay kayo sa isa't-isa." natuwa naman ako sa sinabi niya at bahagya siyang nagulat ng hinawakan ko ang kamay niya.
"Pwede ba tayong maging friends?" sabi ko sa kanya. Tumawa siya tapos ay tumango. "Ang mabuti pa sumakay na kayo sa mga van na nandyan para ma-checkup kayo ni Dr. Holl. Samahan mo na lang sila Nanuq, kami na ang bahala rito." sabi ko sa kanila.
"Tama siya, sige na, alagaan mo na ang pamilya mo." nagpasalamat ito, nag-bow sila ulit at lumakad na. Habang hinahatid namin ang lahat sa sasakyan na nandoon para kunin ang mga nahuling shifters, lumitaw sina Sven at Kylo at pareho silang masaya. Bumalik na rin sina Jariah na dugo, dugo ang kanyang bunganga at napa-ewww ako. Mabilis siyang nag-shift at tinakpan ko ang mga mata ko.
"We handle the humans na nakatakas, wala ang mga magulang mo, but we discovered someone. Siya ang owner ng facility, and owner ng Miraculum Pharmaceutical." may narinig kaming galit at sigaw ng lalake. Mula sa kakahuyan, lumabas ang isang wolf na kagat ang likod ng damit ng isang lalake. Maraming talsik ng dugo ang katawan nito at damit. Namilog ang mga mata nito ng makita si Lorkhan at naging tense ang paligid sa nilalabas niyang aura.
"Mr. Rustin Aragon, what a surprise…" matigas na sabi ni Lorkhan habang matalim siyang nakatitig sa lalake. "I thought we were friends, we were business partners before."
"Lorkhan Fierce! A-anong ginagawa mo dito? Tinutulungan mo ba ang mga halimaw na toh ha?!" tumawa lahat ng mga shifters na naroon. Lumapit sa kanya si Jariah at malakas niya itong sinuntok sa sikmura. Binitawan naman ito ng wolf at lumayo ng konti.
"Halimaw?" pa-growl niyang sabi at matalim din akong nakatitig sa lalake na parang walang konsensya at hindi man lang humihingi ng tawad sa kanyang ginawa. Lumapit din si Lorkhan at hinigit ang kanyang kuwelyo, hinila niya ito pataas at umangat ito sa lupa. "Mas may masahol pa ba sa ginawa niyo sa mga kauri ko? Kung may halimaw man, ikaw yon at lahat ng mga humans na ginawang experiment ang mga shifters! Young shifters, Rustin at may mga bata pa! Tumutulong sa humans?!" binitawan niya ang lalake at napaubo naman ito. "Your doing this to make your own army na pwedeng higitan kami at ubusin ang lahi namin!"
"Kauri? Isa ka ring shifter?!!" di-makapaniwala nitong sabi. Nag-glow ang mga tribal tattoos ni Lorkhan at naging mabangis ang kanyang mukha.
"I am the Beast King and a severe punishment will come to you!" natakot ang mukha nito at hinawakan ang paa ni Lorkhan.
"S-Sandali! Sandali! Sumusunod lang ako sa utos!" nanginginig na nitong sabi. "Ang lolo ko, ang lolo ko ang may pakana nito Sa kanya lahat nanggagaling ang utos, ang pera! May kasabwat din siyang mga shifters!"
"Ang Vice President?" tanong ni Jariah at tumango ito. "Son of a b***h!"
"Take him, ikulong siya. We might need him sa mga plano ko. Clan Leader Rune…" tawag niya at nag-bow sa kanya ang pinakamalaking wolf. "Destroy this facility, check all the places baka may humans pa sa paligid. Get rid of them all!" nag-howl ito at kumilos na sila. Binalingan niya ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Is it over?" tanong ko at umiling siya.
"Not yet, bibisitahin natin ang nakakatanda kong kapatid…" sagot niya at napuno ng kaba ang aking kabuuan.