Subari's POV
Tahimik at dahan-dahan na lumapit sa gusali kung saan nakakulong ang kanilang panganay na anak, sina Laider at Subari Fierce. Nasa kakahuyan sila at maingat na nagmamatyag sa paligid kasama ang mga shifters na kanilang binayaran para tulungan sila. Ito lang naisip nilang paraan para pakawalan ang kanilang anak na kinulong ng Beast King ng dahil lang sa isang human. Hindi nila akalain na gagawin sa kanila ito ni Lorkhan, sarili niyang pamilya ginagawan niya ng masama. Pati silang mga magulang niya, tinakwil na niya at nakisali pa ang Sarina na yon! Sino ba siya sa akala niya, she's a disappointment dahil my mate siyang hybrid. Tama lang yon sa mga anak niya, ang maging research material ng mga tao. Nararapat lang yon sa kanya, lakas ng loob nilang palayasin kami. Kami ang magulang niya, kami ang nagpalaki sa kanila ang bumuhay sa kanila at ito ang gagawin nila sa amin?! Si Sabira na lang talaga ang pag-asa namin, siya ang nararapat sa Beast King at hindi isang human lamang na kinababaliwan ni Lorkhan! Kami lang dapat ang mamuno sa mga shifters at wala ng iba pa.
"Sigurado ka ba dito Laider?" tanong ni Subari sa kanyang asawa at matalim siya nitong tinignan.
"Gusto mo bang mailabas si Sabira o hindi? Abala ngayon ang ibang shifters sa facility kaya mga dungeon guards lang ang nandito. May kasama naman tayong rogues na galit sa Beast King kaya magiging okay ang lahat."
"Pero ang mga apo natin…" alala niyang sabi. Mahigpit siyang hinawakan sa braso ng kanyang asawa. Natigilan siya dahil napansin niyang namumula ang mga mata nito at nagiging mabangis ang kanyang mukha.
"Sino bang mas mahalaga sayo Subari? Ililigtas naman sila nila Lorkhan eh, nandoon na sila, abala sila doon. Kung hindi sila makaligtas, hindi na natin kasalanan yon. Now, do you want to save our daughter or not?"
"Syempre gusto ko…" takot niyang sabi. Binitawan siya nito at ngumiti.
"Yon naman pala eh, ang dami mo pang drama. Handa na ba ang lahat?" tanong niya sa mga kasama namin. "Tayo na!" at lumakad na kami palapit sa gusali. Naging alerto ang mga guards na naroon at nagfigthing stance sila, bared fangs and ready to fight. Susugurin na sana namin sila ng biglang sumulpot si Esben Bruin, kasama si Shakira Gairill ang Clan leader ng Heavy at Bouda Clan. Kasama rin nila ang ilan nilang tauhan. Pero anong ginagawa nila rito? Akala ko ba abala ang mag shifters sa main facility? Kaya nga iniwan namin ang mga humans na naroon.
"Hindi ako makapaniwala, kayo nga ang dumukot sa mga apo niyo at binigay sa mga humans." nakangising sabi ni Shakira na kinaiinisan ko. Mas higit kasi siyang tinuturing na ina nila Sarina at Lorkhan pati na rin ang asawa ni Esben na isang hybrid. Nabalitaan ko rin na isang human ang mate ng kanilang panganay na si Orson. Nakakaawa naman…
"Ano bang sinasabi mo Shakira? Nandito kami para ilabas si Sabira kaya tumabi ka!" galit na sabi ni Laider.
"Alam mong kinulong siya ng Beast King dahil sa pagkakamali niya Laider kaya hindi mo yan pwedeng gawin."
"Ama ako ng Beast King at Clan Leader ka lang Esben. Tabi!" nakatingin lang naman ako sa kanila at hindi nagsalita. Gusto ko talagang makalabas na si Sabira, ayoko siyang nahihirapan. Pero nandito sina Esben at Shakira kaya imposibleng mangyari yon. Loyal sila kay Lorkhan at malakas sila, hindi sila kakayanin ng mga rogues na kasama namin.
"Ako na ang kakausap sa mga magulang ko Clan Leader Esben, Clan Leader Shakira…" mas nagulat kami ng makita si Lorkhan na palapit. May kahawak kamay siyang babae, isang babae na may pink na buhok at mga mata at ang pinakama
mangha sa lahat ay ang kanyang pure red na malaking pakpak sa kanyang likod.
"Lor-Lorkhan anak…" sambit ko at nilapitan siya tapos ay tumingin sa babae na medyo nagtago sa kanyang likod. Narinig ko ang malakas na pagtawa ng aking asawa at napalingon ako sa kanya.
"Isang Aves?! Isang pathetic at mahinang Aves ang mate mo?! Nakakaawa ka, kayo ni Sarina!"
"Uy sobra ka na ha!" matapang na sabi ng babae. "Nakakaawa sila dahil kayo ang magulang nila! Pwede ba, wala ka nga sa kalingkingan ng Lorky ko eh! Hampasin pa kita ng pakpak ko!" napakurap naman ako. Akma niyang susugurin si Laider pero pinigilan siya ni Jariah at tinakpan ang bibig nito.
"Masyado kang makulit Pinky." natatawang sabi nito. Kumawala naman ang babae at pinandilatan si Jariah.
"Ewww Jaja, nandyan si Seven, tumutusok yang ano mo, nakahubad ka pa."
"Tsk! Ang sabihin mo mas malaki ako kaysa sa Lorky mo."
"Excuse me?! May dinosaur c*ck ang Lorky ko noh! Pwede ba, walang sinabi yong ano mo sa kanya." natawa ang lahat ng nandoon at nakita ko naman ang pagpipigil na tawa ni Lorkhan.
"Baby, your embarrassing me." sabi ni Lorkhan sa kanya at napanguso ang babae.
"Sorry Lorky, si Jaja kasi eh!" napamura lang si Jariah at lumapit sa isang lalake na pink din ang buhok at mga mata. Sino ba sila? Ano ba sila? Mga Aves ba talaga sila?
"Ganyan ba ang ipapakilala mo sa lahat na mate mo?!" galit na sabi ng aking asawa. Lumakad ako pabalik sa kanya at hinawakan ko ang kanyang braso.
"Wala na tayong magagawa Laider, hindi natin mailalabas si Sabira." pinalis niya ang aking kamay at malakas niya akong itinulak.
"Tumahimik ka nga! Naiirita na ako sayo eh!" galit niya ring sabi sa akin at pulang-pula na talaga ang kanyang mga mata. Tumingin ako sa mga kasama namin na rogues na nakangisi habang nakatingin sila sa aking asawa.
"Laider, ikaw ang tumigil! Anong nangyayari sayo? Nagiging rogue ka na ba ha?!" malakas siyang nag-growl at akama akong aatakihin pero humarang si Lorkhan at hinawakan niya ang ama nito sa leeg.
"Your turning into one of them Laider Fierce. Siguro kabayaran toh ng mga kasamaan na ginawa mo. Ikaw ang nagpahamak sa lahat ng mga young shifters. You lure them, making them think to become one of my sentinels, pero ibibigay mo lang pala sila sa mga humans. Walang sinabi ang mga young shifters sa akin dahil takot sila sayo, dahil ama kita at sigurado silang hindi sila paniniwalaan." hindi naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi at bumilog ang mga mata ng aking asawa. "You think I wouldn't know? Nakilala ka ng mate ni Orson, and besides, nandito din ang partner mo." pagkasabi non, narinig ko ang isang sumisigaw na lalake. Hawak siya ni Orson, si Rustin Aragon ang owner ng Miraculum Pharmaceutical.
"Hindi ko kilala ang lalakeng yan!" garalgal na sabi ni Laider at tumingin siya sakin. "Wala ka na ba talagang respeto sa magulang mo Beast King!"
"Nawala ang respeto ko sa inyo ng ipahamak mo ang sarili niyong apo!" tumingin sa akin si Lorkhan at kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. "Hindi ko maintindihan Ma, bakit?" tanong niya sakin. "Para ilabas si Sabira? Para matupad lahat ng pangarap niyo para samin? Nagkulang ba ko? Binigay ko naman lahat ng gusto niyo?!" hindi ako makasagot dahil wala akong masabi.
Gusto lang naman namin ang best sa kanila, si Sarina napunta sa isang hybrid tapos ang kaisa-isa naming anak na lalake, na isang Beast King ay may kinalolokohang weird na babae! Tama ba yon! Mas masaya pag silang dalawa ni Sabira ang magkatuluyan, sila ang para sa isa't-isa! Kumuyom ang aking mga palad, hindi na ko nag-atubili pa at sinugod ang babae niya! Nakalmot ko ang kanyang braso na kanyang hinarang at bago ko pa siya masaktan ulit, napigilan ako ni Aquila, galit ang kanyang mukha, kumislap ang kanyang mga mata. Isang malakas na roar ang pinakawalan ni Lorkhan, umatras ang mga rogues naming kasama. Hinawakan niya sa noo ang aking asawa, lumiwanag ang kanyang palad at nagsisisigaw si Laider! Namilog ang aking mga mata sa kanyang ginagawa hanggang sa nawalan ng malay ang aking asawa na kanyang binitawan. Sunod niya akong nilapitan, mahigpit ang hawak sa akin ni Aquila para hindi ako makatakas.
"Please Lorkhan… maawa ka…" naiiyak at nakikiusap kong sabi. "Huwag anak… ayokong maging tao… huwag! Please!" wala siyang sinabi ay dinampi ang kanyang palad sa aking noo. Naramdaman ko ang sakit sa aking kalooban kasabay ng pagkatulog ng aking beast na hindi na magigising pa hangga't hindi sinasabi ng Beast King. Tulog siya, mawawala lahat ang aking kapangyarihan as a shifter at magmimistula na lang na isang human. Hindi! Hindi! Paano mo nagawa sa amin toh! Gaganti ako! Pagbabayaran mo to Lorkhan Fierce!
Emlove's POV
Mabilis ngayon na nagda-drive si Orson papunta sa ospital habang alalang-alala naman sa akin si Elva, sumali si Sven at pati na rin si Lorkhan. Nakadiin ang isang tela sa aking malalim na sugat na natamo ko sa pagkalmot sa akin ng ina ni Lorkhan. At hayan, sinisisi na naman ni Lorky ang sarili niya dahil sa nangyari. Lagi niya na lang ginagawa yan eh wala naman siyang kasalanan. Hindi naman expected na bigla niya akong susugurin, ang kalmado kaya nito tapos sa isang mabilis niyang kilos, inatake niya ko. Buti na lang naiharang ko ang braso ko at napigilan pa siya ni Aquila.
Pero tong mga kaibigan ko kung maka-alala wagas! Sinamahan pa ng mate ko na hingi ng hingi ng tawad.
"Guys, I am not dying…" sabi ko sa kanila at pinaningkitan ako ng mga mata ni Seven tapos ay binatukan ako. "Aray naman! Injured ako oh!"
"At sabi mo hindi ka mamamatay. Do you know how it felt ng sugurin ka ng lion shifter na yon?! You almost gave me a heart attack! At bakit ka nasugatan?" inis na sabi ni Sven.
"Well, it seems na nasusugatan tayo ng claws ng mga shifters. We are bulletproof, we are tank proof but we are not shifter proof. Dahil siguro pareho tayo na paranormal entity." sagot ko sa kanya.
"Ganon? Then we should stay away from them!" napa-growl sina Lorkhan at Jariah at napa-giggle naman ako. "Sorry, mate pala namin kayo. Pero bakit tumatawa ka pa dyan? Hindi ba masakit?"
"Masakit syempre! Ikaw kaya makalmot ng malalaking claws na yon! But I tend to stay calm, pag lumalabas na ang intestines ko doon ako magpapanic." binatukan niya ulit ako at napanguso lang ako. "Gagaling din naman toh bukas eh!"
"Kahit na, mas mabuting magamot at ma-disinfect siya." sabi naman ni Elva. Tumango lang naman ako at hinayaan sila na mag-alala sa akin. Mabilis kaming punasok sa ospital at agad din akong ginamot ng isang nurse ang sugat ko. Gusto ko ngang batukan kasi nagpapacute siya kay Lorkhan. Sarap bangasin ng flirty niyang mukha! At dahil nandito na rin naman kami sa ospital, dinalaw namin ang mga shifters na niligtas namin. Nandoon din si Nanuq, ang kanyang asawa at anak. Ang sabi ng doctor okay naman silang lahat may konting galos at sugat lang.
Karga ko si Benno at masaya akong nakikipagkwentuhan sa kanya ng biglang may yumakap sa mga binti ko. Tumingin ako sa ibaba at nakita si Zira na nakayakap sa akin. Tinapik ko naman ang ulo niya at ng tumingin siya sa akin, naluluha na ang kanyang mga mata. Bigla naman akong kinabahan at lumuhod sa harap niya pero nakayakap sa akin si Benno.
"Oh baby girl, anong problema? Nasaan ang Mama at Papa mo? May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya.
"Emmy, hindi mo na ba ko gusto?" nanginginig ang boses niyang sabi at nagtaka naman ako.
"Ha? Syempre gusto kita baby girl." sabi ko at hinawakan ko ang kanyang kamay. "Bakit mo naman tinatanong yan? Love kita Zira…"
"Iba na kasi ang yakap mo eh…" nagtatampo niyang sabi sabay simangot niya kay Benno. Napatawa naman ako at niyakap rin siya.
"Kasi baby girl, kailangan niya ng TLC. Matagal kasi siyang nakulong sa facility kaya inaalagaan ko siya. Ayaw mo ba siyang maging friend? Para naman may kalaro siya."
"Sorry po ah… Ano pong name niya? Gusto ko siyang maging friend." humarap si Benno sa kanya, nagpababa siya sa hawak ko at nagpakilala sila sa isa't-isa. Natuwa naman ako doon. Everything was fine, nagamot na ang sugat ko, okay ang mga shifters hanggang sa muntik na akong matumba sa sahig kong hindi lang ako nahawakan ni Nanuq. Para kasing may pwersang tumulak sa akin ng malakas. Nahihilo ako, feel ko na parang may humahatak sa akin tapos may malakas na boses akong naririnig na hindi ko maintindihan. Anong nangyayari? May nag-wish na naman ba? Pero si Zira lang ang pinagbigyan ko non at effective lang siya one time! Narinig ko ang malakas na sigaw ni Nanuq sa pangalan ni Lorkhan.
"Oh my god Emlove!" rinig ko kay Seven na mabilis na lumapit sa akin. "Your turning transparent!" takot niyang sabi. Tinaas ko naman ang aking mga kamay at nagiging transparent nga ako, nagiging invisible… Napuno ng takot ang aking kabuuuan! Babalik na ba ko sa veil?! Tumingin ako kay Seven pero may physical form pa rin siya. Unti-unti akong nagiging invisible at panic akong tumingin sa kanya.
"Seven…" naiiyak kong sambit. "I want to stay…" hinawakan niya ang kamay ko at napasinghap ako dahil nahahawakan pa niya ito. Nakarinig kami ng roar at nakita kong mabilis na palapit si Lorkhan. "Lorky… Lorky please help me…" umiiyak kong sabi. Nag-iiyakan na rin ang mga bata na naroon na tinatawag ang pangalan ko.
"No! No! I won't let it!" bigla niya akong kinuha at binuhat. "Call Esmerelda, pupunta tayo sa mansion, ngayon na!" mariin niyang utos kay Jariah. Mabilis kaming umalis sa ospital, sumakay kami sa isa sa mga sasakyan na naroon at pinaharurot ito ni Orson. Hinawakan ni Lorkhan ang aking mukha at hinalikan niya ang aking noo. "Your going to be okay baby, hindi ko papayagan na mawala ka sakin. Dito ka lang, dito ka lang…" naiiyak niya ring sabi. Niyakap ko siya ng mahigpit, hindi ko na napigilan na humagulgol. Ang sakit, sakit ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Feel ko na para bang may napupunit, may napipigtas sa loob ko habang patuloy akong nagiging invisible.
"I'm sorry… I'm sorry…" sambit ko at yumakap lang sa kanya. I smelled his comforting scent, I hold him tight with every ounce of my cupid life while wishing to my father to not take me away from the only man that I love!