Chapter 1

2207 Words
Alliah Ilang cup na yata ng kape ang nainom ko dahil sa sobrang stress at pag-iisip. Hindi ako makapaniwalang pinalayas ako ng tatlo kong nakatatandang kapatid na lalake na sila Kuya Miles, Kuya Luca at Kuya Silas sa bahay namin. Kahit anong explanation ang sabihin ko na hindi ko boyfriend ang baliw at siraulong si Murphy na certified stalker ko since birth ay ayaw nilang maniwala sa akin. Ang magaling na nerd ay nagbigay lang naman ng ebidensya sa mga kuya ko na 'boyfriend' kuno ko raw siya. At ang ebidensya ay ang chats namin sa isa't-isa na alam kong hindi naman ako ang nagtype no'n! Hinack ni Murphy ang f*******: account ko at gumawa siya ng imaginary girlfriend sa pamamagitan ng paggamit niya sa account ko na kunwari ay kachat niya. Dumagdag pa ang hinala nila kuya ng makita nilang hinalikan ako ni Murphy sa labas ng bahay namin. Ayoko na lang alalahanin ang bugbog saradong katawan ng obsessed nerd na iyon ng dahil sa ginawa sa kanya ng mga kapatid ko. At ngayon nga ay pinalayas nila ako sa bahay dahil sa galit nila sa akin at hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Mabuti na lang at Summer months at wala pa akong pasok bilang incoming 1st year college student, kundi ay baka tuluyan na akong mabaliw sa kakaisip kung saan makakahanap ng matutuluyan at mas malaking pera. Sapat lang ang kinikita ko bilang waitress sa isang restaurant na malapit sa pinapasukan kong school. Namomroblema ako dahil 2,000 pesos na lang ang laman ng wallet ko at two weeks pa bago ako sumweldo ulit. Kulang ang 2,000 sa balak kong pagrenta ng isang boarding o apartment at mauubos na ang remaining 1,000 pesos na gagamitin ko sa pag-stay sa isang hotel para may matuluyan ako. Paano nagagawa nila kuya na tiisin ako nang ganito? Bakit nila ako pinalayas at pinabayaan gayong ako ang bunso nilang kapatid at alam ko kung gaano nila ako kamahal? Bakit mas naniniwala sila sa kasinungalingan ni Murphy kaysa sa akin na sarili nilang kapatid? Bumuntong-hininga ako at itinigil muna ang paghahanap ng malilipatan sa internet na magkakahalaga lang ng 2,000; nagbabakasakali na may murang marentahan. Napahawi na lang ako sa buhok at hinilot ang sintido ko. Nakakastress! "Are you okay, miss?" Napatingin ako sa lalakeng bigla na lang tumabi sa akin at halata ang pag-aalala sa mukha niya. Pinigilan kong huwag suminghap nang makita siya. Sa totoo lang ay gwapo siya, may blonde na buhok at blue eyes din. Alam ko na kaagad na may lahing banyaga ang lalakeng ito. "A-ayos lang ako," sagot ko at hindi ko na naman mapigilan ang pagbuntong-hininga. Ngumiti ang lalake. "Would you mind sharing your problems? Maybe I can help?" Kumunot ang noo ko at pinagmasdan ng mabuti ang lalake. Never ko pa siyang nakita at hindi rin kami magkakilala kaya bakit bigla na lang siyang lumapit sa akin at inaalok ako ng tulong? Lumipat ang tingin niya sa cellphone kong nakalagay sa lamesa at nakita niya ang room for rent na tinitignan ko sa f*******: marketplace. "Are you looking for a room to rent?" tanong niya at tumingin ulit sa akin. Tumango ako. "Pinalayas kasi ako ng biglaan at naghahanap ako ng pwedeng matuluyan pero kulang ang pera ko pangrenta. 2,000 pesos lang ang budget ko sa ngayon." Sumandal ang lalake sa upuan at pinagkrus ang kaniyang mga kamay. May maganda siyang pangangatawan at well toned muscles sa kaniyang mga braso. Panigurado na nag-gygym ito. "Well, meron akong pinapaupahang apartment at may anim na kwarto 'yon. My male friends have already occupied four of the six rooms at sa akin ang isa, but one remains unoccupied. You can get it for 2,000 pesos because I want to help you." Sa sinabi niya ay tila nabuhayan ako pero may agam-agam pa rin kung magtitiwala ba ako sa kanya o hindi. Kakakilala pa lang namin at kahit gwapo siya ay malay ko ba kung masama siyang tao, kidnapper o hindi kaya'y drug dealer? Ika nga ng iba ay looks can be deceiving. Mukhang nabasa yata ng lalake ang naiisip ko kaya bigla siyang natawa. "Kung iniisip mong masamang tao ako, then dismissed it. I just want to help you because you caught my attention here in this cafe shop." Nakuha ko raw ang atensyon niya? Kung sa bagay ay kaya nga patay na patay sa akin si Murphy ay dahil nalahian ako ng magandang lahi ng namatay kong mga magulang. Marami din ang nagsasabi na magmodel o mag-artista na lang daw ako dahil maganda ako pero wala akong interes sa ganoon dahil mas priority ko ang academics ko sa school. Honor student at scholar ako kaya kailangan kong i-maintain iyon hanggang sa makagraduate ako ng college. Pinag-isipan ko ang offer ng lalake hanggang sa pumayag na ako kalaunan. Kung hindi ko ito tatanggapin ay wala na akong matutuluyan sa mga susunod pang gabi dahil isang araw na lang ang kaya ng budget ko sa pagrent ng hotel. "Sige, tatanggapin ko na ang alok mo. Sabi mo ay nakatira din sa apartment mo ang mga kaibigan mo, lahat ba talaga sila ay mga lalake?" tanong ko. "Yeah. They're all guys, but don't worry, they're all nice. Ako naman ang may-ari ng apartment at ang masusunod kung papatuluyin kita doon." Ngumiti ako at tumango. Walang problema kung lalake man ang makakasama ko sa apartment niya. Sanay na akong lalake ang nakakasalamuha ko sa iisang bubong dahil ang mga kapatid ko ay puro lalake. "By the way, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. What's your name, miss?" tanong ng lalake. "Ako si Alliah. Nickname ko lang 'yan dahil mahaba ang pangalan ko. Ikaw ba?" tanong ko. "My name is Iall Nicholas, but you can call me Iall; it's a pleasure to meet you, Alliah." sagot niya at nakipag-kamay sa akin. Nakipag-kamay din ako kay Iall at pagkatapos ay pinag-usapan namin ang pagpapatuloy nito sa akin sa apartment niya. Ang apartment ay bigay ng parents niya. Nalaman ko na half Irish siya pero sa Pilipinas na pinanganak at lumaki. May kaya ang pamilya nila at isang Seaman ang Dad niyang pilipino samantalang Professor sa isang sikat na university sa Maynila ang Mom niya. Graduate siya sa kursong Civil Engineer pero ngayon ay nasa banda siya kasama ang apat niyang mga kaibigan at kapag weekdays ay may gig sila tuwing gabi. Ginawa niya iyong full-time na trabaho at mas nag-eenjoy raw siyang kumanta at tumugtog sa banda nila. Mabait si Iall at palangiti din. Kaagad ko siyang nakapalagayan ng loob at nagtiwala na rin ako na hindi siya masamang tao. "So, nagtatrabaho ka pala sa isang restaurant bilang waitress. How's your work there?" tanong niya habang umiinom ng kape na inorder nito para sa aming dalawa. "Ayos lang naman. Susweldo na ako sa katapusan kaya mababayaran ko rin ng buo ang upa ko sa apartment mo." sabi ko. "Don't worry about your rent. Kahit nga hindi ka na magbayad basta't may tagaluto lang kami sa apartment. We're just too busy with our gigs every night at nakakasawa rin kung puro take out food lang ang kinakain namin." saad ni Iall at tinitigan ako. Umiling ako. "Magbabayad ako ng renta at ipagluluto ko din kayo. Ayos na?" Ngumiti siya. "Okay, if you said so." Pagkatapos naming mag-usap ay sinabi niyang ihahatid ako sa hotel na tinutuluyan ko para kunin doon ang mga gamit ko. Malapit lang naman iyon sa cafe shop kung nasaan kami kaya nilakad na lang namin. Nag-check-out na ako sa hotel dala ang iilang mga gamit ko. May dalang kotse si Iall at ihahatid niya ako sa apartment niyang tutuluyan ko. Habang nasa biyahe kami ay tinignan ko si Iall habang nagmamaneho siya. Nalaman kong 25 years old na siya at ang mga kaibigan niya ay nasa 24-27 na ang edad. May mas bata pa pala sa kanya pero ako pa rin ang pinakabata. Gwapo siya, hot, at matangkad at natitiyak ko na may girlfriend na ito dahil imposible namang walang babae ang magkakainteres sa kanya. Mahigit 30 minutes nang makarating kami sa apartment niya. Nasa loob lang ang mga kaibigan niya at wala silang gig ngayon dahil weekends at rest day nila. Malaki ang apartment ni Iall na two-storey. Nasa pangalawang palapag raw ang magiging kwarto ko at malinis na din dahil sa tuwing wala silang gig ay nililinisan niya iyon kahit walang umuukopa. May sakit raw kasi siyang Obssesive Compulsive Disorder o OCD at hindi siya matatahimik kapag hindi malinis o well-organized ang paligid niya. Naalala ko tuloy sa kanya ang panganay kong kapatid na si Kuya Miles na clean concious. "You seem so nervous, are you okay?" tanong ni Iall dahil napansin niyang kinakabahan ako nang nasa tapat na kami ng pintuan ng apartment niya. "S-sigurado ka bang hindi magagalit ang mga kaibigan mo dahil may papatuluyin kang babae sa apartment mo?" nag-aalala kong tanong. Natawa siya at umiling. "No. As I said, mababait sila. Kapag nagalit sila sa'yo dahil papatuluyin kita dito ay sila ang palalayasin ko. Don't think too much, let's go inside," Wala na akong nagawa ng hinila ako ni Iall papasok sa loob ng apartment. Siya na rin ang nagdala ng backpack at cloth bag na naglalaman ng mga gamit ko. Pagpasok namin ay kaagad kong namataan sa sala ang dalawang lalake na nag-uusap habang nanonood ng isang basketball game sa TV. Katulad ni Iall ay gwapo rin ang dalawang lalake at matatangkad. Ang isang lalake ay matured tignan na may mga tattoo sa braso samantalang ang isa naman ay may kahabaan ang kulot na buhok, may mga tattoo rin sa braso at mas batang tignan kumpara sa isang lalake. "Mga bro!" Pagtawag ni Iall sa dalawang lalake at nilagay sa sofa ang mga gamit ko. Awtomatikong napalingon sa amin ang dalawang lalake at halata ang pagkabigla nila nang makita ako. Tumayo sila sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa amin. "Woah, teka... sino 'tong magandang chick na kasama mo, Iall? Girlfriend mo?" nakangising tanong ng matured looking na lalake at hinagod ako ng tingin. Nailang ako sa ginawa niya ngunit itinikom ko na lang ang bibig ko. "Nah, she's Alliah. New boardmates natin. Siya ang ookupa sa bakanteng kwarto sa taas. She needs a place to stay, so I invited her to stay with us." nakangiting sagot ni Iall. Tumango-tango ang lalake at nakipag-kamay sa akin. "I'm Kyron, Alliah. Masaya ako at nakilala kita," "Salamat, Kyron." sabi ko at ngumiti na lang. Tumingin naman ako sa lalakeng katabi ni Kyron at nahuli kong nakatitig ito sa akin. Ngumiti lang siya nang mapansin ako at nakipag-kamay rin. "I'm Riosh." pagpapakilala niya. "Nice to meet you, Riosh." sabi ko at tinanggap ang kamay niya. Kung gwapo sina Iall at Kyron ay mas gwapo at attractive itong si Riosh. Kapansin-pansin ang kulay berde niyang mga mata at mahabang kulot na buhok. Mukha rin itong may lahing banyaga katulad ni Iall. Nagulat na lang ako nang biglang tanggalin ni Iall ang pagkakahawak ni Riosh sa kamay ko. "Tama na 'yan dahil tsansing ka na, Riosh." seryoso niyang ani. Napakamot sa batok si Riosh at pabirong umirap. "Sinisira mo 'yong diskarte ko, alam mo ba 'yon, Nicholas?" "I'm sorry for ruining that, but not Alliah, please," Nagkibit-balikat si Iall na ikinatawa naman ni Kyron. "Nasaan na nga pala sina Sergio at Froi?" "Bumili lang si Sergio ng makakain sa labas. Si Froi naman ay kakaalis lang at baka dadalawin ulit sa kulungan ang Nanay at Tatay niya." sabi ni Kyron. Hindi na nagsalita si Iall at tumango na lang. Sinamahan na nila akong tatlo sa kwartong tutuluyan ko at katabi ko ng kwarto iyong sina Sergio at Froi na hindi ko pa nakikilala. Sakto lang para sa akin ang magiging kwarto ko. Malinis at mabango sa loob. May kama, round table, bintana, electric fan, at may aircon pa kung gusto kong gamitin. Nasa baba naman ang cr at bathroom nila. "Ayos na ba sa'yo 'tong magiging kwarto mo, Alliah? May kailangan pa ba akong bilhin o ayusin para maging komportable ka sa pagtuloy mo dito?" tanong ni Iall. "Hindi na. Ayos na ayos na 'tong magiging kwarto ko. Salamat nga pala sa pagpapatuloy mo sa akin dito, Iall. Babayaran na kita ng-" "No need, Alliah. Tsaka mo na ako bayaran kapag susweldo ka na but it's fine if you don't want to pay me, okay?" sabi niya at inakbayan ako. Umiling ako. "Babayaran talaga kita. Wala ng libre sa mundo kaya dapat lang na magbayad ako ng renta sa apartment mo." Pag-aapila ko. Tumawa si Riosh at sumandal sa pader at saka humalukipkip. "Ikaw lang yata ang taong ayaw ng libre. You're interesting..." sabi niya at tinignan ako ng mariin. "May hiya kasi siya, hindi katulad mo na nagpapalibre kahit marami ka namang pera!" pang-aasar ni Kyron kaya sumama ang tingin ni Riosh dito. "You're kj, oldie!" Napailing na lang si Iall sa mga kaibigan niya at muling humarap sa akin. "Sure, if that's what you want, and we'll make sure you enjoy your stay in my apartment." Ngumiti ako. "Salamat." At ang araw na ito ay ang araw rin na mag-uumpisang mabago ang buhay ko kasama si Iall at ang apat niyang mga kaibigan sa apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD