Alliah
Hindi katulad ng mga kaibigan ni Iall ay tahimik at hindi palangiti itong si Sergio. Nang sinabi ni Iall na makakasama nila ako sa apartment ay mukhang ayos lang iyon sa kanya. Hindi siya nagkaroon ng second doubt sa akin dahil ako lang ang nag-iisang babae sa apartment.
Sa magkakaibigan naman ay masasabi kong sina Sergio at Riosh ang pinaka-attractive sa kanila. Hindi ko pa nakikilala iyong si Froi pero sasabihin ko ng eye-catcher ang dalawang 'to.
Gwapo si Sergio at nakakaintimidate ang itsura na parang may mysterious at dark aura ang nakapalibot rito. Bagay rin sa kanya ang facial hair niya dahil may strong features siya na pang Arabian o Pakistani look. May mga tattoo rin siya sa braso at ibang parte ng katawan katulad nina Riosh at Kyron.
Si Riosh naman ay may magaang aura at mahilig ngumiti. Very charming guy at bagay ang mahaba at kulot niyang buhok sa european features niya. Kung pagbabasehan siguro sa kanilang banda ay tiyak kong siya ang may pinakamaraming fangirls.
Nagpapasalamat ako na mabait sa akin ang mga kaibigan ni Iall at sana'y mabait rin iyong isa nilang kaibigan na si Froi.
Nagsalo kaming lima sa biniling pagkain ni Sergio sa isang restaurant. Nangako na pala akong magluluto ng kakainin namin bukas ng linggo.
Masaya sila sa sinabi ko dahil ngayon lang raw ulit sila makakatikim ng home cook foods. Sa kanilang limang magkakaibigan ay si Sergio raw ang magaling magluto ngunit wala na itong panahon para makapagluto dahil sa hectic schedule ng kanilang gigs.
"Anong oras ka pala pumapasok sa trabaho mo, Alliah?" tanong ni Kyron habang kumakain kami.
"8:00 am pero mga 6 pa lang ay nagigising na ako para maghanda sa pagpasok," sagot ko habang nilalantakan ang pancit palabok.
"Sakto! Ihahatid ka na lang namin sa pinapasukan mo dahil 8:00 am ang rehearsal namin sa studio. Para makatipid ka rin sa pamasahe." nakangiti niyang sabi.
"Kyron is correct; it is still risky for a girl like you to commute alone in the early morning. Maraming kidnappers sa paligid mapa-umaga man o gabi. You're also stunning and attractive, and I'm sure many bad guys will be interested in you." ani Iall.
"Sige. Salamat sa alok n'yo," nakangiti kong sabi.
Ngumiti rin sila bukod kay Sergio na nakatingin lang sa akin. Dahil nakakaintimidate ang mga tingin nito ay ako na ang unang nagbawi ng tingin sa aming dalawa.
"Ahm... hindi naman sa nangingialam ako, Alliah pero ano bang dahilan kung bakit napalayas ka sa bahay ninyo?" Concern na tanong ni Iall.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan kaya walang masama kung sabihin ko sa kanila ang puno't-dulo kung bakit ako pinalayas ng mga kapatid kong lalake sa bahay namin.
Tahimik lang sila habang nagkukwento ako ng mga nangyari sa akin at pagkatapos kong magkwento ay napailang sila na tila nadismaya sa ginawang pagpapalayas sa akin ng mga kapatid ko.
"Anong klaseng mga kapatid sila? Mas pinaniwalaan pa nila ang kasinungalingan ng childhood stalker mo?" hindi makapaniwalang sabi ni Kyron.
"And they didn't think na baka mapahamak ka sa ginawa nilang pagpapalayas sa'yo. Mabuti na lang pala at nakilala mo si Iall." sabi naman ni Riosh na sinuklay ang mahaba at kulot niyang buhok.
Nalungkot ako dahil mas concern pa sa akin ang mga lalakeng ito na kakakilala ko lang kaysa sa mga kapatid kong simula pagkabata pa lang namin ay kilala at kasama ko na.
"The overprotective thing they want from you went too far, Alliah; if I had a little sister, I wouldn't kick her out of our house for such a trivial reason." malungkot na sabi ni Iall at hinaplos ang balikat ko.
Suminghap ako para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nang mapatingin ako kay Sergio ay nakita ko ang awa sa mga mata niya. Hindi man siya palasalita at expressive ng kaniyang nararamdaman ay ramdam ko na concern din siya sa akin.
"Kilala ko naman ang mga kapatid ko. Mali lang talaga sila ng inaakala at alam kong magkakaayos din kami." mahina kong sabi at napayuko na lang.
Biglang hinawakan ni Riosh ang kamay ko na nagpahinto sa akin. Tumingin ako sa kanya at nakangiti siya.
"Don't worry about them for now; Alliah, we're here for you. Kami muna ang magiging big brother mo dito sa apartment." sabi niya.
Tumango ako at ngumiti. Hindi ko sure kung napansin ba niya ang pamumula ng mukha ko pero kasi... ang gwapo-gwapo ni Riosh lalo na kapag ngumingiti!
"May pagkain ba diyan? Nagugutom na ako. Nakakabadtrip sina Nanay at Tatay dahil sinaid na naman nila ang pera ko. Tsk!"
Bigla kong binawi ang kamay kong hawak ni Riosh nang makita ang isang gwapo at matangkad na lalakeng naglalakad papalapit sa amin.
Katulad ni Sergio ay matapang rin ang mukha nito at may malaking pangangatawan. May mga tattoo sa braso at naka comb-over ang buhok.
"Froi! Nandito ka na pala," sabi ni Iall at sinalubong ang lalake.
Siya pala iyong Froi na tinutukoy nila.
Ngumiti si Froi at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Kyron. Tumingin siya sa lamesa para tignan ang mga pagkain na nakahanda at nang mapansin niya ako ay umawang ang bibig niya at kumunot ang noo.
"Sino 'to?" tanong niya kay Iall at itinuro ako.
"Ah, siya si Alliah. Ang bagong boardmates natin dito sa apartment. She has nowhere to stay, so I offer her the one available room upstairs na katabi ng room mo." sabi ni Iall at ngumiti sa akin.
Biglang natawa si Froi at tinitigan pa ako ng ilang segundo bago muling nagsalita. "Seryoso ka ba, Iall? Magpapatira ka ng babae dito sa apartment mo?" sarkastiko niyang sabi.
Ang mga kaibigan niya ay nagulat sa reaksyon niya. Ako naman ay nahiya at nalungkot dahil mukhang ayaw niya akong makasama sa apartment ni Iall.
Halatang hindi nagustuhan ni Iall ang sinabi ni Froi dahil sumama ang tingin niya sa kaibigan. "What's the matter kung patirahin ko si Alliah sa apartment ko? Nagmamagandang loob lang ako sa kanya dahil kailangan niya ng matutuluyan."
"Babae pa rin 'yan, Iall at mga lalake tayo. Hindi mo ba naisip na hindi magandang tignan na may babae tayong kasama?" ngumisi ulit si Froi pero may bahid na iyon ng pagkainis.
Ano bang problema niya sa akin? Mukha ba akong masamang tao at magiging pabigat sa kanila kaya ayaw niya akong makasama dito sa apartment ni Iall?
Sanay naman akong lalake ang mga kasama ko sa iisang bubong at hindi ko papakialaman ang boys thing nila. Dahil sa mga kapatid ko ay alam ko na ang utak ng mga lalake. Pati kilos at ginagawa nila minsan ay alam ko na rin. 18 years old na kaya ako at matured mag-isip!
"Doesn't it matter, Froi? Ano bang pakialam natin sa iisipin ng ibang tao kung wala naman tayong gagawing masama kay Alliah? She's only 18, and we're not jerks to take advantage of her youth. She just needs a place to stay right now, so please be considerate! " madiing sabi ni Kyron na nagpatahimik kay Froi.
"Kyron is right, Froi." Pag-imik ng kanina pang walang kibo na si Sergio.
Hindi na nagsalita si Froi at tahimik na lang na kumuha ng pagkain sa lamesa. Nang tumingin siya sa akin ay tinaasan niya ako ng kilay. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya at binilisan na ang pagkain ko.
Nang matapos akong kumain ay kaagad kong kinuha ang pinagkainan ko at dumiretso na sa kusina. Naramdaman ko namang sinundan ako ng tatlo maliban kay Sergio.
"Alliah, pasensya ka na kay Froi. Gano'n kasi talaga siya sa mga hindi pa niya masyadong kilala pero mabait naman 'yon." sabi ni Iall na kinuha ang pinagkainan ko at siya na ang naglagay sa sink.
"N-naiintindihan ko, Iall. Huwag kang mag-alala." sabi ko at ngumiti ng pilit.
"Froi grew up in a dysfunctional family. Nakakulong pareho ang mga magulang niya sa bilibid dahil involved sa drugs at illegal firearms. Iyong mga kapatid naman niya ay may mga asawa't-anak na kaya siya na lang ang inaasahan sa pamilya nila. He's also been abused since he was a child, which is why he's hesitant to trust anyone." sabi ni Kyron at bumuntong-hininga pagkatapos.
Sa sinabi nila ay nakaramdam ako ng awa para kay Froi. Hindi ko maimagine ang mangyayari sa akin kung ako ang dumanas ng ganoon. Lumaki ako na kahit walang mga magulang ay naka-alalay sa akin ang mga kapatid kong lalake at binibigay ang lahat ng pangangailangan ko at pagmamahal ng isang pamilya. Hindi rin nila ako inaabuso o sinasaktan.
"Kaya kahit minsan na hindi maganda ang ipinapakita niyang ugali sa amin ay iniintindi na lang namin dahil kaibigan namin siya. Despite his flaws, Froi is a nice and kind-hearted person, Alliah. Just give him a chance to get to know you better, at kapag may nasabi ulit siyang masama sa'yo ay hindi namin 'yon kukunsintihin." sabi naman ni Riosh.
Tama siya. Kung hindi man ako pagkatiwalaan ngayon ni Froi ay wala na akong magagawa pero ipapakita ko sa kanya na wala akong intensyong masama sa kanilang magkakaibigan at kailangan ko lang talaga ng matutuluyan. Hindi naman ako magtatagal sa apartment ni Iall dahil next month ay pwede na akong maghanap ng bagong malilipatan sa susunod kong suweldo.
"Huwag kayong mag-alala. Iintindihin ko si Froi." sabi ko at nginitian ang tatlong lalake sa harapan ko.
"Magpahinga ka na at kami na ang bahala sa pagliligpit ng mga pinagkainan natin." sabi ni Iall na pumwesto sa gitna ng kitchen sink at kumuha na ng sponge at dishwashing liquid.
"Tutulungan ko na kayo-"
"Magluluto ka pa bukas ng kakainin natin kaya kailangan mo ng mas maraming energy para sa pagluluto." Kinindatan ako ni Kyron at tinulungan si Iall sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
"Use the restroom and clean yourself before going to bed, babe." sabi ni Riosh na nag-umpisa nang magpunas ng lamesa.
Namula ako dahil sa pagtawag niya sa akin ng babe. Sa kanilang magkakaibigan ay si Riosh ang may tinatawag na rizz.
Dahil ayaw talaga nila akong patulungin sa pagliligpit at paghuhugas ng mga pinagkainan namin ay nagpaalam na akong aakyat na papunta sa kwarto ko.
Hindi maialis ang ngiti ko sa labi nang dahil sa magkakaibigan.
Napawi lang ang ngiti ko nang nasa tapat na ako ng kwarto ko at laking gulat nang makita si Froi na nakasandal sa pintuan habang nakahalukipkip.
Nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo at tumikhim.
"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Nagkamot siya ng ulo. "Gusto ko lang sanang magsorry sa mga nasabi ko sa'yo kanina. Nabigla lang ako dahil may babae na pa lang titira dito sa apartment ni Iall," sabi niya na parang napilitan pa.
Magsosorry na nga lang ay hindi pa bukal sa kalooban. Psh!
"Ayos lang," sabi ko at bagot siyang tinignan.
Unti-unti naman siyang lumapit sa akin na ikinalaki ng mga mata ko. Amoy na amoy ko ang panlalake niyang pabango. Dahil matangkad siyang lalake ay hanggang balikat niya lang ako at 5'7 ang height ko. Sa tingin ko ay nasa 6 ft. pataas ang height niya.
"May gusto ka ba kay Sergio?" seryoso niyang tanong.
Nagulat ako sa tanong ni Froi.
"W-wala. Bakit mo naman natanong 'yan?" Naguguluhan kong tanong.
Ngumiti siya at lumayo na sa akin. "Wala lang din. Anyway, welcome here, sweetie," sabi niya at umalis na pagkatapos.
Bakit ang weird ng lalakeng iyon? At bakit niya naitanong kung gusto ko ba si Sergio?