Alliah "Ano'ng ginagawa mo dito, Kyron?" malamig na tanong ni Sergio kay Kyron at hindi maialis ang sama ng tingin nito. Hindi nakapagsalita si Kyron at umiwas kaagad ng tingin. Dahan-dahang lumapit sa amin si Sergio habang nasa likuran niya si Kuya Miles na kaka-out lang sa trabaho nito bilang Clerk sa isang Machinery company. Kung sasabihin ko kay Sergio na nandito lang naman si Kyron sa bahay dahil umamin ito ng nararamdaman para sa akin ay baka mag-away silang dalawa. Nakita ko na siyang magalit at ayoko nang maulit pa iyon. At itong si Kyron, bakit siya nagkagusto sa'kin? Pero napapansin ko sa sarili ko na may kaunti akong nararamdamang affection para sa kanya lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Kahit mas matanda siya ng walong taon ay parang magkasing-edad lang kami kung kum

