Alliah Ilang beses ko nang tinext at tinawagan si Sergio pero hindi niya ito sinasagot. Nagri-ring lang ang cellphone niya at halatang iniiwasan akong makausap. Talagang nagalit siya nang hindi ko kaagad natanggihan ang balak na panliligaw nina Riosh at Kyron. Siya ang una kong nagustuhan sa magkakaibigan pero... nalilito na ako para sa nararamdaman ko rin kina Riosh at Kyron. Kung pwede lang talaga na hatiin 'tong puso ko at ibigay sa kanila isa-isa ay ginawa ko na huwag lang silang masaktan. Tama si Kuya Luca; wala ako sa harem world para mahalin ang apat na magkakaibigan dahil kailangan ko lang na pumili ng isa. Dahil namiss akong kabonding ng mga kapatid ko nang mahigit dalawang buwan na wala ako sa bahay ay nagyaya sila na mag-bowling sa mall. Isa ito sa paborito naming gawin kapa

