“HEY.” Untag ni Isla kay Mindy na naka-upo sa bench ng park na malapit lang sa Magnus. Aksidente niya itong nakita nang may kinuha siya sa kanyang kotse, hindi sana niya ito lalapitan dahil nakita niyang kausap nito ang ex-boyfriend nito. It wasn’t the first time she saw the two talking here.
“Iana.” Si Mindy ang isa sa mga palabiro at masayahing tao na nakilala niya. Gustong-gusto ng mga students nila ang method ng kausap dahil walang boring moments sa klase lalo pa at heavy science subject ang itinuturo nito. Matanda siya ng ilang taon sa babae pero naging close din sila kahit papaano.
“Nagkabalikan na kayo?” Malungkot itong ngumiti sa kanya. “Mukhang gustong-gusto na naman niyang makipagbalikan sa iyo. Don’t lie to me, alam natin na matagal mo na siyang napatawad sa pag-aakalang nagcheat siya sa iyo.”
“We also both know that he didn’t really cheat.” That was true though pero mas nagulat siya ng ito mismo ang magsabi niyon. Ang buong alam nila ay mapride lang talaga ito at ayaw tanggapin na nagkamali ito. “Iana, can you stay with me?”
May importante pa sana siyang gagawin at hahabulin but she can feel her desperation. Kaya umupo na siya sa tabi nito.
“You rarely asks someone to stay with you, kaya sure, why not?” Nagulat nalang siya ng sunod-sunod na humikbi ang babae. “Hey!”
“Why did you stay when I asked you to stay?”
“Gaga ka ba? Because I care for you, hindi man tayo ganoon ka-close pero friend kita so I’ll really stay.”
Pinunasan nito ang luha sa mga mata nito at malungkot na tumingin sa kanya. Taliwas sa masayahing ekspresyon na madalas niyang nakikita sa kaibigan.
“Iyong una kitang nakikala, I also asked you to stay and you did kahit na hindi mo pa alam ang pangalan ko. Tama ka, I rarely asked someone to stay by my side dahil ayokong maka-disturbo o kaya naman ay maging pabigat. Pero bakit ikaw nag-e-stay? Samantalang iyong taong inaasahan ko, iyong taong mahal na mahal ko, kahit minsan ay hindi nanatili sa tabi ko?” Ramdam ni Isla ang sakit sa bawat salitang binibitawan ng mga labi ni Mindy. “He never did, ang tagal na namin pero never niyang nagawa ang ginawa mo.”
“Baka busy lang siya, you know...”
“Selfish bang hilingin na sana ako naman? Ako naman iyong piliin niya dahil ako ang girlfriend niya, eh. Kahit isang beses lang at iyon ang gagawin kong pisi para makapitan ko at ipaglaban ang meron kami.”
“Baka may rason ang boyfriend mo, Mindy. You need to talk to him, tell him. Hindi pwedeng makipaghiwalay ka sa kanya ng hindi niya naririnig ang side mo. Baka kasi akala niya ay okay lang sa iyo, na you are brave enough without him.”
Sinabi lang niya iyon pero bullshit! Gusto din niyang ihampas ang ulo ng ex-boyfriend nito. Buong akala niya ay si Mindy ang may problema pero parehong meron ang dalawa. She shouldn’t took the guy’s side not knowing her friend’s side of the story.
“Gusto ko siyang intindihin Iana dahil mahal ko siya, gusto kong magtimpi pero hindi ko na kaya. Naisip ko kapag nanatili pa ako sa relasyon namin ay baka hindi ko na makilala ang sarili ko. Ayokong magpaka-martyr at magpakatanga, ayokong maging option niya.” Tuluyan na itong umiyak.
“Option? Anong ibig mong sabihin?”
“Bakit madali para kay Rich na bitawan ako para sa bestfriend niya? Isang tawag lang ni Karen ay kulang nalang ay tumakbo si Richerd para puntahan siya. Pero ako, pinaghihintay niya pa. Ilang dates na ba namin ang hindi natutuloy dahil may kailangan si Karen at hindi niya maiwanan? Naiintindihan ko naman na may depression ang bestfriend niya pero paano naman ako?” Sinubukan siya nitong ngitian para ipakita sa kanya na kahit na nasasaktan ay okay lang ito.
“Ilabas mo lang.” Sabi niya.
“Nasasaktan din ako, naiinggit ako sa meron sila. Five years naging kami, sana ako naman.” Mapait itong ngumiti habang sumisinok. Ibinigay niya ang hawak na bottled water na agad naman nitong tinanggap. “Ilang beses ko siyang binigyan ng chances, iniisip ko baka dumating ang time na sa akin naman siya pero hindi eh. Kaya siguro naghanap na ako ng rason para makipaghiwalay sa kanya pero pesteng pusong ito, mahal ko pa rin. Ang hirap bitawan ng limang taon na na-invest na memories at emotions ko sa kanya.”
Malakas siyang napabuntong-hininga. “Kung hindi ko narinig ang side mo ay ipupush ko talagang makipagbalikan ka sa kanya dahil nakikita kong mahal ka rin naman niya. Pero sa narinig ko mula sa iyo, siguro dapat ay ipahinga mo na rin ang puso mo. Tama ka, masyadong mahaba ang limang taon na meron kayo pero mas sayang ang susunod na mga taon na sasayangin mo sa paghihintay sa kanya na ikaw naman ang paglaanan niya ng panahon.” Muli siyang napabuntong-hininga dahil kahit siya ay nahihirapan sa sitwasyon ni Mindy.
“Pero Mindy, sa bandang huli ikaw pa rin ang kailangan na magdesisyon dahil buhay mo iya eh. Puso mo at kasiyahan mo ang nakataya sa magiging desisyon mo. Hindi ko pwedeng sabihin sa iyo ang nararapat mong gawin dahil ayokong dumating ang oras na sinunod mo ang payo ko pero hindi ka pala naging masaya. Ayokong sirain ang friendship natin dahil ipupush ko sa iyo kung ano ang gusto ko, gusto kong ikaw ang mag-isip at magtimbang ng mga bagay-bagay. Do you want to tell him this and take a risk again? Or, do you want to give yourself a freedom to find someone who will prioritize and love you? I can only say some things but you are still the one who needs to decide the ending you want.”
Napatingin ito sa langit habang pinag-iisipan ang kanyang sinabi. It took a while before Mindy looked at her.
“For the last time Iana, can you help me? Kailangan ko ng magdesisyon sa lalong madaling panahon.”
“Paanong tulong naman ang gusto mong gawin ko?”
“Just be with me when I talk to him, kung ano man ang magiging desisyon ko gusto kong may may masasandalan ako. Can it be you?”
Inakbayan niya ang kaibigan at hinayaan na maging sandalan ang kanyang mga balikat. “Hindi lang ako Mindy, marami kami. Hindi mo naman kami kailangang pilitin na manatili sa tabi mo, maging open ka lang sa nararamdaman mo sa amin. Mukha man kaming tatanga-tanga sa buhay pero seryoso kami pagdating sa mga kaibigan namin.”
“Thank you, Iana.”
“So, a comeback or a closure?”
“Depende sa magiging sagot ni Rich ang ending ng kwento namin. Kailangan ko lang ng makakausap para malinawan ako sa mga desisyon ko sa buhay.” Ngumiti lang siya dito, assuring her that she won’t be alone in this fight.
KANINA pa tahimik si Isla habang nakaupo sa kanyang mesa. Kanina pa rin niya pinaglalaruan ang kanyang parker pen na ilang beses ng nahulog at kanyang pinulot. Ilang beses na rin siyang napapabuntong-hininga at iniisip ang posibleng mangyari mamayang gabi. Iniisip pa lang niya ito ay sumasakit na ang ulo niya. She can’t even drink her favorite coffee na lumamig na dahil kinakabahan din siya.
“Problem?” Untag ni Cai sa kanya na kanina pa sana siya lalapitan kung hindi lang sobrang lalim ng kanyang iniisip. Tiningnan niya ang lalaki at napakagat ng labi sabay iling. “Mukha kang hindi nakakain ng dalawang araw.”
“Gusto mong magkape?” Inginuso niya ang kapeng hindi nabawasan sa ibabaw ng kanyang mesa. “What I mean is, do you want a new environment? Kung anumang iniisip mo ay hindi mo mahahanapan ng sagot kung nakatunganga ka lang dito. You can’t even do your work.” Sinamaan niya ng tingin si Caius but she can’t say anything dahil totoo ang sinabi nito. “Come on, come with me.”
“Ayoko! Ma-tsismis na naman tayo.” Tumawa lang ito sa sinabi niya.
“I didn’t know you are very affected-.”
“Bibig mo Caius! Anong very affected? Hindi sarili ko ang iniisip ko sa tsismis na iyan kundi sa iyo. Sanay na akong pinapares kung kani-kanino at wala lang ito sa akin, ikaw ang iniisip ko.” Kaila niya.
“Wow, should I feel special again? Isla Astrid is concern about my feelings. I really appreciate the concern.”
“Sarcastic.” Usal niya at inirapan ang lalaki.
“Kung hindi ka affected you are coming with me, ibabalik din kita dito.” Habang nakatitig sa binata ay biglang nag-pop up sa utak niya ang isang ideya.
Mabilis siyang tumayo at kinuha ang kanyang wallet at cellphone. Hindi niya nilubayan ng tingin ang lalaki.
“Hey.” Malumanay na tawag niya kay Caius.
“Hmn?” Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa biglaang pag-iba ng kanyang facial expression.
“Bring me there, kung saan may magandang environment. I need to sort out my thoughts and... you are going to help me.” Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Cai.
“Help? Why would I help?”
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa kausap kaya bigla itong napakurap. He never saw her smile like that, she usually gives that kind of smile to her parents when she wants somethinng. Gusto niyang subukan kung gagana ba iyon dito and she’s right. She even used her ultimate weapon, her puppy dog eyes.
“Fine.” Anito. Hindi man lang siya nahirapan, hindi man lang siya nakapag-exert ng effort. The magic she holds!
Dinala siya ni Caius sa malapit na coffee shop kung saan palagi niyang tinatambayan. Lumapit sila sa waiter na nakangiting bumati sa kanila.
“I’ll pay.” Tinulak niya ito palayo para hindi ito makalapit sa counter. Naaalala na naman niya ang bangayan nila kahapon ng na-reject ang pagtransfer niya ng pera sa account nito. He didn’t allow her to pay back, hindi pa raw ito maniningil. At kung hindi lang ito nakulitan sa kanya ay hindi pa nito sinabi ang way na gusto nito para mabayaran niya.
Kaso, pakiramdam niya ay nalugi din siya sa naging mutual agreement nila. He said she’ll pay him by buying his meals the whole time he’s working in Magnus. Sa madaling salita, sabay silang maglu-lunch o kaya naman ay magbe-breakfast, kung gusto din nito ng dinner ay wala siyang choice kundi samahan ito. Seriously, mas gusto niyang ihampas ang cash sa mukha nito keysa sa ganoong set-up. Magrereklamo pa sana siya kaya lang ay tumawag ang daddy niya at kinausap ito. Ang walang hiya, sinabihan ba naman ang ama sa meals agreement nila and knowing her father obsession for her health ay sobrang saya nito. Sa bandang huli ay wala siyang nagawa kundi ay ang panindigan ang desisyon niya. Kaasar talaga ang lalaking ito!
“Sir Rueda, sa usual place po ba?” Tanong ng waiter kay Caius pagkatapos nitong ibigay ang kanyang card.
“Yes, Charles.”
“What usual place?” Baling niya dito.
“A new environment for us to talk.” Hinawakan nito ang kanyang palad at hinila siya papunta sa second floor ng coffee shop. Natigilan si Isla habang nakatingin sa magkasugpong nilang mga palad. His touches still feels the same… parang may invisible energy vacuum pa rin ito na hinihigop ang energy sa kanyang mga palad. Nakakapanghina pa rin ang mga hawak nito sa kanya. She wants to pull her hands but she can’t… she missed the feeling of being held by him. His touch makes her feel safe and secure. Ngayon lang... please Isla, you need it now. Pakiusap ng maliit na boses sa kanyang utak. Kaya sa bandang huli ay hinayaan na rin ni Isla na hilahin ng lalaki papunta sa kung saan.
“Saan na naman ito? Bakit mga ganitong place ang mga napupuntahan natin?” She asked when he pushed a small connecting door beside the shop’s restroom. Noon pa niya nakikita ang pintuang iyon pero dahil akala niya ay storage area lang iyon kaya hindi na siya nagtangkang buksan ang pintuan.
“This is our favorite meeting place.” With his rich friends again.
“Ang daya, inangkin niyo na ang magandang place. Ang tagal ko ng costumer dito pero first time kong makapasok dito. I feel betrayed.” Reklamo ni Isla.
“You can ask the waiter that you want to stay in the attic, just give my name and they will let you.” Ngumuso siya at muling inilibot ang mga mata sa buong paligid. It wasn’t as cozy as Marty’s pero para siyang nasa ibang mundo. May glass roof din ang rooftop s***h Attic ng shop, napapaligiran ng mga samu’t saring mga bulaklak ang buong paligid at punong-puno ng bermuda grass ang buong floor kaya masarap sa mata. May mga bilog na mesa at mga upuan din, may mahabang mesa na sa tingin niya ay ginagamit ng mga nagmemeeting. It’s very refreshing and relaxing.
“An open attic?” Isla raised a brow at the man she’s with. Napapansin na rin niyang pangalawang beses na siyang dinala ni Cai sa mga lugar na may secret part like this and Marty’s. Sigurado siyang mas matagal na siya na tumatambay sa lugar na iyon pero ngayon lang niya nalaman na nag-e-exist pala ang parteng iyon ng coffee shop.
“The place is nice, but if you want pwede naman sa ibaba.” Tiningnan nito ang suot na rolex watch. “Marami na ang mga students na tumatambay sa ibaba, lalo na sa second floor since malakas ang internet connection d’on.” Sinimangutan lang niya ang lalaki bago umupo sa bakanteng upuan. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Isla habang nakatingin sa bughaw na langit.
Naramdaman niyang nakatingin lang sa kanya si Caius, he is waiting for her to say something but her phone suddenly vibrates. Kinuha niya iyon at binasa ang text message mula kay Mindy. Isang buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya dahil sa message nito.
Mindy’s ex-boyfriend rescheduled the meeting tonight on Friday dahil may meeting pa ito na kailangang puntahan. Right. Ngayon lang niya naaalala ang mga jokes ng katrabaho noon kapag nadadatnan nila itong kumakain sa isang restaurant ng mag-isa because her date stood her up. Ngingiti at tatawa lang ito na parang walang nangyari. Mas lalo tuloy bumigat ang kanyang nararamdaman habang iniisip na nagbibiro lang ito.
“Hey.” Tawag niya kay Caius, inalis nito ang mga mata sa cellphone nito at tumingin sa kanya. “Can I ask you something?” Tumango lang ito sa kanya at ibinaba ang cellphone giving her his full attention. This is one of his characteristics that she likes the most. “What if... may girlfriend ka for five years and then your girlfriend asked you to stay with her which she rarely do, anong gagawin mo?”
“I’ll stay, who wouldn’t?”
Naikuyom niya ang kamao habang iniisip kung paano susuntukin si Rich, ang ex-boyfriend ni Mindy.
“A friend’s ex-boyfriend.”
“Why wouldn’t he stay? They are in relationship and if he really loves the girl, he’ll know what’s her problems since they were together for five years. Unless, there’s other reasons.”
It’s her turn to nod. “His bestfriend needs him, ang sabi ng friend ko may depression daw iyong bestfriend ng guy kaya naiintindihan niyang kailangan nitong samahan iyong taong iyon pero five years na at ganoon pa rin ang set-up nila.”
Kumunot ang noo ni Caius sa kanyang kwento. “Isn’t it weird? If he really cares for this friend, hindi aabot ng more than five years ang depression ng kaibigan niya.” Natigilan siya sa sinabi nito dahil may point si Caius. Kung may kaibigan siyang may depression ay imposibleng hindi niya ito matulungan sa loob ng limang taon. Kung siya ang nasa tabi nito ay hahanap siya ng paraan para matulungan itong gumaling at hindi nga aabot ng ganoon katagal. Bakit parang may mali?
“But he always stood her up and chose his bestfriend over my friend.”
“For five years in relationship?” Tumango si Isla. “Hindi na dapat pa na balikan ng kaibigan mo ang ex niya kung ganoon. Sorry, I just can’t find a sensible explanation for the scenario, if i were him, I’d tagged my girlfriend along and ask her help to help my friend and won’t leave her just like that.” Tumango siya sa side ng binata. “I think your friend’s ex didn’t love her enough to trust her. There should be trust and understanding in a relationship and let’s not forget the security.”
Napatitig si Isla sa mukha ni Caius habang tumatakbo ang mga possibilities sa kanyang utak. It’s really weird... for five years? Bigla niyang kinuha ang palad ni Cai at hinawakan iyong mabuti, hindi na naisip ni Isla ang kanyang ginawa.
“Can you help me?” Tanong niya pagkatapos niyang hulihin ang mga mata nito. She needs his help, may kailangan siyang malaman and she only have two and a half days to know everything.
“Bakit may pakiramdam akong may illegal kang gagawin?” She smiled at him. Hindi naman talaga illegal ang gagawin nila, kaunting stalking at akyat bahay lang. “No, I won’t help you.” Hinila ni Cai ang kamay nitong hawak niya pero hindi niya iyon pinakawalan.
“Please?” Using her charms, she looks at him innocently.
“Kung mapapahamak ka lang at mapagalitan tayo ng daddy mo, no!”
Marahas na umiling si Isla. “Dad, won’t know unless you’ll tell him. And we are not going to tell him, right?” She displayed her sweetest smile. Wala na siyang maisip na pwedeng tumulong sa kanya.
“Huwag kang magpa-cute dahil hindi ka cute.”
Sinimangutan lang niya si Cai at inirapan. “I know cute is an understatement to describe me because I’m beautiful. Sige na Cai, ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon. Your golden vip card will.” Ngumisi siya dito. She know that card’s power.
Masamang tinitigan lang siya niya ni Caius bago bumuntong-hininga. “You owe me this one.” Itinaas niya ang kanang palad.
“I swear, babayaran kita kahit na magkano. I’m rich too you know.”
A sly smile appears on his lips before leaning his back to have a better access on her face. “Let’s put that into writing, ayokong kapag singilin kita ay hindi mo na ito maalala.”
Businessman! She rolled her eyes.