“HER responses are getting better, let’s trust her she’s doing great.” “I trust her, Doc. She’s a fighter, she’s been through.” Napamulat ng mata si Isla at narinig ang usapan ng dalawang tao na hindi pamilyar sa kanya ang boses. Sinubukan niyang i-angat ang ulo upang tingnan ang mga taong iyon, sa kanyang nanlalabong paningin ay isang pigura ng matangkad na lalaki ang kanyang nasilayan. Mukhang napansin ng mga ito ang kanyang paggalaw at mabilis siyang dinaluhan ng matangkad na lalaki. Nakatitig lang siya sa malabong mukha nito, she doesn’t know him but she felt at ease. Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay, wala siyang naramdamang takot o ano pa man kaya hindi niya hinila ang kanyang palad. Ngumiti ito sa kanya. “Hi, love.” Love? “How a

