HINDI pinansin ni Isla ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ng mga nakakasalubong niya habang naglalakad papunta sa kanyang opisina. Sinadya niyang agahan ang pagdating pero kahit kakaunti ang mga estudyante at empleyado ng Magnus ay may napapatingin pa rin sa kanya. This is so damn awkward! “Good morning Professor Aguirre.” Nakangiting bati ng mga estudyanteng nakakasalubong niya, iyong mga hindi nakatiis sa pasimpleng titig lang. Ngumiti lang siya bilang ganti ng pagbati, ayaw niyang maging rude. Muling napatingin si Isla sa suot na relo, maaga pa at sigurado siyang wala pang tao sa office--- natigilan ang dalaga nang mapansin na bukas ang kanyang opisina. “Did they forget to lock it?” tanong niya sa kanyang sarili. Mabilis niyang binuksan ang pintu

