NAPANSIN ni Isla na parang maguguho na ang mundo ng mga kasama sa office, abala siya sa paggawa ng mga test questions para sa upcoming midterms. Abala ang mga ito sa pag-aaral, sa katunayan ay sinabihan niya ang mga ito na huwag munang pumasok para makapag-aral ng maayos pero nakatambay lang ang mga bata sa office nila. “Mas made-depressed kayo dito, why not go somewhere?” Untag niya sa mga ito. “Sana e-extend ang christmas break, hindi pa ako nakaka-move on from the vacation.” Reklamo ni Margot. “We need to face the harsh reality of life, kailangan na nating mag-aral. How to activate dead brain cells?” Kahit si Ari na palagi niyang nakikitang nag-aaral at wala namang problema sa grades ay wala ding kabuhay-buhay. Napatingin

