T/W: Please read responsible, may mga scenes na baka hindi angkop sa mga bata (slight lang naman)) NAPATIGIL sa pagsubo si Evelyn sa kanyang tanong. “Ano ulit iyon?” Tanong nito sa kanya. “Ang sabi ko may naaksidente bang student ng Magnus dito before na namatay?” Nagsalubong ang kilay ng kausap. Sinadya niyang yayain itong kumain ng lunch dahil may palagay siyang ito ang makakasagot sa kanyang tanong. “May mga cases naman na ganyan dito pero wala pa akong narinig na namatay. May log book sa clinic ng mga students na naaksidente.” “Naalala mo iyong nag-OJT ako, wala bang nabalita na may naaksidenteng student?” Nagpatuloy ito sa pagsubo. “Bakit mo naman naitatanong? May naalala ka ba?” Takang tanong nito. “Yeah, w

