“GOOD EVENING.” Pagod na bati ni Isla nang makarating siya sa opisina ni Caius. The guy demanded—yes, nagdemand talaga ito na magdinner sila together. It has been three days since they last saw each other dahil busy siya sa research center. Two days from now ay kailangan niyang umalis papunta sa main site para sa initial survey. Ngumiti kay Isla ang secretary ni Caius na kausap si Shine na secretary naman ni Nathan. “Good evening Ms. Aguirre.” Ngumiti siya sa mga ito. “Is he inside the office?” gusto nalang niyang umupo at ipikit ang mga mata. She’s drained physically and mentally. “Nasa board meeting pa sila, Miss. Pero malapit na rin silang matapos.” Sagot ni Amanda. “Ganoon ba? Iidlip muna ako gisingin niyo nalang ako kap

