ABALA si Margot sa binabasang report, wala ang propesora but it doesn’t mean ay wala din silang trabaho. Mas marami nga ngayon dahil wala ito mabuti nalang at tinutulungan sila ni Ari at Josh pati na rin ni Carmi kahit busy ito sa café at sa mga tutorials nito. Habang naglalakad ay hindi niya namalayan na may taong nakaharang sa kanyang daraanan. Napansin lang niya na may nakatayo dahil nakita niya ang mga paa nito pero umiwas lang siya dahil busy talaga siya pero sa kasamaang palad ay kahit anong iwas niya ay humaharang pa rin ang tao kaya napilitan siyang huminto para sawayin ito. “Excuse me po pero huwag—.” Natigilan si Margot nang makilala ang istorbo sa kanyang trabaho. Nagdugtong ang kanyang mga kilay at nag-isang linya ang kanyang mga labi. K

