NAPATANGA si Carmi nang pagdating sa office ng kanyang favorite professor ay hindi niya ito nadatnan sa halip ay iba ang nakita niyang mga mukha doon. At mas lalo siyang na-shook nang makilala ang katabi ng kanyang bestfriend.
“Oh my goodness!” ang boses niya ang bumasag nakakabinging katahimikan sa loob ng opisina habang nakatitig sa katabi ni Margot. Napalingon sa kanyang gawi ang mga tao doon, si Margot na tila nakakita ng kakampi, si Arielle at Josh na magkatabi na halata din ang gulat sa mukha, si Teo na kahit walang ekspresyon ang pretty face ay halata rin na naguguluhan sa mga nangyayari. Nandoon din si Trixie na sa tingin niya ay hinahanap na naman ang ‘boyfriend’ nito na nakapameywang katabi ang forever in love sa Mami Isla nila na si Jorgie na hindi rin maipinta ang mukha. And the center of the attention is none other than Alvan the main vocalist ng bandang WaVE. Oh, everyone looks so good. Ang sarap sa eyes.
“Nandito lang ako dahil hinahanap ko si Doc Aguirre, wala akong pakialam sa issue niyo.”
Nakatikwas agad ang kilay ni Trixie sa katabi. “And what made you think na hahayaan kita to hit our favorite professor when obviously hindi kayo bagay, mas bagay sila ni Mr. Rueda.” Angil nito sa katabi.
“Walang karapatang magsalita ang hindi taga-Magnus.” Balik ni Jorgie.
“Wala ka rin na rights to make me alis because you are ugly as fvck.” Trixie rolled her eyes at Jorgie. Kinakabahan siya para sa kaibigan niya na nagmamakaawa na ang tingin sa kanya dahil mas dumoble ang kanyang kaba sa pakikipag-away ni Trixie kay Jorgie knowing what this guy is capable to do.
“Anong sabi mo?”
“Ay hindi ka lang pala ugly, you’re deaf rin pala.” Pang-aasar ni Trixie. Oh my goodness, Trixie. Kung mahal mo pa ang buhay mo huwag mong inisin iyan. Her inner self is crying for her new found friend’s soul. Kaya bago pa mabugahan ni Jorgie ng apoy ito ay agad na siyang sumingit at mabilis na tumabi kay Teo.
“So, bakit parang may meeting kayo dito? Bawal tumambay dito sa office ni Mami kung walang valid reason.”
“They can’t go out.” Sabi agad ni Alvan. “Not when they saw me here. Let’s wait for my manager.”
“Ano nga pala ang dahilan at napunta ka dito?” Teo asks.
“Because of her.” Mabilis na tinakpan ni Margot ang mukha gamit ang palad.
“Can’t you forget it?” inis na tanong ni Margot sa katabi. “Seriously, ako ang babae dito pero ikaw ang hindi maka-move on.”
Nagdugtong ang makakapal na kilay ni Alvan sa sinabi ng kanyang bestfriend. “Huwag masyadong makapal ang mukha, Miss. Kung walang valid reasons ay hindi kita pupuntahan dito.”
“Valid reason? Hindi ko nga alam kung paano mo ako nakilala since you are dead drunk at that time.”
Nagkibit-balikat si Alvan at umayos ng upo na para bang pagmamay-ari nito ang inuupuan na sofa. He really looks good at bagay silang dalawa ni Margot.
“Hindi naman talaga kita naalala.”
“What? Then, why are you here?” napabuntong-hininga si Alvan. Bagay talaga dito ang uniform ng St. Uriel University, he looks expensive at bagay sila ni Margot. Kinagat ni Carmi ang kanyang mga labi upang hindi mapangisi ng malaki. She’s not really into pairing, mas gusto niyang maghanap ng pera kaya nga pini-perahan niya kahit sino. Role ni Margot ang ipares ang mga tao sa paligid nito na-enjoy nga lang niya ang ginagawa nito simula ng makita niyang magkasama si Doc Aguirre at Mr. Rueda, tapos second naman na kinikilig siya ay ang bestfriend at ang lalaking aksidente nitong hinalikan sa club.
Kumilos ulit si Alvan at kinuha ang cellphone. Nagscroll ito sandali at ipinakita kay Margot. Napanganga ang kaibigan kaya pasimple niyang sinilip ang tinitingnan nito. Agad na nagtaas ng tingin ito at napatingin kay Teo at Ari.
“I thought kayo lang ang nandoon sa club?”
“Kami lang naman talaga ang nandoon, wala kaming nakitang ibang tao ng mga oras na iyon.” Arielle immediately defended.
“Arielle doesn’t lie.” Dugtong ni Joshua. She even rolled her eyes when she heard it. People in love stinks.
“Bakit may ganitong pictures?” ipinakita nito ang mga pictures na ipinakita ni Alvan and true to her words, may mga pictures nga doon at sobrang linaw rin kaya hindi maideny na si Margot at Alvan nga ang nasa picture.
“Uy, the star’s scandal.” She heard Trixie giggling while her eyes are twinkling. Gumana na naman ang pagiging utak manunulat nito.
“Pwede bang manahimik ka kung wala kang ambag?” mahinang reklamo ni Jorgie.
“Pwede bang huwag kang sumingit kung hindi ka friend?” pasada naman ni Trixie. Sabay na napabuntong-hininga sila ni Teo.
“Saan mo iyan nakuha?”
“An anonymous sender sent it to me and to my manager and threatening us to expose the picture. We can’t afford any scandal right now that’s why I’m here to fix it.” Masama itong tiningnan si Margot. “Are you telling the truth when you said you didn’t send it to us?”
Nanlaki ang mga mata ni Margot. “Baliw ka ba? Bakit ko ipapahamak ang nananahimik kong buhay? Wala akong balak mag-artista at wala akong balak na madamay sa issue mo, my goodness.”
“Malay natin patay na patay ka pala sa akin kaya ginawa mo iyon para mapansin kita.”
“Mahiya ka sa bibig mo hindi lahat ng babae ay gusto ka at wala akong pakialam sa iyo, hindi nga kita fina-follow sa mga social media accounts mo naka-follow lang ako sa official WaVE.”
Nakakunot ang noo ni Alvan. “Why are you not following me in my social media accounts?”
“Songs niyo lang ang gusto ko hindi ako interesado sa iyo.” Gusto niyang lumabi sa sinabi ni Margot pero hindi niya ibubuko ang kanyang bestfriend. “Paano ba maaayos ito? Kailangan ko bang mag-public apology?”
“No, kailangan mong magpretend na girlfriend kita.”
“Oh, I like that. The plot is so cliché but we can make the story with a twist naman para mas nice siya sa readers.” Si Trixie.
“Ayoko, ewww, kadiri.” Sagot naman ni Margot.
“Ikaw pa ang mandidiri, maraming nagkakandarapa na maging girlfriend ko.”
“Sila iyon, huwag mo akong isali sa kagaguhan mo in life.”
Nag-bu-buffer talaga ang utak ni Carmi sa progress ng mga nangyayari ngayon. Nakakabaliw ang mga pangyayari at hindi niya alam kung paano tutulungan ang kanyang bestfriend. Napakapit nalang siya kay Teo at naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa kanyang beywang. Kikiligin na sana siya kaya lang alam niyang pareho lang pala sila ng hanap.
“Alvan! What the hell are you doing here?” Napatingin silang lahat sa bagong dating at agad na nag-isang linya ang kanyang mga labi nang makilala ang galit na galit na lalaking pumasok sa office.
“Ronan, where’s ate Claire?” Iniwas ni Carmi ang tingin sa bagong dating at mahinang napabuntong-hininga. Napatingin sa kanya si Teo nang marinig ang kanyang pagbuntong-hininga. She just gave him a small smile and nod.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ka nagpaalam kay Ate Claire na pupunta ka ng Magnus, paano kung dumugin ka ng mga fans mo dito?”
“Come on, cousin. Alam ko ang ginagawa ko, nakatakas ako sa mga nakakita sa akin kanina.”
“You are so reckless.” Galit na sabi nito kay Alvan. Pero, pinsan nito ang singer? She wasn’t expecting that, though, may hawig naman ang dalawa. “At bakit kayo nakatambay lahat dito? Wala ba kayong class?” Dahil sa pagod siya kaya hindi niya ito sinulyapan, maiinis lang siya kapag nakita niya ang mukha nito at ayaw niyang ma-drain ng sobra ngayon kaya yumakap na siya kay Teo.
“Ayaw kaming palabasin ni Alvan dahil nakita daw namin siya dito.” sagot ni Arielle.
“Lumabas kayong lahat maliban kay Alvan at kay Margot. Wala kayong maitutulong sa problema nila.”
“Tsk.” Biglang lumabas sa kanyang mga labi. “You know what, hindi ka rin nakakatulong. Kung trip mong sumigaw pumunta ka sa rooftop at doon mo ubusin ang hangin sa lungs mo.” She really wanted to slap herself, when it comes to him ay palaging nauubos ang kanyang pasensya. Aminado naman siya na hindi pa rin siya nakaka-move on sa nangyari sa kanilang dalawa. Naka-ilang palit na girlfriend na ito pero siya ay hindi pa rin makausad kaya as defense mechanism ay sinasabayan na rin niya ang pagsusungit nito sa kanya.
“Hindi kita kinakausap.” Oh, well… that hurts.
“Wala rin na gustong kumausap sa iyo dito. Hindi ikaw ang hinihintay ni Alvan kaya huwag kang mag-aastang may-ari mo ang buong lugar.” Napatingin siya dito at galit din itong tumitig sa kanya. Mas galit yata ito ngayon keysa pagpasok nito.
“Pwede ba natin pag-usapan ang problema ng walang nag-aaway?” singit ni Teo nang maramdaman ang tension sa pagitan nilang dalawa. Kapag nagsimula na silang mag-away ay alam ng mga ito na hindi iyon matatapos hangga’t walang umaatras at nagwo-walk out. She’s really tired at kapag nagpush pa ito ng away ay siya na ang magwa-walk out. Inirapan lang niya si Ronan at bumalik sa pagyakap kay Teo.
“Teo is right, walang mangyayari kung mag-aaway tayo dito.” sang-ayon ni Joshua. Narinig niya ang pagtahimik ni Ronan.
“I don’t want to pretend as your girlfriend. My brother will kill me for real kapag nalaman niyang nasangkot ako sa issue na ito. My goodness, lasing lang ako ng mga oras na iyan at bakit ka ba kasi nandiyan ng mga oras na iyan?”
“Margot, walang mangyayari kung magsisihan kayo dito.” sabi ni Teo.
“Kapag lumabas sa media ang picture sigurado kaming ikaw ang magiging target ng mga fans ng WaVE. And mind you, hindi lahat ng mga fans ay mababait karamihan sa kanila ay mga close minded at keyboard warriors. They will dig your pasts at magiging meme nalang ang mga pictures mo. Take it from me, ate Margot.” Tumuwid yata ang dila ni Trixie. Sanay siyang naririnig itong baliko ang dila kaya nang marinig itong walang halong ka-konyohan ay parang ang matured nitong pakinggan.
“Can’t we call Mami Iana here? Sa tingin ko she’ll know what to do.” Suhestiyon ni Arielle.
“Masyado ng maraming iniisip si Mami, she’s also busy. Can’t we solve it on our own?” Teo asks. “We can tell her if hindi na talaga natin kaya ang mga nangyayari.”
“My manager, Ate Claire, she suggested to ask you to pretend as my girlfriend.”
“Mas lalo nila akong iba-bash kapag nalaman nila iyon.”
Habang nag-iisip ay biglang may ideyang pumasok sa kanyang utak. “Can’t we trace the person who sent you the picture? Pwede naman natin siyang hanapin, right?”
“That’s impossible--.”
“No, it’s not impossible.” She side eyed Ronan dahil first time niya after ilang years na sumang-ayon ito sa kanyang sinabi.
“We can ask professor Felix and Gavin for this.” Pati si Teo ay sumuporta sa kanya.
“Tama, my future boyfriend will surely help me as well as my cousin.”
“Then, let’s do it.” Tila nabuhayan si Margot sa progress na nangyayari sa issue nito habang si Alvan ay tahimik lang. “Please, don’t drag my name here. Wala pa akong balak na makipag-peace kay kuya and I won’t ask his help.”
Napabuntong-hininga uli si Carmi. Sana ay maayos na ang gulong nangyayari sa kanyang kaibigan. Naramdaman niya na may mga matang nakatitig sa kanya, as usual, she’ll pretend na wala lang iyon. She’s really tired, pagod na pagod na siya at gusto na rin niyang sumabog but she can’t do that now dahil kailangan ng kaibigan niya ng support ng mga oras na ito. Saka na muna ang problema niya, kaya pa naman niya… huwag lang sana dumagdag si Ronan dahil baka maisipan na lang niyang magbakasyon sa malayo.
“Hi, love. How are you?”
Sino ka? Bakit tinatawag mo akong love?
“I missed you.”
Missed me? Who are you? Why… why can’t I see you? Your voice is too familiar pero hindi ko maalala kung saan ko narinig iyan.
“I talked to your doctor, he said you are getting better. I’m really happy when I heard the news.”
May naramdaman siyang humawak sa kanyang mga palad at kusang gumalaw ang kanyang mukha upang kilalanin ang humawak sa kanya pero wala siyang makita… this man’s face is blurry.
“I love you, Isla. Please come back to me, please come back to us. She also misses you, she’s been crying every night. Gusto ka na niyang makita uli.”
Sino? Sino ka? Sino ang gustong makita ako uli?
“ISLA? Hey, are you okay?” Napakurap si Isla at tumitig kay Caius na halata ang pag-aalala sa mukha nito.
“Where are we?” napatingin siya sa buong paligid saka lang niya napagtanto na nasa parking space na sila ng Magnus. “Oh, nakatulog ba ako?” takang-tanong niya dito.
“No, nakatulala ka lang habang nakatitig sa daan.” Hindi nakakilos agad si Isla nang maramdaman ang pagdampi ng hinlalaki nito sa kanyang pisngi kasabay ng paglakas ng t***k ng kanyang puso. “You were crying.” Napahawak siya sa kanyang pisngi at medyo nagulat nang may mahawakan na basa sa kanyang pisngi. Umiiyak nga siya.
“Am I? Baka nag-dry lang eyes ko.” She’s crying but she can’t remember the reason why she’s crying. Ang alam lang niya ay akala niya nakatulog siya at nananaginip na naman, unfortunately, hindi niya maalala kung ano iyon… just someone who’s calling her by her real name and someone who’s calling her love.
“Are you sure?” tumango siya dahil hindi rin niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito dahil hindi nga rin niya maintindihan ang kanyang sarili.
“Yeah, ang weird lang. Baka dahil nasobrahan ako ng kain, binabangungot yata ako ng gising.”
Umayos ito ng upo sa driver’s seat at tumawa lang sa kanyang sinabi. “Akala ko ba gusto mo pang mag-ice cream after the meal?”
She pouts her lips, para lang walang nangyaring away na namagitan sa kanila kanina kung mag-usap sila ngayon.
“I still want that ice cream though.” Nagulat si Isla nang biglang i-start nito uli ang kotse. “Saan na naman tayo pupunta?”
“We are going to buy your ice cream baka sa susunod ay matutulog ka na uli ng nakamulat ang mata dahil nakulangan ka ng sugar.”
“Baliw, huwag na. Kakain uli ako mamaya dahil magme-meet kami ng kaibigan ko.”
“Sinong kaibigan?” kunot-noong tanong nito sa kanya.
Tinaasan lang niya ito ng kilay. “Hindi nga pala kayo nag-meet ni Pepper sa restaurant. Siya iyong friend na sinamahan naming sa hospital for her pre-natal.” Tumango lang ito sa kanyang sinabi. “Why am I explaining to you?” boyfriend feels lang? Baka nakakalimutan mo Caius na magpo-propose ka pa buwisit ka!
As a cue ay nagring ang cellphone ng lalaki na nakasabit sa cellphone holder ng kotse nito at muntik na niya iyong kunin at itapon sa labas ng bintana nang mabasa ang pangalan na nakaregister sa screen. Coleen.
Mabilis na kumilos si Isla at binuksan ang pintuan ng kotse sa kanyang side. “Mauna na ako, may tatapusin pa ako sa laboratory.” Hindi pa man ito nakakasagot ay nakalabas na siya at naglakad na palayo dito.
Coleen…
His future girlfriend, his future fiancé, his future wife… Isla, everything has change. This is reality now, you’ve successfully changed the track of your life at alam kong nasasaktan ka sa mga desisyon mo.
Paanong hindi ako masasaktan eh kahit sa reyalidad ay mahal ko pa rin si Caius. Pwede bang manatili nalang ang feelings ko sa kanya sa mga panaginip ko?
Natigilan si Isla sa paglalakad nang biglang maramdaman ang pagkirot ng kanyang sentido. Napahawak siya sa kanyang ulo at mariin na napapikit habang pilit na iniinda ang nararamdaman. Gusto niyang mapasigaw sa sobrang sakit pero hindi niya magawa kaya napa-squat siya sa kung saan siya napatayo.
“Akala ko tapos na ito…” Mahinang sambit niya sa kanyang sarili at tuluyan na ngang nagdilim ang kanyang paningin dahil sa sobrang sakit.