“HMMNN… lalalala… lalalala” Margot is happily humming WaVE’s new single as she walks along the corridor of Magnus. Bitbit niya ang mga manuscripts na pinapirmahan niya sa dean’s office na na-approved na ng research committee. Masaya din siya dahil nakaganti na siya sa kapatid niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya nakitang paliwanag mula dito kahit na may ebidensya na siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kinakausap ng maayos. Kapag may tinatanong ito sa kanya ay mga short and one liner answers lang ang kanyang binibigay.
Iniwan niya na bukas ang kanyang laptop kung saan kasalukuyan siyang nag-e-edit ng mga pictures na gagamitin niya sa kanyang isang minor subject at iniwan niya na nakabukas ang picture ni Teo na nakangiti kasama ang boylet ni Arielle. Teo just got a new haircut and he looks so gwapo and pretty at the same time especially with his new specs. Muntik na nga siyang bumaligtad ng paniniwala ng makita ito pagpasok sa kanilang opisina. Mukhang hindi lang siya ang may ganoong reaksyon dahil kahit na si Ari at si Carmi ay napapanganga lang dito.
Kung sana ay hindi sila parehas ng hanap matagal na niya itong ginapang. She hates her kuya but she can’t deny the fact that she still wants them to be together. Who wouldn’t? May alam siya tungkol sa nakaraan ng dalawa, hindi sinasabi ni Teo at wala rin na sinasabi ang kapatid niya pero hindi siya tanga at hindi pa naman siya ganoon kabata para hindi maalala na minsan ay Nakita niya itong kasama ang kapatid niya. High school na siya ng mga panahon na iyon at akala nga niya seryoso na ang kapatid pero bigla nalang na hindi na niya nakita na magkasama ang dalawa.
And then suddenly, nag-iba na rin ang ugali ng kapatid niya na naibalik lang nang muli nitong makita si Teo. Noong una ay wala talaga siyang ideya na si Teo pala iyon because Teo did change a lot and she wasn’t sure din kaya pasimpleng shipping lang ang ginawa niya. And when she confirmed that it was indeed Teo, kahit na mukha siyang pera dahil sa mga pictures na kapalit ay one thousand pesos from her brother ay totoong gusto niyang magkaroon ng happy ending ang dalawa.
Sa inis niya dahil palaging nakabuntot si Joshua kay Arielle ay inutusan niya itong magpose kasama si Teo at ang kapalit ay kasama nila itong maglunch ng one week. Madali naman itong kausap at tumulong pa nga si Arielle sa mga pose sa mga pictures and of course Teo didn’t know what happened, ang sabi lang niya ay kailangan niya ng model para sa kanyang minor subject. Si Margot din ang kumuha ng pang-pre-nup na picture dahil magaling ito sa ganoon. Mukhang effective naman ang kanyang ginawa dahil nadatnan niya ang kapatid na nakatitig sa kanyang screen.
“Magdusa ka.” Mahinang sambit niya at napangisi nang biglang may bumangga sa kanyang likuran. “Awwrayy!” Inis na reklamo niya dahil muntik ng mahulog ang kanyang mga dalang papers. Nagdugtong ang magkabilang kilay ni Margot at asar na napalingon. Isang matangkad na lalaki na hindi nakasuot ng uniform ng Magnus ang kanyang nakita. Nakasuot ito ng itim na baseball cap, itim na mask at black shades.
“So-sorr…” Natigilan ito at napatitig sa kanya at dahil fully covered ang mukha ng lalaki na nakasuot ng St. Uriel University na uniform ay hindi niya ito nakilala. “You!”
“Me?” tumaas ang kanyang kilay. Wala siyang kakilala na taga-St. Uriel. “Why?”
Lumingon muna ito sa likod na para bang may pinagtataguan kaya mas lalo siyang nakaramam ng kaba dahil baka masamang tao ito. Iiwanan na nga sana niya ito pero mabilis nitong nahawakan ang kanyang balikat kaya napatigil siya.
“Ano ba--.” Nang makilala ang kaharap ay pakiramdam niya ay kukunin na siya ng white light. Dapat pala ay tumakbo nalang siya kanina at dapat ay hindi niya ito kinausap. Mama in heaven, please help me.
“Mukhang kilala mo ako.” Inayos ni Alvan ang nagulong buhok dahil suot na cap. Syete! Mama and Papa in heaven ang gwapo niya, nakakaiyak sa malapitan. Hinalikan ko ba talaga ang isang ito? Too bad I was so drunk at hindi ko maalala.
Margot, pwede ba tama na muna ang landi? Hindi mo ba narealized na nasa bingit ka ng kamatayan? Tanong ng matinong bahagi ng kayang utak.
“Ahh, may… excuse me.” Mabilis niyang inalis ang kamay na nakahawak sa balikat niya at nakailang hakbang palang siya ay nahawakan na naman siya ni Alvan.
“Tatakbuhan at tataguan mo ulit ako? Sa tingin mo ba hindi kita mahahanap, Miss?” She almost screamed when she heard his question. Mama and Papa, naaalala niya ako! See you in heaven.
“Huh? Hindi po kita gets.” She bit the sides of her mouth to stop herself from screaming. Kinuha nito ang cellphone at hindi siya nakagalaw ng kuhanan siya nito ng picture.
“Okay, I think maaalala mo ang lahat kapag na-post ko na ang picture mo at bahala na ang mga fans ko ang magtanong sa iyo.” Tumalikod si Alvan at bago pa man ito makalakad ay nahawakan na niya ito.
“Pw-pwede ba natin itong pag-usapan?” Lumingon ito sa kanya at may nakakalokong ngisi sa kanyang mga labi. Mama and Papa, isama niyo na rin si kuya sa katapusan ko.
“NAGLOLOKOHAN ba tayo dito, Caius? Kung ako talaga pinagtitripan mo siguraduhin mong kaya ng pera mo na mahukay ka sa paglilibingan ko sa iyo.” Inis na sabi ni Isla sa lalaki na hindi naman nakikinig sa kanyang mga pinagsasabi. Magkatabi sila sa mahabang sofa ng kanyang opisina habang ipinapaliwanag dito ang ‘plano’ sa gagawin nitong wedding proposal. “Pinagod mo pa ang kaibigan ko sa pag-pa-plano tapos hindi ka rin naman pala makikinig.” Bulong niya pero sapat na marinig ng lalaki.
Tumigil ito sa pagtipa sa keyboard ng laptop at tumingin sa kanya, finally, nakuha na rin niya ang pansin ng walanghiyang lalaking ito.
“You asked a friend?”
She rolled her eyes at him. “Sa tingin mo talaga may ideya ako kung ano ang gagawin sa mga event like this? Hind ko nga maayos ang sarili kong lovelife iisipin ko pa ang mga ideal proposal na iyan? I don’t have any idea kaya I asked my friend Pepper to plan this for me.” Dinamay pa talaga niya ang kaibigan niyang buntis para lang sa proposal nito.
Tumitig lang ito sa kanya pero hindi nagsasalita at ibinalik uli ang pansin sa laptop. “Caius, magpo-propose ka ba talaga? Bakit wala kang ka-amor-amor dito sa pinapagawa mo? You also need to buy a ring!”
“A ring?” kumunot ang noo ng lalaki. “For what?”
“For the proposal! There should be a ring, you need to buy a ring for her.” Na-fru-frustrate na siya sa lalaking ito. Kulang nalang ay maiyak na siya sa inis dahil lang kay Caius. Kung alam lang nito na ayaw talaga niyang gawin ang utos nito sa kanya dahil… “Bahala ka na nga, ikaw na ang bahalang magplano nito nakakabwisit ka, hindi lang ikaw ang busy.” Pinigilan niya ang sariling hindi hambalusin ang lalaki gamit ang iPad at tumayo na para bumalik sa kanyang mesa.
“Isla.” Hindi niya ito pinansin ng tawagin siya nito. Nakakainis lang talaga, how is it possible na iyong taong nagparamdam sa iyo ng inis ay siya rin ang taong gusto mong umalis niyon? Where’s the justice? “Isla Astrid!”
“Don’t call me by my full name, it’s Iana or Doc Aguirre for you.” Nakasimangot siyang umupo sa kanyang swivel chair.
“Doc Aguirre!” napatingin si Isla sa tumawag sa kanya at tumikwas ang kilay niya nang makilala ang taong pumasok sa kanyang opisina na may dalang bouquet ng bulaklak with super wide smile.
“You are back?”
“For you.” Ibinaba ni Jorgie ang dala nitong bulaklak sa ibabaw ng kanyang mesa dahil alam nitong hindi niya iyon tatanggapin. “Hindi mo ba ako na-miss?” hindi pa rin bumababa ang kanyang kilay habang nakatitig sa dating estudyante. Jorgie Del Rosario, anak ng may-ari ng isang sikat na RTW company at umalis lang ito ng dalawang buwan dahil sa isang exchange program sa ibang bansa.
“Bakit naman kita ma-mi-miss and how many times do I need to tell you na ayokong binibigyan ng bulaklak especially galling sa iyo?” nagkibit-balikat lang si Isla dahil hindi naman sekreto sa buong Magnus na may gusto sa kanya ang batang ito at alam na rin nito na rejected ito.
“Isla.” At ang isa pang ito gusto rin na dagdagan ang inis niya sa mundo. Sisinghalan sana niya si Caius pero biglang nag-iba ang mood nito habang nakatitig sa kanya. “I’m hungry.”
“Kumain ka, bitbit ko ba ang digestive system mo?” nakabusangot pa rin siya.
“No, but we have a deal.” Mas lalo siyang napasimangot sa sinabi nito.
“Excuse me, Sir. Can’t you see she’s not--.”
“Am I talking to you little boy?” muntik nang mabitiwan ni Isla ang cellphone dahil sa sinabi ni Caius. Peste talaga minsan si Caius, kung hindi niya agad na-kontrol ang emosyon ay baka humagalpak na siya ng tawa sa tinawag nito kay Jorgie.
“What little boy? I am not!”
“Jorgie, hindi ba may klase ka pa? Don’t talk to Mr. Rueda like that, he is still working here let me handle him.” Matigas ang boses niya. Halata na hindi gusto ni Jorgie ang kanyang sinabi dahil ayaw na ayaw nitong pinagsasabihan pero ayaw niya ng gulo sa kanyang opisina. At mas delikado kung iinisin nito si Caius dahil sa pagkakaalala niya, sa panaginip na naman niya ay nainis si Caius sa bata at muntik ng bumagsak ang kompanya ng pamilya nito.
“I’ll be back, Doc.”
“No need, focus ka sa studies mo.” Tiningnan ng masama ni Jorgie si Caius bago tuluyang lumabas.
“You don’t have time for your love life? Mukhang hindi mo naman kailangan ng time dahil may mga nakaabang na pala sa iyo.” Hindi niya alam pero may bahid ng sarcasm ang narinig niya mula kay Caius.
“Anong problema mo ngayon?” nakakaloko din ang lalaking ito. Kanina ay siya ang naiinis dito tapos ngayon ay parang ito naman.
“I don’t have one, baka ikaw.” Tinaasan niya ito ng kilay. Mas lalong uminit ang kanyang ulo dahil dito.
“Ikaw lang naman ang problema ko dito, kung sana ay nakikinig ka sa mga sinasabi ko kanina hindi sana iinit ang ulo ko and now look at you ikaw pa ang may ganang magalit?” dahil narin siya sa halo-halong emosyon at pagod ni Isla kaya nakapagsalita siya ng ganoon. Well, she’s really blunt when she’s mad.
Napatingin ito sa bulaklak na nasa ibabaw ng kanyang mesa. It’s not her favorite flower because no one knows what it is, mas prefer kasi ng mga tao na bigyan siya ng pagkain keysa sa bulaklak at mas gusto din niya iyon dahil nabubusog siya.
“Stand up.” Utos ni Caius sa kanya.
“No! Bakit mo ako inuutusan?” lumapit ito sa kanya at nang hahawakan sana ang kayang braso ay umiwas siya dito. “Isla.” May bahid ng pagbabanta sa boses nito.
“Hindi mo ako madadaan sa mga tono mong ganyan, hindi ako matatakot sa iyo. Alis, saka mon a ako kausapin kapag matino ka ng kausap.” Taboy niya sa lalaki. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito at saka marahan na hinawakan ang kanyang braso.
“Let’s eat.” Mas malumanay na ang boses nito sa kanya. “Hindi ako aalis hangga’t nag-aaway tayo. Come here, we are going to talk this until we are okay.” Kumibot ang kanyang labi habang hinihila siya ni Caius papunta sa inuupuan niya kanina. Natagpuan niya ang kanyang sarili na bumalik sa pwesto niya sa sofa katabi ito.
“Twenty-minutes, let’s talk after twenty-minutes by that time malamig na ang mga ulo natin. Walang aalis hangga’t mainit pa ang ulo nating dalawa.”
“Hindi naman talaga ako aalis.” Nagkibit-balikat uli si Isla habang masama ang tingin sa kisame na abot ng kanyang mga mata. After a few minutes ay medyo bumaba na nga ang lebel ng kanyang inis at napansin na hindi gumagalaw ang lalaki na nasa kanyang tabi. And true to their words, walang nagsalita at kumilos sa kanila. She wasn’t expecting her sit and say nothing yet her anger pacified.
“Twenty-minutes is up.” Narinig niyang sabi nito at saka tumayo at inilahad ang palad sa kanyang harapan. “Let’s eat.” Tumingala siya upang makita ang mukha nito, bahagyang kumibot ang kanyang mga labi pero tinanggap rin ang inilahad nitong palad. Tama na muna ang takbo Isla, sulitin mo muna ang oras na pahiram sa iyo. After his proposal, you can no longer hold him like this.
“MARGOT, pwede bang ayusin mo ang pananalita mo. I can’t understand a word you say.” Idinikit ni Teo ang cellphone sa pagitan ng teynga at ng kanyang balikat habang inaayos ang pinamiling grocery na inutos sa kanya ni Doctor Aguirre.
“H8#$23lp.”
Nagdugtong ang kanyang dalawang kilay dahil hindi niya alam kung sumisigaw o bumubulong ito sa kabilang linya.
“Can you calm down a bit?” Nang sa wakas ay naayos na niya ang mga pinamili sa ecobag ay agad na inayos niya ang pagkakalagay ng cellphone sa kanyang teynga. Pero sa halip na kumalma ay ngumawa lang ito sa kabilang linya. Sana pala ay hindi niya dinala si Arielle dahil nag-aalala na siya sa kalagayan ni Margot na nababaliw na naman.
“Puntaha niyo na ako dito sa office, wala si Mami dito.”
“Palabas na ako--.” Napakunot siya ng noo nang maputol ang tawag nito. Mabilis niyang itinago ang kanyang cellphone sa likod ng suot na pantalon at binitbit ang ecobag. Habang naglalakad ay may biglang humarang sa kanyang daraanan.
“Teo.” Hindi nagtangkang tingnan ni Teo ang humarang sa kanyang daan. Hindi na kailangan dahil boses pa lang nito ay kilala na niya. “Teo.”
“You are blocking my way, mister.” Nagtagis ang kanyang mga ngipin ng lalampasan sana niya si Carlou ay hinarang lang uli nito ang katawan nito.
“Teo, please.” Isang malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at tiningnan ng masama ang lalaki. “Let’s talk.” Medyo nagulat siya nang makita ang hitsura ni Carlou, he still looks so handsome but he looks so stressed out. “Please?” he pleads. Nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil noong huling tiningnan siya nito ng ganoon ay bumigay din siya.
Mariin ang naging paghawak ni Teo sa dalang ecobag. “Th-There’s no need for us to talk.”
“Pareho nating alam na meron, just let me explain.”
“Explain what?” pa-inosenting tanong niya dito. Hindi siya bobo para ipaalam dito na umiyak na naman siya ng dahil dito.
“Teo?” gusto tuloy niyang yakapin ang lalaki ni Arielle nang lumapit ito sa kanila. “You should have called when you… oh…” natigilan ito nang makita na may kausap siya. Lumingon din si Carlou dito kaya mabilis niyang pinanlakihan ng mata si Joshua at sinenyasan na kunin ang kanyang mga dala.
“Nagtatanong lang siya ng direksyon.’’ Lumapit na siya kay Joshua at ibinigay ang isang ecobag. Nagtataka man ang kasama ay hindi na ito nagtanong at sumunod lang sa kanya na naglalakad papunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse nito at marahil ay nandoon na rin si Arielle na sinama nila. “Wala kang sasabihin sa nakita mo kanina.” Aniya dito.
“I thought he’s just asking for direction?”
“At alam kong hindi ka bobo.” Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
“Now I understand where Arielle got her newly found words of wisdom. Naturuan ninyo siya ng maayos.”
“Is that a sarcastic remark?”
“Nope, I’m just happy that she found new friends who changed her for the better.”
Without looking at guy because his amusement towards his girl is disgusting at ayaw niyang makita ang matching face expression nito.
“Arielle changed because she wanted to and not because we told her to do so.” Aniya dito. “But I am happy that she did, at least hindi na siya matatakot na lumaban sa mga taong gustong manakit sa kanya. You don’t have to protect her 24/7 because she can protect herself now.” He said.
“I will still protect her.”
“Protect her from you, baka gawin mo na naman ang ginawa mo dati sa kanya kapag nagkabati na kayo. May mga ganoong tendencies ang mga tao, kapag nakuha na nila ang gusto nila ay nagsasawa na bumabalik na sa dating gawi.” Katulad ni Carlou.
“Hindi naman lahat ng tao ay katulad ng taong nanakit sa iyo, Teo.” Bahagya siyang natigilan sa sinabi ng lalaki. “Kapag nangyari iyon, kapag nasaktan ko na naman si Arielle ng hindi ko alam confident na ako na may sasapak sa akin para protektahan siya.”
“Sapak lang ang expected mo? Hindi mo yata kilala ang mga bagong kaibigan ni Arielle, baka ma-hospital ka ng wala sa oras kaya i-prepare mo na ang health and life insurance mo dahil ako pa ang mag-vi-video sa kamatayan mo.” Tumawa lang uli ito sa kanyang sinabi at hindi na sila muling nag-usap hanggang sa makarating sa sasakyan na gamit nito.
Mabilis na lumabas ng sasakyan si Arielle na may bitbit na ice cream upang salubungin sila.
“You should’ve stayed inside the car.” Mabilis na naunahan siya ni Joshua sa paglalakad para ito ang unang masalubong ng kaibigan. He just rolled his eyes.
“What took you so long? Kanina pa ako binubulabog ni Margot, hindi ko alam ang nangyayari sa kanya. Wala din si Carmi dahil may immersion siya.” Nag-aalalang sabi nito sa kanila.
“Tinawagan din niya ako at sinabi ko ng pabalik na tayo.” Ibinigay niya kay Joshua ang mga ecobags dahil ito ang naglagay sa trunk ng kotse.
“Ano kaya ang nangyayari sa isang iyon? Ngayon ko lang siya narinig na parang kakatayin at hindi makapag-isip ng matino.”
True, ilang taon na silang magkasama ni Margot at ngayon nga lang ito nagkakaganoon. Speaking of Margot, napalingon si Teo nang maramdaman na may nakatitig sa kanya sa kung saan. He’s right, ilang kotse lang ang pagitan ng sasakyan ni Joshua at ng sasakyan ni Carlou na nakasunod na pala sa kanila. Nagkasalubong ang kanilang mga mata pero siya ang unang bumawi ng tingin.
Not again Carlou… you can not hurt me again.
“Let’s go.” Yaya ni Joshua.
“Sa front ka na Teo, gusto kong mag-sleep sa likod at hindi ko magagawa iyon dahil kakausapin lang ako ni Josh.”
“Arielle, I just want to catch up.” Tiningnan lang niya ang dalawa.
Sumimangot si Arielle. “Catching up? Halos hindi na ako makahinga sa tanong mo.” Napakamot nalang ng ulo ang lalaki. Napapiksi si Teo ng sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya na naglalakad palapit sa kanila ang kapatid ni Margot. Mabilis siyang pumasok sa kotse.
“Let’s hurry up, na-nag-aalala na ako kay Margot.” He clenched his fists as Joshua started the car. Kung hindi pa sila aandar ay maaabutan na sila ni Carlou. He can’t talk to him, ayaw niya itong kausapin. Saka lang siya nakahinga ng maayos sa wakas ay umandar na ang kotse at nang silipin ang lalaki ay nakatayo nalang ito doon.
Sorry not sorry, huwag muna ngayon Carlou. Not now, I’m not yet ready to forgive you yet.
A/N:
Klase na mamaya, parang ayokong pumasok... ako nga pala ang titseerrr. Jusko, ODL lahat ng sections na hnahandle ko pero keri, mas nakakapagod ang modular. Nakakapagod siya sa part ng students, for ex sa amin, mas maraming sinasagutan ang naka-modular unlike sa naka-online pero ayun nga hindi naman lahat na gustong mag-OL ay may kakayahan kaya nag-settle nlang sa modular. Dry run muna kami sa ODL next week hanggang sa maka-adapt sa new normal. Nga pala, I would like to greet my baby Gun ATP a blessed happy 27th bday. Isang taon nalang ang agwat namin, pwede ko na siyang pakasalan.