CHAPTER 29

3447 Words
            ISLA is still sleepy, matagal bago nakabalik sina Caius dahil na-extend ng kalahating oras ang meeting nito with the clients. Hindi naman siya makatulog dahil natatakot siyang mahulog niya si Thali at ayaw talaga ng bata sa kahit sino sa opisina. She even refused Cai’s dinner because she’s really tired, napagod siya sa kaiiyak with Theo and she didn’t even refuse he offered her to bring her to her condo. Pagka-uwi niya ay nag-freshen up muna siya bago humimlay and she didn’t even hear her alarm clock ringing not until it’s thirty minutes before her time in.             “Mi, are you okay?” untag ni Ari sa kanya. Nakababa sa may chin ang binabasang libro.             “Ye-yeah.” Maliit na ngiti ang ibinigay niya sa estudyante. Wala din ngayon si Cai, tumawag ito kanina para sabihin na ipapahatid nito mamaya ang kanyang kotse. Hindi naman siya umimik dahil luting nga siya.             “Aww, wala si Mr. Dadi.” Tinaasan ni  Isla ng kilay si  Margot pagkalapit nito sa kanila.             “Who?”             Margot smiles sheepishly. “Si Mr. Rueda po, Mi. Wala po pala siya today, kulang ang aking inspiration.” Yeah… wala sa sariling sang-ayon niya sa sinabi nito. “By the way, Mi. Iyong special project niyo pala sa akin, nagawa ko na po.”             “Speci… ah, yes.” Umupo si Margot sa bakanteng upuan kaharap si Arielle at kinuha ang cellphone. “Go. Report.”             “Rhea May Casas, sixteen years old. Birthday is December 23, 20xx. She’s the youngest daughter of the owner of Indigo Electronics, may dalawa siyang nakakatandang kapatid na lalaki both are already working sa company nila. She’s an introvert s***h loner, madalas siyang nakikita sa library o kaya ay sa fire exit. Mahilig makinig ng music at wala masyadong kaibigan. She belongs to the top ten of her class pero wala siyang kaibigan, she’s aloof too.”             Those are basic information. She needs more than that. “Iyon ang mga nalaman ko from her classmates, Mi. Pero may nalaman ako from her previous school. She graduated from a public school sa province.”             “Pwede ba iyon? I thought youngest daughter siya ng may-ari ng Indigo Electronics, they are rich. Why would they enroll their daughter sa isang provincial school, not that I’m belittling the school since Rhea belongs to the top ten of her class she must be really smart. Hindi ko lang makuha ang sense.” Singit ni Arielle.             “Based sa aking reliable sources ay last summer lang ipinakilala si Rhea ng kanyang mga magulang. She’s not close with her parents and her brothers, nakabukod din siya ng tirahan. They bought her a condo unit not far away from Magnus. I even asked my uncle na connected sa family ni Indigo Electronics, their family name is not Casas but Miraflor. Hindi dala ni Rhea ang surname ng kanilang family.”             “Is she adopted?” Ari asked again.             “No! Na-search ko ang family picture nila and the siblings really look a like.” Ipinakita ni Margot ang picture ng pamilya and true to her words, the siblings have a very strong resemblance with each other. The Spanish bloodline didn’t fade in the family’s generations.             “Masho-shook kayo sa mga hearsays na na-gets ko from other sources. Ang mother ng father ni Rhea, naniniwala sa mga hula and whatnots. When the manghuhula told her na may darating na malas sa pamilya and will bring the family’s fortune down she believes it. And, a month later ay nalaman na pregnant ang mother ni Rhea and it was her at siya ang na-point out na malas sa family.” Napatiim-bagang si Isla sa narinig mula kay Margot. Now that she heard it through hindi niya alam kung totoo, she’s slowly connecting the dots. “Hindi pumayag na ipalaglag ang baby, the matriarch agreed pero pagkapanganak sa kanya ay ibinigay ng mga Miraflor si Rhea sa isang katulong ng family at dinala sa province at doon pinalaki.”             “What the hell!?” Yes, Arielle. Iyan din ang reaksyon ko. “Paano nakabalik si Rhea?”             “The poor girl wasn’t treated right by the adoptive parents at pini-perahan lang ng mga iyon ang mga Miraflor. When the family got fed up and refused to support ay nagbanta ang nagpalaki kay Rhea na ipapa-media niya na may isa pang anak ang pamilya na itinapon ng mga ito. Of course, that family won’t let their oh-so-decent name na marumihan. I don’t know the details pero kinuha ng mga MIraflor si Rhea at hindi na muling nakita ang adoptive parents nito.”             Nakaramdam si Isla ng lungkot para sa  batang iyon. Kung iyon nga ang pinagdaanan nito, the sadness, pain, and emptiness that she saw from her eyes are all valid.             “What the—oh, my God! Parang napapanood ko sa mga telenovela but real life. What a sad life.” Malungkot na sambit ni Arielle.             “The story didn’t end there pa kasi hanggang ngayon ay ayaw pa rin tanggapin ng mga Miraflor si Rhea kahit na patay na ang lola. They bought a unit and hide her there, may katulong from the main house na pumupunta doon every week para maglinis at mag-restocks ng mga foods and supplies. Binibigyan lang nila ng allowance si Rhea at sinabihan na huwag ipagkakalat na related siya sa family na iyon. Everyone na kakilala ng mga MIraflor thought na kawang-gawa lang ang batang pinapaaral nila and she’s not blood-related.”             “May mga magulang talaga na mas iniisip pa ang kalinisan ng pangalan nila keysa sa sariling anak. My goodness, nanggigigil ako.”             Tahimik lang si Isla na nakikinig sa kwento ni Margot and Arielle is expressing her unwanted thoughts for that child’s parents. How can they let that poor girl live by herself? Kung tutuusin ay halos buong buhay nito ay nag-iisa talaga ito kung totoong hindi ito pinalaki ng maayos ng nagpalaki sa kanya?             “Paano mo pala nalaman ang mga information?”  Arielle asks.             “Well, I’m good.” Ngumisi si Margot. “Actually, kasambahay ng classmates ko ang dating kasambahay ng mga Miraflor. Hinayaan niya akong i-interview si Ate Sally kapalit ng mga information din.”             “Information like what?”             Napatingin si Margot sa kanya at ngumisi. “Mami, sorry talaga.”             Kumunot ang kanyang noo. “What did you do?”             “Well, nanghingi siya ng mga pictures ninyo ni Sir Rueda--.”             “What?!” Pasigaw na tanong niya. “What pictures?”             Ngumisi lang ito. “We have private pictures of you together na hindi naming ipinost sa social media ng Magnus.” Pag-amin nito sa kanya na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.             “What pictures? Anong posts? Sandali lang, kayo ang nagpo-post ng mga pictures namin sa social media?”             Tumango ito. “At nagpapatrending din sa hastags ninyo ni Mr. Rueda, #ISDAisLove.” Napakunot ng noo si Isla sa narinig. Ilang beses na niyang nababasa ang hashtag na iyon sa social media kapag napupunta siya doon pero dahil wala naman siyang pakialam sa mga trend ay hindi na niya iyon pinapansin.             “Anong ISDA?”             “Isla plus Rueda, gusto sana namin CAILA pero parang sobrang obvious saka na raw kapag official na kayo para hindi masyadong obvious kaya ISDA muna.” Nasapo ni Isla ang kanyang noo sa ipinagtapat ni Margot.             “Don’t tell me alam ng mga taga-Magnus ang tungkol dito?”             “Yes po, si Professor Mylene nga po ang nag-approve.” Nagtagis ang kanyang mga ngipin habang iniisip kung paano gigilitan ng litid si Mylene kapag nakita niya ito. “Akala nga po namin ay alam niyo na Mi dahil nakita kita once na nag-open ng twitter at binasa ang hashtag.”             “My goodness, sino bang magkaka-interest na i-open ang ISDA-whatsoever hashtag na iyan? I’m a busy person!”             Narinig niya ang pagtawa ni Arielle. “Ang cute po kasi ninyo ni Sir Da—Rueda, Mami. At saka hindi naman po kami ang nagpapa-trend, kapag may mga students po ng Magnus na nakakakita sa inyo ay matik na after five minutes ay nasa socmed world na kayo.”             Kinuha ni Isla ang ruler sa kanyang drawer at mahinang hinampas ang dalawa. “Sa halip na mag-aral kayo ay buhay ko pa at ni Mr. Rueda ang pinagkakaabalahan ninyong lahat. Wala ba kayong mas entertaining na pwedeng gawin?” umiling ang dalawa sa kanyang tanong.             “Mi, kayong dalawa lang ni Sir ay sapat na sa amin na mga supporters ninyo.” She rolled her eyes in frustrations.             “Kapag nakita ko pa iyang hashtag na nag-trend sisiguraduhin kong matatanggal ang admin ng mga socmeds ng Magnus, mark my words.” Seryosong banta niya sa mga ito. “Kausapin niyo iyang mga admins na tigilan ang pagpo-post ng mga pictures---.” natigilan siya nang may biglang mapagtanto. Naningkit ang mga mata ni Isla at napatingin kay Margot. “Don’t tell me na ang binigyan mo ng pictures namin ay admin ng mga Social Media ng Magnus?”             Ngumisi lang ito bilang sagot. “Malamang naka-post na iyon, Mi. At saka, hindi naman po bad iyong mga nakapost na pictures. Mga stolen shots lang na magkatabi kayo together.” Nagdududa siya sa sinabi ng kausap. Alam niyang hindi iyon totoo, mukhang kailangan na niyang bawasan ang interaction nila ng lalaki dito sa school dahil napapahamak lang silang dalawa. Worst, natatakot siya na baka makarating iyon sa girlfriend ng lalaki.             Mas better para maghiwalay sila… sabi ng kanyang utak. She immediately kicked the thought.             “Iyon lang po ang tanging way para makausap ko ang source ng report ko, Mi.” Napabuntong-hininga si Isla. Siya ang nag-utos kay Margot, she even told her to use all the possible resources they have just to get the information. At nagkataon lang na siya iyong resources na nasacrifice. Utos niya, downfall din niya.             “Fine, kakalimutan ko ito pero next time don’t involve Mr. Rueda again. He’s not from here at hindi natin kilala ang mga taong kasama niya outside ng Magnus. He is Mr. Rueda at hindi lang siya basta-bastang tao, ayaw natin na ma-badshot hindi ba?”             “Parang okay lang naman kay Mr. Rueda, Mi. Nagpaalam nga kami minsan na ipost iyong picture niyo together and he said, he is fine with it.” Buwisit na lalaking iyon! Sa halip na tulungan akong matigil ang panunukso ng mga tao sa university para sa ikakatahimik ng buhay niya naging supportive pa! Tapos hindi pa magpapakita sa akin ngayon!             Napabuntong-hininga nalang siya at ibinalik ang focus kay Rhea. “Kayong dalawa, last assignment ko ito sa inyo for Rhea. Pwede bang bantay-bantayan niyo siya? No need na lumapit kayo sa kanya, just check her every now and then.” May hindi siya magandang pakiramdam sa batang iyon.             Rhea’s eyes look so familiar. Para bang nakita na niya ang mga iyon, nakita na niya ang walang buhay na titig nito sa kawalan. It looks so tired and… Lifeless.             “Margotttt!” Isang humahangos na Carmi ang kulang nalang ay basagin ang pintuan ng kanilang opisina. Nawala tuloy bigla sa kanyang isip ang pinag-usapan nila kanina dahil dito lalo pa at pawis na pawis ang dalaga habang nakatitig sa bestfriend nito.             “Anong nangyari sa iyo? Bakit ka parang nakakita ng multo?” Natatawang tanong ni Margot.             “Upo ka kaya muna.” Ini-offer ni Ari ang inuupuan nito pero umiling lang ang bagong dating at ipinakita sa kaibigan ang cellphone nito.             “Ano ba ito at parang…” natigilan si Margot at ito naman ang tila tinuka ng ahas sa nabasa nito. Bigla yata itong nag-freeze.             “Ano namang nangyari sa iyo? Margot.exe stop working.” Natawang tumayo si Arielle at lumipat sa tabi nito para makibasa. “Oh my goodness!” Bulalas ni Ari. “Patay.”             Kinuha ni Carmi ang cellphone nito habang natatawa sa naging reaksyon ng kaibigan. “Patay talaga. You are dead.”             Nagsalubong ang kanyang mga kilay at napatingin kay Carmi. “Ano ba iyan?” curious din siya.             “Mami, nag-post si Alvan.”             “Alvan? Singer ng WaVE?” Ibinigay nito sa kanya ang cellphone kaya binasa niya ang naka-post doon.             Alvan WaVE I fvcking remember what happened that night, every single details… infront of the club’s restroom. I’ll be looking for you.             Hindi alam ni Isla kung matatawa ba siya o matatakot dahil parang hindi alam ni Margot ang nangyayari sa mundo. Talagang tumigil na sa pag-function ang katawan nito.             “Friend, buhay ka pa ba?” Carmi shook her hard to wake her up.             “P@!!@bsajd.” Mga salitang sambit ni  Margot na hindi nila maintindihan.             “Nasira na nga.” Natatawang sabi ni Arielle.             “Am I dead? Am I doomed? Hindi naman siguro niya maalala ang face ko hindi ba?” angalanin itong ngumiti sa kanila. “Wala namang CCTV kaya malaki din ang chance na hindi niya ako makilala.” Kumbinsi nito sa kanila.             “Are you convincing us or yourself?”             “Carmi you are not helping. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag nakilala niya ako? What if ipagkalat niya sa social media na hinalikan ko siya tapos i-bash ako ng mga fans nila? Ang daming fans ng WaVE na nagkalat sa social media at karamihan sa kanila ay mga makikitid ang utak at hindi maintindihan na baka aksidente lang iyon. You know keyboard warriors.” She is now fidgeting. “And I can’t ask my brother’s help dahil jerk siya ngayon and he doesn’t deserve my attention.”             “You can always deny.” Suhestiyon ni Isla kahit na natutuwa siya sa naging reaksyon nito. Palaging chill lang si Margot at ngayon lang nila ito nakitang parang pusa na kakatayin niya.             “Right? I can always deny at hindi assurance na naalala niya ang nangyari ay naalala niya ang lahat pati ang mukha ko. Besides, my face is very ordinary so there’s no way for him to remember.”             She bit her lips as Margot keep on convincing herself. Margot doesn’t look ordinary, she dress simply but nobody can deny that she’s pretty and so with Ari and Carmi.             “Naalala ko na nabato mo rin pala siya ng plastic bottle last year.” Paalala niya dito habang hinihila ni Carmi ang isang upuan para makalapit sa kanila. “Hindi kaya ang destiny na ang nagpe-pave ng daan ninyong dalawa?” biro niya dito.             “Sana all pinag-pave ni destiny ang path.” Sambit ni Carmi.             “Mami, you are not helping.”             “Bagay naman kayo.” Napangisi din si Ari na halatang sinasakyan din ang trip niya. Minsan lang sila makaganti sa mga pangshi-ship nito sa kanila, masaya palang gawin ito kaya pala enjoy na enjoy ito sa pampapares ng kung sinu-sino.             “Sana all bagay.” Muntik na siyang matawa sa linyahan ni Carmi na nakatingin sa hawak na cellphone.             “Si Alvan na talaga ang para sa iyo, baka kayo na ang itinadhana Margot.” Dugtong niya.             “Sana all itinadhana—aray!” Hiyaw ni Carmi nang hampasin na ito ng kaibigan.             “Gusto mong tawagin ko si president para manahimik ka?” banta ng naging center of attention nila.             “Sana all may pangdefend para lang tigilan sa panunukso… aray! Aray! Titigil na.” reklamo na nito. “Ano ba Margot? Masyado na akong nagiging battered bestfriend mo, I resign!”             “Hindi ka pwedeng mag-resign! Paano nalang kung may sumugod sa akin sino ang magtataboy ng mga bashers and haters?”             Tinaasan ni Carmi ng kilay ang kaibigan. “May bayad ang pagiging bodyguard ko. But, don’t overthink may tama ka naman sa sinabi mo, pwedeng naalala niya ang nangyari pero hindi rin tayo sure kung naalala ka niya. I’ve been to that club at medyo madilim nga sa part na iyon.”             “Yes, medyo dark nga there.” Sang-ayon ni Arielle. “I was there and I saw you kissed him. Kung hindi kita kilala hindi rin kita makikilala at iisipin ko na isa ka rin sa mga girls na nabiktima ng kamandag ni Alvan.”             “Ew, ayokong ma-label na isa sa mga nabiktima ni Alvan, yuck!”             “Tama ang mga kaibigan mo Margot. Don’t fret and besides madali nating hanapan ng paraan kapag na-bash ka ng mga fans ng WaVE. Ipapa-hack nalang natin ang mga accounts nila tapos isuspend.”             “Paano kung marami?”             “Marami din tayong connections.” She winked at her and smile to make Margot feel at ease. “Pero baka nga destined kayo, siya na ba ang forever mo?”             “Mami, minsan I hate you rin.” Natawa silang lahat sa sinabi nito               “HYLLIA AMARIS SOLARES sinasabi ko sa iyo talaga! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?” asar na sambit ni Isla nang mahanap ni Giselle si Pepper na bigla nalang nawala sa kanilang radar. “Pinag-alala mo pa kami, kung hindi ka lang talaga buntis ay kinutusan na kita.”             “Chill lang friends.” Natatawang sabi lang nito na para bang hindi ito nawala.             “Alam mo naman na directionally challenged ka, paano kung bigla ka nalang mawala and worst ma-kidnap?” inosenting nakatitig lang sa kanila ang kaibigan na sinamahan nila para sa pre-natal check-up nito na busy sa pagkain ng french fries.             “I can call--.”             “Iniwan mo ang phone mo dito gaga.”             “Or, ask the guards.” Nagpa-cute lang ito sa kanila.             “Kung kalian ka nagbuntis ay saka ka natutong magpa-cute. Saan mo natutunan iyan?” tanong ni Giselle at bilang sagot ay bumaling sa kanyang panig ang tingin ni Pepper.             “Kay Isla, kapag pinapagalitan natin siya dati ay nagpapacute lang siya tapos nawawala na ang inis natin. I learned from the best professor.”             Ngumisi lang siya at kinurot ito sa pisngi. “Hindi ka aabot sa level ng cuteness ko.”             Pepper gave her a toothy grin. “Hindi talaga, ang liit mo, Beh. Mahirap kasi yumuko.”             “Ang pangit ng ugali mo sana pala hindi na kita sinamahan.” Hinawakan lang nito ang kanyang braso at dumikit sa kanya.             “Kaya nga love na love kita, Isla. Kasi alam kong hindi mo ako matitiis.” Muli niyang kinurot ang pisngi nito nang magvibrate ang kanyang cellphone. Tumaas ang kilay niya ng makita ang pangalan ni Caius na nakatatak doon.             “Sino iyan?” takang tanong ng katabi. Lumapit sa kanila si Giselle kaya mabilis niyang sinagot ang tawag dahil baka mabasa pa nito ang pangalan ni Caius sa screen kilala pa naman nito iyon. “Ang damot. Giselle, restroom muna ako.”             “Sama na rin ako.” Umalis na ang dalawa at iniwan siya sa kanilang mesa sa loob ng coffee shop na iyon sa isang mall.             “Why?” Sagot niya sa tawag.             “Good afternoon too. Where are you now?”             “Why?”             “Isla.” May pagbabanta sa boses nito as if naman matatakot siya sa tono ng boses nito. Hindi ito nagpakita kahapon sa Magnus at hindi rin ito nagparamdam sa kanya kaninang umaga at gusto pa nitong kausapin niya ito ng chill lang? “Oh, I saw you already.”             “Huh?” lumingon siya at nakita may entrance si Caius na kasama si Travis. “Anong ginagawa mo dito?” Pinatay niya ang tawag dahil mabilis itong nakalapit sa kanya.             “Hi, Professor Aguirre.” Bati ni Travis sa kanya. Ngumiti lang siya dito bilang ganting pagbati bago lumipat ang tingin kay Caius.             “And?” Naghihintay siya sa sagot ng lalaki.             “Coincidence.” Sagot lang nito na ikinataas ng kanyang kilay at ikinatawa ni Travis. “We were in a meeting and I suddenly saw you here. Naalala ko na hindi ko pa pala naisauli ang sasakyan mo.”             Car? Oo nga no, iyon nga pala ang dahilan kung bakit nahila niya si Giselle dahil may kotse ito at ayaw nilang magdrive si Pepper lalo pa at wala pa silang idea kung healthy ba ito o kung ano.             “Kailan mo nga pala isasauli iyon?”             “Let’s get it now.” Hinawakan nito ang kanyang braso.             “Oopsie! Not so fast mister, I’m with my friends dahil sasamahan ko si Pepper sa prenatal check-up niya. Nasa restroom pa sila.”             “Then, let me fetch you later.”             “Okay.”             “You call me once you are done with your friend’s appointment.” Tumango lang uli siya. “I’ll get your car first and will use it to fetch you.” Tumango lang uli siya dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Nasaan na ba ang mga babaeng iyon? She needs distractions!             “Hi Mr. Rueda.” Bati ni Giselle na nakabalik na from the restroom. Biglang pumormal ang hitsura ni Caius at tinanguan lang ang kaibigan.             “We will go now.” Paalam nito sa kanila at lumabas na ng coffee shop.             “Alam mo Isla, si Mr. Rueda ay halatang may favoritism. Bakit sa iyo lang yata siya mabait.”             “Malamang kasama niya ako sa office ng ilang lingo kaya magkakilala na kami at ganyan din siya sa mga kasama namin sa office.”             “Hindi iyan ang nakikita namin sa mga posts ng webpage ng Magnus.” Umismid ito. “Hindi ko alam kung manhid ka lang or nagmamaang-maangan.” Nagmamaangmaangan.             “Bakit kayo nakatayo diyan? Sino iyong dumating?” tanong ni Pepper na kakarating lang mula sa restroom.             “Kasama lang namin sa work s***h special person ni Isla.” Tinaasan niya ng kilay si Giselle. “I mean, kasama niya pala sa office pero ikukwento ko sa iyo kung paano sila naging close--- super close friend.”             “Huwag kang gawa-gawa ng kwento Giselle.”             “Anong akala mo sa akin writer at marunong gumawa ng kwento? I only tell facts with evidences.” A sly grin appears on her friend’s lips. Naiiling nalang siya dito dahil alam niyang hindi rin niya ito mapipigilan na magkwento at kapag nag-insist siya na itigil nito iyon ay alam niyang siya rin ang maiipit sa bandang huli.             Kailangan lang niyang mag-deny. Yes, deny lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD