ISLA swears her heart almost jumped out from her ribs when Caius met her eyes, with his dark orbs that brought shivers down to her spine. She can’t help but travel her eyes on the formal clothes the guy is wearing, it was very different from his usual attires when he’s in the university. He looks good with his usual get-ups, but he looks delicious wearing his business suit. Isla snapped from checking him out when she realized that they’ve been looking at each other for quite some time. Heck! Why did I forget that this is this man’s turf and how he hated being told what to do and just did something unimaginable in front of his people and almost forget everything because I was mesmerized by his looks!
Tumikhim siya. “Do I need to apologize?” his brows flinched when he heard her words. “Alam mong pakialamera ako and did I just overstep my boundary kanina when I told you what to do? If I offend you or something, then an apology is necessary.” She’s actually fidgeting hindi lang halata.
Matagal siyang tintigan ng lalaki, sa utak niya ay baka nag-iisip lang ito ng tamang salita na sasabihin sa kanya. Knowing Caius he is still careful with his words, hindi naman ito palengkero. She heard him sigh.
“You are right I don’t like it when someone tells me what to do especially in front of my people.” She pursed her lips unintentionally. “It has been done.” Nagsalubong ang kanyang kilay dahil hindi naman nito in-address ang issue o ang talagang nangyari kanina.
“Are you fine with it?”
“May magagawa pa ba ako? I already said yes to them.”
Nagkibit-balikat si Isla. “You are still the boss, you can always change your mind.” Paalala niya dito.
“I don’t give second chances, but you made it happened. Kung anuman ang mangyari sa project I am giving you full responsibility for it.” Malakas siyang napasinghap sa sinabi nito at mukhang natuwa yata ito sa kanyang naging reaksyon dahil hindi na muli ito nagsalita at tumalikod papunta sa mesa nito.
“Joke lang naman iyon suggestion ko, bawiin mo nalang. Binigyan mo pa ako ng problema.” Sinundan niya ang lalaki. “Caius, hindi ka naman mabiro. Biro lang talaga iyon.” Nang mahabol niya ang binata ay hinila niya ang sleeve ng suot nitong suit. “Anong gagawin ko kapag nag-fail ang project ninyo.”
“Ikaw na ang bahala sa mga tauhan kong mawawalan ng trabaho.” Cool na sabi nito.
“Bakit ako?”
“Because it’s your suggestion.”
“But you agreed.” She desperately yelled at him. “Yeah, you agreed.”
“If you didn’t suggest I wouldn’t agree.” Napaawang ng tuluyan ang kanyang mga labi habang nakatitig dito. Prenteng naka-upo ito sa swivel chair habang hawak pa rin niya ang manggas ng suit nito.
“Sana pala hindi ako nagpunta dito, my goodness!” Bakit nga uli siya nagpunta sa opisina nito? Ang daming struggles ang pinagdaanan niya para lang makaakyat sa floor nito tapos mapapasok pa siya sa malaking gulo. Hinila niya ang mga daliring nakahawak sa sleeve pero biglang hinawakan ni Cai ang kanyang braso at hinila siya palapit dito. Muntik na siyang mapatili lalo na nang mapagtanto kung gaano kalapit ang distansya sa pagitan ng kanilang mukha.
Tinangkang hilahin ni Isla ang kanyang braso pero hindi siya nito binitiwan at sa halip ay kumilos ang kaliwang kamay ng lalaki at tinanggal ang suot niyang sunglasses. Napapikit siya nang tumama sa kanyang mga mata ang liwanag mula sa opisina nito.
“You cried.” Sambit nito.
“At iiyak uli ako dahil sa pinagsasabi mong responsibility kanina.” Asar na ani niya pero hindi yata iyon ang narinig ng lalaki dahil mas lalong nagdugtong ang dalawang makakapal na kilay nito.
“Why did you cry? Paos din ang boses mo.”
“Wala ito--.”
“Isla.” Alam niyang hindi dapat pero parang may nalusaw sa loob ng kanyang katawan dahil sa mga kilos nito. His voice is stern at walang bahid ng pagbibiro, he really wants an answer from her… an honest answer. And she missed this, she missed him asking her what happened… God! Alam kong hindi dapat pero nami-miss ko talaga si Caius. Ikinurap niya ang kanyang mga mata nang maramdaman ang pag-iinit doon. Stop it Isla please, pumili ka na hindi ba? You chose to end this freaking cycle kaya bitaw na.
“Uhm… wala naman talagang masamang nangyari. Well, sa akin wala but to someone I knew meron, nakinig lang ako sa kwento niya at nadala ako kaya I cried.” She wasn’t lying though dahil nakinig lang naman talaga siya kay Teo. “I’m not lying.” She defended herself.
“I know.” Dahan-dahan nitong binitiwan ang kanyang braso kaya bahagya siyang lumayo. Magsasalita na sana siya pero kinuha nito ang telepono sa mesa at tinawagan ang sekretarya nito. May pinapakuha ito pero hindi na niya iyon napakinggan dahil pinapakalma pa rin niya ang kanyang puso.
Calm down heart, everything will be okay. Kailangan kang may i-sacrifice para matapos na ang lahat ng ito.
Iyon ang sinasabi ng kanyang utak pero alam niyang ng kanyang puso. Pero paano kung hindi na panaginip ang lahat at sinasayang ko ang pagkakataon na maging masaya kasama si Caius? At ilang beses na nga niyang sinabi ang linyahang ito? Ika-limang beses na ito ngayon.
“Excuse me, Mr. Rueda.” Ssabay silang napatingin ni Caius nang pumasok ang secretary nito pagkatapos ng ilang katok sa pintuan. “Dala ko na po ang pinapakuha ninyo.” Napatingin siya sa gray stainless tray na hawak ng bagong dating.
“Bring it here.” Mabilis na inilapag nito ang tray at napako ang tingin niya doon. “Thanks, Krista.” Ngumiti lang ang babae dito at maging sa kanya pagkatapos ay agad din na nagpaalam at lumabas.
“You eat.” She licks her lower lips when she saw what was served. Her favorite macaroons in different colors. Kinuha nito ang visitor’s chair at inilagay sa tabi nito, dahil masyadong nakuha ng pagkain ang kanyang interes kaya wala na siyang pakialam kung nakaupo man siya sa tabi nito at kumakain.
“Caius!” muntik ng mabitiwan ni Isla ang kinakain nang may pumasok sa opisina at sumisigaw. Sabay na pumasok sina Nathan at iyong matangkad na gwapong lalaki na katabi nito kanina na hindi niya kilala. “Problem…” napatingin ang dalawa sa kanila. Napatitig naman siya sa bitbit ni Nathan.
“We have an urgent meeting with an investor.”
“This time? Wala sa schedule ang meeting.”
“It’s urgent, really… urgent.” Patuloy lang siya sa pagkain habang nakipag-eye to eye contact sa batang babae na karga ni Nathan.
Tumingin si Caius sa kanya. “We can always reschedule our meeting.” Aniya dito.
“There’s a bigger problem, Cai.” Nakangising sabi ni Nathan. “Nathalea.”
“Where’s your wife?”
“She’s with her parents, may sakit ang mga in-laws ko at wala din ang yaya ni Thali so she sent her to me. I didn’t expect this urgent meeting.”
“We can leave her with my secretary.” Napakamot lang ng ulo si Nathan.
“We can’t.”
“Why?”
“Sinubukan ko na siyang ibigay kay Shine but Thali won’t stop crying. My secretary can’t even tame her.”
“Mine too. Wala kaming pwedeng mapag-iwanan kay Thali sa mga babae dito sa office.” Sabi ng matangkad na gwapo.
Inabot ni Isla ang baso na may lamang lemonaide para alisin ang tamis sa kanyang dila. Patuloy lang siyang nakikinig sa usapan ng tatlo.
“Sir, nasa lobby na raw po si Mr. Sanchez.” Untag ni Shine.
“Isla.” Tawag ni Cai sa kanyang pangalan.
“Bakit pakiramdam ko ay may masama ka na namang balak?”
“You are good with kids.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Is that a statement? My goodness Cai, malalaking bata na iyong binabantayan ko. Hindi ako marunong mag-alaga ng sanggol.” Ani niya dito. Cai called Nathan over and get the child from the father, agad itong humikbi nang maramdaman na hindi na nito tatay ang may hawak dito. Ilang sandali pa ay ngumawa na ang bata.
“I know you are good with babies.” Tumaas ang kilay niya at nang ibigay sa kanya ang bata ay awtomatikong inilahad niya ang mga braso. Her instinct kicks in, she guess? Nataranta man ay maayos na nailagay ni Cai si Thali sa kanyang braso na agad din na tumahan at tumitig sa kanya.
“Great! My daughter loves you.” Napatingin siya kay Caius na tila ba may kung anong ekspresyon na hindi niya mabigyan ng pangalan sa mukha. He looks so… soft? “You are a life saver, Is--.”
“Call her Iana or Doc Aguirre. She doesn’t like it when other people call her by her first name.” Caius interrupted. Tumawa lang si Nathan at kahit na ang matangkad na lalaking kasama nito. Tumayo na rin si Caius. “Ihahatid kita sa condo mo mamaya, I’ll be back immediately.”
Paalam nito sa kanya na ikinataranta niya. “Hoy lalaki! Iiwan mo talaga sa akin itong bata? Sinabi kong hindi ako marunong mag-alaga ng bata, paano nalang kung umiyak ito?”
May inilapag si Nathan na bag na sa tingin niya ay may laman na gamit ni Thali. “Ready na ang milk ni Thali pati na rin ang ibang gamit niya. Miss Iana, malaki ang utang na loob ko sa iyo sa pag-aalaga sa anak ko, I promise gagawin ko ang lahat ng hilingin mo.”
“Kahit na paluhurin mo si Nathan sa thumbtacks ay gagawin niya.” Biro ng isa.
“Travis is right kahit na lumulon ako ng bubog.” Oh, Travis is his name. Naramdaman ni Isla ang palad ni Caius sa ibabaw ng kanyang ulo. Is he petting her like a puppy?
“I’ll be back.”
“Make it quick.” Ang nasabi nalang niya.
“When you need anything tawagin mo lang si Shane.” Tumango nalang si Isla dahil wala na rin siyang magagawa pa. Tinawag muli ni Shane ang tatlo dahil nasa conference room na ang client na kakausapin ng mga ito. Napabuntong-hininga nalang si Isla at dahan-dahan na tumayo at saka lumipat sa swivel chair na iniwan ni Cai. Tulog si Thali at ng ilapag sana niya ito sa ibabaw ng mesa ay muli itong humikbi. Wala siyang choice kundi ang kargahin ito, Cai’s chair is very big for her and it’s warm too. Napangiti nalang siya nang maamoy ang pabango nito sa upuan.
“Hi, baby Thali.” Bulong niya sa bata. “Ilang beses na rin kitang nakita sa mga panaginip ko. Ilang beses na rin kitang nakarga, naaalala mo ba si Tita?” She kissed the baby’s forehead. May alam siya sa pag-aalaga ng bata dahil nakikita niya kung paano alagaan ni Leane ang kanyang inaanak. Sinabi lang niya iyon dahil gusto na sana niyang umuwi.
Itinaas ni Isla ang mga binti at ipinatong sa ibabaw ng inupuan niya kanina. Mas naging komportable siya doon habang ginagalaw-galaw ang upuan. Bahagya siyang umikot at napatingin sa madilim na langit. “The sky is dark.” Wala siyang makitang kahit na anong stars sa langit pero nang bumaba ang kanyang mga mata sa siudad ay tila mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam. “The city looks like the sky at night, baby Thali. The city light looks like the universe.”
Patuloy lang siya sa pagtingin sa nagkikislapang ilaw mula sa mga sasakyan, establishments, at mga buildings sa ibaba.
“Miss Aguirre.” Mahinang tawag sa kanya ni Shane. May bitbit na naman itong tray. “Ang sabi po ni Mr. Rueda ay kumain po muna kayo baka matagalan sila sa meeting nila.”
Ngumiti siya sa babae. “Shane? Pwede bang samahan mo muna ako dito, baka kasi bigla akong makatulog at mabitiwan ko ang bata.”
“Sige po, Miss.”
“Kumain na ba si Caius?” umiling ito.
“Magdi-dinner na po sana siya kasama kayo kung hindi lang dumating iyong investor. Na-cancel ko na ang reservation niya dahil hindi rin kayo aabot sa restaurant.” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.
“Reservation?”
Ngumiti at tumango ito sa kanya. “Miss, humihingi po ako ng tawad kanina. Hindi ko po alam na girlfriend ka po ni Sir dahil hindi naman siya nagku-kwento.”
“Hindi ko boyfriend ang amo ninyo.” She immediately corrected her dahil baka makarating pa ang tsismis sa girlfriend ng lalaki.
“Eh, nasa official social media account na po ng MDC ang pictures ninyo ni Sir.”
“What?” gumalaw si Thali na mukhang nagulat sa kanyang pagsigaw.
“May nagpost na executive po ng interaction ninyo kanina sa labas.” Kinuha nito ang cellphone nito at ipinakita ang picture na nakapost doon. Ito iyong naka-upo siya sa sofa at nilapitan siya ng lalaki para kausapin. Hindi niya napansin na yumuko pala ito and from that angle he looks like… he is kissing her. Putangina! 25.3K reactions, 10.5 K shares in less than thirty minutes? Tadtad din ng maraming comments ang post na iyon.
“Pwede bang ipatanggal ang picture?”
“Mr. Rueda said it’s okay.” May mapapatay talaga siyang taong nagngangalang Caius Rueda mamaya. “Bagay po kayo ni Sir, I am shipping you po with him.”
Nasapo ni Isla ang kanyang noo, kahit saan na lang ba sila magpunta ay may ganitong eksena? Akala niya ay sa Magnus lang may ganito pero mas delikado yata dito sa MDC.
“I’ll kill your boss later, nagpapaalam na agad ako para may lilinis sa bangkay niya mamaya.” Natawa lang ito sa kanyang sinabi. Sa utak niya ay binubuo niya ang posibleng pwedeng i-explain sa girlfriend ni Caius kapag sinugod siya nito.
“Ay, wait lang po.” Tumunog ang cellphone nito. “Sasagutin ko muna po ito.” Tumango lang siya habang hinahaplos ang likod ni Thali. Pagkatapos ng tawag ay bumalik uli si Shane sa pwesto nito.
“If you don’t mind, bakit parang hindi yata maganda ang expression mo after the call.”
Tipid na ngumiti ito sa kanya. “That’s Mr. Sy’s call.”
“Mr. Sy?”
“Si Mr. Travis Sy po, Ms. Aguirre. He’s another executive ng MDC but working here as well since he’s a co-owner.”
“Anong meron sa kanya?”
“May pinapahanap po kasi siyang tao, nagulo po ang buong opisina for more than a month now dahil hindi siya nakakapagfunction ng matino dahil sa hinahanap ang taong pinapahanap niya. Na-stress din si Sir Nathan at si Sir Caius kaya tinulungan nilang mahanap iyon ang problema lang ay wala talagang maibigay si Sir Travis na ibang information dahil hindi rin niya alam ang tunay na pangalan ng taong iyon.”
“Ay, ano iyon? Parang nakita lang niya daan tapos hitsura lang ang naalala niya and then he fell tapos pinapahanap na niya ang kanyang missing Cinderella?” biro niya dito. Tumawa lang ito pero alam niyang may kwento pa na hindi nito masabi, she just smiled at Shine. Naiintindihan niya kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang background story ng missing person ni Travis. It’s not her story to tell and she respects that.
“Ngayon ko lang narinig ang pangalan ni Travis, I mean hindi siya nabanggit ni Caius.”
“Palagi po kasi siyang wala, lagalag po talaga ang kaluluwa ni Sir Travis. Palagi siyang out of the country, napirme lang siya sa opisina nang simulan na niyang hanapin ang missing person niya.”
“What’s his real name?”
“Sol… Sol Travis Sy.”