DINALA ni Isla si Teo sa isa sa kanyang paboritong tambayan kapag gusto niyang mapag-isip at mapag-isa. Pareho silang nakaupo sa bumper ng kanyang kotse habang may hawak na light beer. Teo needs it as he said or else hindi ito magsasalita on the other hand, decoration lang ang sa kanya dahil hindi niya iyon iinumin lalo pa at medyo malayo pa ang kanyang ida-drive.
“So, ready ka na ba na magkwento?” tanong niya sa katabi. Nasa isang public beach resort sila, wala masyadong tao lalo pa at weekdays. “Sa tingin ko kasi kailangan mo na iyang ilabas.” Biro niya dito, hindi rin naman niya ito pipilitin kung hindi talaga nito kayang magsalita.
“He’s my ex-boyfriend.” Napatingin si Isla kay Teo nang marinig ang sinabi nito. “First year college.” Nagsimulang magtrabaho si Teo bilang assistant niya last year. Naging student rin niya ito noong freshman years nito sa isang major subject pero hindi pa ganito kalalim ang relasyon nilang dalawa. Sa pagkaalala niya ay tahimik na bata ang talaga ito at bihira niyang nakikita na nakikipag-usap sa mga kaklase nito.
“Anong nangyari?”
Lumagok muna ito ng beer. “During my freshman days, napasama ako sa mga classmates ko na mahilig magparty at pumunta sa club. Kaka-out ko lang sa parents ko noong mga panahon na ‘yon at hindi naging maganda ang reaksyon nila. My mother accepted me pero alam kong disappointed siya sa akin and my father can’t accept na ang nag-iisang anak nila ay magiging ganito.” Mapakla itong tumawa pero batid niya ang sakit sa boses nito.
“I was lost, hindi ko alam kung sino ang pwede kong kausapin. Naghanap ako ng mga taong tatanggap sa akin. Hindi ko alam kung saan talaga ako luluga r sa pamilya ko at sa school. Kaya nang makilala ko ang mga kaibigan ko ay sobrang saya ko dahil sa unang pagkakataon parang nakalaya ako. Nakalaya ako sa disappointment ng parents ko, sa mapanghusgang mga mata ng mga kamag-anak namin at ng mga taong hindi pa rin tanggap ang kasarian ng mga tulad ko.” Gusto niya itong yakapin pero kapag ginawa niya iyon ay magbe-breakdown lang ito kaya hinayaan muna niya itong tapusin ang sinasabi nito.
“And then one night, I saw him—Carlou. I don’t know but when we met, I felt that instant attraction. That was the first time I felt something. He asked my number and since then our communication never cease. Naging instant sandalan ko siya kapag may hindi magandang nangyayari sa akin sa school. He made me feel that I’m special and cared, iyong mga hindi ko mahanap sa pamilya ko ay nahanap ko sa kanya. Kinapitan ko siya, naging dependent ako sa kanya dahil akala ko okay lang.”
Muli itong lumagok ng beer, namumula na ang pisngi nito. Mababa ang alcohol tolerance ni Teo.
“He assured me that it’s okay to be dependent dahil nandoon lang siya for me and I believed him. I know he is bisexual, sinabi niya iyon sa akin. He even told me that he had an ex-boyfriend kaya mas lalong lumakas ang loob ko na mahalin siya dahil alam kong pareho kami ng daan na nilalakaran. I was so happy… he made me feel so happy.”
Bigla itong yumuko at napansin niya ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha nito at ang pagkabasa ng suot nitong pantalon.
“When he asked me to be his boyfriend ay sinagot ko siya, bakit naman hindi? I love him and he loves me too.” Naikuyom nito ang mga palad. “Wala akong pakialam kahit na walang may alam na kami na pala, kapag may nakakakita sa amin ay palagi niya akong pinapakilala na kaibigan lang. Noong una ay okay lang sa akin pero noong lumaon na ay naiinis na ako pero ayokong i-confront siya dahil natatakot akong baka magalit siya at iwanan niya ako. I was very week and scared.”
Tuluyan na itong napahagulgol ng iyak. Itinaas ni Teo ang mga binti at niyakap iyon, mas malaki ito sa kanya pero ng mga sandaling iyon ang liit ni Teo. Ramdam pa rin niya ang takot nito at ang sakit. Ang sunod-sunod na pagyugyog ng mga balikat ng kausap at ang mahinang hikbi ay palatandaan ng sakit na matagal na nitong itinago at ngayon lang pinalabas.
“And then one night, one freaking night he talked to me. He said sorry, he apologized because he can’t give me the love that I deserved. He courted me because of a fvcking game set by his friends, I became a trophy boyfriend. Sinabi niya sa akin na kahit na nagsimula sa laro ang lahat ay natutunan niya akong magustuhan but he is not sure if he can continue the relationship with me.” Tuluyan na nitong inubos ang laman ng latang nayupi na sa higpit ng pagkakahawak nito. “Pakiramdam ko ng mga sandalling iyon ay isa akong basura na basta nalang niyang itinapon. I beg for him to give me a chance because I’m scared to be alone again when he leaves me, pero kahit anong kapit ko kung siya na mismo ang bumitaw wala na talaga.”
Hindi na nakatiis si Isla at hinaplos ang likod ng bata, sa isip niya, kung na-experience ng mga kapatid niya ang naranasan ng kausap ngayon siguradong makakapatay siya ng wala sa oras.
“I was a mess at bumaba ang mga grades ko. Nang makita iyon ng mga magulang ko ay galit nag alit sila and even blame it because of my sexuality. Pinaalis nila ako sa bahay at tumira ako sa apartment na tinitirahan ko ngayon.” Bumaling ito sa kanya, may maliit na ngiti sa mga labi pero hilam ang mga mata at pisngi ng luha. “Mami, I was so alone and sad… and scared.”
She immediately opened her arms for Teo, hindi niya namalayan na sunod-sunod na rin palang nagsisituluan ang mga luha sa kanyang mga mata habang nakikinig dito. Her short arms wrapped around his body. His body is still shaking due to crying habang sinasabayan niya ang pag-iyak nito. Hindi niya maisip na nakayanan nito ang lahat ng iyon ng nag-iisa dahil kung siya ang nasa posisyon nito ay baka kung ano ang naggawa niya.
“I’m sorry because I’m like this, kung normal lang siguro ako baka hindi ako nasaktan. Baka mahal pa rin ako ng mga magulang ko and maybe because I’m gay, I don’t deserved to be loved..”
“Don’t say that Teo, you are no different from other people. You are normal, don’t let your gender preference hinder your way of thinking. To loved and be loved in return is a blessing, so as being a gay or a lesbian. Being a part of the community is not a sin.” Kumalas si Isla sa pagkakayakap dito at sinapo ang magkabilang pisngi ng tinuring na rin niyang kapatid. “Love is too beautiful for it to be hidden deep in the closet. And, it sees no gender. It takes a lot of courage to grow, accept and be proud of who you are. Love is love, all people should be treated equally, regardless of who they are or who they choose to love. I love you, Margot loves you, we love you Teo.” Pinunasan niya ang luha sa pisngi ng kausap.
“I’m sorry.” Bulong niya dito. Mukhang kasalanan niya kung bakit nasasaktan uli si ngayon si Teo. Kung hindi siya nakialam at kung hindi siya gumawa ng paraan para magkrus muli ang landas ng dalawa sana ay hindi nasasaktan ng ganito ang kanyang assistant. “Kung hindi dahil sa akin ay sana hindi kayo magkikita uli ni Carlou ngayon.”
Umiling ito sa kanyang sinabi. “You don’t have to apologize, Mi. Nakatadhana talaga na magkita kaming muli dahil kung hindi, hindi sana kami magkikita at magiging kaibigan ni Margot. One of these days our path will cross again even if you didn’t make a way. I thought I’m already okay, I though I’m already healed but when I met him and when he tried to pursue me again…” mapait itong ngumiti. “Unti-unti niyang tinitibag ang pader na binuo ko sa puso ko.”
“Teo…”
“I was hurt because I was weak, hind ako pwedeng masaktan ngayon dahil malakas na ako. Pinalakas ko ang puso ko para sa mga katulad niya.”
“Teo, being hurt because you loved him is valid. Don’t invalidate your feelings please. It’s okay to be broken because it serves as our training ground for growth, without pain, there will be no growth. Okay lang na madapa as long as marunong kang tumayo kahit gaano man katagal iyong abutin. You, falling in love with him again is still valid but him hurting you is not.” Hindi niya namalayan na napahigpit pala ang hawak niya dito. “Oh, sorry.”
Natawa ito sa kanyang reaksyon, nasa mga mata pa rin ni Teo ang sakit pero may bahid ng relief din doon. He must be hiding these for quite sometime and she’s glad he managed to cry it out to her.
“You know what Teo, hindi ko man naiintindihan ng buo ang sakit na nararamdaman mo ngayon tandan mo nandito lang ako at ang mga kaibigan mo na handing makinig sa iyo.” A small yet sweet smile appears on Teo’s lovely face as he hugs her one more time. “And if you are ready, talk to your parents again. Kung ayaw pa rin nila, punta ka lang sa akin, usap tayo, okay?” tumango ito sa kanyang sinabi.
“Pangit man na pakinggan itong sasabihin ko pero gusto kong makaganti kay Carlou, gusto kong marealized niya ang taong sinayang niya.”
“Mami, you don’t have to. Okay lang ako.”
“Pero kami hindi at lalong-lalo na hindi si Margot dahil kahit wala akong gawin ay may gagawin na ang batang iyon. Naiintindihan ko rin siya because Carlou and you, you really look good together.” Malakas siyang napabuntong-hininga. “Ang pangit talaga ng ugali ko, kanina ay sinasabayan kitang umiyak pero ngayon naman ay gusto kong magkatuluyan kayo. I can’t make up my mind.” Inis na palki niya sa sarili. “But I will still respect your decision, Teo. Kwento mo kasi ito kaya ikaw ang may rights ng gusto mong maging twist ng story mo. I suggest na sabihin mo na kay Margot ang lahat para alam din niya kung saan ang kanyang limitasyon. Hindi naman mahirap kausapin ang batang iyon and for sure, she will understand.” Marahan itong tumango. She can see Teo’s change based from his expressions awhile ago.
Narinig niya ang mahinang tawa nito. “Mi, I know this is bad and I shouldn’t do this at dapat walang matinong tao na gustong gawin ito pero…” napatitig siya sa mukha nito at kahit na hindi nito sabihin ay alam niya ang takbo ng utak ni Teo.
“Mabuti nalang pala at manang-mana kayo sa akin, mga abnormal.” She said in relief. Gusto lang niyang may mapaglabasan ng inis at galit na nararamdaman niya and she thinks, she knew someone who can do it for her.
“EXCUSE me, Miss. Bawal pong pumasok sa office ni Mr. Rueda ng walang appointment.” Isla gave Cai’s secretary an uninterested look. Kanina pa sa baba may humaharang sa kanya para hindi makaakyat sa opisina nito.
That guy! Hindi man lang sinabi sa mga tauhan nito n a pupunta siya samantalang ito ang nagsabi na pumunta siya doon dahil may pag-uusapan sila. Masakit pa rin ang ulo ni Isla dahil sa kakaiyak kanina pero pinilit pa rin niyang puntahan ito gaya ng usapan.
“Hindi ba niya sinabi na pinapapunta niya ako dito?” matamlay na tanong niya pero may bahid ng inis sa kanyang boses dahil pagod na rin siya. Alam din niyang nagdududa ito sa kanya gaya ng mga staff nito na nakakasalubong niya and she can’t blame these people dahil ilang beses na rin bang may sumugod dito sa building ng lalaki na nagke-claim na girlfriend nito, dati… sa kanyang mga repeated dreams.
“May meeting po si Sir with the board of directors sa conference room at wala po siyang naka-set na ibang appointment ngayon.” Kumibot ang kanyang labi dahil sa sinabi nito. Kung may meeting pala ito sana ay nagtext nalang ito sa kanya kaagad para hindi nalang siya tumuloy.
Magsasalita sana siya nang may biglang lumabas sa conference room at patakbong pumunta sa elevator. Kahit na hindi niya titigan ay alam niyang umiiyak na ang taong iyon.
“Uhm, Miss…” tawag sa kanya ng sekretarya na namumutla na. “I think you need to go baka ako na sumunod sa kanya na tanggalin ni Sir sa trabaho.” Kumunot ang kanyang noo at kinuha ang cellphone.
“Check his message please, pagod na pagod na rin ako. At kung umalis ako ngayon baka magkatotoo nga ang pangamba mong mawalan ng trabaho.” Kinuha at binasa nito ang message ni Caius sa kanyang cellphone. Wala siyang pakialam kung Mabasa man nito ang mga pambabanta nito sa kanya kung hindi siya pumunta ngayon.
“This is Sir’s number… his personal number?”
“Malay.” Pabarang sagot niya.
“Dito ka nalang maghintay Miss habang naghihintay na matapos si Mr. Rueda sa kanyang meeting. Baka kasi kapag pinapasok kita sa office ay baka--.”
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Okay lang na dito ako magwait, I’m really tired.” Agad siyang umupo sa maliit na living area s***h receiving area para sa mga bisita nito. Isinauli ng sekretarya ni Caius ang cellphone sa kanya at dahil masakit pa ang kanyang ulo ay ipinikit muna niya pansamantala ang kanyang mga mata pero hindi pa man siya nakaka-idlip ng tuluyan ay may malakas na kalabog na siyang narinig.
“Mr. Rueda, please give us another chance. Bukas, maaayos na po ang reports.” Isang galit na galit na Caius ang nabungaran ng kanyang mga mata nang buksan niya iyon. Marami ang mga nakabuntot dito.
“Caius, we still have time for the to fix this mess--.”
“Kung hindi nila naayos ang trabaho nila sa haba ng oras na ibinigay ko sa kanila, paano nila maaayos sa kaunting oras na nalalabi?” malamig nitong tugon sa may edad na halatang executive din. “I didn’t hire my people to give me a mediocre work!” she flinched when she heard his voice. Madalas kasi ay malumanay itong kausap siya at kahit na medyo nag-aaway sila ay hindi kailanman nagtaas ng boses si Caius. This is actually the first time she heard him yell… and hell, sa halip na matakot ay iba pa ang naging impression niya dito, he looks hot and sexy!
What the hell, Isla? Tandaan mo nandito ka para sa wedding proposal niya sa kanyang girlfriend bawal na iyang pagpantasyahan. Utos niya sa kanyang sarili.
“Mr. Mariano is right, Cai. One last chance and if they fail then we will kick them out.” Boses iyon ni Nathan, nakilala na niya ito noong minsan silang nagkita sa coffee shop.
“And, I second the motion. Come on Caius, first time lang naman ito.” Sa tabi ni Nathan ay may isa pang matangkad at gwapong lalaki. Kumunot ang kanyang noo, first time din niya itong nakita dahil sa ilang beses na nandito siya ay hindi pa niya nasisilayan ang mukhang iyon. Is he another additional character?
“And you know I never give second chance—.” Hindi niya alam pero biglang napalingon si Caius sa kanyang gawi na agad naman na sinundan ng mga kasama nito. Naging sentro na siya ngayon ng atensyon dahil sa pagtingin nito sa kanya.
Dahil may suot na sunglasses kaya hindi nito nakikita ang kanyang mga mata pero siya ay nakikita niya kung paano nawala ang pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. Nagsimula ng maglakad si Caius papunta sa kanya at kahit na galit ito at kapag pagagalitan siya nito ay babangasan lang din niya si Caius dahil pagod siya.
“Why are you here?” he asks.
“Gusto mong ipakain ko sa iyo ang cellphone na may text message mo? You told me--.”
“I am asking why you are here in the receiving area and not inside my office? Mas comfortable ka doon.” Huh? Ano nga uli ang sasabihin niya? Teyka, galit siya kanina hindi ba? Teyka lang naman Caius, not infront of these people nawawala ako sa concentration. Bumaling ito sa secretary nito. “Bakit hindi mo pinapasok si Ms. Aguirre sa opisina ko?”
“Eh- Sir, Wala po kasi siyang appointment.” Takot na sagot nito. Hinila niya ang manggas ng suot na suit ng lalaki.
“Huwag mo ng ipower trip iyang secretary mo and be thankful because she’s doing her job at saka kasalanan mo rin dahil hindi mo siya sinabihan ahead of time. Pati na rin iyong mga tauhan mo sa ibaba.” Napansin niya ang pagkunot ng noo nito. “At huwag na huwag mong iisipin na i-reprimand sila because they are just doing their jobs.” Mabilis niyang dugtong.
“Stand up and go with me in my office.” Inalalayan siya nitong tumayo which she gladly accepts dahil pagod talaga siya.
“We meet again, Professor Aguirre.” Bati sa kanya ni Nathan.
“Hi, Nathan. Oh, nakadisturbo yata ako sa meeting niyo you can continue naman.”
“No, we are done with the meeting.” Napatingin siya sa mga tauhan nitong halatang napagalitan.
Marahan na napabuntong-hininga si Isla. Hindi dapat siya manghimasok dahil wala naman siyang kinalaman sa nangyari at wala siyang ideya sa nangyari pero dahil siya si Isla Astrid kaya hindi niya napigilan ang sarili. Curse her to hell na talaga!
“Cai, you know hindi naman masama kung magbigay ng another chance. Narinig ko ang sinabi ng mga kasama mo kanina and they won’t side them kung mali talaga sila.” Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi at akala niya ay papagalitan o babarahin siya nito pero hinintay lang siya not. Did he seriously wait for her to give him an idea or something? “Hindi ko naman sinasabi na mali din ang desisyon mo dahil may point ka rin doon, sa tingin ko kasi mukhang importante ang project na ito dahil kung hindi, wala ang mga boards of directors dito ngayon. Kung tatanggalin mo sila, back to zero uli kayo and even if you hire another set of people hindi pa rin assurance na hindi sila magkakamali at mas matatagalan pa kayo kung sakali at mas malaking gastos iyon.” Halatang nagpipigil ng hininga ang kanilang mga kasama habang nakatitig sa kanila. Sa kanyang peripheral visions ay napansin niya ang pagtango ng iilan meaning ay may sense ang kanyang sinabi.
“You are still the boss at ikaw pa rin ang mas nakakaalam. I’m just sharing a piece of my thoughts since nagising ako dahil sa lakas ng pagkakabukas mo ng pintuan kaya wala kang choice kundi ang makinig sa sinabi ko bilang ganti ko sa iyo.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki at tiningnan si Nathan. “One last chance and if you fail, the entire team will find a new company without my recommendation.” Hinawakan ni Caius ang kanyang braso at hinila na siya papasok sa opisina nito pero bago pa man maisara ang pintuan ay napalingon siya sa mga tao na nakatayo sa labas ng office nito. They have this thankful look towards her which she just replied with a small smile and nod.
A/N: (Dito nalang dahil hindi kasya sa A/N space ng Dreame).
Hi babies, I'm a self-proclaim fujoshi (ahahaha), been like this since high school at nung sobrang adik ko pa sa pagbabasa ng mga Manga and Manhuas. My friends and colleagues knew my addiction, sabi nila one of the reasons why single ako until now dahil kapag may nakikita akong ehem.. you know, cute and pogi, ay hinahanapan ko ng partner hahaha. Kahit nga kapag nagpupunta akong coffee shop tapos may nakita akong 2 guys na nag-uusap lang tapos ang cute tingnan ay napapangiti na'ko. I won't deny it, I've been watching BL series too since I can't remember (2016 or 17 yata ako nagstart) kasi may nagmessage sa watty and asking me when I start watching it. And now, I'm reading twitter BL au's na rin (c***k minsan). Then, alam niyo iyong nangangati na rin ang mga daliri kong magsulat ng ganoong genre dito sa Dreame pero dahil maraming pending kaya hindi na muna. hahahahaha. Yun lang, enjoy reading everyone!