NAGTATAKA si Teo nang pumasok sa loob ng opisina si Margot na may malaking ngisi sa labi.
“Masaya ka yata?” takang tanong niya dito dahil kahapon lang ay parang papatay na ito. “What’s wrong with you?”
“Nothing.” Lumapit at yumakap ito sa kanya ng mahigpit kaya alam ni Teo na hindi normal ang nangyayari sa kanyang kaibigan. Knowing Margot, kapag ganito ito ay alam niyang may hindi ito magandang pinaplano. “By the way naganti na kita kay Kuya.”
Mabuti nalang at talagang natural na pokerface ang kanyang mukha at hindi nito napansin na ayaw niyang buksan ang topic na may kinalaman sa kapatid nito. Tama naman ang sinabi niya kay Dr. Aguirre when he told him that they are no longer together at wala siyang hawak sa buhay nito at sa gusto nitong gawin at desisyon sa buhay. He made it clear that they are already over kaya nga nagtataka siya kung bakit nagco-communicate pa rin ito sa kanya though natigil lang a week ago.
“You don’t have to do anything against your brother.” Suminagot ito sa kanya pero ngumiti pa rin.
“Teo, mas mahal kita keysa kay kuya ko.” At hinalikan siya nito sa pisngi kahit na nahihirapan itong abutin siya. “At dahil galit ako kay kuya kaya irereto kita sa mga friends ko.” Kinurot niya ang pisngi ng babaeng nakakapit sa kanya na parang tarsier.
“Tell me Margot, nakausap mo ba talaga ang kapatid mo o nagju-jump ka lang into conclusions?” Nag-iwas ito ng tingin. “Hindi mo siya nakausap.”
“Dahil ayaw niya akong kausap, ang bobo lang ni kuya.”
“Kahit na magkapatid kayo it doesn’t mean na pwede mo ng alamin ang lahat ng tungkol sa nangyayari sa buhay niya. May tinatawag tayo na privacy and you need to respect your brother’s privacy.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. “Hindi ko lang maintindihan ang actions ng kapatid ko. It’s obvious that he really likes you tapos bigla-bigla ay naging iceberg na siya. Where’s the justice?”
“The only constant thing in this world is change, everything changes even feelings does.” Tama naman ang kanyang sinabi pero bakit hindi niya ma-apply sa kanyang sarili. Kahit anong gawin niyang pagsisinungaling sa kanyang sarili ay alam niya sa sarili na may nararamdaman pa siya sa dating kasintahan. Everything changes pero bakit hindi ang sa kanya? Bakit siya ito pa rin? At sinungaling siya kung sasabihin niyang nasaktan siya nang makita ang na-isend na picture ni Doc Aguirre sa kanilang group chat.
And speaking of the devil, may marahas na tumulak sa glass door at pumasok ang reyna ng kanilang opisina.
“Mami!” mabilis na kumalas si Margot sa pagkakayapos sa kanya at lumipat sa batang propesora.
“May klase ka hindi ba?” Tanong nito kay Margot. “Pumasok ka muna tapos sabay tayong maglunch later.”
“Alright.” Kinuha na nito ang mga gamit at lumabas na rin sa office at naiwan silang dalawa.
“I know wala kang class this morning pero hindi muna kita kakausapin ngayo-.” Sabay silang napalingon ni propesor nang may pumasok na naman at inuluwa sa pintuan si Mr. Rueda na agad na tumitig sa kausap. Kahapon pa nito hinahanap si Dr. Aguirre.
“Oh, hi Caius, good morning.” Magiliw na bati niya sa lalaki. Nakasunod sa lalaki sina Felix at Gavin. Akala niya ay maiwasan niya ngayon ang lalaki pero nagkakamali siya, bakit ang aga nito ngayon? “Good morning Felix and Gavin.” Nakangiting bati ni Isla sa dalawang lalaki para hindi isipin ng mga nakakarinig na may pinapaburan siya.
“Good morning Doc Aguirre, hindi ka namin nakita kahapon.” Sabi ni Felix.
“Medyo busy yesterday, nakakamiss ba talaga ang presence ko at ang dami niyong nakakamiss sa akin samantalang one day lang naman iyon. My gosh, dapat ba akong magpalagay ng standee dito sa loob para kahit wala ako ay makita niyo ang ganda ko?”
Tumawa lang ang dalawang lalaki sa kanyang sinabi. “That would be creepy, Isla.” Sinimangutan niya si Cai na sinagot ang kanyang tanong.
“Eh di, hindi. Mabilis naman akong kausap.” She tried to be as cheery as possible para hindi niya maramdaman ang nararamdaman na awkwardness towards Caius. “Ang aga niyo yata ngayon?”
“May early meeting ang faculty namin Doc, we need to attend.” Tiningnan niya si Cai nang sagutin siya ni Gavin.
“Pati ikaw?”
Tumango ito at pumunta sa favorite spot nito sa opisina. “Yes.” At binuksan na nito ang laptop nito. Ganoon din ang ginawa ng dalawang lalaki, really… birds of the same feathers flocks together kaya si Teo nalang ang napag-interesan niyang kulitin.
“Teo, tayo ka diyan.” Halos nakabulong n autos niya dito. Nagtatakang tiningnan siya ng assistant dahil nasabi nga niyang mamaya pa sila mag-uusap. “Samahan mo akong magbreakfast, I’m hungry na.” nagtataka man ay tumayo na ito. Mabilis niyang inilagay sa kanyang mesa ang kanyang mga gamit, wallet at cellphone lang ang dadalhin niya. “Te…o?” nagsalubong ang kanyang kilay nang paglingon niya ay hindi ang assistant ang kanyang nakita kundi ang malaking bulto ni Caius. She tilted her head and raised her brows as an inquiry.
“I am going with you.” Anito sa kanya.
“But I am--.”
“Ma—Doc, nagbreakfast na po ako.” Pinandilatan niya si Teo dahil sa sagot nito.
“I haven’t eaten my breakfast.” Pasimpleng iniharang ni Caius ang katawan upang hindi niya masilip ang lalaking nang-reject sa offer niyang breakfast. “And, I’m hungry.”
Mahina siyang napabuntong-hininga nang maalala na marami pala siyang utang na meals dito dahil iyon ang usapan nila bilang kabayaran sa bag na binili nito.
“Fine but I thought you have a meeting?”
“The meeting will start an hour and a half from now.”
“Wala kang early class?”
“None.”
“Eh, bakit ang aga mo?”
“Para makita ka.” Malakas na singhap ang narinig ni Isla pero sigurado siyang hindi sa kanya iyon dahil halos kulangin na nga ang katawan niya sa oxygen dahil kanina pa hindi nagfu-function ng matino ang kanyang puso. Para makita ka…. Para makita ka…. Paulit-ulit na naririnig ni Isla sa kanyang utak.
Dahil may utang ka sa kanya, huwag mong bigyan ng maraming meaning ang mga sinasabi niya Isla. Magpro-propose na siya ng kasal hindi ba?
“Tama, muntik ko ng makalimutan iyong utang ko sa iyo. Sige, pag-usapan natin iyon while eating.” she said trying to be as neutral as possible. Hindi niya pinansin ang mga nanunuksong titig ng kanilang mga kasamahan dahil ayaw niyang e-entertain ang mga hindi dapat. “Ano pa ang hinihintay mo, isang oras at kalahati?” tinaasan niya ito ng kilay nang mapansin niyang nakatayo lang ito habang nakatingin sa kanya. Kumilos na rin ito sa wakas at sumunod sa kanya palabas ng opisina.
“Where do you want to eat?” she asks when they are outside the office, wala pang food sa cafeteria ng mga ganoong oras kaya nag-e-expect siyang sa labas sila kakain.
“Where do you want to eat?” balik na tanong ni Caius sa kanya. Inis na tinaasan niya ito ng kilay.
“Ikaw ang sama mo sa umaga, ikaw ang tinatanong ko tapos ibabalik mo sa akin ang tanong. Tulog ka pa ba?” Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa kanya. Alam kong gwapo ka pero sana naman hindi ka ganyan tumingin, respeto sa puso kong gustong maka-move on sa iyo leche ka! Iyon ang gustong isigaw ni Isla dito. “Seryoso ako sa umaga.” Asar na sambit niya.
“I just want to eat, bring me anywhere you like.” She rolled her eyes at him. Ah, ganoon, okay. At dahil sinabi nitong siya na ang bahala kung saan sila kumain kaya dinala niya ito sa likod ng university. May mga nakahilerang food stalls at mga karinderya doon. Malapit lang kasi ang university sa mga establishments gaya ng department stores at iba-iba pang business buildings kaya marami ang dumadayo at kumakain sa lugar na iyon.
“What are these?” takang-tanong nito sa kanya pagkadating nila sa mga nakahilerang kainan.
“Food stalls, paboritong tambayan namin ito noong college days kami with my friends and classmates.” Halata sa mukha nito ang pagtataka at kuryusidad sa lugar na kanilang pinuntahan. Halatang first time na makapunta sa ganoong klaseng lugar. Maaga pa kaya hindi pa masyadong marami ang mga nakabukas na stalls. “You should try the food ni Aling Corazon, masarap ang lugaw nila doon lalo na s aumaga.” Gusto niyang mapangisi habang tino-tour ang lalaki.
“Are the foods here, safe?”
Lumingon siya dito. “I am still alive and so far buhay pa rin ang mga students ng Magnus at ang mga empleyado na kumakain dito. Nami-miss ko ng kumain dito dahil wala akong kasabay magbreakfast, masarap talaga ang congee ni Aling Cora, I need some dahil may hang-over ako last night.”
Nang marinig ang huling sinabi ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Caius. “Hang-over? I thought you said you were busy?”
“May reunion kami with my college friends and drunk wine. Mataas ang alcohol tolerance ko but last night I was drunk.” She lied of course, hindi siya nalasing dahil hindi talaga siya naglalasing kapag nagda-drive. “I need something warm in my tummy.”
“Professor Iana, magandang umaga.” Lumawak ang ngiti sa labi ni Isla nang marinig ang pinakapaboritong tindera niya doon.
“Iana nalang po Nanay Cora, para po kayong others.”
“Masyado ngang mahaba ang professor, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay.” Tumawa ito at kumuha ng mug at nilagyan ng mainit na tubig at tinimplahan siya ng kanyang paboritong mainit na kape. Napangiti siya dahil sa sense of familiarity sa lugar na iyon, she missed the place. “Ang tagal mong hindi nakabisita dito.”
“Oo nag po, Nay. Medyo busy po sa work.” Napatingin ito sa lalaki na nasa kanyang tabi pagkabigay nito sa kanya ng kape at agad na nagningning ang mga mata ng may edad na tindera.
“Ito na ba ang nobyo mo?” Mabuti nalang talaga at na-anticipate agad niya ang tanong nito kaya hindi muna niya ininom ang kape.
“Kasama ko po sa work, dinala ko siya dito para ma-expose naman siya sa germs at hindi ko po iyan nobyo o ano pang tawag niyo.” Kalmadong pagtatama niya dito. Ngumiti lang ito sa kanya pero batid niyang may panunukso sa ngiting iyon. “Siya po si Mr. Rueda.”
“Parang nakita na kita, Sir. Hindi ko lang matandaan kung saan.” Ani ng kausap. “Umupo muna kayo at gaya pa rin ba ng dati ang order mo Iana?”
“Yes po and make it two.” Sinenyasan niya si Caius na sumunod sa kanya papunta sa isang bakanteng mesa. It was a small round table na may tatlong monoblock chair. Nagdududa pa nga ito sa upuan kung kakayanin ba ang bigat nito. He’s not fat but he is really tall kaya sigurado siyang mabigat nga ang timbang nito dahil sa loob ng suot nitong suit ay mga muscles--- Isla, for goodness sake! Kumalma ka girl. Utos niya sa kanyang sarili.
“Gusto mo ng kape?” she offered her mug to him. She already sipped some of the content at alam niyang masyadong maarte ang binata.
“Is that safe?”
“Nakita mo bang bumubula ang bibig ko?” nakatikwas ang kanyang kilay na tanong nito. “Why did I offer? Hindi ka naman umiinom ng kape na ganito ang lasa at timpla.” Inilagay niya sa labi ang rim ng baso at inamoy ang aroma mula sa three-in-one instant coffee na ibinigay sa kanya kanina. Wala naman siyang pili, basta kape ay solve na siya.
Naramdaman ni Isla na hinawakan ni Caius ang kanyang pulsuhan at inilapit ang tasa na may kape sa sarili nitong labi. Nanlaki ang kanyang mga mata at hindi agad nakaimik sa ginawa nito. He is drinking her coffee using the same mug? Kung close lang siguro sila she’ll think it’s normal but they aren’t. Malabo sa close ang relasyon nila ngayon kaya siguro hindi nakapagtatakang biglang nagrigodon ang kanyang puso. What he did is too intimate for her! Wala siyang maalala na nakipagshare siya ng mug kahit sa mga kapatid at mga kaibigan niya.
“It tastes different.” Nakatitig ito sa laman ng mug habang hawak pa rn ang kanyang braso. “But, it doesn’t taste that bad and not too bitter as well.” He licks his lower lips making her scream internally because he looks so sexy doing it. “Are you okay?” sa kanyang mukha naman nakatutok ang mga mata nito. Isla, count numbers from one to five… tapos, mag-inhale and exhale ka. You’ll be okay, you are alive… pretend muna na hindi ka apektado. Sigaw ng kanyang inner self sa kanya.
I’m not affected! Sigaw niya sa kanyang inner self.
“Ba-bakit mo ininuman ang kape ko?”
“You offered.” Hinila niya ang brasong hawak nito.
“Pwede naman magpatimpla kay Nanay Cora, bakit kape ko pa? I don’t share my coffee to other people.” The side of his lips twisted into a mischievous grin. “Anong tinatawa-tawa mo diyan?”
“I’m the first?”
“First, what?”
“First person whom you’ve shared your coffee.” Tuluyan ng lumaki ang ngiti nito. Inirapan lang niya ang lalaki at tinakpan ang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-inom ng kape.
“So feeling special ka ngayon?”
“Huwag mong ubusin, since you already shared some why not share the rest? Wala naman akong sakit.”
“Ako meron kaya hindi ka pwedeng maki-share sa coffee ko.”
“I don’t mind though.”
“I do.” Mabigat niyang sagot dito. Nagtaka siya ng hindi agad ito nag-reply sa kanyang huling sinabi. “Anong mukha naman iyan?”
“Your ‘I do’ doesn’t sound bad.” Kumuha siya ng coin sa kanyang bulsa at ibinato sa kausap. Pambihira, umagang-umaga tapos ganito ito kung bumanat? Ano Isla? Kaya pa ba? Sabihin mo lang kung hindi na.
“Nandito na ang order ninyo.” Inilapag ni Nanay Cora ang dalawang malaking mangkok ng lugaw at ang partner na boiled eggs pati na rin ang mga condiments na ihahalo nila sa kanilang kakainin.”
“Thanks, Nay.”
“Salamat po.” Sabay na sagot nila ni Caius. Nagpaalam muna ito na daluhan ang mga bagong dating na customers.
Nilagyan niya ng paminta at patis ang kanyang congee saka hinalo gamit ang plastic spoon and fork. Magbabalat sana siya ng itlog nang mapansin na titig na titig si Caius sa pagkain na nakahain sa kanilang harapan.
“First time mo talagang kumain nito?”
“Yeah.” Sagot nito.
“Hindi ka ba kumakain nito kapag may sakit ka?”
“I do but not like this.” She knows what he meant dahil iba rin ang hinahain ng Mama niya sa kanila kapag may sakit sila.
“Lagyan mo lang ng pepper at patis… let me.” Siya na ang naghalo sa patis at paminta sa mangkok nito. She even cracked and opened the eggs for him dahil mukhang wala din itong ideya kung paano iyon gawin. “Just eat it the way you eat your lugaw at home.” Inilagay niya ang dalawang pirasong binalatan na itlog sa kanyang mangkok na sinunod naman nito.
Dinala niya si Caius doon para asarin pero hindi niya inaasahan na mag-e-enjoy siyang kumain ng lugaw kasama ang lalaki. It wasn’t their usual eating hang-out, gaya ng steakhouse na may secret place at sa Anahitna Coffee Shop. It was a different world and somehow it feels so satisfying seeing him in this place, in this world.
“Pinapayagan ka ng parents mo na kumain dito?”
“As long as hindi nakakalason ang pagkain ay hindi naman nila ako pinipigilan.”
Kumunot ang noo ng lalaki at tila nahihirapan sa unang subo nito pero unti-unti din na nagbalik sa normal nang malasahan na ang simpleng dish na nakahain sa kanila.
“You are an Aguirre--.”
“Hindi mo ba naitanong kay Daddy? Aguirre Advertising Company was established eight years ago. Which means noong nag-aaral pa ako dito, my parents can’t provide me whatever they can today.” Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi. “We weren’t born rich, Caius. Maswerte lang talaga si Dad when he decided to invest our all to the business ay nag-bloom agad.” Aniya sa pagitan ng pagsubo.
“That story wasn’t a secret especially to our family’s acquaintances. It’s an open story at hindi rin namin kinakahiyang magkakapatid iyon, we are very proud of my parents’ achievement. We became the Aguirre whom everyone knew today, eight years ago. I was in third year college during that time. At hindi ko rin kinakahiya na scholar ako ng University.” Ngumiti siya dito.
Hindi siya naaw-awkward-an dahil sa kanyang kwento, she felt the awkwardness realizing that she already told him this story five times and she still receives the same reaction. Tumikhim siya. “Hindi lang din ito ang alam kong kainan na malapit sa university.” May itinuro siyang direksyon na sinundan nito ng tingin. “Kapag pumasok ka sa eskinitang iyan may maliit na tindihan na nagtitinda ng siomai at dumplings. Highly recommended talaga ang sauce nila and then sa kabila naman ay may snackbar, kung gusto mong kumain ng pancit canton o kaya naman ay instant noodles ay pwede kang magpaluto. Katabi lang ang isang local name na pizza place.”
Ito naman ang tumikhim. “So, you really know some places.”
“Oo naman, tambayan namin iyan noong college kasama ang mga friends ko. Iyong mga kasama ko last night, we are five in the group. Tatlo kami na dito nag-aral and I think nakita mo na iyong isa and then the other one is a professor from the faculty of medicine. Iyong dalawa ay from other university and some of them are rich kid pero hindi maaarte and we usually hang-out around the place.” The feeling of nostalgia hits her like a strong wave of ocean. “Masyado ba akong madaldal? Hindi mo naman kailangan makinig--.”
“It’s okay, I wasn’t expecting you to tell me about it but I’m glad you did.” He said looking so amuse. “I wasn’t expecting that you’ll open up to me.”
What the hell? Did I really open up… holy sheet of paper, she did! At ginawa niya ng walang pag-aalinlangan at hindi man lang nag-iisip. Nasaan na ngayon ang sinabi niyang lalayo siya dito? Parang hindi talaga niya kayan panindigan ang mga desisyon na may kinalaman dito.
“And since we are already at this stage, give me your cellphone number.” Iniusod nito ang cellphone nito. It’s the same unit as what he gave her, same color din.
“You can ask someone in the office, they’ll surely give it to you.”
“Nah, I’d rather ask you personally. Sigurado akong maiinis ka kapag nalaman mong kinuha ko ang number mo ng walang paalam. There’s actually no need for me to ask, I have Magnus’ system in my hands and I can easily get the information from there gaya ng ginawa natin sa kaibigan ng ex-boyfriend ng kaibigan mo pero ayokong gawin. Mas gusto kong kusa mong ibibigay iyon.”
“And why?”
“Your permission matters.”