CHAPTER 25

3014 Words
            MARAHAS na napabuntong-hininga si Isla habang nakatitig sa mga alahas na nasa kanyang harapan. She’s really stressed, wala naman siyang masyadong ginagawa pero naiinis siya sa mundo. Nang i-announce ni Caius ang gusto nitong gawin niya ay bigla-biglang tinamad siyang mag-stay sa kanyang opisina. Sa katunayan ay sa tumawid pa siya sa ibang department para tumambay dahil ayaw muna niyang makita at makausap ang lalaki. Maaga siyang dumating kanina at mabilis na inayos ang mga gamit at dinala sa opisina ni Giselle na professor din sa medicine faculty.             Nagtaka ito kung bakit siya nandoon dahil alam nito kung gaano niya kapaboritong tumambay sa kanyang opisina s***h laboratory. Sinabi lang niya na nami-miss niyang makipag-usap dito at maki-chika. Hindi na ito nagtanong pa lalo pa at na-mention niyang gustong makipagkita ng mga kaibigan nila for a dinner tonight.             Kaya nga pagkatapos ng kanyang klase ay agad siyang nag-log-out which is very unusual, madalas siyang mag-cutting pero bumabalik din naman siya para tapusin ang mga pending works at saka maglo-log out na. Dahil masyado pang maaga para sa dinner kaya inabala muna niya ang sarili sa pagsho-shopping, and when is she’s like this, it means she’s really stressed. Walang mali sa pakiusap ni Cai hindi pa lang siguro siya ready na ipamigay si Caius sa ibang babae, kahit na hindi naman ito sa kanya… hindi niya pagmamay-ari ang lalaki. Kahit na sabihin pang apat na beses din na naging sila sa kanyang mga panaginip.             Tinitigan niya ang isang chanel na necklace na balak niyang bilhin.             “Miss, do you want to wear--.”             “No need, I’ll pay it.” Since she’s an avid costumer kaya kilala na siya ng nag-attend sa kanya. Kinuha nito sa kanya ang ibinigay na card at bumalik siya sa divan sa receiving area katabi ang mga paperbags ng mga ilang items na binili niya. She knew she will regret this once her high subsides but right now, feeling niya tama ang kanyang ginagawa. She just want to slap her cheeks.             Tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan niya ang pangalan na naka-register sa kanyang screen.             “Yes, Margot?”             “Mi? Are you okay? Bakit hindi ka namin nakita today?” nag-aalalang tanong nito. In the midst of her haywire thoughts her assistant’s worried voice makes her feel relax.             “Okay lang ba si Mami? I-loudspeaker mo kaya.” Narinig din niya ang boses ni Ari sa background. Mukhang magkakasama ang mga bata sa office o kung saan man na naroroon ang mga ito.             “Kids, I’m okay.” She answered. “May importanteng lakad lang ako kaya hindi na ako nakabalik sa office.” Aniya sa mga ito. “Nakalimutan kong bumalik at nadala ko ang mga things ko sa car. May problema ba sa office?” sa pagkakaalala niya ay tinapos niya ang lahat ng deadlines niya kahapon bago siya umalis ng opisina.             “Wala naman, Mi. Nagwo-worry lang kami dahil ang weird na nandito ka sa university pero hindi ka nagpakita sa office. It’s actually the first time.” Hangga’t nandiyan sa opisina si Caius, baka maraming beses niyong ma-e-experience ang pagMI-MIA ko sa office. Pinigilan niya ang sarili na sabihin iyon.             “Hindi naman ako mawawala.” Tinawanan niya ang mga ito. “Akala ko pa naman sinagot na ni Ari si Josh.”             “Malay natin baka sila na.” biro ni Teo.             “Uy, hindi pa ah.”             “Hindi pa? Pa?” kahit hindi nakikita ay alam niyang namumula na ang buong mukha ni Arielle sa naging sentro ng kanilng usapan. “So, kailan?”             “Kapag sinagot n ani Teo ang kuya ni Margot.” Ganti ni Arielle kay Teo.             “Ay, bet. I love you my friend, tamang-tama ang pagkaka-train ko sa iyo.” Narinig niya ang inis na ungol ni Teo dahil napagkaisahan na naman siya ng dalawang kasama.             “Where’s Carmi?” she asks since she can’t hear her voice.             “Papunta pa dito, Mi. Mukhang nag-aaway na naman sila ni President. Nakita kong may nagvideo sa kanila sa may Literature and Language building. Aksidente yatang natisod ni Carmi si Ronan.” Bigla siyang natawa habang vini-visualize ang naging eksena. Wala yatang tao sa Magnus na hindi alam ang ‘strong’ relationship ni Carmi at Ronan. Kung hindi dahil kay Margot ay hindi rin niya makikilala ang mukhang perang batang iyon. Sayang nga lang at hindi niya naabutan ang panliligaw ni  Ronan ni Carmi at ang pang-gho-ghost nito sa pobreng estudyante.             Habang nasa linya pa ang mga bata ay lumapit sa kanya ang attendant at ibinigay sa kanya ang paperbag na may laman ng kanyang order. Kinuha niya iyon at ngumiti siya bilang pasasalamat dito. Inipit ni Isla ang cellphone sa pagitan ng teynga at ng kanyang balikat habang ibinabalik sa card holder ang credit card.             Habang naglalakad palabas ay biglang natigilan si Isla at malakas na napasinghap.             “Mi?”             “Margot!”             “Yes, po?”             “Brother mo ba itong nakikita ko?”             “Huh? Nasa work pa si kuya ko.” Nagtatakang sabi nito.             “Sandali lang, I’m going to take a picture.” Naningkit ang kanyang mga mata dahil alam niyang kapatid ito ng assistant na may babaeng kasama. Mas matangkad lang sa kanya ng kaunti at naka-abrisiete sa lalaki. She immediately snapped a picture and send it to their group chat.             “Sino ito?” pasigaw na tanong ni Margot. “Sino ang hitad na kasama ni kuya?” halata ang inis sa boses ng babae.             “Maybe his girlfriend.” Malamig na sagot ni Teo. Oh… parang may kakaiba sa tono ng boses ng lalaking assistant. “It’s normal for a couple to stroll, you know.”             “This is not normal dahil hindi ko kilala ang malanding higad na nakalingkis sa kapatid ko. My CarTeo heart is so mad right now.”             “Chill Margot, hayaan mo ang kapatid mo sa gusto niyang gawin at sa taong gusto niyang makasama.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil may punto si Teo, but she’s feeling what Margot is feeling now dahil shiniship din niya ito with her pretty boy.             “I’m going to follow them--.”             “Mami, no!” sigaw ni Teo sa kabilang linya. “I mean there is no need to do that.”             “Go lang Mami tapos kalbuhin mo si kuya.”             “At gusto mong mawalan ng lisensya si  Mami, Margot?” halata na rin sa boses ni Teo na nagpipigil lang itong mainis sa mga kasama. “Mi, there’s no need to go that far. We are not really that close and we are not together.” Tumawa ito habang kausap siya. Wala na siyang narinig na background noises, baka kinuha nito ang cellphone ni Margot at lumayo.             “Teo, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” seryosong tanong niya dito. Natahimik ito at kahit na hindi nito sagutin ang kanyang tanong ay parang alam na niya. This storyline is very different from what she knew, everything suddenly changed. “Maybe I can ask Carlou.” She said calmly.             “Uhm Mi, I’ll tell you everything… just don’t follow him. Just let him do what he likes to do dahil hindi naman kami, walang kami, wala ng kami.” Mahinang sagot nito sa kanya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Alam niyang malaki ang naging pagbabago ng kwento ni Carlou at Teo pero hindi niya alam na may mas malaki pa pala.             “You will tell me everything tomorrow.”             “Opo.” Pagsuko nito sa kanya. Pagkatapos magpaalam ay ibinalik niya ang cellphone sa kanyang bag at tulalang nakatitig sa kawalan. Carlou and Teo were together? At mukhang walang alam si Margot dahil kung meron malamang hindi ito aakto ng ganoon kay Teo.             “Oh my freaking goodness!” mahinang bulalas ni Isla sa nalaman.               “WHERE’S my baby girl?” salubong ni Isla kay Leane pagkapasok nito sa restaurant kung saan magkikita sila ng kanilang mga kaibigan. Lima sila sa kanilang circle of friends, mas close sila ni Leane dahil same sila ng university na pinasukan noong college at naging ka-close din niya ng husto si Giselle dahil pareho silang professor ng Magnus. Her other friend Cynthia is a corporate slave kaya minsan lang kung makakasama kapag may dinner sila and then Pepper, their flight stewardess s***h travel blogger. Cynthia and Leane were married, may fiancé na rin si Giselle and that leaves her and Pepper single sa group nila.             “She’s with her daddy.” Ito nalang ang kanilang hinihintay. “Hubby happily volunteer to take care of Adi nang sabihin kong magdi-dinner tayo. He said, matagal na rin noong nakapag-rest ako so he happily shooed me away.” There’s an obvious bliss on her bestfriend’s face. Married life really suits Leane.             “Sana all tinaboy para mag-enjoy.” Biro ni Pepper kay Leane.             “Kapag inggit you can pikit your eyes.” Ganting biro ni Leane sa kaibigan. Nagkumustahan muna sila at nag-catch up habang hinihintay ang kanilang orders.             “Fernand and I decided to try our luck this year, gusto ko na rin na magkababy.” Anunsyo ni Cynthia.             “Finally! Dinapuan ka na rin ng baby fever.” Aniya.             “Kasalan ito ni Leane, palagi kasi siyang nagpo-post ng mga baby pictures ni Adi sa social media kaya nainggit din ako. Come on, ako ang naunang magpakasal tapos naunahan pa ako ni gaga.”             “Kung hindi ka naging corporate slave sana ay nauna ka rin, kaso mas inuna mo pa ang maging vice president ng company keysa magbake ng baby bun sa matres mo.”             “That’s why I’m going to lay low for a moment, magcu-cruise kami ni hubby. This will be our second honeymoon and we really want to try our luck this time. Nagpa-check up na rin kami both and the doctor said we are both healthy and we can have ten babies.”             “Good luck!” natatawang sabi ni Leane. “I love my baby pero nababaliw na nga ako sa isa, hindi ko ma-imagine ang ten babies. Sabi ko kay hubby na susundan namin si Ady kapag five na siya dahil gusto ko rin na mag-rest.”             “Aw, I can’t wait to get married na rin and have a baby.” Nakangusong ani ni Giselle. “I still need to wait for a month though.”             “We are going to welcome you to the married club then.” Napatingin ang tatlong may keychains na sa kanilang dalawa ni Pepper. Tahimik lang siyang nakikinig habang iniinom ang red wine sa kanyang hawak na kopita at tumango-tango sa mga usapan ng tatlo na hindi niya maintindihan at hindi rin siya maka-relate habang si Pepper ay ganoon din habang inuubos ang order nitong orange juice---.             “Pepper, may sakit ka ba?” takang tanong ni Isla sa katabi.             Tinaasan siya nito ng kilay. “I’m fine, mukha ba akong sick?”             Tinitigan niya ito. “You look matamlay and you are drinking orange juice. Anong nangyari sa iyo? First time kong nakita kang umiinom ng juice kapag nagdidinner tayo.” Natawa ito sa kanyang naging reaksyon at halatang magbibiro pa sana pero naka-focus na dito ang kanilang atensyon.             “Ang observant mo talaga ano?” natatawang ibinaba ang nito ang baso sa kanilang mesa. “Well… I can no longer drink wine because I’m pregnant!” parang wala lang na anunsyo nito sa kanila. Kulang ang salitang gulat sa kanilang reaksyon, kung wala lang siguro sila sa loob ng restaurant ay malamang nagsisigaw na sila sa nalaman. “Hindi niyo baa ko ico-congratulate?” Untag nito sa kanila.             “Why the hell?”             “Para yatang dapat ‘what the hell’ iyon, Cynthia.” She’s still speechless sa nalaman.             “Seryoso ka Pepper?”             “Kaya ko nga kayo ininvite sa dinner because I want you to know my situation.”             Ipinilig niya ang kanyang ulo at tumikhim. “May boyfriend ka? Girl, no boyfriend since birth ka kaya and never kang nagpost ng lalaki sa blog mo.” Ilang beses na silang na-feature sa blog nito pero never itong nagpost ng lalaki! Wala rin silang kilala na naging karelasyon ng kaibigan.             “Sino ang father?”             Isang tipid na ngiti ang ibinigay nito sa kanila. “I also don’t know.” Malakas silang napasinghap. “Huwag kayong OA at hindi ito one-night stand kung iyan ang iniisip niyo.”             “Bruha! Kung si Giselle pa ang magsasabi sa amin na nabuntis siya ay hindi kami magrereact ng ganito but it’s you of all people!” Dahil hindi makasigaw kaya parang kakatay na ng tao si Leane habang nagsasalita. “Paanong hindi mo alam?”             “Sinunod ko ang payo niyo the last time we met, sabi niyo I need to loosen up and be a bad girl.”             “Pero hindi namin sinabi na magpabuntis kang bruha ka. Ang sabi lang namin ay i-enjoy ang life, party with friends but still know your limits.”             “I did! Nagparty ako with other friends and then I met this really hot and handsome guy sa club. Hindi ko rin alam kung bakit pero na-attract talaga ako sa kanya. Maybe because no man really paid me before and he’s the first one who did. I was drunk kaya hind na ako nakapag-isip ng matino at pumayag na sumama sa place niya. After that he wants us to be bed buddies and I just can’t say no.”             Hindi nila alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabi ni Pepper. They really can’t believe na nagawa nito iyon. Sa kanilang lima, ito pa talaga.             “No strings attached because his family might arranged someone to marry him.”             “At pumayag ka? Pepper, nag-iisip ka ba?”             Ngumisi lang ito sa kanila at bakas sa mukha nito na wala itong pinagsisihan sa nangyari. May bahid ng lungkot pero walang pagsisisi at panghihinayang.             “I enjoyed his company, he is really sweet and caring. Pumayag ako sa no strings attached and no emotions involved. I mean, his my first guy and he’s the first one who made me feel like I’m special.” Anito sa kanila. Sa kanilang lima ito nga hindi pa nakakaranas na magkaroon ng boyfriend, though matagal na rin noong nagkarelasyon siya but still naranasan niyang magkaroon kahit na ayaw na niyang alalahanin ang walang kwentang taong iyon.             “And what happened? Alam ba niya ang kalagayan mo?” tanong ni Giselle nang makabawi na sa sobrang gulat.             Umiling ito. “Well, noong pumayag ako sa no strings attached…” tumawa ito. “Hindi ko pala kaya, sino ba ang hindi magkakagusto kay Zon? He is really perfect and two months ago, while in bed, aksidente kong nasabi na naiba na ang feelings ko sa kanya. It was indirect but I think he took that as a warning. Hindi naman kasi bobo iyon.”             Tinitigan ni Isla ang katabi habang nagkukwento, parang nalalasahan niya ang pait ng nararamdaman nito.             “After that incident, I found out that I was pregnant and was about to tell him the good news. I thought, maybe it’s the sign I was waiting for so when he called me to meet up, before I could say anything he told me na may ipinagkasundo na sa kanya ang kanyang pamilya. Akala ko nga joke lang iyon and then I realized, maybe that’s my clue that he wants me out from his life.” Mapakla itong tumawa at inubos ang orange juice na laman ng baso niya.             “Gago iyon, ah.” Bulalas niya.             “I was enjoying his company and didn’t realize na naglalaro na pala ako ng hunger games, catching feelings.” Biro pa ni Pepper.             “Hindi mo sinabi na buntis ka after he said those?”             Pepper shrugs her shoulders. “Kahit gustuhin ko ay hindi ko magawa, parang huminto na ang utak sa kanyang normal function. Pagkatapos niyang sabihin ang balita, it took me minutes before I can finally response. Ngumiti lang ako at tumango, kinuha ko iyong mga naiwan na gamit ko sa penthouse niya tapos naalala ko rin iyong usapan namin when he offered me to be his bed partner. When we part ways, we should pretend not to know each other kaya pagkalabas ko sa kanyang penthouse I just smiled at him and pretended that I didn’t know him gaya ng usapan namin.”             “Bakit sobrang kalmado mo? Kung ako ang nasa lugar mo ay baka nagwala na ako.” Sabi ni Giselle.             “I am sad and broken but I can’t do anything about it. I can’t blame someone dahil desisyon ko naman iyon.”             “Ano ang pangalan ng lalaking nakabuntis sa iyo?”             “Zon.” Pepper answered.             “Zon who?”             “Just Zon, he didn’t say anything about himself. Hindi ko talaga siya kilala at hindi rin niya ako kilala because he knew me as Yll.”             “Ay, tanga. Bakit kayo nagco-codename?”             Tumawa lang si Pepper sa reaksyon ni Leane. “He wanted us to be strangers so there’s no way for us to catch feelings and be sentimental when we part ways. I know, alam kong ang tanga ko at ang gaga ko. Nasabi ko na iyan sa sarili ko but hey, I have a baby.” Hinawakan ni Pepper ang tiyan nito na medyo may kalakihan na rin na hindi nila agad napansin kanina dahil sa suot nitong dress.             “How about the support? He still--.”            “Leane, alam kong hindi lalaki gaya ni Ady ang magiging anak ko dahil wala siyang daddy na makikilala. Ang isa siguro sa rason kung bakit hindi ako masyadong nagpanic ay dahil may trabaho at ipon na rin ako. Kaya kong buhayin ang anak ko at saka ninang naman kayong apat kaya hindi rin ako magkakaproblema if ever, alam na rin ng parents ko ang tungkol dito luckily hindi nila ako kinaila. Mas excited pa nga sa akin sina Mommy at Daddy, gusto na rin nilang magka-apo too bad akala nila ay asexual ang unica hija nila. They were disappointed but they still accepted my mistakes and told me to be a good parent.”             Bumuntong-hininga si Isla sa sinabi ni Pepper. Wala na silang magagawa sa nangyari, hindi rin nila mahahabol ang ama ng pinagbubuntis nito dahil hindi nga nito iyon kilala.             “What if magkita uli kayo ni Zon?” tanong niya.             Malungkot na ngumiti si Pepper sa kanya. “The moon borrows light from the sun, but they are not meant to be together. In real life, they are not destined to be together and they can’t be together.”             Zon means sun in Dutch and Yll is an Albanian term for a star. Another tragic story about the sun and the star. Bakit hindi yata maganda ang mga nalaman at nakita niya sa araw na iyon? Parang nakiki-join ang universe sa kanyang nararamdaman. Pepper and her lost sun, Teo’s hidden relationship with a friend’s brother whom no one knows, and Cai’s wedding proposal, what a painful day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD