“DOC AGUIRRE, I’m glad you are still here.”
“Good morning, Dean.” Nakangiting bati niya sa Dean nang magkasalubong ang daan nila. Kakalabas lang ito ng office nito habang siya naman ay galing sa Faculty of Pharmacy. May binisita lang siyang kaibigan doon.
“Tonight’s party, you shouldn’t miss it.”
Ngumiti siya at sumaludo dito. “Hindi po, pupunta po ako. Medyo late lang dahil kailangan ko i-meet up ang mga students ko before.”
“Late?”
“I promise po Dean, darating po ako. Nakapag-promise na rin ako sa mga ka-department ko na pupunta dahil hindi rin ako nakasama sa dinner after our game.” She’s telling the truth, there is no need for her to hide since nagkita na sila ni Caius and he won’t be there. Caius hates the crowd, ayaw nito sa maiingay, and club is a capital ‘x’ for him.
“Good, see you tonight.” Nagpaalam na ito sa kanya, habang siya ay naghihintay lang ng go signal ng mga batang alam niya ay nagrorosaryo na sa kaba sa loob ng music room. They are going to play tonight, it has been years since she played in front of the crowd. Estudyante pa siya dati, ngayon ay kasama na niyang nagtuturo ang mga professors niya at iyong iba ay retired na rin.
She massaged her shoulders, she’s getting older. Habang iniikot-ikot ang leeg niya ay biglang tumama ang kanyang noo sa matigas na bagay kaya siya napaatras. Gusto niyang ipukpok uli ang kanyang noo nang makitang may nakaharang na pintuan na yare sa salamin sa kanyang harapan.
“Oh well, I can’t be perfect and besides cute naman ang pagiging tanga ko minsan.” Ani niya sa kanyang sarili. Tumigil muna siya sandali dahil medyo nahihilo pa siya, malakas-lakas din ang pagkakauntog niya sa salamin. Marahan niyang hinilot ang kanyang noo…
Huwag mo akong iwan, huwag kang umalis, dito ka lang.
Awtomatikong nagmulat ng mga mata si Isla at mabilis na inikot ang mga mata upang tingnan ang buong paligid. She heard something but she saw no one.
“Weird.” Sobrang liwanag ng buong paligid at may ilang tao na naglalakad sa floor na nasa kanyang ibaba. “Why am I hearing something?” she asked herself. “Am I hungry? Kinulang ba ako sa kape?” she shrugged her shoulders and decided not to mind it anymore. Nawala lang sa kanyang isip ang weird na nangyari sa kanya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone.
“Hello, Jelai?”
“Mami, ready ka na ba? Kinakabahan na kami.” Natawa siya sa tanong nito. Akala pa naman niya ay kinumusta siya ng estudyante para itanong kung okay lang ba siya, ang nangyari parang ito ang nanghihingi ng assurance. She can’t blame them though, first time ng mga bat ana mag-perform sa harap ng maraming tao.
“Hindi sana kayo kakabahan ngayon kung hindi niyo pinalite ang song.” Sa kalagitnaan sila ng pagpa-practice nang maisipan ng mga ito na ibahin ang piyesa.
“Because you look so cool playing the song.”
She chuckled. “We will be okay, magagaling kayong lahat kaya may tiwala ako na magiging successful ang debut niyo sa malaking crowd. This will be your first step towards success.” She assured them.
“Thank you, Mami. Thank you so much for the support.”
“We will be great later.” Ngumiti siya. They will be great later, these students will be in good hands. Hindi man ito kasali sa nangyari sa kanya sa mga naging panaginip niya pero hindi niya ikakaila na mukhang magiging successful ang plano niyang baguhin ang posibleng mangyayari sa kanya. She’ll be better and she’ll be good.
“Ooopps!” Malakas siyang napatili nang may biglang natumba sa kanyang harapan. Kung hindi lang siguro mabilis ang kanyang reflexes ay malamang nasa sahig na ang estudyanteng hawak niya. Nakasuot ito ng PE uniform at nang titigan niya ang mukha ng bata ay agad niya itong nakilala. Ito iyong batang nabunggo din niya dati at estudyante ni Caius.
“Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong niya nang tulungan niya itong tumayo. Napatingin ito sa kanya, the student’s eyes, it looks so familiar… it looks so lifeless.
“Sorry po, Doc.” Mahinang hingi nito ng paumanhin sa kanya. Binasa niya ang pangalan na nakasulat sa suot nitong ID. Rhea May Casas. “O-okay lang po ako.” Hinawakan niya ito sa braso nang bigla itong mapangiwi. Kunot-noong tiningnan niya ang balat nito, wala naman itong pasa o kahit na ano.
“Are you sure you are okay? Gusto mong dalhin kita sa clinic?” mabilis itong umiling at lumayo sa kanya.
“N-No need na po, I-I am really okay.”
No, she’s not okay Isla! Iyon ang isinisigaw ng kanyang utak. “Sandali lang, Ms. Casas.” Pigil niya sa estudyante nang tatakbo na sana ito. Kinuha niya ang ballpen na nasa likod ng suot niyang jeans at nilapitan ito. Kinuha niya ang palad ni Rhea at sinulat ang kanyang number doon.
“Do-Doc--.”
“Ssshh, I don’t know why. Pero may palagay akong hindi ka okay, hindi kita pipilitin na magsalita but if you are ready I am more than willing to listen. Don’t be scared, you can trust me.” Napatitig ito sa palad nito kung saan nakasulat ang kanyang number. She rarely gives her number to a student but her instinct is telling her that Rhea needs it.
Pagkabalik niya sa office ay nadatnan niya sina Margot, Ari, at Theo na nag-uusap sa mini-living room. Wala ng mga activity ang mga bata dahil natapos na kahapon, last day ng foundation day today pero kailangan pa rin mag-check sa attendance. Mamayang alas tres ng hapon ang closing ceremony, knowing Magnus’ closing ceremony sigurado siyang aabot na ng siyam-siyam bago iyon matapos. The director loves giving speeches, very long speech too. After the closing ceremony ay magsisimula na ang mini-concert, maraming mga invited na local and indie bands mamaya kaya sigurado siyang punong-puno ang stadium ng Magnus.
“May meeting yata kayo, bakit hindi ako na-inform?” biro niya.
“Hindi ka namin ma-contact, Mi.”
“I went to the faculty of pharmacy. Anong meron?”
Sumimangot si Margot. “Mi, pagalitan mo nga iyang si Teo, blinock niya si kuya sa kanyang mga social media accounts.” Agad na bumaling sa kanya si Teo his cute round eyes.
“Because Carlou is creepy.” She suppressed the urge to grin when Teo called Margot’s brother by his first name.
“Hindi kaya creepy si kuya, he asked me what’s you favorite color and I said you like green. Kaya nagco-comment siya ng mga green heart sa mga posts mo.”
“All my posts? Pati na iyong five years ago?”
“Ganoon ka niya ka-like. Please Teo, give my brother a chance I swear hindi ka magsisisi sa kanya. Gwapo siya, may trabaho na, he’s really stable, may sariling bahay na rin siya, at interesado talaga siya sa iyo.” Sana pala ay nagshift ng business major si Margot dahil magaling itong magbenta, sa kasamaang palad, kapatid nito ang binebenta nito.
“Margot, give Teo a break.” Naiiling na pigil niya as dalaga. “Baka dahil sa pangungulit mo sa kanya kaya mas lalo siyang natatakot sa kuya mo. Don’t pressure him, just go with the flow.”
“Uhm, I think tama si Mami, friend.” Sang-ayon ni Arielle sa kanya. “Pwede ka ng gawing walking newspaper ni Teo dahil binabalita mo ang bawat galaw ng kapatid mo. Let your brother do his moves kung like talaga niya si Teo.” Mabuti nalang at may matino pa sa loob ng silid na iyon.
“And Teo, don’t be too harsh on him.” Aniya sa katabi.
“I’m not.” He defended himself. “Ang weird lang ng pakiramdam na may nagkakagusto sa iyo.” Bahagyang namula ang pisngi nito. “I’m not used to it.”
Margot rolled her eyes. “Please be kind to me, sa ating apat dito sa akin lang walang nagkakagusto. The audacity of these boys not to look at me?” reklamo nito. Nag-iwas ng tingin si Ari habang siya naman ay natatawa nalang.
“Ganito nalang, Teo you unblocked her brother and invite your brother Margot for a dinner, magpapa-libre tayo sa kanya para makilatis naming mabuti iyang kapatid mo.”
Ngumisi ito. “That’s a very nice idea.” Tumingin ito kay Teo. “Hindi rin kuripot si kuya, well, sa akin lang.”
“Ayokong sumama.”
“Kailangan mong sumama dahil kailangan mo siyang makita ng personal, at least kung hindi mo talaga siya gusto pwede mo siyang harapang sabihan na maghanap ng iba para hindi na rin siya mag-effort sa kaka-stalk sa mga social media accounts mo. At hindi naman magagalit si Margot kung i-reject mo ang kapatid niya, right?” tinaasan niya ng kilay ang nakangusong si Margot.
“Yeah.” Ang sarap talagang kurutin sa singit ang batang ito.
“By the way, may ipapagawa ako sa iyo Margot. Secret mission at huwag na huwag kang magpapahalata.”
“Sure, sure. I like detective games.” Ngumisi lang siya sa kanyang naisip.
“ARI, dito tayo. Makikita natin ang performers dito.” hinila ni Margot si Arielle sa may malapit sa stage. May barricade doon na nagsi-silbeng harang kung sakaling maging wild ang mga audience later. Tatlong taon na siya sa Magnus at never niyang ma-mi-miss ang mga mini-concert ng kanilang university. There is no reason for her not to watch when the school paid big sum to invite famous indie and local bands. Kung mag-re-request siguro sila ng international bands sa student council ay baka pumayag ang director nilang mahilig sa mahahabang speech.
“Pwede ba tayo dito? Hindi ba sila magagalit?” ngumiti siya sa kasama at kumindat.
“Ito ang advantage ng pagiging working student ko dito sa university, may special access tayo lalo na kapag may approval ng professor.” Ipinakita niya ang papel na pinirmahan kanina ng kanilang Mami. Muntik na nga nitong hindi iyon pirmahan dahil natatakot itong magkalat na naman siya just like last year.
“Na-mention ni Mami na may kalat ka daw last year, anong kalat?”
Malakas siyang tumawa habang papunta sa kanyang favorite spot. “Tinapunan niya ng empty plastic bottle ang bokalista ng WAvE.” Sagot ni Teo na nakasunod lang sa kanila. Of course, ito ang mediator sa lahat ng gulong pwedeng gawin niya. Hindi ito sumama last year at pinirmahan lang ang kanilang pass sa isang kondisyon, dapat may kasama silang matino at si Teo lang ang pwede niyang i-recommend na matino-tino… medyo matino.
“WA-WAvE? Si Alvan Jay Yllaran? Tinapunan mo ng bote?”
She giggled. “Plastic bottle naman friend and it was an accident. Masyado akong nag-enjoy sa kakatalon at nakalimutan kong may hawak akong bote kaya nabitawan ko. At saka last year naman iyon, nakalimutan na siguro niya and he doesn’t even know me. He won’t remember it!” WAvE is a famous local band, palaging nag-gue-guest ang mga ito sa mga activities sa mga universities at may sarili naring album.
Ang isa sa mga rason kung bakit maraming nababaliw sa bandang iyon ay dahil visuals lahat ng members, at hindi pwedeng i-deny na nagta-top sa rank para sa kanya ang aksidenteng nabato niya ng bote.
“Alvan is her ultimate crush.” Sabi ni Teo.
“Bias! He is my bias and Tobias the drummer is a bias wrecker, he is way too cool.” She clasps her palms to stop the kilig she’s feeling. Ito iyong nararamdaman niya kapag nanonood siya ng mga Korean boybands sa TV, local version nga lang.
“Sa St. Uriel University sila nag-aaral hindi ba? Ang swerte naman ng mga taga-SUVs.” Sabay silang napabuntong-hininga ni Ari habang nakatingin sa stage. “I’m excited, this is my first concert ever.”
“May next year pa kaya don’t worry, ito din ang last concert ni Teo dahil graduate na siya next year.”
“Mag-ma-Masters ako agad, I have Mami’s recommendation.”
“Makikita pa namin ang iyong pretty face dito sa Magnus before we graduate.” Natutuwa si Margot kay Arielle dahil natututo na itong makipagbatuhan ng mga jokes at hindi na rin ito masyadong reserved sa pakikisalamuha sa ibang tao.
“Sa monday ipapakilala kita sa bestfriend kong si Carmi, babalik na siya from an exchange program.” Sabi niya kay Ari.
“Carmi? Carmillete Sandejos?”
“You knew her?” sunod-sunod na tumango si Arielle.
“Magkasingdepartment lang kami, she’s majoring Asian Language while I am majoring English Literature.” Gustong sapukin ni Margot ang kanyang mukha dahil nakalimutan niyang parehong nasa Faculty of Arts and Languages ang mga ito. “But we are not that close dahil you know na.”
“Ipapakilala kita para powerpuff girls na tayo tapos si Teo ang manager natin.” Sabay silang tumawa sa kanyang sinabi. Kung saan-saan na dumating ang kanilang usapan nang mapansin na unti-unting napupuno ang malaking stadium ng university. Kanina pa rin natapos ang preparation sa stage at maging ang mga ilaw ay na-set-up na rin. She can’t wait for the main event, pagkatapos ng kanilang closing ceremony.
The program started at exactly three PM and as expected, the university director delivered his well-informed speech. Nasanay na ang ibang mga students at naawa siya sa mukha ng mga freshmen na kulang nalang ay matulog. After the speech ay may mga nagperforms from different department at saka may kung sinu-sino pang tumayo sa gitna ng stage at nagbigay ng mga inspirational message. Kanina pa nila hinahanap ang kanilang Mami dahil ang sabi nito ay pupunta ito sa lugar nila kaso wala pa ito.
“Finally!” Sabay na sigaw ng mga estudyante ng magsimula na ang pinakahihintay nilang part ng closing program. Ang mini-concert!
“Good evening Mr. Rueda.” Narinig nilang bati ni Teo sa future partner ng kanilang Mami Isla.
“Good evening Sir.” Bati nila dito. “Akala po namin hindi kayo darating.” Hanggang ngayon ay na-aamazed pa rin siya sa tangkad at sa gandang lalaki ng substitute professor. Teo is already tall but he is way taller than him, than them. At kahit na gwapo ang kapatid niya ay hindi naman hamak na mas gwapo ito in another level. Para itong lumabas sa isang fashion magazine at bumaba mula sa mga billboards ng EDSA, ganoong level ang kagwapuhan at kakisigan nito.
“I need to kill some time and I think I’m not late.”
“Magsisimula pa lang, Sir.” Tumingin-tingin ito sa kanilang tabi kaya siya napangisi. “Wala pa po si Mami, Sir. Ewan po namin kung saan.” Halatang natigilan ito sa kanyang tanong at napatikhim.
“I’m not looking for her.” Weeehhh? Napatingin siya kay Ari and they booth exchange knowing gazes. Their ship will sail very soon. After the introduction and few performances ay pumasok na ang isa sa mga performers mula sa Magnus.
“Wait! Is that Mami?” Turo ni Arielle sa nag-iisang nakasuot ng itim na shirt sa mga bagong pumasok. “Why is she there?”
“Wala naman siyang sinabi.”
“Magnusian, let us welcome our very own NO LIMITS band!” Sinundan nila ang bawat galaw ng professor na may hawak na dalawang drum sticks. Alam nilang hindi lang sila ang nagtataka kung bakit nasa stage ito dahil maging ang mga students ay iyon din ang bulong.
“Oh, she’s playing again?”
“Good evening Professor Mylene.” Bati nila sa bagong dating. “Si Doc Aguirre po ba ang tinutukoy niyo?”
“Yeah, kaya pala busy siya every afternoon. Ito pala ang pinagkakaabalahan niya, well, let me record this. Medyo matagal na rin noong huli ko siyang nakitang nagpe-play.” Their lips formed an ‘O’, they knew that their professor is an excellent woman but they didn’t know she’s very talented. “She can’t play volleyball, but there’s one sport she’s very good at.” Professor Mylene winked at them.
“Ano po iyon?”
Ngumisi lang ito. “You should ask her, it’s not my story to tell.”
“Eh, ang daya!” Reklamo nila.
Tumawa lang uli ito. “Oh, Mr. Rueda. I didn’t know you like this kind of event.”
“I don’t but I need to kill some time, the dean invited me for the after party and I can’t refuse.”
“You really can’t.”
“Magnusian, are you ready?” Sigaw ni Jelai, ang main vocalist ng banda.
“Ready!!!” Sigaw nila.
“One… two… three…!” Unang beat palang ng drums ay agad silang napasunod sa beat ng kantang Believer ng Imagine Dragons.
“First thing’s first, I’ma say all the words inside my head. I’m fired up and tired of the way that things have been, oh! Ooh! The way that things have been, oh! Ooh! Second thing, Second, Don’t tell me what you think that I can be. I’m the one at the sail, I’m the master of my sea, oh, ooh! I was broken from a young age, taking my sulking to the masses, write down my poems for the few that looked at me took to me, shook to me, feeling me, singing me from heartache from the pain. Take up my message from the veins speaking my lesson from the brain, seeing the beauty through the PAIN!” Pagkahampas ng professor sa salitang iyon ay nagtaas ito ng tingin at dumako sa may gawi nila. She smiled at them as she continues playing the drums. “You break me down, you build me up, believer!” and just before their very eyes, they saw another version of their crazy professor. A very cool one, lalo na ng kindatan sila nito bago ituon ang buong pansin sa pagtugtog.
“Is it me or parang nai-inlove na ako kay Mami.” Aniyang napahawak sa kanyang dibdib. “My heartbeat so fast, she’s just too cool.”
“You are not alone.” Sabi ni Arielle na hindi rin maalis ang tingin sa stage.
“Yeah, hindi kayo nag-iisa.” Professor Mylene chuckled knowingly. “She’s really cool when she’s with her drums.”
Sigawan at palakpakan ang namayani sa buong stadium pagkatapos ng performance ng NO LIMITS. They just secured a spot for the next university program. Mukhang hindi pa nahimasmasan ang mga tao dahil paulit-ulit na sumisigaw ng ENCORE pero alam nilang hindi na iyon mangyayari dahil sa dami ng mga nakahilerang performers.
“Iana!” Tawag ni Mylene sa paparating na propesora na papunta sa kanilang puwesto.
“Am I cool?” nakangiting tanong nito.
“Super!” Sabay silang nagthumbs up na naging dahilan kung bakit ito natawa.
“Mami, play again.” Si Ari.
“Nah, that’s one in a million performance. I can’t spread my talent and charm to everyone or else dudumugin ako ng fans.” Sabay kindat nito. “Right, Caius?” Natawa sila sa mapang-asar na ngiting ibinigay nito sa tahimik na substitute professor. “Come on, you should admit that I look so cool.”
Hala! Anong nakain ng Mami nila?
“I am right?”
Mr. Rueda sighed in defeat. “Yeah.” A satisfied grin appears on the young professor’s lips as she silently winked at them making them gasps and drop their jaw. This Doctor Isla Astrid Nolasco Aguirre is very dangerous to anybody and they believed, Mr. Caius Rueda is no exemption to the rules.