“HINDI pa rin kumukupas ang galing mo sa drums, Mami. You really look so cool while playing kanina.” Isla flipped her hair jokingly.
“I know right.” Tinawanan lang siya ng mga kasama. Nasa isang Korean restaurant sila ng mga sandaling iyon, she promised to her alumni students na magdidinner sila after the foundation day and that is today. After nilang kumain ay pupunta naman siya sa after party kaya medyo hectic and in demand ang kanyang schedule.
Kasama niya ang apat at hinihintay nalang ang boyfriend ni Vicki na na-stucked sa traffic. Nauna na silang kumain, nauna na siyang mag-grill ng karne ng baboy dahil gutom na talaga siya. Kahit ilang beses na siyang tumugtog sa harap ng maraming tao ay kinakabahan pa rin siya lalo na kanina. Muntik na siyang tumigil sa paghampas sa drums nang makita si Caius sa crowd. Kung saan niya nakuha ang tapang na ngumiti at kindatan ito ay hindi pa rin niya matukoy. Nabaliw siya ng ilang Segundo kanina. Muntik na nga siyang hindi pumunta sa gawi ng mga assistants dahil nahihiya siya sa kanyang naggawa.
“Bakit parang ang stress ng mga mukha ninyo?” takang-tanong niya sa apat.
“Super stress, my goodness, as much as I love my work but I don’t love our director. Napakawalang kwenta ng mga pinapaggawa.” Reklamo ni Nian.
“No wonder, ni isang film niya ay hindi humakot ng kahit anong award. Walang substance ang mga pelikula, puro mainstress lang na walang laman. Nakakaloka.” Dugtong ni Kris.
“I don’t have problem with mine.” Singit ni Recca. “I love travelling pero iyong last na documentary na ginawa namin ay muntik na akong matuklaw ng kobra. My goodness, akala ko ay doon na ako malilibing sa bundok na pinuntahan namin. But, I love my job. Iyong kobra lang talaga ang may problema sa akin.”
“Baliw ka talaga, Recca.” Si Vicki lang yata ang mukhang blooming at contented sa buhay. Iba talaga kapag may nag-aalaga.
“I’m planning on resigning.” Nagulat sila sa sinabi ni Nian. “I love directing and I can’t do it with my current employer. Pakiramdam ko ay nakipag-kompetensya si direk sa akin.”
“Why not make short films and post it in your youtube account?” she suggested. “You can start from there, kahit paunti-unti lang. Gaya ng ginawa niyo noong college pa kayo. Marami na ang gumagawa ng ganyan ngayon hindi ba? They used social media platforms to improve their skills and at the same time to earn na rin. At least doon, sa iyo ang studio at ikaw din ang director.”
“It’s not a bad idea, Nian. Why not?” sang-ayon ni Recca. Natahimik ang dating estudyante na para bang pinag-iisipan ang kanyang sinabi. “You already have an account and I think marami-rami na rin ang subscribers mo. Tumigil ka lang sa pagpopost ng content dahil naging busy na kayo sa trabaho. Start a small studio, post short videos or series, expand your horizons. Sa panahon ngayon sky is the limit as long as you are creative. You can look for investors or ads habang hindi pa nagmomonetize ang account mo. Trust me, it will work dahil nagawa niyo na iyon.”
“It will!” napangiti si Kris. “Pwede akong mag-resign, Nian. Dream natin na magkaroon ng sariling production company this might be our chance.”
“We need funds.”
“I can invest.” Napatingin ang apat sa kanya. “I’m not that rich but I can help, of course, kailangan niyong isauli sa akin ang pera ko ng five folds.” Tinawanan niya ang sunod na naging reaksyon nito. “I can give you list of companies you can ask, alam kong mahirap lalo pa at nagsisimula pa lang kayo pero may napatunayan na kayo. Marami na kayong international awards na nareceived kahit nag-aaral pa kayo.”
They will work, this plan will work. Sigurado siya hindi dahil nakita na niya ang outcome ng mga bata sa kanyang mga panaginip kundi dahil sa alam niyang may potensyal ang mga ito. She can’t bear to see talents stuck in the corner.
“This is quite scary but I am really interested.” Maya-maya pa ay sabi ni Nian. “I want to try.”
“Pag-isipan niyo munang maigi ang mga bagay-bagay at kapag nakapagfinalized na kayo ay saka niyo uli ako kausapin. Make everything proper, okay?” sunod-sunod na tumango ang mga kausap.
“Oh, he is here. Liam!” Tawag ni Vicki sa bagong dating. Hindi na siya nagulat dahil sabi nga niya ay kilala na niya ang kasintahan ng dating estudyante. Malaki ang magiging papel nito sa success ng mga batang kausap.
“Sorry, I’m late. Malala na talaga ang traffic dito sa atin.” Nahihiyang ngumiti ito sa kanila.
“Kakasimula pa lang namin kumain.” Ani ni Vicki sa kasintahan. Lihim siyang napangiti dahil ganitong-ganito ang mga nangyari sa kanyang panaginip. Naaalala niya ang bawat salitang lalabas sa kanilang mga bibig, punto por punto. Ang weird talaga, kapag nangyayari iyong mga nasa dreams niya ay naaalala niya ang mga bagay-bagay pero kapag pilit niyang binabago ang mga pangyayari ay nakakalimutan niya ang mga eksena. Weird.
“Liam, meet our favorite professor, Iana Aguirre.” Bahagya itong yumuko at inilahad ang palad na agad niyang tinanggap.
“It’s nice to meet you Professor Aguirre, I’m Liam Legaspi.” Pakilala nito.
“Nice meeting you, Liam. Ako nalang ba ang hindi nakakakilala sa boyfriend mo Vicki?” Ngumiti at tumango lang ang dating estudyante. “Aww, gaano na nga kayo katagal?” Narinig niya ang mahinang tawa ng mga kasama maliban kay Liam na parang ini-interrogate ng principal.
“Six months, Ma’am.”
“Ilang buwan mo namang niligawan itong dalaga ko?” Mukhang makakapagpractice na siya sa magiging anak niya in the future.
“Almost a year din po bago ako sinagot ni Vicki.” Seryoso pa rin na sagot nito sa kanya and it took her all her energy not to laugh.
“Seryoso ka ba sa anak ko? Baka naman pag-tripan mo lang ito.” Sunod-sunod na umiling ang binata.
“Seryoso po ako sa kanya, hindi ko po siya sasaktan.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Pain is inevitable, may mga instances na masasaktan mo ang dalaga ko.”
“I will never hurt her intentionally and if ever I did I’ll make sure to grovel on my knees for her to forgive me.” Hindi na niya napigilan ang sarili niya at natawa sa mga reakyon ng lalaki.
“Chill, wala ka sa principal’s office, Liam. I am pretty sure Vicki will kill you first if you’ll try to hurt her and back up lang kami” Natatawang sabi ni Isla sa lalaki. Well, she knew better, Liam will take good care of Vicki and her other babies as well. “We better eat, may pupuntahan pa ako after our dinner.”
“Ang busy ng schedule.” Biro ni Nian.
She flipped her hair playfully. “Ang hirap maging maganda, habulin.” Nagtawanan lang silang anim sa kanyang sinabi. Habang kumakain ay patuloy lang sila sa kanilang asaran at kulitan. “I can help.” Biglang sabi ni Liam nang marinig ang kanina ay plano ng mga bata. “I have connections sa mga media platforms. Maganda ang plano ninyo, malaki ang potential na mag-boom iyan lalo pa at napanood ko ang mga mini-series na ginawa ninyo dati. I was about to ask Vicki about it but since you already have plans, I am willing to help.” Itinago ni Isla ang ngiti sa pagnguya ng dahoon ng lettuce. Nauwi nga ang dinner nila sa isang madugong business brainstorming pero hindi siya nagrereklamo.
“YOU are so late.” Reklamo ni Evelyn nang makita siya na naglalakad palapit sa couch na inuupuan ng mga kasama. Nasa isang malaking VIP room sila, mas tamang sabihin na function hall para sa mga nagtatrabaho sa Magnus.Tatlong VIP rooms yata ang kailangang i-merged para lang magkasya silang lahat. Sa ibaba ang mga usual visitors ng club at masayang nagsasayawan at nag-iinuman.
“Masyadong napasarap ang usapan, sorry.” Kinuha ni Isla ang ibinigay ni Rosa na shot glass na may lamang alak at inisang lagok ang laman. Agad na nanulay sa kanyang lalamunan ang hapdi pagkasayad ng alak doon. “That burns.” She found a space for her to sit still bopping her head with the music.
“Kanina pa nagwawala ang iba sa dance floor.” Inilibot niya ang paningin sa buong paligid, looking for someone… kahit alam niyang imposibleng makita niya ang taong iyon dahil hindi ito mahilig sa mga ganoong lugar. Seeing Vicki and Liam awhile ago makes her feel so… alone.
“Here.” Muli niyang tinanggap ang shot glass at ininom ang alak. Alam ng mga kasama na hindi siya madaling malasing, hindi lang siya maganda pero blessed din siya sa taas ng kanyang tolerance sa alak na minsan ay ikinainis niya lalo na kapag gusto niyang malasing pero nauuna pang bumagsak ang mga kasama keysa sa kanya. “Mabuti at pinapasok ka ng guard.”
She rolled her eyes at Evelyn. “Kinumusta pa nga niya ako dahil matagal na akong hindi nakakabisita dito.” natatawang sabi niya.
“Sayaw tayo.” Yaya ni Gracia mukhang may tama na ito. Tumayo na rin siya at bumaba na sa ground floor at naghanap ng space na pwedeng masayawan. She’s swaying her body with the beat while having fun with her colleagues. She missed the feeling, pakiramdam niya ay sobrang laya niya. Nasa kalagitnaan siya ng pakikipagskin to skin sa mga kaibigan nang may maramdamang kakaiba. Para bang may nakatingin sa kanya sa kung saan and as a cue ay nahanap niya ang pinanggalingan ng kakaibang pakiradam na iyon.
Sa ikalawang palapag, sa VIP area, may matangkad na lalaking nakatayo sa dingding na yari sa salamin habang may hawak na alak habang nakatingin sa kanya. She’s not drunk, kaya hindi siya nag-ha-hallucinate nang sabihin na nakatingin ito sa kanya.
“Sino bai yang tinitingnan mo?” Nagtatakang tanong ni Mylene kaya bago pa man masundan ng kasama ang kanyang mga mata ay mabilis siyang umiwas at muling ibinalik ang buong pansin sa pagsayaw. But she knew better… with his gaze on her, she can’t act the way she normally acts.
“Oh by the way, sumama nga pala si Mr. Rueda. Nasa taas lang siya kanina kasama ang faculty ng Information and Computer department.” Sigaw ni Dona para marinig niya. Hindi na siya nag-aksaya ng laway na sumagot dahil alam niya, nakita niya ito at nararamdaman niya ang presensya ng lalaki.
“I told you to stop accepting the drinks.” Inis na sabi ni Isla kay Mindy nang akayin niya ito sa restroom, kung hindi niya ito hinila ay baka naging merlion na ito sa gitna ng dance floor. Pagkapasok nila sa banyo ay agad nitong isinuka ang nakain at nainom nito sa gabing iyon.
“I’m close to death.” Nanghihinang reklamo ng kasama.
“Kung hindi ka ba naman kasi tanga alam mong newbie ka tapos tanggap ka ng tanggap ng shots. Ano? Kaya pa?” Kahit naiinis ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi ito pagtawanan nang makita ang hitsura.
“My head.”
“Ang mabuti pa ay balik muna tayo sa taas. You need to sober up and no more drinking and dancing.”mahinang tumango lang ito. Mas matangkad at mas mabigat si Mindy sa kanya kaya pahirapan ang pag-alalay dito.
“Oh, anong nangyari kay Mindy?” Agad na tinulungan siya ni Mylene nang makita sila.
“Nag-merlion sa restroom naparami ng inom. Good luck sa hang-over nitong gagang ito.” Nangangalay na ang kanyang balikat dahil sa bigat ng kaibigan.
“Rich—Richerd… I miss you baby…” sabay silang napatingin kay Mindy na umiiyak na habang binabanggit ang pangalan ng dating kasintahan. “Balikan mo na ako.”
“Girl, ikaw ang nakipaghiwalay sa taong iyon.” Natatawa at naiiling na sabi ni Mylene.
“Ang pangit mo Rich! Iyong ipinalit mo sa akin ang pangit din, bagay kayo! Magsama kayo sa empyerno mga hudas kayo!” pati siya ay natawa na rin. Malakas itong ngumawa nang sa wakas ay maupo na nila ito sa kanilang puwesto. “Kainin sana kayo ng lupa! I hate choooo!”
“Lasing na nga ang babaeng ito, ang mabuti ay tawagan na natin ang sundo ni Mindy.” Singit ni Rosa.
“Sundo? Sinong sundo?” Takang tanong ni Isla.
“Eh di sino pa kundi ang ex boyfriend niya.” Sabi ni Evelyn sabay kuha ng cellphone ng lasing na kasama.
“Hoy! Gusto mong isumpa na naman tayo ng babaeng ito sa twitter? My God! Isang linggong pamba-bash ang natanggap natin the last time we contacted her ex beyond her knowledge.”
“Malay natin magkaayos na sila.” Hinablot niya mula sa kamay ni Evelyn ang cellphone ng lasing na kasama. “Alam naman natin na misunderstanding lang iyong nangyari sa dalawang ito tapos itong friend natin, kahit na alam niyang mali siya ay hindi niya matanggap na mali siya.” Well, that’s actually true. Masyadong mataas ang pride ni Mindy, alam nilang misunderstanding lang iyong nangyari but knowing Mindy, sarado pa ang isip nito na tanggapin na nagkamali ito.
“Sana ay isinuka nalang din niya ang pride niya ‘no? Nagrereklamo tapos siya naman ay may kasalanan, my goodness!” sabay silang napabuntong-hininga at ibinalik niya kay Evelyn ang cellphone ni Mindy.
“Ikaw na ang bahala, support nalang kami sa plano mo.”
“Uy, wait! Bakit pakiramdam ko ay iiwan niyo ako sa ere kapag may masamang mangyayari.” Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin sa sinabi nito. “Ang sama niyo talaga.” Pero kinalikot naman ang cellphone sabay pisil sa pisngi ng lasing na babae. “Kapag kayo nagkabalikan dahil dito dapat ay ibigay mo sa akin ang bouquet sa kasal mo.”
“Cheers!” natatawang itinaas niya ang kanyang baso at ininom ang laman. Tumayo siya at nakipag-usap sa mga kaibigan sa ibang department habang hinihintay ang sundo ng kasama.
“Hindi ka yata naglalasing?”
She immediately put up the wall inside her when she heard Cai’s voice. Alam niyang kanina pa ito gustong lapitan siya kaya nga kung kani-kanino siya sumasama.
“Oh hi, Mr. Rueda. Hindi ko alam na mahilig ka rin na pumunta sa mga lugar na tulad nito.” She gave him a fake sweet smile.
“Mahilig rin? Ibig sabihin ay pumupunta ka sa ganitong lugar? Iba ang pagkaka-kwento ng daddy mo?”
She faked a loud gasp. “Alam kong almost perfect na ako sa paningin ng mga tao pero Sir, hindi ako santa.” Kumunot ang noo nito sa kanyang sinabi. “Well, hindi alam nina daddy na pumupuslit ako dito kasama ang mga classmates ko dati… pero kung sasabihin mo ay malalaman nila. Don’t tell me nandito ka dahil ginawa kang spy ng daddy ko?”
Hindi pa rin nawawala ang pagkakakunot ng noo ng lalaki. “Hindi lahat ng bagay ay tungkol sa iyo, Isla.”
“Aww, that hurts my ego Sir.” Aniya. “Since hindi lahat ng bagay ay tungkol sa akin, there’s no need for me to talk to you right? I’ll enjoy the party! Chow!” Mabilis niyang iniwan ang lalaki sa pwestong kinatatayuan niya.
“Inaway mo si Mr. Rueda?” salubong ni Rosa sa kanya.
“I did not!”
“You do, bakit hindi maipinta ang mukha ni Mr. Perfect?”
Muli ay sinulyapan niya si Caius na kasama na sina Felix at Gavin. “Ganyan naman na ang mukha niya. May tinatanong lang siya kanina.” Well, she was quite offended sa totoo lang. Nang sabihin nitong hindi lahat ng bagay ay tungkol sa kanya… Iyong Caius na kilala niya as kanyang mga panaginip ay ginawa siyang mundo ng lalaki, for him, everything is all about her. Kaya nga noong nagkagulo-gulo na ay nagtaka siya sa mga naging pagbabago nito.
Iyon yata ang masakit, iyong hinayaan ng taong iyon na umikot ang mundo mo sa kanya pero sa bandang huli ay babaliwalain ka. Sasanayin ka hanggang maging dependent ka na tapos bibitiwan ka rin pala. She’s not drunk but with her dreams’ memories parang pinapasok na ng ispiritu ng alak ang kanyang brain cells. Caius was right Isla, in this lifetime, in this dream, not everything is all about you.
Kinuha ni Isla ang kanyang cellphone nang magvibrate iyon at binasa ang text message na natanggap niya. Mabilis niyang ibinaba ang hawak na baso at tumayo.
“I need to go, emergency lang.” paalam niya sa mga kasama at mabilis na lumabas ng club.