CHAPTER 17

2594 Words
            GUSTONG lumubog ni Teo sa kanyang kinatatayuan nang makita ang ginawa ni Margot sa desyertong bahagi ng restroom. Ganoon din ang naging ekspresyon ni Arielle sa nasaksihan. Sila ang nahihiya sa ginawa nito.             “Margot!” Sabay na sigaw nila ni Ari nang bigla nalang itong bumagsak at sumubsob sa dibdib ng lalaking na-harrassed nito. Iyong lalaki naman ay tila tumigil na rin sa pag-function dahil sa biglaang pangyayari.                  Lasing na ang kaibigan nila nang magpaalam itong pumunta sa banyo, sinundan naman nila ito kaagad pero huli na ng makita nila ang ginawa nito. Margot pulled someone and kissed that ‘someone’ in the lips. Nang makabawi na sa gulat ay mabilis nilang hinila ang kaibigan palayo sa lalaki baka kasi saktan nito ang kasama. Hindi nila ito kilala.             “Hala, sorry Alvan hindi namin alam na gagawin iyon ng kaibigan namin. She’s drunk!” natatarantang paliwanag ni Ari sa member ng sikat na bandang WAvE na katulad nila ay nag-e-enjoy din sa bar pagkatapos ng closing ceremony ng Foundation Week ng Magnus. Tumugtog din ang mga ito kanina.             “Ari, please call Mami.” Utos niya sa kasama habang inalalayan ang kaibigan nila. Siya lang ang may kayang buhatin ito palabas ng bar. Ginawa nito iyon pero mukhang hindi nito ma-contact ang kanilang guardian. “Or text her.”             Muling sinulyapan ni Teo si Alvan na nakatitig pa rin kay Margot na hawak niya, nakakunot na ang noo nito at kung galit man ito ay hindi nila alam.             “Alvan, we apologized for our friend’s behavior. Rest assured walang makakaalam sa nangyari dito, hindi ito lalabas sa media o sa kahit na anong social media na post.” Hingi uli niya ng paumanhin sa lalaki.             “Hindi pa siya sumasagot.” Ani ni Ari. Napabuntong-hininga si Teo dahil sa mga oras na iyon ay isa lang ang pwede niyang mahingan ng tulong. Ang kapatid ni Margot.             “Kapag nagising ka talaga bruha ka sisiguraduhin kong ngangata ka ng bubog.” Bulong niya dito. Kinuha niya ang sariling cellphone at hinanap ang numero ni Carlou. He hates calling him dahil alam niyang lalaki na naman ang ulo nito. That guy is flirting with him!             “Good eve—morning my lovely beau--.”             “Sunduin mo kami.” Mabilis niyang sabi dito.             “Huh? Nasaan ka?” bakas sa boses nito ang pag-aalala. Alam kasi nitong hindi siya tatawag kung walang dahilan. “Bakit maingay ang background?”             “I am going to text you the address, fetch your sister.” Pinatay niya ang tawag at agad na na-i-type ang address ng bar. Nakatulala pa rin Alvan kaya nagpasya siyang ilabas na si Margot kasama si Ari gamit ang exit.             “Teo, pwedeng mag-ask?”             “Sure.”             “Bakit pakiramdam ko ay matagal mo ng kakilala ang kapatid ni Margot?” natigilan siya sa tanong ni Ari at iyon ang tanong na ayaw niyang sagutin. “Nang narinig kitang kausapin mo siya kanina ay parang matagal na kayong nag-uusap. Hindi ba recently lang kayong nagkita?” tahimik lang si Ari most of the time, but she’s really observant.             “Nakainom ka lang kaya kung anu-ano iyang naisip mo but we are not that close at ganoon talaga ako makipag-usap sa cellphone.” Dahilan niya sa kasama. He can’t tell her the truth!  He really can’t tell her because she’s going to tell Margot and knowing Margot, she’ll find ways for him and his brother to get back together.             Yes! Get back together because years ago, they were together. Isang bangungot na ayaw na niyang balikan dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga nangyari. Noong makilala niya si Margot ay wala siyang ideya na related ang dalawa. His new friend and his ex-boyfriend were related. Madalas lang niyang naririnig sa kasama ang kwento tungkol sa kapatid nito but it never gave him any interest of knowing his friend’s brother not until they met again. Nang bumisita ito sa opisina ay nagkita silang muli at ang kapal ng mukha ng lalaking iyon na mag-pretend na okay lang ang lahat na wala itong ginawa na para bang hindi siya nito sinaktan?             “Teo, Ari!” Isang sasakyan ang huminto sa kanilang harapan at lumabas mula doon si Doctor Aguirre. “Sorry at hindi ko nasagot sa tawag mo Ari and when I read the message ay agad na akong dumeritso dito.” Napatingin ito kay Margot. “Is she okay?”             Natawa si Ari sa tanong na iyon. “’Mami, nagkalat po si Margot sa loob. May hinarass po siya doon.” Kumunot ang noo ng batang propesor.                         “BAKIT nga pala kayo nandito? Nagpaalam ba kayo sa mga guardians niyo na nagbar kayo?” tanong ni Isla kay Teo since ito ang pinakamatanda sa tatlo.             “Dinala kami ni Margot dito, Mami. Sabi kasi niya masaya dito tapos uuwi lang kami kaagad pero uminom po siya dahil may classmate siyang nagbigay ng drinks, isa lang po iyon pero lasing na agad siya.”             “At sino naman ang napagtripan nitong si Margot?” Sa pagkakaalam niya ay hindi naman nalalasing agad si Margot sa isang shot lang maliban nalang kung super hard ng drinks na nainom nito. Kapag trip nilang magsunog ng lalamunan ay usually cocktail drinks lang ang tinitipla ng assistant at sa condo pa niya para lang safe ang mga ito kapag natamaan ng alak.             “Iyong singer ng WAvE, si Alvan. Hinalikan niya.” Sagot ni Teo na ikinapanlaki ng kanyang mga mata. Sa pagkakakaalala niya ay last year nagka-issue din si Margot at ang singer dahil aksidente nitong nabato ng plastic bottle tapos ngayon ay mas malala naman!             “What the heck Margot? May nakakita ba sa ginawa niya?”             Sabay na umiling ang dalawa. “Mukhang wala po Mi, kami lang po ang nakakita.”             “We already apologized to Alvan kaya hindi na siguro iyong magrereklamo.” Ani ni Teo. Tumango lang siya at bahagyang nakahinga ng maluwang.             “Ihahatid ko na kayo baka--.”             “Uhm, Mi. Tinawagan ko po si Car—I mean ang kuya ni Margot. Hintayin nalang po natin siya.” tumango siya sa sinabi ni Teo at ilang minuto lang ay may isang sasakyan ang huminto sa tabi ng kanyang kotse. Mabilis na lumabas sa sasakyan si Carlou pero sa halip na ang kapatid ang una nitong tingnan ay kay Teo ito unang lumapit. Tinaasan lang ni Teo ng kilay ang nag-aalalang lalaki na halatang nakahinga rin ng maayos nang makitang hindi naman nasaktan ang tinititigan.             “Si Margot.” Putol ni Teo sa pagkakatitig ni Carlou dito. “Siya ang lasing.” This is the first actual interaction Leo and Carlou had after she woke up from her fourth dream.             “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” kinagat ni Isla ang kanyang mga labi habang nakatitig sa dalawa. Bakit parang nanonood siya ng eksena sa isang TV series?             “I’m not but your sister is drunk.” Tinuro ni Teo si Margot. “Iuwi mo na siya.” agad na iwas ni Teo. Para talagang may kakaiba sa dalawa, this is so different from what she remembered but she’s not complaining.             Tumikhim siya. “Ang mabuti pa ay tulungan mo si Carlou, Teo.”             “Huh?” nagpapanic na si Teo. “Kaya na ni Carlou na alagaan si Margot.”             “Ihahatid ko na si Teo, Professor Aguirre.” Paalam ni Carlou habang inaalalayan ang lasing na kapatid.             “No need I can go home on my own.”             Naramdaman niya ang pagtabi ni Ari sa kanya. “Ihahatid na kita, delikado na umuwing mag-isa.” Insist pa ng lalaki. So ano na siya sa eksenang ito? Audience o extra? Sayang at hindi niya na-videohan sigurado siyang magtatalon si Margot kapag nalaman nito ang ganitong interaction ang dalawa.             “Carlou is right, Teo. Madadaanan rin niya ang apartment mo at mas panatag ako kapag alam kong kilala ko ang naghatid sa iyo.” Napatingin ito kay Ari, halatang naghahanap ng rason na hindi sumama. She wants to snicker at Teo, masyado na niya itong kilala para maloko nito. “Ako na ang bahala kay Arielle.”             “Pero--.”             Muntik na niyang mahampas si Ari nang biglang hawakan ni Carlou ang braso ni Teo at hinila palapit dito habang sa kabilang braso ay inaalalayan ang kapatid nito.             “Thanks professor.” Tumango lang siya. Sinulyapan siya ni Teo na wari ay nanghihingi ng tulong pero ngumiti lang siya at nagthumbs up. She saw him sigh in defeat knowing that he can’t win. Sorry Teo, you two looks so perfect together. Dapat sa panaginip na ito, magkatuluyan na kayo. Sabi niya sa kanyang sarili habang pinapanood ang pagpasok ng tatlo sa sasakyan.             “Mami, I feel weird.” Untag sa kanya ng katabi. “Nang tawagan ni Teo kanina si kuya Carlou para bang matagal na silang magkakilala.”             “Really? I thought first time nilang nagkita sa office at kamakailan lang nag-ta-try na makipag-communicate si Carlou kay Teo na hindi naman nito sinasagot.”             Ari just shrugged her shoulder. “Hindi ko rin maintindihan pero nang tanungin ko siya kanina ay hindi niya ako sinagot ng maayos at iniba iyong topic. Para talagang may something sa kanila and now I’m curious.”             She chuckled. “Uminom ka rin ba, Ari?” Mabilis itong umiling.             “No po. Si Margot lang po ang napilit na uminom ng mga ka-blockmates and classmates niya. Si Teo ay hindi rin po umiinom dahil binabantayan niya kami and they didn’t force me to drink because someone was threatening them a while ago.”             Tinaasan niya ito ng kilay. “Someone? Nagsisimula ba ito sa letter ‘J’?” Mas natawa siya nang sumimangot ito nang mahulaan niya ang ‘someone’ na tinutukoy ng kasama. “So, kumusta naman ang puso natin diyan Arielle?”             “Matatag pa rin.” Naiiling na tumawa siya sa sagot nito. “Mami talaga.”             “Sa condo ka na matulog Ari, ihahatid kita bukas sa bahay mo. Medyo uminom din kasi ako.” Tumango lang ito bilang pagpayag. Habang nagmamaneho ay napansin niyang medyo hindi komportable ang kasama. “May problema ba Ari?” She asked.             “Mami, he asked me something.” Mukhang may ideya na siya sa gustong sabihin nito. Lihim siyang napangiti dahil natutuwa siyang pinagkakatiwalaan siya ng kausap. Kahit alam na niya ang totoo ay hindi niya pipilitin ang bata na mag-open up sa kanya. When someone is broken, no one should try to fix them because you can’t. When someone is hurting, don’t attempt to take away their pain because you can’t. Instead, be with them by walking beside them in the pain. Because sometimes what people need is simply to know they aren’t alone.             “Sinabi niyang mahal niya ako and was sorry for everything he did, hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman. Happy ba ako dahil pareho kami ng nararamdaman o matatakot dahil baka hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin. Baka hindi pagmamahal ang nararamdaman niya sa akin, baka dahil convenient lang ako sa kanya and I make him feel secure kaya akala niya ay pagmamahal na iyon.” Paliwanag nito sa kanya. “Nalilito ako, Mami. I don’t know what to do.”             Natahimik siya dahil kahit papaano ay naiintindihan niya ang nararadaman ng dalaga. “Give him some time to prove Ari if he really loves you or not, masyado pang maaga para mag-jump ka into conclusion. Naiintindihan ko kung bakit nalilito ka, you’ve been hurt by the person who told you that he loves you. Take your time to think and to decide Arielle, you also need time for you to grow and for him to grow. Bata pa kayong dalawa at huwag kayong magmadali.”             “You’re right Mami, I need to grow up. Ngayon ko lang din na-e-enjoy ang mga bagay na akala ko ay hindi ko mararanasan kung nanatili akong nakabuntok kay Josh. Hindi ko makikilala si Margot at baka hindi ko rin masasaksihan ang ginawa niya kanina. Meeting you Mi is like opening a new world for me to explore ang laki ng utang na loob ko sa iyo.” Natatawang ginulo niya ang buhok ni Ari.             “You don’t have to thank me, kung hindi ka lumapit sa akin ay hindi rin naman kita matutulungan. You are stepping forward to help yourself and whatever may happen in the future, always remember that we are with you.” Isang Malaki at matamis na ngiti ang ibinigay ni Arielle kay Isla.               “YOU can drop me here.” Malalig na turan ni Teo kay Carlou. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan habang maingay na natutulog si Margot sa backseat.             “Sa bahay ka na magpahinga Teo--.”             “Why would I? Ilang lakad nalang at bahay ko na.” He prepared his things when he already eyed his place.             “Teo, can we talk--.”             “We are already talking.” Putol ulit niya sa sasabihin ni Carlou.             “Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin Teo.” Huminto na sila sa harap ng kanyang apartment at nang akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang hawakan ni Carlou ang kanyang braso. Marahas niya iyong iwinaksi pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.             “Let me go.” Mariin niyang utos sa dating kasintahan.             “No, not unless we talk.”             “Carlou, let me go!” he hissed. Wala na siyang balak na makipag-usap dito.             “Not again Teo, ginawa ko na iyon dati at pinagsisihan ko ang bagay na iyon.” Marahas ang tingin na ipinukol niya sa lalaking nasa kanyang harapan.             “It has been years Carlou and you’ve already made it clear to me before we parted ways. Wala na tayong dapat pa na pag-usapan pa at pwede ba tigilan mo na ang kalokohan mo? Alam kong mahilig kang maglaro pero hindi ko alam namumulot ka rin pala ng mga basurang itinapon mo na.” calling himself a trash is painful, pero kailangan niya itong paaalahanan sa mga nagawa nitio sa kanya noon.             “You are not a trash, Teo.”             “But it was you who made me feel like one.” Nang sa wakas ay nagawa niyang makalaya sa pagkakahawak ni Carlou sa kanyang braso ay mabilis niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan. Bago pa siya umalis ay hindi niya maiwasang hindi ito pasadahan ng isang malamig na tingin.             “Huwag ka ng mag-aksaya ng oras Carlou, you can find someone to pest again. Huwag ako.” And he closed the door as he makes his way to his apartment. Sumasakit na ang kanyang ulo kahit hindi siya nakainom and its all because of him. Kung kailan naman okay na siya ay saka naman muli itong bumalik sa buhay niya.             He can’t risk another heartache from the same person again, nahirapan siyang buuin ang kanyang sarili dahil dito at ngayon ay nagbabalik na naman ito para sirain na naman siya. f**k you, Carlou! Not again!             But he knew better, masyado niyang kilala si Carlou. He is persistent when he likes something, he is very competitive, kung may gusto itong makuha ay gagawin nito ang lahat hangga’t makuha nito iyon. Bakit niya alam? Isa siya sa mga naging ‘trophy’ nito, he kept him well hidden, wala ni sinong may alam ng tungkol sa kanila not even his sister whom he’s working and friends with now.             Malakas na napabuntong-hininga si Teo habang papasok sa kanyang apartment. He promised to himself, ibibigay lang uli niya ang puso sa taong totoong magmamahal at magpapahalaga sa kanya at hindi siya itatago. Sa mga katulad niya na hindi normal ang tingin ng ibang tao at hindi tanggap kung ano talaga siya, mahirap makahanap ng taong magmamahal sa kanya.             Sa ngayon ay malaki ang pasasalamat niya sa mga taong nakapalibot sa kanya, they didn’t discriminate him when they told him the truth about his gender. Tanggap din siya ng taong nagpalaki sa kanya at iyon ang mas importante sa ngayon. He needs to graduate and give back to his grandmother who raised him up to this point. Dito niya ibubuhos ang buong puso niya at hindi sa taong hindi sa taong hindi marunong magpahalaga sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD