NAGISING si Isla nang may maamoy na aroma ng kape mula sa kung saan at nang magmulat ng mga mata ay agad na bumalik sa kanyang utak kung nasaan siya. Marahan siyang napabuntong-hininga at hinanap ng mga mata kung saan nanggaling ang amoy ng kape. It has a different smell than what Margot usually prepared for her when she wakes up inside their office. Kaso mga naka-pile na mga papel ang agad na humarang sa kanyang mga mata kaya napilitan siyang bumangon. She stretches her limbs and yawn as she dropped her jaw on the top of the piled manuscripts and found herself staring at the man with a cup of coffee sitting meters away from her.
Gusto niyang mapasimangot lalo pa at tila nang-iinggit itong umiinom ng kape habang walang emosyong nakatitig sa kanya. And, how can he looks so handsome early in the mormimg while on ther hand she looks kinda stupid?
Nakipaglabanan siya ng titigan kay Caius, walang gustong mag-alis ng tingin. Bumabalik sa kanyang alaala ang nangyaring engkwentro sa pagitan nila sa club. Akala niya ay mawawala ang inis niya dito over the weekends but she was wrong. Naiinis pa rin siya sa naging reaksyon nito sa kanya, maybe because he never treated her that way before.
“Mami! What the heck? Bakit ka nakipagtitigan kay Mr. Rueda ng bagong gising ka pa?” Biglang bulalas ni Margot nang pumasok sa office at madatnan silang dalawa. Hindi niya pinansin ang assistant dahil wala siyang balak na unang magbawi ng titig. Mamatay na ang unang magbawi ng tingin. Narinig niya ang malakas na buntong-hininga ni Margot habang may ginagalaw sa kanilang mini-kitchen. Alam din nito na wala itong mapapala sa kanya, she’s half-awake without her coffee.
After a few minutes ay humarang si Margot sa pagitan nila at may inabot sa kanyang umuusok na tasa ng kape. Kinuha niya iyon at agad na inamoy ang kanyang pampagising at nang malasahan ang mapait na lasa ng kape ay tuluyan ng nagising ang kanyang diwa.
I’m alive!
“Mi, may early meeting kayo with the board of directors today at eight.” Tumango siya bilang tugon. Ilang beses siyang napakurap at tuluyan ng nakalimutan ang presensya ng lalaki dahil sa pagpaalala ni Margot. Marahan siyang napabuntong-hininga, she really hates meeting the higher ups but she needs to para sa approval ng budget para sa ongoing research nila. All the research committee will be there including her.
“Uuwi ka ba Mi?” Umiling siya at dahan-dahan na tumayo pilit na iniignora ang mga titig ni Caius. Wala siyang time para e-entertain ito dahil mas mahalaga ang budget. May gana itong makipag-away sa kanya sa club at may gana rin siyang ituloy ang sinumulan nito.
Agad siyang nagpunta sa kanyang table at nilagpasan lang ang lalaki, she turned on her laptop and asked Margot to print some documents for the meeting like she usually asked her to do. She grabbed a paperbag under her desk na pinaglagyan niya ng kanyang susuotin para sa meeting.
Pumasok siya sa restroom para maligo, dahil halos naging bahay na niya ang kanilang opisina kaya may mga nakatago na siya toiletries sa loob ng banyo na nasa inner laboratory. May separate restroom sa labas na malapit sa kanilang dirty kitchen, ginagamit din niya iyon dati... dati! Noong wala pa silang kasama sa office, iba na ngayon.
Pagpasok niya sa banyo ay napatitig siya sa salamin, she really find it weird, kapag pumapasok siya sa banyo ay una niyang binibisita ang salamin. It will take her some time to stare her reflection, just like now.
Isla... please...
“Huh?” Napakurap siya at napapalingon sa paligid nang may marinig na tumatawag sa kanyang pangalan. “Weird.” Sambit ni Isla. Lately, ay may naririnig siyang mga tumatawag sa kanya o kaya naman ay bumubulong ng kung anu-ano. Ang creepy lang talaga. “May kinalaman ba ito sa apat na beses na panaginip ko?” She asked herself.
“Am I still dreaming? Is this still a dream?” Nasapo niya ang magkabilang pisngi at malakas na sinampal ang mva iyon. “Awww!” She hissed when she felt the sting. “I don’t know anymore.” She sighed. “Ligo na girl, may giyera ka pang haharapin. May marami ka pang oras para isipin kung paano mo mareresolba ang mga issues mo sa buhay.” Ani niya sa sarili.
After taking a shower and drying herself, she immediately dolled up herself. Minsan lang siyang mag-ayos dahil natural na ang ganda niya. Liptint at kilay lang ay pwede na siyang lumaban sa Ms. Universe, unfortunately, dahil kinulang siya sa height nabigyan ng chance iyong iba na sumali at manalo... all thanks to her.
“Sige lang Isla, magbuhat ka ng sarili mong bangko, mesa, at higaan.” Ntatawang biro niya sa kanyang sarili habang tinutuyo ang buhok gamit ang blower. At nang makontento na sa kanyang hitsura ay inayos na niya ang mga gamit at lumabas na ng banyo.
“Mami, hinahanap ka na nila” Salubong sa kanya ni Teo na bitbit ang mga printed documents na naiprint ni Margot.
“Paakyat na ako, dalhin mo ang laptop at ang printed documents sa office, Teo. Thanks.” Utos niya dito habang pilit na inaabot ang stiletto na nakatago sa ilalim ng kanyang mesa. Agad itong tumalima at lumabas bitbit ang kanyang mga gamit. Nasa office na rin sina Felix at Gavin na kasalukuyang nakatingin sa kanya pero wala na doon si Caius. Saan kaya nagpunta ang lalaking iyon? At bakit kailangan pa niya itong hanapin?
“Good morning, Doc.” Bati ng dalawa sa kanya.
“Good morning too.” She greeted them back.
“Mukhang sasabak ka sa giyera, minsan ka lang namin nakitang nag-aayos.” Gavin joked making her roll her eyes.
“Giyera talaga ang pupuntahan ko, wish me luck boys.”
“Good luck talaga, kameeting mo pa naman ang head ng finance department.” Biro ni Gavin. Alam ng mga ito na may semi-feud sila ng head ng fiance department dahil minsan na niyang naikwestyon kung bakit kulang ang funds ng previous research nila at hindi iyon nagustuhan ni Dr. Reial. Kaya everytime na may meeting sila ay palagi nitong hinahanapan ng butas ang kanyang mga reports, kaasar lang talaga.
“Oo nga pala, kakalabas lang ni Mr. Rueda.” Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dalawa nang marahil ay nakita ang masamang ekspresyon ng kanyang mukha. Dapat pala ay nagpoker face nalang siya dahil halatang may balak na manukso ang dalawang lalaking kausap niya.
“Masyado kayong ma-issue, sana hindi masarap ang ulang ninyo.” Tumawa ng malakas ang dalawa sa kanyang sinabi. “Kapag may lumabas na kung ano sa mga bibig niyo ay ipapatapon ko kayo sa Timbuktu.”
“Chill Doc, hindi naman namin ipagkakalat may secret affair kayo.”
“Bibig mo Felix ang sarap busalan ng epoxy, ang iissue talaga ninyo. Anong secret affair? Mga baliw! Kapag ako nainis sa inyong dalawa ilalabas ko ang mga scandal ninyo last Friday. Akala niyo kayo lang ang marunong manukso, sige lang.”
Nagsalubong ang kilay ng dalawa. “What scandal?”
She playfully grinned at the two, of course, wala siyang ganoon. Pero hindi naman alam ng dalawa at kapag seryoso ang magiging ekspresyon ng kang mukha ay alam niyang papatulan ng dalawa ang kanyang biro.
“Secret.” She winked at the two before leaving them speechless. Sorry Lord for the white lies.
AKALA ni Isla ay late na siya but she was wrong, pagdating niya ay wala pa sa kalahati ang participants ng meeting. Hindi na siya nagtataka pero naiinis pa rin siya dahil pinapraktis ng mga kasama niya ang Filipino Time.
“Doc.” Tawag ni Teo sa kanya na nakasilip sa may pintuan ng conference hall.
“Yes?” May inutos ba siya dito na hindi niya naalala? Nasa tables na ang print out at naka-set-up na rin ang kanyang PowerPoint presentations. Pumasok ito na may bitbit na malaking papercup na sigurado siyang may lamang kape. May tatak ito ng paborito niya g coffee shop.
“Coffee niyo po.” Nagtatakang kinuha niya ang ianbot nito.
“Nag-order ba ako ng kape na hindi ko matandaan?”
Umiling ang assistant. “Pinapabigay po ni Mr. Rueda.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito lalo pa at ang lakas ng boses nito kaya narinig ng mga kasama niya sa conference hall. Naririnig din niya ang mahinang tikhim ng mga kasama na tila ba nawala ang tensyon na nararamdaman nila kanina. “Sige po, Doc. Balik na po ako sa office.” Pinandilatan niya ng mata si Teo lalo pa at napagtanto niyang sadya nitong nilakasan ang boses para marinig ng iba.
“Ehem... ehem... mukhang nangangamoy lechon na dito.” Narinig niyang sabi ni Doc Crisostomo mula sa ethics committee.
“Ang sarap ng kumain ng wedding cake at uminom ng champagne.” Dugtong ng ibang kasama niya.
“Kailangan na ba naming magprepare ng wedding gift, Doc Iana?” Pinandilatan niya ang mga kasama.
“Walang kakain at walang ipe-prepare.” May kiti-kiti yata ang utak ng mga kasama niya. But she won’t deny it, nagulat siya sa kapeng ibinigay nito lalo pa at hindi sila magkasundo ngayon. Inamay siya ng isang iyon sa club!
“Sa kape din nagsimula ang lovestory ng lolo at lola ko, Doc Iana.”
“Sa panunukso din nauwi sa final vow iyong asawa ng dati naming kasambahay na kumanta ng my way.” Banta niya sa mga kasama. “Nakakahiya talaga kayo, hindi pa naman ako desperada ma magka-lovelife at saka nakakahiya sa tao, may girlfriend na iyon.”
“Girlfriend pa naman iyon pwede pang agawin.”
“Hoy, Evelyn! Ang lansa ng bunganga mo, anong akala mo sa akin home wrecker?”
“Come on Iana, don’t tell us you don’t find Mr. Rueda attractive? He is close to perfection, kung single lang talaga ako ay ako na gumapang kay Mr. Rueda, CEO and owner of EPS Developer Inc. Girl, kahit hindi na ako magwork ay malulunod ako sa yaman niya.”
“Mayaman din ako, kaya kong magpakalunod sa sarili kong pera.” Yes, mayaman si Caius. Sa katunayan ay hindi kang EPS ang meron ito, sa ilang beses ba naman niya itong nakilala, alam na din niya ang mga investments ng lalaki here and abroad.
“Eh di wow, pautang.”
“Saka na kapag hindi niyo na ako nirereto kung kani-kanino. Lalo na sa taken na and for the information of all, client ni Mr. Rueda ang tatay ko kaya magkakilala na kami bago pa kami magkita dito.” Paliwanag niya para lang matigil ang mga ito sa panunukso.
“Knows na pala ng family, may blessing na ng parents.” Tuluyan ng nasapo ni Isla ang ulo dahil talagang walang balak na lubayan ng mga ito ang issue. “Ang cute niyo kasing tingnan Iana, the height difference is so ideal.”
She boredly look at them and crossed her arms above her chest. “And again, the poor man has a girlfriend. Huwag kayong ma-issue dahil nakakahiya sa girlfriend niya and I don’t want to jeopardized my father’s business with Mr. Rueda’s because of this joke.”
She heard them chuckle not taking her words seriously, naguguluhan na rin si Isla sa nangyayari dahil ngayon lang siya na-corner ng ganito. She didn’t experience it before, ito ba ang naging consequences dahil pinilit niyang baguhin ang nangyari sa kanyang panaginip? Can she bear more teasing from her colleagues and students? Sobrang delikado, she can’t protect herself when everyone is pushing her to him.
Kayanin mo Isla, desisyon mo ito, dapat lang na kayanin mo. Aniya sa kanyang sarili. Natigik lang ang mga kasamahan nang pumasok na ang mga ka-meeting nila. She took a deep breathe ans prepare herself to embrace the possible outcome of the meeting. Sana ay walang problema.
NAGTAGIS ang ngipin ni Isla habang nakatingin kay Doc Reial, palipat-lipat ang tingin ng mga kameeting sa kanya at sa matandang head ng finance department na ilang beses ng binuklat ang kanyang printed report para hanapan ng mali ang proposed budget nila.
“I think the budget you proposed Doctor Aguirre is too much.” Bahagyang tumaas ang kanyang kilay sa sinabi nito. But, she maintained her cool.
“I beg to disagree Dr. Reial, lahat ng mga materials na nakalista sa report na ibinigay namin at sa proposal was agreed by you during our last meeting. Lahat ng mga nandiyan ay nasa approved list of materials mo, kung ika-cut namin ang budget, baka ma-jeopardized na naman ang results ng test.”
“There are cheaper materials now in the market.” Anitong hindi yata nakinig sa sinabi niya.
“So, it means nagkamali po kayo sa pag-approved ng mga materials na pwede naming gamitin for the research?” She heard collective gasps from the crowd. She can’t blame them, harapan na naman niyang kinwestyon ang kakayahan nito sa trabaho nito. “I don’t want to offend you Doc, every meeting nalang natin ay bumababa ang allocated budget ng research namin. You keep on asking us to look for a cheaper alternative of the materials na in-approved niyo sa ibang researchers. How come? May timeframe po kaming pilit na sinusunod at kung palaging delayed ang pag-approve ng budget hindi namin masusunod ang timeframe.” Paliwanag niya dito.
Their research is very important lalo pa at mga magsasaka ang makikinabang sa possible results ng kanilang project. Kung pwede nga lang sabihin sa nag-finance ng project na ideretso sa kanila ang budget ay ginawa na nila pero hindi ganoon ang pamamalakad ng university. Kailangan pang dumaan sa finance department at kailangan pa nila gumawa ng requests and reports.
“This is a multi-million project Doc, at sa pagkakaalala ko ay hindi kami tinipid ng mga sponsors.” Kumunot ang noo ng kaharap na tila ba hindi ginusto ang kanyang tanong.
“Hindi lang ang project ninyo ang pinopondohan ng sponsors, Doc Aguirre. May mas magandang project na mas kailangan ng malaking budget.” Nag-init ang teynga ni Isla sa sinabi nito.
“Yes, I understand Doc na hindi kang kami ay may project but when it comes to the level of importance, mas may malaking impact ang project namin. Hindi iilang tao lang ang makaka-benefit nito kundi marami. The farmers need this.” She emphasized ‘iilang tao’ dahil batid naman nilang may pinapaboran ang mga ito.
Iyong iilang taong makakabenefit sa proposed project ng iba ay may kick back ang university, kahit saan yata may mga inside jobs na talaga. Hindi nila ma-voice out ang bagay na iyon dahil wala silang sapat na ebidensya but they knew better. Mas importante pa rin ang makukuhang pera keysa sa nakakarami, the heck!
“I agree with Doc Aguirre, Dr. Reial. Right now, malaki ang problema ng ating mga magsasaka lalo pa at pinepeste ang kanilang mga pananim at bago pa man nila ma-harvest ang mga tanim nila ay sira na. Kung mga pest resistance crops na madevelop ang mga researchers natin na walang side effects sa environment at lalo na sa consumers ay hindi ba mas mabuti iyon?”
“I don’t want to change the budget proposal, pang-apat na beses na iyan kung tutuusin, Doc. At kung gagawa pa kami at magmemeeting na naman tayo ay makakahanap na naman po kayo ng dahilan para ipa-revised ang project namin. Again po, may life span ang mga specimens na na-collect namin, pati na ang mga chemicals na gagamitin sa research. Kapag nagrevised na naman kami mas malaking budget na ang hihingin namin para bumili uli ng mga materials and specimens for the project.” Alam niyang iyon ang gusto ng kaharap, ang idrop nila ang project. At hindi niya gagawin iyon, lalo pa at nakita niya ang paghihirap ng mga researchers sa agriculture department para lang ma-pursue ang project na iyon,
“Kung ayaw niyo pa rin na i-approve ang budget namin, wala kaming magagawa.” A triumphant smirk appears on his face, pati ang mga kasama niya ay nagulat sa kanyang sinabi. “Kakapalan ko ang mukha ko at isusubmit namin sa sponsors ang proposal namin para manghingi ng additional budget. I know it never happened before, I’ll be glad if I’ll be the first.” Pinigilan niya ang pag-ngisi nang nawala ang ngisi sa mukha nito. Matalas ang tingin na ipinukol ni Reial sa kanya habang ang ibang mga kasama ay tila nakahinga ng maayos sa kanyang sinabi.
She’s Isla Astrid Nolasco Aguirre, hindi siya umaatras sa laban knowing na nasa tama siya. Ilang beses na siyang nagbow down sa desisyon ng matanda but this time its too much na.
“Nasa inyo po ang desisyon, Doc. Sinasabi ko lang ang plano namin, I’ll be waiting until lunch time for your decision. Nakapag-set na kasi ako ng appointment sa sponsors at three in the afternoon.”
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa loob ng conference hall, lahat ay nakatitig sa kanya. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya sa posibleng desisyon ng lalaki, wala talaga siyang plano, walang scheduled meeting na naka-set pero handa siyang sumugod doon anumang oras. Gusto lang niyang subukan ang head ng finance department, kapag nagpunta siya doon ay siguradong maku-kwenstyon ang mga desisyon nito lalo pa at may ebidensya siya sa panggigipit ng matanda sa kanilang project.
Yes, sa kanila lang talaga...