NASA tuktok pa ng Mt. Apo ang asar at inis na naramdaman ni Isla nang matapos ang meeting at alam iyon ng mga assistants at ng mga tao sa kanyang paligid na ilang taon na niyang nakatrabaho. Kapag ganitong hindi pa niya kayang bumaba sa lupa ay walang nagtatangkang lumapit at kumausap sa kanya dahil makakatikim talaga ng galit niya.
Yes, he signed the proposed project at kung hindi gumana ang utak niya pati na rin ang kanyang lakas ng loob ay malamang back to zero sila. Gusto lang niyang may pagbuntunan ng inis na hindi niya magawang ilabas kanina dala na rin ng respeto. Pagpasok sa opisina ay agqd niyang ibinaba ang mga gamit sa mesa at kinuha ang laboratory gown. Pumasok siya sa laboratory at inayos ang mga pending laboratory work requests gaya ng mga metal, chemical, physical, and microbiological analysis ng mga wet and dry specimen na requests mula sa iba’t ibang schools.
Normally, ang mga assistants niya ang nagpe-prepare ng samples o kaya naman ay ang mga nag-o-on the job training. Ang nag-a-approve and nagche-check kung tama ba ang results ay siya o kaya naman ay si Mylene at Evelyn. Kapag gusto niyang mag-evaporate ang galit niya ay binubuhos niya sa mga iyon ang kanyang lakas. Teo and Margot won’t disturb her dahil minsan ay nasigawan na niya ang dalawa dahil inabala siya habang galit pa siya sa mundo.
“Sabi nga nila mainitin ang ulo ng mga maliliit na tao, their bodies were so small to contain their anger.”
Muntik nang mabitawan ni Isla ang hawak na graduated cylinder na may lamang water sample nang may nagsalita sa kung saan. Pinanliitan niya ng mga mata ang disturbo, anger is very visible on her face.
“Who told you to enter my laboratory?” Galit na tanong niya kay Caius na kampanteng nakahilig sa dingding na yare sa salamin habang nakakibit-balikat. “Hindi ba nila sinabi sa iyo na off limits ang lugar na ito? Or, hindi ka lang marunog makinig?” Basta lang itong nakatitig sa kanya. “Kung wala kang sasabihin lumabas ka Caius, wala ako sa mood na makaglaro sa’yo.”
Umalis ito sa pagkakatayo sa puwesto at naglakad palapit sa kanya. As instict ay mabilis siyang umatras hanggang sa masukol siya ng laboratory table kung saan niya ginagawa ang water laboratory test.
“Diyan ka lang.” Utos niya dito pero hindi ito nakinig at papagalitan sana niya ang lalaki pero bigla itong yumuko at hindi agad siya nakakilos nang hawakan nito ang kanyang binti at alisin ang suot niyang high heels. Natigilan siya at muntik ng makalimutang huminga. Biglang nawala ang inis na nararamdaman niya habang nakatingin sa lalaki. After removing her shoes, he replaced it with heer favorite flats na hindi niya alam ay bitbit pala nito na hindi niya agad napansin.
“Wh-what are you doing?”
Tumayo na si Cai kaya napilitan siyang tingalain na naman ito, damn his height! “Let’s go.”
“Huh?” Tila nalulon ni Isla ang kanyang dila at hindi agad nakakilos nang hilahin siya ng lalaki palabas ng laboratory. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi na niya nagawang pansinin ang mga gulat na mukha ng mga assistants nang makitang nahila siya ni Caius mula sa kanyang laboratory. She can’t blame them since no one, as in no one, as in no one was brave enough to pull her out from her safezone when she’s mad… until Caius happened.
Natagpuan niya ang sariling nakaupo sa passengers seat ng kotse ng binata habang nagmamaneho ito papunta sa kung saan. Doon lang yata bumalik sa normal ang kanyang utak. Wala siyang bitbit na kahit ano, she didn’t even bring her phone and her wallet.
“Saan mo ako dadalhin?” She finally managed to asked.
“Finally found your tongue?” He teased. Nawala na ang nararamdamang inis niya sa katawan dahil sa meeting kaninang umaga dahil dito. Kahit siya ay nagulat din sa nangyari pero alam din naman niya kung bakit. Ilang panaginip man at ilang sakit man ang naranasan at mararanasan niya dahil sa lalaki ay may espesyal na puwang ito sa kanyang puso kahit na ideny niya iyon ng ilang beses. He will always have the power to anger and make her feel at ease at the same time… because he is Caius Rueda, the man whom she fell in love for the fourth time.
He heard her sighed. “It’s already lunch time, hindi ka ba kakain?”
“Oh.” Kapag galit nga pala siya ay nakakalimutan niya ang lahat ng bagay kahit na ang pagkain. Now that he mentioned it, she felt hungry and as a cue ay biglang tumunog ang kanyang tiyan at narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. “That answers my question.”
Umingos si Isla. “Ibalik mo ako sa Magnus, I need to get my wallet.” Tumingin ito sa kanya.
“Masyado ng malayo ang Magnus, your meals are free when you are with me.” Nagkibit-balikat lang si Isla sa sinabi ni Cai.
“Since ikaw ang humila sa akin from work ikaw na ang bahalang mag-explain kung bakit absent ako sa afternoon class ko kay Dean since ninong mo naman siya at pakainin mo rin ako kung ayaw mong gasgasan itong kotse mo.”
Hindi ito sumagot pero mas binilisan ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa makarating sila sa isang malaking shopping mall na pamilyar na pamilyar sa kanya.
“Why are we here?”
“To eat, alam kong hindi mo gustong kumain sa malapit sa Magnus. Your students and the staff will surely post our pictures together when they will see us and that might trigger the second wave of your anger.”
Well, may point si Caius.
“Pwede namang sa ibang lugar, bakit dito?”
“Why not here?”
“Because I didn’t bring my wallet and my cards.” She pouts her lips. Kaya pamilyar a g lugar sa kanya dahil dito siya palaging nagsa-shopping. Nasa mall na iyon ang mga shops ng kanyang paboritong brands like chanel, dior, LV and more. May plano pa nga siyang yayain ang kapatid sa weekend dahil may gusto siyang bilhin na bag and she wants to buy one for her sister too.
“Hmmnn.” She knew he didn’t understand what she meant by her words. “You’re mad and hungry.”
She’s hungry but not mad anymore. Pinigilan ni Isla na lumapit si Cai sa kanya nang tanggalin sana nito ang kanyang seatbelt.
“I can remove the seatbelt.”
He didn’t make a fuss about it, siya na rin ang nagbukas ng pintuan ng kotse. Ayaw niyang madagdagan na naman ang points ni Cai sa kanyang utak dahil baka maiba na naman ang takbo ng kanyang mga plano. Hindi siya tatakas, wala siyang bitbit na kahit piso kaya hindi siya pwedeng maiwan doon.
“Let’s go.” Narinig niyang yaya ng lalaki habang hinihintay siya.
“Wouldn’t you ask me where I want to eat?”
“Where do you want to eat?” Bakit ba niya nakakalimutan na minsan ay pala-desisyon din ang lalaking kasama. Ilang beses na ba silang nag-away dati sa kanyang mga panaginip dahil pinapangungunahan nito ang kanyang mga desisyon? Akala pa naman niya ay nagbago na ito ngayon, pero hindi pa rin pala.
“Libre mo?”
“I told you, yes.”
“I want steak.” May isang steakhouse sa mall, masarap ang steak doon pero kailangan ng advance booking or else hindi makakapasok. Gusto niyang subukan kung hanggang saan ang yabang ng kasama.
You might have the money dear Caius but you can’t just magic every thing.
“Steak it is.” Tinaasan niya ito ng kilay habang pilit na pinipigilan na pagtawanan ito. May balak yata itong ipahiya ang sarili sa harap niya later. “What are you waiting for?” She shrugged her shoulders and walk beside him. Habang naglalakad siya ay napapansin niyang nasa tabi lang niya ito palagi. Kapag nauuna siya ay binibilisan nito ang lakad o kaya naman ay kapag nauuna ito ay binabagalan nito.
Stop giving meaning to his actions Isla, you are not helping yourself. Inis na puna niya sa kanyang sarili. Why not look for something that would disappoint and turn you off?
Mukhang alam din ni Cai kung saan ang tinutukoy niyang steakhouse dahil doon siya nito dinala. It’s located on the topmost floor ng mall, mas tamang sabihin na nasa rooftop. At kahit na hapon ay maganda pa rin ang ambience ng restaurant.
“Good afternoon Sir and Ma’am.” Bati ng waiter pagpasok nila. Kailangan pa nilang dumaan sa may front desk ng resto. “Do you have a reservation-.” Tumaas ang kilay ni Isla nang hindi maituloy ng waiter ang tanong nang ipakita ni Cai ang isang gold VIP card. It wasn’t a credit card, pamilyar iyon sa kanya. Parang nakita na niya iyon dati but she can’t remember where.
“Welcome to Marty’s Steakhouse.” Mas lalong lumiwanag ang mukha ng waiter. The card itself means something here, huh? “A table for two?”
“Yes.” Sagot ni Cai at binalingan siya. “Come closer.” Utos nito sa kanya and she did but she maintained enough distance for her to breathe. Akala niya ay mapapahiya ito kanya but she was wrong. Dinala sila ng waiter sa kabilang second floor ng resto. Palagi siya dito with her friends and colleague but this is the first time she saw this place. Mas maganda ang ambiance doon lalo pa at nakikita nila ang buong lugar.
“First time here?” She let him pulled her seat because she was still surprised.
“Not at Marty’s but here, yes.”
“This is my friends’ favorite place.” Sa tingin niya ay iyong sinasabi nitong friends ay mga katulad nitong may dalang gold VIP card. Pakiramdam niya ay hindi niya tuluyang nakilala si Cai kahit ilang beses na niya itong nakakausap at nakakasama. Umupo ito sa bakanteng upuan kaharap niya. “The place looks better at night time.” Untag nito sa katahimikan na biglang namayani sa kanilang dalawa.
“Is this place available for you and your friends?”
“Sort of.” Kaya pala hindi na-o-offer sa kanila ang pwestong iyon.
“Friends with a gold VIP card?”
“Sort of.” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki sa naging sagot nito. Kapag nalaman ni Leana at ng mga kasama niya sa faculty na dine-deny niyang malink ang pangalan sa lalaking ito, na may gold VIP card ay sigurado siyang makakatanggap siya ng sangkatirbang sermon. But, she’s not after his money.
Dumating ang waiter para kunin ang kanilang orders and since libre naman kaya nag-order siya ng mga paborito niya at hindi naman nagreklamo ang lalaki. Habang tahimik na pinapanood ang buong siyudad mula sa lugar nila ay hindi niya maiwasang hindi sulyapan si Caius. Tahimik lang din ito.
“Akala ko ba ako ang may problema ngayon bakit parang ikaw din?” Gulat na napatingin ito sa kanya. “Look, I’m not concerned it just that, nilibre mo ako ngayon so I can at least pretend to be nice to you.”
“Yeah, you are not really nice.” Natatawang sabi nito.
Umingos si Isla. “Don’t pretend to be nice, inaway mo rin ako sa club last week.”
“I did not.” Nakakunot ang noong depensa nito sa sarili.
“Yes, you did.”
“I can’t remember being rude to you at that night.”
She huffed. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya mula dito, is he pretending not to remember anything? “I can’t remember things when I’m drunk.” He continued.
“That’s the lamest reason I’ve ever heard.” She rolled her eyes at him. “Drunk or not, whatever, it doesn’t matter anymore. Kalimutan mo nalang iyon since nilibre mo ako ngayon. I don’t hold grudges.”
“Bakit ka nga pala galit na galit kanina?”
“Bakit parang pinagbasakan ka rin ng langit ngayon?” He raised a brow when she answered his question with another question.
“I don’t have a problem.”
Lumabi lang siya sa sinabi nito. “Eh di wala, hindi rin ako galit kanina.” She leaned backward to see his face. “Sabi mo nga pakialamera ako, may mga bagay akong napapansin na hindi agad napapansin ng ibang tao. I don’t know if it’s a curse or a gift, but I can sense it when someone has a problem and I know you have.” She pointed out.
She knew he is deliberating to tell her his problems, wala din namang problema kung sasabihin nito o hindi since she still respects his privacy.
“It’s a business related problem.”
Tinitigan niya ito, alam niyang nagsisinungaling ito sa kanya but again, she won’t pry much. “Sige, maniniwala ako.” Napatitig si Caius sa kanya dahil pareho nilang alam na hindi nga siya naniniwala sa sinabi ng lalaki. “To be fair since sinagot mo ang tanong ko, yes, I’m mad at someone dahil ginigipit niya ang budget para sa research namin. And this isn’t a one thing problem, ilang beses na niyang ginawa ito sa amin. Today wasn’t the first time though.”
“Budget? So, someone from the finance department?” She nods.
“It’s okay now, nagalit lang ako but the problem was already solved.”
“Good to hear.” Dumating na ang kanilang order and since she’s really hungry kaya itinuon niya ang buong pansin sa pagkain. Hindi na rin siya nito inabala, well, not physically. Nakatingin lang si Cai sa kanya habang umiinom ng wine.
“Don’t drink too much wine, gusto ko pang mabuhay.” Pansin niya dito.
“I have high alcohol tolerance.”
“And when you got drunk you’ll forget everything?” Nakatikwas ang kanyang kilay na tanong nito. She grabbed her own glass and drinks her own wine. Masarap talaga ang wine na order nila sa steak. It’s perfect!
“Mukhang nakabalik ka na nga sa katawan mo, sumusungit ka na uli.”
“Yeah, thanks for the food. This is all I need to become normal again at hindi ako masungit.” Pagtatama niya dito.
“Sa akin lang?”
“Come on, Caius. We are not that close and you really get into my nerves sometimes, palagi mo akong inaasar.”
“Hindi kita inaasar, masyado ka lang pikon.” Nanliit ang kanyang mga mata sa sinabi ng lalaki.
“See! Now, you are wondering kung bakit sinusungitan kita? Hindi ka rin mabait so don’t demand my kindness.” Sabay irap niya sa lalaking kasama sa pagkain.
“And now I am wondering why your father always said that you are the kindness sa inyong magkakapatid. I can’t see the difference between you and your siblings.”
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. “Huwag mong masali-Sali ang mga kapatid ko and again, my attitude depends on how you treated me.” Ngayong nakakain na talaga siya ay bumabalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa at kumpara kanina, she felt at ease when they are like this. Iyong nagbabangayan lang.
“Where do you want to go from here?”
“Magnus. Ayokong maglibot-libot sa mall, not when I don’t have my wallet and my cards with me.” Iniwas niya ang tingin mula dito. Sa totoo lang ay nangangati na ang kanyang mga paa na pumasok sa Dior store na nadaanan nila kanina. May nakita siyang new display na bag at nakita niya iyon sa website ng brand, kailangan niyang balikan iyon mamaya or else mawawala na iyon. It was a limited edition bag!
“We better hurry, maabutan mo pa ang next class mo.” She immediately stood up following him. When they went out from Marty’s ay naglakad sila pabalik ng parking lot when they stopped in front the Dior store.
“What are we doing here?”
“Let’s get inside.” Napasimangot siya dahil ito nga iyong iniiwasan niya pero nanunudyo talaga ang lalaking kasama. Nawala ang inis niya sa kaaway kaninang umaga tapos ay napunta dito ang inis na muli namumuo sa kanyang dibdib. How dare him bring a cashless and cardless her inside this sinful shop?
She tried closing her eyes to avoid temptation habang sinusumpa ang lalaki sa kanyang isip. Umupo siya sa lounge habang nagdadasal na iiwas nga siya sa temptation, she is trying to find reasons not to borrow his cellphone and open her online bank so she can pay for a new bag or any other item inside the store.
Love, wake up… please don’t leave me, don’t leave us. Love…
“Isla?” Binuksan ni Isla ang mga mata at nagtatakang tiningnan si Caius na tinatawag siya.
“Ano ang tawag mo sa akin?”
“Your name, did you fall asleep?” Did she? Bakit may iba siyang naririnig? May tumatawag sa kanya, “Here.” May inilapag si Caius ang isang puting box na may gold imprint ng pangalan ng store.
“What’s this?” She opened the box and saw what’s inside. It’s the bag she was eyeing awhile ago. “Caius, you know I cannot accept this. The meal is fine but this is not.” Seryosong sabi niya dito.
“That’s the last piece of bag, are you sure you are going to return that?” Natigilan siya sa tanong nito. For someone like her who loves this label and this product, hindi niya iyon isusuko magkamatayan na but he paid for this!
“I’ll pay you when we get back to Magnus.” A triumphant smile appears on his lips when she answered. “I’ll pay for this.” She pointed a finger at him to emphasized her words.
“Sure, sure, but there’s no need to pay that. I’ll give you that as a gift.”
May balak ba itong maging surgar daddy? If he really insist she wouldn’t mind but of course, hindi naman siya easy to get. Baliw ka talaga, Isla. Ayusin mo nga iyang buhay mo, hindi ka marupok. Hindi ka lalambot lang dahil sa isang steak at isang bag.
But this is not just a bag! This is a Dior bag for pete’’s sake!