CHAPTER 35

3090 Words
            HINDI alam ni Margot kung paano i-cu-cut ang tension sa mga tao na nakatingin sa kanila sa cafeteria. Kampanteng naka-upo lang ang bestfriend na naging center of attraction na naman for the nth time dahil hindi lang naman ito ang unang beses na may nangyaring eksena na tulad nito.             “Carmi.” Bulong niya sa kaibigan pero hindi siya nito pinansin. At nagkibit-balikat lang habang nakatingin kay Edward Cunanan habang nakatayo at bitbit ang malaking bouquet ng flowers na ibibigay sana nito sana sa kaibigan.             “I’m really serious.” The guy said.             Tumango lang ang kaibigan na halatang walang balak seryosohin ang lalaki. Anak si Edward ng isang senador ng bansa at galing din sa de Buena familia.             “Hanggang kailan ka naman magiging seryoso?” hinipan pa ng kaibigan ang mga daliri nito sa kamay at napahikab.             “What do you mean?” takang tanong ng lalaki. Natawa rin ang mga nakakita sa munting eksenang iyon dahil hindi lang si Edward ang nakaranas ng ganito sa kaibigan. Marami ang nagtangka pero wala ng nagwagi.             “Naniniwala naman ako na seryoso ka nga sa panliligaw sa akin pero hanggang kailan?” kumunot ang noo nito. “A month? Three months? A year? You know hindi ako madaling makuha Edward, alam iyan ng mga nagtangkang pumasok at umalis din sa buhay ko. I can’t even give you a chance even if I want to.”             “Just give me a chance--.”             “Do you love me?” nagulat yata ito sa tanong ni Carmi.             “Uh, I like you. I can work… we can work it out.”             “You just like me.” Tumango uli si Carmi. “Paano kung after one month ay marealized mong hindi mo na pala ako like?” ngumiti ito sa kausap. “I don’t want to invalidate your feelings, Ed. Pero pagod na kasi akong magpapasok ng tao sa buhay ko na hindi naman sigurado na mananatili.”             Halata ang lungkot sa mukha ng kanilang schoolmate, though expected na naman nito ang magiging sagot ni Carmi.             “Why are you like this, Carmi? Bakit tinutulak mong palayo ang mga taong may gusto sa iyo.” They received no reaction from her friend.             “Dahil sigurado akong hindi rin kayo magtatagal sa buhay ko. Alam mo kasi may curse ang buong pagkatao ko, Ed.” Tumawa si Carmi. “I’m just a tourist spot but not a home. Find someone Edward, find a home because I can’t be one.” Umayos na ito ng upo at itinuloy ang pagkain. Walang nagawa ang lalaki kundi ang umalis sa cafeteria na bagsak ang mga balikat.             “Kawawa naman si Ed.” Aniya sa kaibigan.             “Yeah, pati ako naaawa dahil nagustuhan niya ako.” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ng kaibigan.             “There’s nothing wrong about liking you, gaga.” Tinawanan lang siya nito at sinubuan ng tempura.             “I know but I don’t like him. I can’t give him false hopes rin naman.” Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito.             “Paano kung gumanti si Edward? You knew his father, sa pagkakaalam ko ay iyong huling nan-reject sa kanya ay lumipat ng school dahil na-bankcrupt ang business.”             Mas lalong lumakas ang tawa ng kanyang kaibigan sa kanyang sinabi. “Walang maba-bankrupt sa akin dahil wala naman akong business. May money ako pero hindi naman nila iyon makukuha sa bank, right?”             “Your parents--.” May inilapag si Carmi sa ibabaw ng mesa. ID? Kinuha niya at binasa ang nakasulat doon. Carmillete Dionne David. “Kailan ka pa naging David?” takang-tanong niya.             “Maganda ‘no? That’s my new surname. Ayokong dalhin ang surname ng nanay at tatay ko dahil ayokong ma-attached sa pamilya nila. Kaya kinausap ko sila na gusto kong baguhin ang surname ko and I won’t bother them anymore. They paid my tuition fees until I graduate and gave me may pamana.”             “They agreed?”             Tumango lang si Carmi. “With no questions. Hindi rin naman kami close.”             “Just like that?”             “Yep.” Carmi said popping the letter ‘P’ as if changing her family name is a normal thing. “I am literally on my own since I was fourteen there’s no need to fret over something like this.” Naubos na nito ang pagkain at inubos ang milk tea na drink nito. “I’m full.”             “Hoy, gaga. Seryosong usapan.” Tinawanan lang siya nito.             “I’m serious and I never felt so free. Bakit ba gulat na gulat ka? Gusto ko kapag umalis ako ng Pinas ay wala na akong maiwanan at wala na rin akong maisip na balikan. Isipin ko palang na nakakabit pa rin ang apelyido ko sa apelyido ng isa sa kanila might give me…” ngumiti lang ito. “Tayo na, may class ka pa. Pupuntahan ko rin si Mami dahil hihingi ako ng tawad dahil isa ako sa mga bumuntot sa kanya. Baka hindi ko na siya maging source of income.”                 Wala siyang nagawa kundi ang itigil ang pagtatanong at tumayo na rin saka sinundan si Carmi. “By the way, pupuntah-.” At bumangga ito sa taong nakatayo sa harapan nito. Isang malakas na singhap ang namayani sa buong cafeteria dahil alam na nila lahat kung ano ang sunod na mangyayari. “Damn!” usual ni Carmi na mabilis din na napaatras upang makalas sa Student Council president. Carmi’s bestfriend… note the sarcasm.             “Tumingin ka sa dinadaanan mo.” Medyo nagulat sila dahil kalmado ang tono ng boses ni Ronan ngayon unlike dati.             “Nakatingin ka naman hindi ba? Bakit hindi ikaw ang mag-adjust kung alam mong hindi ako nakatingin?” pambihira talaga itong kaibigan niya pero mas nagulat siya nang pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis din na naglakad palayo si Carmi. There’s definitely something wrong with her friend. Sa mga sitwasyon na tulad nito ay alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi ito mananalo o kaya naman ay kung hindi nito naiinis ang lalaki.             “Carmilette sandali lang.” habol niya sa kaibigan pero tila kinalimutan na siya nito. Sigurado siya, hindi ito okay. She just looks okay, but she isn’t.               “MAMI!” Masayang bati ni Jersey pagkapasok ng opisina ni Isla. May tinatapos siyang report na kailangan niyang i-submit sa head ng kanilang research committee nang dumating ito. “Hi. Did I disturb you?”             Umiling at ngumiti siya sa first baby niya. “No, Jersey. I’m not that busy.” She saved the draft of her report at tumayo para salubungin ito. “You really look good in your uniform.” Mas lalong gumanda si Jersey and no one can deny it. She even heard some ruckus about the medical exchange students na nasa kanilang school clinic. Ang mga students niya kanina ay kulang nalang magmakaawa para bigyan niya ng clinic pass dahil nga dito.             “I’m with my cousins, on-duty pa sila ngayon kaya hindi ko sila nabitbit.” Sumilip din siya sa clinic kanina dahil narinig din niya ang mga female students niya na may mga gwapo daw sa clinic nila. And of course, dahil likas siyang ‘researcher’ sa tagalog ay tsismosa kaya dumaan siya doon kanina kay Olive para pasimpleng sumilip. Nakita din niya kanina si Jersey at natutuwa siya dito.             “No worries, mahaba pa ang time natin. Come here, marami pa tayong dapat pag-usapan.” Sana lang talaga hindi sakit ang pagiging pakialamera dahil kung ganoon ay kailangan na niyang magpa-rehab. “I have your favorite ice cream here.” She announced.             “Kaya nga love na love kita, Mi.” ito na mismo ang kumuha ng ice cream nila gaya ng dati. Malaki ang pinagbago ni Jersey pero may mga bagay pa rin na hindi nagbabago dito. “Wala dito si Dadi?”             “Kutos gusto mo? Iyang bibig mo Jersey hindi pa rin nagbabago.” Ngumisi lang ito.             “Si Mami masyadong affected.”             Inirapan lang niya ito. “Upo na and start na the kwento.”             “Saan ako magsisimula?”             “Sa simula.” It’s her turn to grin.             “Fine, boring din naman ang kwento ng buhay ko. My parents don’t want me to be a doctor because I’m their only child and they want me to manage our business once I graduated. Pero hindi ko talaga type ang magbusiness at iba ang calling ko that’s why nag-apply ako ng scholarship sa Magnus and even worked as an assistant to pay for my rents and food.”             Naalala niya ang mga kabi-kabilang trabaho ni Jersey noon. She wasn’t expecting her to be an heiress that’s why she thought that was normal.             “And I met my friends a year after, naging close naman kami at alam ko po na saksi kayo sa closeness namin. Hindi ko sinabi sa kanila ang totoo about my parents because who would believe me? My parents want me to go home and take business administration kaya hindi ako umuwi. Everything went fine…” tumigil ito sa pagkain ng ice cream.             “Until Kelsey enter the scene.” Napatingin ito sa kanya. “You were in relationship with Gino from the Accounting department. Wala kang sinabi sa akin pero napansin ko ang mga pasimple ninyong paglabas dati. You were in the same circle kaya wala masyadong nakakapansin.”             “Paano mong alam iyan, Mi?”             “Nakita ko kayong nagde-date sa library ng Accounting department.” Lumabi siya dito. “Hinihintay ko lang na sabihan mo ako at nakita ko rin kung paano ka magselos kay Kelsey because darling Jersey, may habit ka na nagsasalita ka ng hindi mo namamalayan kapag stress na stress ka na.”             “Mami talaga.” Namula ito sa knayang sinabi. “Iyon nga po, nalaman ni Kelsey kung sino ako but she twisted the story. She told my Gino that I am dating a dirty old man behind his back and told my friends din. At that time ay tinanggap na ng parents ang desisyon ko sa buhay, kinuhanan kami ni Kelsey ng picture ni daddy when he visited me here sa Magnus and used that against me. My friends started to doubt me and when confrontation happened they turned their backs against me and they believed Kelsey more than me. Kahit si Gino ay hindi na rin ako kinausap since then, they blocked me sa mga social media accounts and when I told my parents about what happened they suggested na mag-transfer ako sa Cornell.”             Tumango si Isla habang nakikinig dahil hindi niya inaasahan na nangyari ang lahat ng iyon kay Jersey. May alam siyang minor details pero hindi niya alam ang buong pangyayari dahil biglaan nalang itong umalis and that time masyado siyang busy dahil bagong bigay sa kanya ang posisyon na hawak niya ngayon.             “My parents said na I should stop seeing my old friends dahil kung ganoong problem nga lang ay hindi nila ako magawang paniwalaan at ang bilis nila akong talikuran paano pa sa mga heavy problems in the future. I should find friends that would stick and trust me through ups and downs.”             “True. Did they ever try to contact you after you transferred?”             Umiling si Jersey. “Walang nagtangka but I still tried, I tried to contact them pero hindi nila ina-accept ang tawag ko. I did that for a year until I realized na they really want me out from their life so I started moving on. Hindi ako pwedeng ma-stuck sa past knowing that I can do better in the present and in the future.”             Hindi ako pwedeng ma-stuck sa past knowing that I can do better in the present and in the future. What Jersey said just hit a nerve. Iyon kasi ang nangyayari sa kanya ngayon, nastu-stuck siya sa mga panaginip niya natatakot siya na baka maulit na naman ang mga iyon at masaktan na naman siya sa bandang huli kaya pilit niyang binabago ang lahat. Pilit niyang inaalis sa buhay niya si Caius kahit na ang totoo ay gustong-gusto niyang sunggaban ang pagkakataon na makasama itong muli.             Kahit na magbago pa ang kanyang isip ngayon ay alam niyang hindi na siya pwedeng kumilos ng naayon sa pattern na alam niya. She pushed Cai away from her and her actions made everything changed. He is about to propose to his girlfriend, ang babaeng nauna sa kanya pero hiniwalayan nito ng dahil rin sa kanya.             “Jersey, if you were to relive your past. Gugustuhin mo bang maulit ang mga nangyari o babaguhin mo?”             “Same lang Mi.” ngumiti ito sa kanya.             “Kahit na alam mong nasaktan ka?”             “I enjoyed my life before I was hurt. Malaki ang ipinagpasalamat ko sa past ko dahil marami akong natutunan na naging attribute ng kung ano ang meron ako ngayon. Naging independent ako, na-appreciate ko ang importance ng pera, naging mas honest ako sa mga new friends ko, I slightly matured, naging mas open-minded din ako, and mas naging forgiving ako.” Sumubo uli ito ng ice cream. “Matagal bago ko na-realized ang mga iyon. Galit na galit ako sa kanila dahil hindi man lang nila ako binigyan ng chance to explain pero napatawad ko rin sila sa bandang huli.             Hindi ko kayang maging friends sila ulit pero iyong galit ko na nararamdaman for them, they are all gone. I forgave but of course hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari maybe soon. I am slowly healing for myself and I won’t rush it. My new friends told me not to rush things and do everything according to my pace.”             Napangiti siya nang makita ang kislap sa mga mata ni Jersey nang banggitin nito ang bagong kaibigan nito. Hinawakan niya ang palad ng kanyang anak-anakan.             “I’m happy for you, Jersey. You finally found people whom you can trust and rely on.” ngumiti at umiling ito sa kanyang sinabi.             “They found me, Mi. They found me and forced me to their lives.” Malakas itong tumawa. “But I am not complaining dahil naging masaya ako with them.”             “So, may boyfriend ka na uli ngayon?” namula ang pisngi ng dalaga sa kanyang tanong.             “No! I mean none… not yet.”             “Anong not yet? May nanliligaw?” nahihiyang tumawa ulit ito. “Kasama niyo ba dito?”             “Nanliligaw pa lang siya, one and a half year na siyang nanliligaw. Friend siya ng mga boyfriend ng mga friends ko ngayon, noong una ay akala ko nga trip-trip lang niya akong asarin pero na-surprised nalang ako when he visited me once. Una niya palang kinausap ang parents ko, he asked them to court me.”             “Mabuti at pinayagan ng parents mo?”             “They didn’t, naka-banned siya sa bahay namin for half a year at hindi siya nakalapit sa akin ng mga ganoon na time. Naging overprotective ang daddy ko dahil sa nangyari sa akin sa Magnus but he proved his worth to my parents and they lifted the ban. Until now, he is still courting me.”             “Bakit hindi ka pa nagco-commit? Ano lang? Landian na walang label?”             Ngumisi lang ito. “He understood my decision, Mi. He said he’ll wait for me to finally sort out everything dahil nalaman din niya iyon mga nangyari sa akin dito. Siya actually ang nagsabi sa akin na do things according to my pace.”             “You love him?” tumango si Jersey.             “Hindi siya mahirap mahalin, Mi. One of these days baka bumigay na rin ako, medyo marupok din ako.” May marupok pa ba na umaabot ng one year and a half? Kung si Jersey ang definition ng medyo marupok… anong label ang ilalagay niya sa kanyang sarili? One month pa nga lang at gusto na niyang baliin ang desisyon niyang baguhin ang lahat para hindi na niya maranasan ang mga bad endings na nasa kanyang mga panaginip.               “THAT’S JERSEY, my first assistant.” Wala pang naitatanong si Caius ay sinagot na agad ni Isla ang nagtatakang tingin nito sa papalabas na dalaga.             “I haven’t asked anything.” Anito at tumingin sa kanya.             “You are so obvious when you want to ask things.” Aniya dito na naging dahilan kung bakit mas napakunot ang noo ng lalaki. Bumalik si Isla sa kanyang mesa at kinuha ang papel na kanina lang ay naiprint na niya. Tinulungan siya ni Pepper na ifinalized ang plan tungkol sa gagawin nitong proposal kay Coleen. Noong una ay wala sana siyang balak na ibigay sa lalaki ang papel at sasabihin niya rito na masyado siyang busy para asikasuhin pa ang pagwasak sa puso niya, na choice din naman niya.             “Here.” Ibinigay niya ang papel kay Caius na kinuha naman ng lalaki. “Just tell me kung kalian ang proposal so I can assist you with the venue decoration and other things. Sabihan mo lang ako in advanced para maaga kong matapos ang mga pending works ko and can spare time with it.” Iniwas niya ang tingin sa lalaki.             Binasa lang ni Caius ang papel. “I’ll give this to my secretary, siya na ang bahala sa pag-aayos dito I’ll have you checked everything when the preparation is done.”             Tumango siya sa sinabi ng lalaki. “Mas pabor sa akin.” At least hindi niya maisipan na lagyan ng lason ang mga pagkain na ise-serve sa actual proposal ni Caius kay Coleen. “Alright, so it’s all set na. May class pa ako in twenty-minutes, mauna na ako.” Paalam niya sa lalaki pero bago pa man siya nakakahakbang ay mabilis na nahawakan siya ni Caius.             “Are you mad?” I’m hurt, idiot. Gusto kitang agawin ulit kay Coleen.             “Mad? About what?” pa-inosenting tanong niya dito.             “About this.”             “What do you mean?” Yes, I’m mad at myself. Dahil gusto kita at mahal kita pero hindi pwede.             “Ayokong ikaw ang mag-ayos ng event personally dahil alam kong madami kang trabaho and you might faint again if you overwork.”             I love the concern in your eyes Cai but please stop looking me like that. Sa mga panaginip ko tragedy ang ending natin dahil hindi talaga tayo ang itinadhana, dahil inagaw lang kita sa kanya. Ito iyong hindi ko na-i-consider noong pilit kong binago ang takbo ng mga pangyayari sa panaginip ko. Baka ito talaga ang totoong dahilan kung bakit nangyayari na naman ang lahat, they wanted me to fix my mistakes by not forcing myself to your life.             “I’m not mad, medyo pagod lang dahil kinailangan kong tapusin ang mga pending works ko na hindi ko natapos noong mga panahon na nag-iinarte ako. I need to finish everything before the deadline.” She gave him a little smile, a smile of assurance that she’s okay.             “I’ll fetch you after your class.” Seryosong sabi nito.             “What? Why?”             “I know your class room number, susunduin kita two hours from now.”             “No—I mean, huwag mong gawin iyon. Babalik naman ako dito--.”             “May klase din pala ako.” Binitiwan siya ni Caius at naglakad palabas ng opisina.             “Hoy lalaki, hindi pa ako tapos—teyka lang!” at hindi nga ito nakinig sa kanya. “Bahala ka sa buhay mo, i-di-dismiss ko ng maaga ang klase ko para hindi moa ko maabutan.”             s**t ka talaga Isla. Magmo-move on? Nagda-drama ka kanina tapos kikiligin ka lang pala ng sinabi niyang susunduin ka? Ano ka teenager?             “Hindi nga ako marupok, eh.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD