CHAPTER 34

2475 Words
            “YOU fainted.” Seryosong saad ni Caius nang magising si Isla at nagulat nang makita ang lalaki sa kanyang unit. “You fainted right after you opened your door and saw me.” Nagdugtong ang kanyang dalawang kilay. Sa pagkakaalala niya ay nag-usap sila ni  Caius at may itinanong siya dito na sinagot naman nito pero hindi niya maalala. “Are you really sure na wala--.”             “You saw my medical records, Doc Olivia said I’m in good health.” Medyo nagtaka din siya kung bakit nahihimatay nalang siya bigla-bigla. Tapos ang usapan nila kanina ay hindi pala totoo? But, it feels so real she can even feel his fingers on her cheeks. She can still remember how gentle he was… what the hell? Panaginip na naman bai yon? Napahawak siya sa kanyang ulo at nang makita iyon ni Caius ay mabilis itong lumapit sa kanya.             “I need to bring you to the hospital?”             Tinaasan niya ito ng kilay, ngayon na hindi naman pala totoo iyong naging usapan nila kanina ay unti-unti na naman na bumangon mula sa kanyang dibdib ang inis sa lalaki.             “What for?”             “I want a reliable doctor to check you up.”             Pagak siyang tumawa sa sinabi nito. “Doc Olivia is reliable--.”             “At nahimatay ka ulit kanina.”             “Hindi mo ba naisip na baka nahimatay ako kanina dahil nai-stress ako sa iyo at sa pinaggagawa mo? My goodness, mas malala ka pa sa tatay ko.” Inis na sambit ni Isla na naging dahilan kung bakit natigilan ito.             “You still need a check-up, kapag napatunayan natin na walang masamang nangyayari sa iyo ay saka lang ako hihingi ng tawad at ipapatigil ang pagpapabantay sa’yo.” Kumunot ang kanyang noo at pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang utak sa sobrang inis niya sa lalaki. She’s never been this mad at him.             “No, not with you. You told my father about what happened!” asar na saad niya.             “Because your family needs to know.”             “At galing sa iyo? Part of the family ka ganoon? Sino ka naman ngayon? Kapatid ko? Pinsan ko--.”             “At sino ang magsasabi sa kanila? Ikaw?” nagtagis ang bagang ni Isla sa sinabi ng lalaki. The nerve of this guy to still look so arrogant and superior kahit na alam nitong inis na inis na siya dito. “Sasabihin mo talaga? Kailan?”             “Wala ka ng pakialam doon.” Inirapan lang niya si Caius at nagkibit-balikat. She pursed her lips just to show him how mad she is. “Umalis ka na.”             “You know I won’t.”             “This is my place, pwede kong tawagan ang mga guards para kaladkarin ka palabas ng lugar na ito.” Kampanteng nagkibit-balikat si Caius at sumandal sa pader ng kanyang silid habang nakakibit-balikat at confident na tumitig sa kanya.             “You can even call the owner.” He smugly said. Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito and then realization sink in.             “What the hell Caius!?”             “Yes, Isla. I’m the hell.” He smiled triumphantly when he realized that she just realized what he did. “So, if you really think that you can escape from me then think again. Sasama ka sa akin sa hospital.”             “Akala ko ba permission first?” paalala niya dito.             “Sasama ka sa akin sa hospital dahil pumapayag ka at hindi dahil napipilitan ka lang.” tinaasan niya ito ng kilay.             “Confident, huh? Pwes, manigas ka diyan dahil hindi ako sasama sa iyo.” Umismid siya at mabilis na nagtago sa ilalm ng makapal na kumot.             “Why are you so afraid, Isla?”             “Afraid? Saan?”             “Hospital. Check-up.”             “I am not. I’m done with the check-up and I am mad at you because you are doubting my friend.” She pointed out.             “Then prove to me that she’s indeed reliable. Kapag magka-match ang results niya sa result ng bagong doctor then I will stop doubting her capabilities. I will ask your assistants to stop tailing you and I will tell your parents that there’s nothing wrong with you.” Umayos ito ng tayo at lumapit sa kanya.             Biglang nataranta ang kanyang sistema dahil sa pagtawid ng lalaki sa kanilang distansya. Wait lang! Hindi pa siya handa sa mga mature roles.             ‘Fi-fine, sasama na ako sa iyo. Huwag kang lumapit sa akin.” Mabilis niyang pigil dito. Tumigil naman ito sa paglapit sa kanya at inilagay ang magkabilang palad sa bulsa ng suot nitong slacks. Ngayon lang niya napansin ang suot nito, he is wearing his usual business suit minus the coat and the tie. Nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong puting polo at bahagyang magulo ang palaging nakaayos nitong buhok. He looks messily handsome and she is simping for that look.             “Am I forcing you to come with me?”             Tinaasan lang niya ito ng kilay. “You leave me no options.”             “No, Isla. You just realized that I am just after your safety.” Umismid lang siya dito. he is indeed Caius Rueda, he is still the same… a very controlling man. Bakit ba niya iyon palaging nakakalimutan? “Stand up and let’s go.” Utos nito sa kanya.             “Huwag mo akong utusan sa sarili kong pamamahay.” Irap niya sa lalaki. Napabuntong-hininga nalang ito sa kanya, sa tingin ba nito ay papayag siyang maisahan siya nito ng ganoon lang?               “WHAT are you doing here?” takang-tanong ni Pepper sa kanya nang makasalubong siya nito sa corridor ng hospital. May sinagot lang na tawag si Caius kaya naiwan siya sa labas ng clinic ng kakilala nitong doctor. “Are you sick?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.             “No, I’m fine. May OA na asungot lang na nanggugulo sa buhay ko ngayon.” Napangiti siya habang hinahaplos ang malaking tiyan ng kaibigan. Simula noong sabihin nito sa kanila na buntis ito ay bigla nalang lumaki ang tiyan ni Pepper. “Bakit hindi mo sinabi na may check-up ka ngayon? Sinamahan sana kita.”             “Ah, no. Hindi ko talaga check up ngayon, tinawagan ako ng OB-Gynecologist ko dahil naiwan ko ang mga vitamins noong huling punta ko dito. Ipapadeliver sana niya pero dahil nasa vicinity lang rin naman ako so kinuha ko na.”             “You need to be extra careful lalo na kapag ikaw lang mag-isa.” Nag-aalala pa rin siya sa kaibigan. Halos tanggihan nalang nito ang kanilang ini-offer na tulong dahil ang sabi naman nito ay kaya nito ang sarili. She can’t blame Pepper din dahil lumaki ito na independent at hindi sanay na humihingi ng tulong ng iba.             “Ano ka ba? I’m fine and the doctor even assured me na healthy kami both ni baby. At saka next week ay magiging kapitbahay na rin kita kaya may matatawagan na ako kapag may hindi ako kayang gawin.”             “Tatambay rin naman ako sa unit mo.”             May narinig silang tumikhim sa kanyang likuran at nang lingunin ay nakatayo na doon si Caius. Narinig din niya ang mahinang pagsinghap ni Pepper habang napapatingin sa kasama at kung pwede lang niyang lagyan ng facial mask ang mukha nito dahil hindi iyon maipinta dahil sa pagpipigil ng ngisi.             “Hi!” Masiglang bati ni Pepper. “Ikaw ba ang kasama ng friend ko?”             “Yes, Caius Rueda.” Nanlaki ang mga mata ng kaibigan ng marinig ang pangalan ng lalaki.             “The Caius Rueda? I mean the bil--.” Tinakpan niya ang bibig nito dahil nakasigaw na ito.             “A colleague.” She corrected. Pinandilatan niya ang kaibigan bakas din sa mukha nito na nanghihingi ito explanation sa kanya. Tumango lang siya at nag-sign na tatawagan niya ito mamaya.             “Nice meeting you Mr. Rueda. I’m Pepper, her friend since I can’t remember.” Tinanggap ni Caius ang pakikipagkamay ng kaibigan. “Mas gwapo kayo sa personal keysa sa mga nakikita ko sa posts ng Magnus social media.” Pepper! Gusto niya itong sigawan. “Nice to meet you, maiwan ko na muna kayo may business pa kasi akong pinapatakbo.” Nginisihan lang siya ng kaibigan.             “Nagdrive ka papunta dito?” tanong na lang niya.             “Nope, nag-Grab ako.”             “Hintayin mo nalang kaya ako tapos ay ihahatid na kita sa shop mo?” she offered. Mas gusto din niya na kasama ito keysa kay Caius. Ang awkward nilang dalawa.             “My friend Travis is on his way, he’ll be here in a minute or two. Pwede kitang ipasabay sa kanya.” Buwisit ka talaga Caius, ayoko nga na maiwan kasama mo. Sigaw ng kanyang utak.             “No need Mr. Rueda.” Natatawang tanggi ni Pepper. “May dadaanan rin kasi ako after this and naghihintay nalang ako sa Grab driver ko.” Ipinakita nito sa kanila ang application na tinutukoy nito. “I can’t cancel it na rin dahil malapit—oh, nandito na ang driver ko. Sige, maiwan ko na kayong dalawa and ingatan mo si Iana. Tigre pa naman iyan lalo na kapag gutom.”             “She’s actually worst than a tiger.” Sang-ayon ni Caius kaya nasiko niya ito sa sikmura ng wala sa oras. Nakita iyon ni Pepper kaya mas lalo itong natawa.             “Sige, I need to go.” Paalam na nito.             “Ingat.” Aniya dito. Sinundan niya ng tingin ang papalayong kaibigan hanggang sa maka-liko na ito papunta sa exit ng hospital. Nakatayo lang silang dalawa ni Caius sa corridor nang ilang segundo mula nang mawala sa paningin ang kaibigan ay dumating naman si Travis na nakangising napatingin sa kanila.             “Caius.” Tawag nito sa lalaking kasama. “Good afternoon, professor.” Ngumiti lang siya kay Travis. Hindi masama ang pakiramdam ni Isla kay Travis pero medyo may kakaiba siyang nararamdaman sa lalaki. It’s not bad though at mas lalong hindi iyon katulad ng nararamdaman niya kay  Caius. Kung ano iyon, hindi pa niya ma-point out sa ngayon.             “You are late.” Nakakunot ang noo na salubong ni Caius sa kaibigan.             “I’m in a meeting na dapat ay meeting mo rin.” Napatingin siyang bigla kay Cai dahil sa sinabi ni Travis. “I mean meeting ni Nathan nang tawagan mo ako.”             Nagtataka din siya nang pagkatapos kausapin ni Caius ang information ay may tinawagan ito at si Travis iyon.             “Your sister won’t accept any patients right now.”             “Today is her day-off. Sa tingin mo ba ay hindi rin ako nakatanggap ng sermon sa ate ko dahil sa biglaang pagtawag ko sa kanya?” sinulyapan siya nito. “Naintindihan naman niya nang magpaliwanag ako pero iyon nga hindi siya maniniwala kung hindi niya ako makikita. Baka daw babae ko talaga ang pinapapunta ko sa kanya.”             “Gawain mo iyan.”             “Before, I’m a reformed man.” Maraming mga pasyente at mga hospital staff na napapalingon sa gawi nila. Sino ba ang hindi? Dalawang nagtatangkaran na lalaki ang nakatayo sa gitna ng pasilyo ng hospital. They are both equally good looking and for sure some of these people knew who they are dahil ilang beses na napi-print sa mga business magazines o kaya naman ay lifestyle magazines ang mukha ng dalawa. “Kailangan ko ng maging matino para kapag nakita ko na siya ay hindi na siya mahihirapan na tanggapin ako sa buhay niya.”             “You sound so creepy, Travis. Bring us to your sister.” Utos ni Caius. Inirapan lang niya ang lalaki dahil nasa stage pa siya ng paghanga kay Travis dahil sa narinig niyang sinabi nito. Ang swerte ng taong hinahanap ni Travis dahil ito na mismo ang nagpasyang magbago.               GUSTONG angasan ni Isla si Caius nang mabasa nila ang results ng kanyang mga tests, ipinaliwanag na rin ng kapatid ni Travis ang mga iyon. Walang ipinagkaiba ang results na ibinigay ni Olivia sa ibinigay ng ate ni Travis.             “Are you sure about this result?” naniniguradong tanong ni Caius kay Doctor Silvia Sy-Amador.             “Ilang beses ko pa ba kailangang ipaliwanag ang results ni Ms. Aguirre bago ka ma-satisfy, Mr. Rueda?” halatang naiinis na rin ito sa lalaki. Habang si Travis ay tatawa-tawa lang sa mga tanong at pinagsasabi ni Caius.             “Doc, hindi kaya si Mr. Rueda ang kailangan ng check-up? Sa tingin ko kasi siya ang may problema at hindi ako.”             “I think so too.” Sang-ayon ng doktora habang tumango-tango lang si Travis.                     “Bakit ilang beses na siyang nahihimatay?”             “She must be stressed out.” Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya super stress. Mas relax pa nga siya ngayon keysa noong hindi pa nagku-krus ang landas nilang dalawa ni Caius. “Being a professor is not an easy job lalo na kapag may mga kasama ka sa trabaho na maligalig din.”             Tumango siya sa sinabi ni Doc. Amador at sinamaan siya ng tingin ni Caius. “Just to be sure, I’ll give you vitamins at kapag nahimatay ka ulit puntahan mo agad ako dito sa clinic. But, Magnus is known for their best medical facilities and as far as I remembered, nandoon si Olivia. She’s my junior and she’s really good.”             “Na-check na rin ako na Olivia, Doc. But this guy here is doubting the results and forced me to come here for a second opinion.”             Ngumiti lang si Silvia sa kanyang sinabi. “I’ve never seen you this worried, Caius. Well, your girlfriend is really pretty and cute--.”             “We are not together!” mabilis niyang pagtatama dito. “I mean, we are not in that kind of relationship.” Kasama nila si Travis at sigurado siyang kilala nito si Coleen ayaw niyang malagyan ng malisya ang pag-aalala sa kanya ni Caius at makarating sa babae. Hindi man niya maalala ang lahat pero may palagay siya na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa sa kanyang mga panaginip.             “Ate, I think may pupuntahan pa sina Caius at professor Iana. Give her the prescription.” Tumalima agad ang doktora at ibinigay kay Caius ang papel. Pagkatapos makapagpasalamat ay lumabas na sila sa clinic, hindi na sumama sina Silvia at Travis dahil may pag-uusapan pa yata ang dalawa.             “Give me the prescriptions so I can buy it na.” inilahat niya ang palad sa harap nito. Wala pa ring ekspresyon ang gwapong mukha ni Caius habang nakatingin sa kanya.             “Unblock me first.”             “What?”             “Unblock me.” Naalala niyang naka-block nga pala ito sa kanyang cellphone. Umingos lang siya at tinanggal na ang number sa blocklist nito.             “Ayan, masaya ka na?” Hindi ito sumagot. “And call my parents, sabihin mong walang masamang nangyari sa akin and I am perfectly healthy. Kapag kinausap at napagalitan ako ng parents ko dahil sa pagsumbong mo ay maghanap ka ng ibang taong kukulitin dahil hindi na kita kakausapin.” Napabuntong-hininga lang ang lalaki at tinawagan ang kanyang daddy. “Oh, huwag mo rin na kalimutan na sabihan ang mga assistants ko na tigilan na ang pagsunod sa akin.” She smiled sweetly at him but that smile serves as a warning as well.             “Give me na the prescription.” Inilahad uli niya ang kanyang palad para kunin ang papel pero sa halip na ang papel ang dumapo doon ay nagulantang si Isla ng mahigpit na hinawakan ni Cai ang kanyang palad.             “Let’s buy it together.” He said in a very soft voice making her squirm insides. She tried pulling her hands but he didn’t bulge. God, ano bang klaseng parusa ito? Hindi na pwedeng maging kami ni Caius pero sana naman ay huwag naman ganito iyong kapalit ng hiling ko. Huwag mo naman akong pahirapan ng husto. Her silent prayers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD