CHAPTER 33

2853 Words
            “NASAAN NA IYON?” Ilang beses nang binuklat at inisa-isa ni Isla ang hawak na notebook. Nakatago lang iyon sa kanyang drawer at sigurado siyang wala ni sino ang nakakahawak sa bagay na iyon kaya nagtataka siya kung bakit kalahati ng mga pahina ay walang anumang sulat. “Nasaan na ang mga nakasulat?” Takang tanong niya sa kanyang sarili.             “It’s gone.” Sa wakas ay pag-amin niya sa kanyang sarili. Nabura at walang iniwan na kahit anong marka ang mga pahinang alam niyang sinulatan niya ng mga nangyari sa kanya habang nakakulong siya sa kanyang mga panaginip. Ang mga natitira nalang ay ang mga nangyari sa araw na iyon at sa susunod pa na mga araw hanggang sa pinaka-huling bahagi ng kanyang panaginip.             “This is nonsense.” Bilang alagad ng siyensa sobrang hirap na nga sa kanya na maniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay, ito pa kayang biglang nabura ang mga bagay na sinulat niya na sigurado siyang may mga letrang minsan ay itinala siya doon. “This is crazy, Isla.” She murmured to herself.             Inis na ibinato ni Isla sa ibabaw ng kama ang notebook at muling napatitig sa mga letrang nakatatak doon. NO LIMITS. “No limits? Funny, kung sana ay totoo ang no limits sana ay umusad na ako.” Napapikit siya at napahiga sa ibabaw ng kama. Pagkatapos niyang ubusin ang oras at energy sa skating rink ay umuwi siya upang magpalit ng damit dahil kailangan niyang harapin ang kanyang mga magulang. Bumaba na rin ang lebel ng kanyang galit but it doesn’t mean ay okay na siya.             Napabuntong-hininga si Isla at pilit pa rin na binibigyan ng paliwanag ang nangyari at kung bakit Nawala iyong mga nakasulat sa kanyang notebook. Naging masyado siyang busy at hindi na niya muling nabalikan ang mga detalye doon. Masyado siyang naging confident na hindi na mauulit ang mga eksenang nakasulat doon.             “Na-erase ba silang lahat dahil hindi ko na nasusunod ang mga nangyari?” she asks herselfIbinaling niya ang paningin sa digital na alarm clock na nasa kanyang night stand. “December 12, mag-iisang buwan na rin pala.”             Ang daming nangyari sa buhay niya nitong nakaraang mga lingo at hindi niya namalayan na mag-iisang buwan na simula noong magising siya sa kanyang pang-apat na panaginip. Aminin man niya o hindi pero ang daming pumasok sa buhay niya ngayon, ang dami ng pangyayari na first time din niyang na-experience. Gaya nalang ngayon, sigurado siyang pagagalitan siya ng kanyang mga magulang pag-uwi niya mamaya.             “I need to focus, kailangan mong maging focus Isla. May trabaho kang kailangang ayusin, napapabayaan mo na ang mga mas importanteng bagay na dapat mong pagtuunan ng pansin dahil masyado ka ng naka-depende sa mga panaginip mong hindi mo alam kung totoo ba o gawa-gawa lang ng isip mo.” Inis na sermon niya sa kanyang sarili.             “But the dreams are real.” Sinampal niya ang magkabilang pisngi dahil sa inis. “Aww! Get a grip of yourself Isla Astrid.” Tumayo na siya at nagpunta sa kanyang banyo upang magbabad muna sa bathtub. She needs to rest and relax. Pagkatapos makaipag-conference sa tubig ay nagbihis siya at naghanda para sa pagpunta ng bahay ng kanyang mga magulang.             “I’m okay now.” She uttered to herself. “I think I’m fine na.” mahinang sinampal ni Isla ang kanyang magkabilang pisngi. “They just want you to be fine, pwede mo naman siyang kausapin ng hindi ka nawawala sa sarili mo.” Malakas siyang napabuntong-hininga. “Now, everything is a mess.”             Hindi siya sanay na may nagmamando sa bawat galawa niya at mas lalong hindi siya sanay na may nakabantay sa kanyang bawat kilos. She felt suffocated, pakiramdam niya ay nata-trap siya sa isang maliit na space at hindi siya makahinga ng maayos. Kaya ginawa niya ang unang pumasok sa kanyang utak, ang tumakas. Ngayon na nakakahinga na siya ay bumabalik na ang matinong bahagi ng kanyang utak ay parang gusto niyang magsisi dahil sobrang pagka-impulsive ng kanyang mga ginawa.             Pagkatapos mag-ayos ay kinuha na niya ang mga gamit, sobrang bigat ng kanyang pakiramdam. Hindi nakatulong ang pagbabad sa bathtub na usually ay nakapagparelax sa kanya. “Let’s go, Isla. Kausapin mo na sila.” Binuksan niya ang pintuan ng kanyang condo unit at muntik nang mapasigaw nang may taong nakatayo doon na mukhang nagulat din sa biglaang pagbukas niya ng pinto.             Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng kanyang kaluluwa habang nakatitig kay Caius na nakatayo sa kanyang harapan.             “What are you doing here?” she tried to be as formal as possible.             “Uhm…” tinaasan niya ito ng kilay.             “Gusto mo rin ba na ikulong ang sarili ko sa unit ko?” sarkastikong tanong niya dito. Medyo nakaka-get over na siya sa galit niya pero gusto lang yata niyang ma-feel din nito ang naramdaman niyang inis.             “Isla--.”             “Don’t Isla-Isla me.”             “I know you are mad.” Tinaasan lang niya ito ng kilay.             “Do I need to lash on you para malaman mo ang intensity ng galit ko?”             He sighed. “I know what I did is too much, I just want to apologize.”             Mabuti naman at alam nito ang ginawa nito. “Yeah, right. To the point na sinumbong mo sa mga magulang ko ang nangyari?”             Kumunot ang noo ni Caius sa kanyang sinabi. “No, I didn’t tell your parents about what happened.”             “Maniniwala ba ako sa iyo? Bakit pinatawag ako ng daddy ko? Bakit papunta na ako ngayon sa kanya after receiving a call from him wanting to talk to me?”             “Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin pero hindi ko pa nakakausap ang daddy mo.”             She pursed her lips as she looks at him. Walang bahid ng kasinungaling sa mukha ng lalaki. “But you said you’ll tell my parents kapag hindi kita i-unblock. You texted me that.” She pointed that.             “I just said that to scare you and I am still blocked.”             “Bakit parang kasalanan ko pang naka-blocked ka--.” Natigilan si Isla ng may marinig na mga ingay na papalapit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto na ang mga kapitbahay niyang estudyante din ng Magnus ang mga paparating. Mabilis niyang hinila si Caius papasok ng kanyang unit at sinara ang pintuan.             “Unblock me.”             “No.”             “Isla--.”             “Pagkatapos ano? Hindi pa rin kita napapatawad siya inutos mo sa mga assistants ko na pabantayan ako.”             “I did that because I want you to be safe.”             Nakaramdam ng takot si Isla sa naging reaksyon ng kanyang puso sa sinabi ng lalaking kasama. Takot na baka marinig nito ang malakas na t***k ng kanyang puso. You can’t just say that you want me to be safe Caius while planning to propose to your girlfriend.             “And suffocating me is the solution? Naisip mo lang ba na gusto ko ang ginawa mo? Naisip mo ba na baka nasasakal ako sa mga nakasunod sa akin at pakiramdam ko ay ikinulong mo ako sa isang maliit na lugar?”             Humihingal si Isla nang sabihin iyon sa lalaki. Nanlalabo ang kanyang paningin siguro ay dahil ngayon lang niya nalalabas ang frustrations niya.             Naramdaman niya ang paglapit ni Caius sa kanya at pagdampi ng daliri nito sa kanyang pisngi. “I am sorry.” He whispered. “I should have considered what you felt.             “Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito, dahil pa rin ba ito sa mga magulang ko? Wala akong maintindihan sa mga pinagagawa mo, Caius. We’ve known each other for almost a month, yes, we’ve talk but I am not expecting you do these things. Isn’t this too much for a colleague to do?” Tumitig lang si Caius sa kanya, she wasn’t expecting to ask the question as well iyon nalang ang lumabas sa kanyang mga labi.             But she wasn’t expecting him to answer her question…               “I’M SORRY, I’m late.” Pagod na hingi ng paumanhin ni Carmi nang makarating sa coffee shop kung saan sila magkikita ng mga kaibigan.             “You look tired.” Nag-aalalang pansin ni Margot pagkaupo niya. Binigyan lang niya ito ng maliit na ngiti at yumakap na sa kaibigan. “Don’t worry, wala pa naman si Alvan. Mukhang ma-le-late siya dahil may appointment pa siya.” Lumabi ito. “Iyon ang sabi niya kahit hindi naman ako nagtanong.”             Tinawanan lang niya ang kaibigan at ganoon din sina Ari na katabi si Joshua at si Trixie. Sa katabi ni Margot ay nandoon si Teo, mas trip sana niya itong yakapin pero nakaharang ang bestfriend.             “Hindi pa ba na-annouce ni Alvan na girlfriend ka na niya? Dali na, I want a picture of you together.”             “Sira ka talaga gawin talaga niya iyan at sisirain ko ang WaVE sa mga fans nila.”             “You love WaVE too much to do that, you even made a stan account just for them.” Kinurot siya nito.             “Fan na fan ka ng band ni Alvan? That’s cute ate Margot.” Nakangiting sabi ni Trixie.             “WaVE lang, kahit wala si Alvan doon ay walang problema sa akin. I love their songs but it doesn’t mean I need to love the members as well.” Hinaplos niya ang likod ng kaibigan.             “Kalma lang friend, marami pa naman akong nababasa na mga books na sa ganitong set-up tapos sila ang nagkakatuluyan.”             “Saan ka ba talaga kakampi Carmi? Sa akin o kay Alvan?”             “Sa pera.” Ngumisi siya. “Syempre, kay Alv—sa iyo. Saan na ba ang lalaking iyon? Fave past time ba niya ang maging late?”             “Ate Carmi, I am doing a research for my next novel. Nasagot na ako nina ate Ari, Margot and kuya Teo and Josh. Ikaw nalang ang wala pa.”             “May pera ba diyan? Joke, go lang.”             Excited na kinuha ni Trixie ang notebook nito at binasa ang nakasulat yata na question doon. “What’s your stand about leaving someone because of love?”             Umayos si Carmi ng upo at tiningnan si  Margot. Hindi naman siguro nito naikwento ang tungkol sa nangyari sa kanya.             “Kung mahal bakit kailangang iwanan?” she asked back.             “Due to a certain reason.” Sagot agad ni Trixie. “Because the other person doesn’t want to hurt you.”             “Hindi ba masakit maiwanan?” mapait na tanong niya. “Walang totoong nagmamahal na nang-iiwan, dahil kung mahal talaga niya ang taong iyon kahit masakit at kahit mahirap, mag-ste-stay siya o sila. Iyong mga umalis, hindi talaga nila mahal ang iniwan nila… hindi sapat ang pagmamahal para manatili. That’s why kailangan na careful ka Trixie sa mga papapasukin mo sa buhay mo, lalo na sa mga taong magpa-promise na mag-ste-stay pero iiwan ka rin pala.”             “Masyadong heavy naman ang sagot mo Ate Carmi. Sa tingin mo ate, ano ang pakiramdam ng isang taong naiwanan?” binasa uli nito ang tanong na nasa notebook nito. Seryoso nga yata ang kanilang writer, she can’t blame her. Gathering emotional experiences will never be that easy.             “Gaya ng sinabi ko kanina, walang naiiwan na hindi nasasaktan. Masakit maiwan lalo na kung umaasa ka na ang taong iyon ay mananatili sa tabi mo dahil iyon ang pinangako nila. Ilang gabi ka rin na iiyak at itatanong mo sa sarili mo kung ano ba ang mali sa iyo, ganoon ka nalang ba kadaling iwanan? You’ll question your worth, you’ll start to question your trust to other people. Hanggang sa darating ka nalang sa point na, magigising ka nalang isang araw na wala ka ng mararamdaman. Hindi dahil nawala iyong pain pero nasanay nalang ang puso at sistema mo sa sakit na nararamdaman mo.”             “Paano kung bumalik uli iyong nang-iwan sa iyo? Bibigyan mo ba ng second chance?”             Mapakla siyang ngumiti. “Second chance para saktan at iwanan akong muli? Desisyon nila ang umalis, hindi ka nila pagmamay-ari na kapag napagod na sila sa pagtakbo ay babalikan ka uli nila. Hindi ka ipinanganak sa mundo para lang gawing baggage counter and personally, hindi ako ang klase ng tao na nagbibigay ng chances sa mga taong umalis sa buhay ko.”             Natigilan si Trixie sa kanyang sagot. “Ate, naiwanan ka na ba?” pabirong tanong nito sa kanya.             She chuckles. “Mali ang tanong mo Trixie baby, dapat ang tanong mo ay sino ang nag-stay sa buhay ko?” ngumiti siya pero nawala naman ang ngiti ng bagong kaibigan. “Sa dami ng mga dumating sa buhay ko, only few stayed. Right now, I only have Margot. Siya ang pinakamatagal na nakatagal sa masamang ugali ko.”             “Carmi, I love you too.” Yumakap ang kaibigan sa kanya.             “Bakit parang ang heavy ng topic sa iyo Carmi?” Takang tanong ni Arielle.             “Because it is, it’s not really a secret pero I am a living proof sa mga taong naiiwan.” Tumawa siya.             “People love you.” Dugtong nito.             “People claim they love me but they never stayed. My parents didn’t.” kumunot ang noo ng mga kasama niya.             “Are they dead?”             Umiling siya. “They separated when I was fourteen, may sarili na silang pamilya. Sa isang bagay lang yata sila nagkasundo, ang bilhan ako ng condo unit at patirahin ako doon para hindi na ako mamili kung saan ako titira. I was never given the chance to choose kung kanina ako titira o sasama. They decided it for me, isang bagay lang ako nakapili, ang tumirang mag-isa dahil ayokong may mga kasama sa bahay dahil natatakot akong ma-attached at maiwanan.”             The fear will never go away, dahil kapag may hinahayaan siyang mapalapit sa kanya ay nang-iiwan, iniiwan siya.             “Uy, don’t be sad. It doesn’t mean na I am living alone since I’m fourteen ay malungkot na ako.” She tried to be as lively as possible. “Mas bet ko na tumirang mag-isa.”             “Ate Carmi, I’m sorry I am so insensitive. I didn’t know na--.”             “Don’t worry Trixie, as I said, wala na akong nararamdaman. Sanay na akong maiwanan at hindi na ako nasasaktan.” Tumawa siya habang sinasabi iyon. Liar. “At saka wala na rin akong pakialam sa buhay ng mga magulang ko.” Since, they already forgot about my existence. “They send me money and sent me to Magnus enough na iyon sa akin.” But it doesn’t mean, hindi ako nasasaktan.             “Kapag naka-graduate na ako ay aalis din ako ng bansa.” She announced.             “Saan ka pupunta?” tanong ni Arielle. Alam n ani Margot at Teo ang kanyang plano.             “Hindi ko pa alam, maghahanap ako ng work sa ibang bansa that is one of the reason why I chose Magnus because they offers their graduates variety of choices. I am pretty sure na may makukuha akong job outside the country kaya nagpapart time work ako dahil kapag nandoon na ako, I need to settle down and I can’t do that if I don’t have back-up funds.”             Naplano na ni Carmi ang gagawin niya sa kanyang buhay pagka-graduate niya.             “I am also going to sell the condo unit my parents bought for me and buy a new one kapag nakarating na ako sa ibang bansa. Iyon din ang rason ko kung bakit Asian Languages ang major ko, hindi na ako mahihirapan sa English and I can live anywhere as long as I know the language. Naisip ko lang na paano kung sa Asian country pala ako makakuha ng job, it would be easy for me to live there.”             “Hindi ka na babalik dito?”             “Wala na akong babalikan dito. Margot can always visit me, bibigyan ko siya ng money for plane tickets to visit me. Mayaman na naman kayo kaya pwede niyo akong ma-visit kung saan man ako titira.” She winked at them.             “Wow, talagang alam mo na ang gagawin mo. Samantalang ako, maliban sa pagsusulat ay wala na akong ibang gustong gawin.” Ani ni Trixie.             “You are still young, nasa exploration stage ka palang Trixie. Sooner or later, mare-realized mo rin ang gusto mong gawin.” She said.             “Gusto ko talagang maging housewife ni boyfie.” Nangislap ang mga mata ng bata.             “Baka naman si Jorgie ang maging kapalaran mo.” Biro ni Margot na ikinangisi nilang lahat maliban kay Trixie na parang nakakita ng kahindik-hindik na bagay.             “Don’t say bad words.”             “Bad words.” Ulit niya. Tinawanan lang niya ang ekspresyon ng kausap. Nakahinga siya ng maluwang nang ma-divert na ang topic mula sa kanya papunta dito. She’s okay with the topic but she’s not really comfortable talking about it.             “Oh, Alvan.” Narinig niyang tawag ni Joshua sa kanina pa nila hinihintay. Napatingin sila sa bagong dating at agad na sumimangot nang makilala ang kasama nito. Bakit ba kung saan-saan nalang sumusulpot ang pinsan ng future boyfriend ni Margot? Hindi ba nito alam na hindi niya ito bet na makita?             “Hi, pres.” Bati ng mga kasama.             “Sorry, medyo traffic kasi.” Tiningnan siya ni Alvan telling her to move dahil tatabi ito sa kanyang bestfriend. Tinaasan niya lang ito ng kilay, they are having a silent staring competition actually when suddenly Ronan pushed his cousins away making her divert her stares to him. She immediately looked away… ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nabuo ang plano niyang umalis sa bansa ng tuluyan. Ayaw niyang makakilala ng isang tulad nito, isang taong nangangakong mananatili sa buhay niya… he promised to stay but he left her when she needed him the most without any explanations and continue hurting her every time he had chances.             He is someone who she wanted to trust but he’s also the person who broke her into pieces and made her doubt her worth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD