HINDI alam ni Teo kung ano ang unang gagawin, ang sakalin hanggang sa mawalan ng hininga si Carlou o ang tumakbo at magtago dahil natatakot siya sa malamig na titig na ipinupukol ng tatay niya sa kanya. Parang mas gusto niyang gawin ang una dahil tila hindi ramdam ng kasama ang tensyon sa loob ng kanilang bahay. Wala siyang ideya na doon siya dadalhin ng lalaki, ang sinabi lang nito ay may importanteng tao silang kakausapin at nagulat nalang siya nang panggising ay nasa harap na sila ng bahay ng mga magulang. “Good evening po Ma’am and Sir.” Masiglang bat ini Carlou sa kanyang mga magulang. Sinubukan niyang hilahin ang mga palad na kanina pa hawak nito pero hindi siya hinayaan ng lalaki bagkos ay mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanya. Alam din niyang ramdam

