CHAPTER 4

3416 Words
            PASADO alas onse na ng gabi nang makauwi si Isla sa kanyang condo unit. Malapit lang iyon sa university, fifteen minutes lang kung magda-drive siya at kung walang traffic. Isa iyong maliit na hotel na na-bankrupt at pinagbili ang mga units para tirahan. Maliit lang ang kanyang silid, it’s a standard room. Pagpasok mo ay may maliit na kitchen counter, cabinets, at cupboards katapat ang banyo. Dahil naka-design iyon para maging hotel kaya well-equipped ang pinakapaboritong bahagi niya ng kanyang silid. She loves soaking in the bathtub. Ang malaking kama ay pinalitan niya ng single bed, pinalagyan din niya ng closet at vanity mirror. May maliit na dining area din siya at sofa para sa mga bisita. Maliit lang ang terrace, sapat lang para sa dalawang tao minsan ay nakaupo lang siya doon para magpahangin at magbasa.             Kompleto na rin ang mga kasangkapan paglipat niya, may 32 inches na TV, may maliit na refrigerator. Sapat lang talaga para sa isa o kaya ay pandalawahang tao. Iyong dating closet na malapit sa kitchen counter lang ang pinatanggal niya at ginawang mini-library. Sumatutal ay satisfied na siya sa kanyang tinitirahan. Nasa eight floor ang kanyang unit at working lahat ng elevators. May coffee shop, convenience store at isang fastfood restaurant sa ibaba ng kanyang condo unit kaya hindi na niya kailangan pang pumunta sa malayo para maghanap ng kakainin kung hindi siya nakakapag-grocery.             Napa-upo siya sa kanyang maliit na sofa at napatitig sa puting kisame. Pagod na pagod ang kanyang pakiramdam dahil sa sobrang daming nangyayari sa kanya sa araw na iyon. Iniisip pa rin niya ang naging brief encounter nila kanina ni Caius. Sigurado siyang hindi siya nito nakilala… what the heck, Isla!             Malakas na sinapok niya ang kanyang sarili. “There’s no need to hide.” She continued. “Ano naman kung magkita kayo? Just keep your distance, kahit na magkasalubong ang landas ninyong dalawa dapat ikaw ang unang umiwas. You shouldn’t make any move that will catch his interest.” Iyon ang napagdesisyunan niya. Alam niyang hindi niya maiiwasan ng matagal si Caius kaya mas mabuting hindi siya dumikit dito katulad ng ginawa niya sa kanyang panaginip.             Binuksan ni Isla ang kanyang bag at kinuha ang notebook at ang ballpen na nakaipit doon. Mabilis niyang isinulat sa ibabang bahagi ng pahinang may nakasulat na Day 3. Sa itaas na bahagi ay nandoon ang mga detalye sa pang-apat na panaginip niya.             Day 4 Nagkita uli kami ni Caius ngayon sa harap ng university. Tinulungan niya akong dalhin ang mga gamit ko papunta sa research lab. They will meet again tomorrow, bukas ay hindi siya dadaan sa main gate. May sasakyan na siya kaya pwede na siyang dumaan sa west gate. Ang isa sa dahilan kung bakit matagal siyang umuwi ay dahil tinapos niya ang mga trabahong balak sana niyang dalhin ngayon at dito tapusin. Nagpasalamat siya at nasira ang kanyang cellphone, may dahilan siyang hindi ma-contact ng Dean nila para sa faculty get-together party. Nakabili na siya ng bagong cellphone, hindi iyon kasing mahal ng dating gamit pero hindi siya pwedeng gumastos ng husto lalo pa at bumili siya ng sasakyan. Maliban sa pag-order ng pagkain at pag-contact sa iba’t ibang tao para sa kanyang trabaho, wala na siyang ibang pinaggamitan ng kanyang cellphone. Ise-set up niya iyon pagkatapos niyang maligo. Napahikab si Isla kaya agad siyang tumayo at nagpunta sa banyo. Isa-isang hinubad ang suot na mga damit at binuksan ang gripo para mapuno ang bathtub. She wants to relax.   SHE woke up late! Inis na napasulyap si Isla sa mobile phone na nakapatong lang sa tabi niya. “Why didn’t you wake me up?” she gritted her teeth and took the poor thing. Pagkatapos niyang maligo kagabi ay mabilisan niyang nai-set up ang bagay na iyon at saka natulog na. She checked the alarm set-up. “Naman, eh.” Gusto niyang pukpukin ang sarili dahil nakalimutan pala niyang iset-up ang kanyang alarm kaya hindi siya nagising sa oras. Dahil nasa alanganing oras, hindi na siya makakapagluto ng breakfast. She’s a breakfast eater at gusto niya ay siya ang naghahanda ng kanyang makakain. “Magte-take out na naman ako nito.” Reklamo pa niya sa kanyang sarili habang nagmamadaling mag-ayos para sa pagpasok. She really hates it when her day didn’t start according to plan. “Calm down Isla Astrid, ngayon lang ito. Hindi ka pwedeng mabuwisit ng ganito kaaga dahil papangit ang buong araw mo.”             Natatarantang nag-ayos na siya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone. Binasa niya ang text message mula sa kanyang Mama habang pinapatuyo ang buhok. Last night, she dyed her hair to black, it’s temporary dye though, it will only last for two to three weeks, kapag may oras siya ay pupunta siya sa salon para ayusin iyon.             She read her mother’s message. “Family dinner tonight, come on time.” Iyon lang ang nakasulat sa mensahe. Napabuntong-hininga si Isla habang tinitingnan ang sarili sa salamin, isa sa pinakamahirap bilang babae ay ang pag-aayos sa sarili. She’s not an expert to that field kaya natatagalan siya sa pag-aayos ng kanyang mukha. There’s really no need to prep but her job requires her to look better. Pagkatapos ayusin ang sarili ay binuksan niya ang kanyang closet at naghanap ng pwedeng isuot na komportable. Magdadala din siya ng spare na damit na isusuot niya papunta sa bahay ng kanyang parents.             Bumaba na siya ng unit at nagpunta sa fastfood restaurant na bukas na ng sobrang aga. Nag-order siya ng breakfast meal at mainit na kape. Coffee is her awakener, unless nakakainom siya ng kape ay hindi pa niya masasabing gising na talaga siya. Nagpasalamat nalang siya at wala masyadong tao na nakapila kaya nakuha agad niya ang kanyang mga orders. Lakad-takbo ang kanyang ginawa para makarating sa parking lot. She securely place her food to a very secure spot inside her car. Okay lang na matapon ang laman ng kanyang sasakyan huwag lang ang pagkain.             Habang nagmamaneho ay paunti-unting iniinom niya ang hawak na paper cup na may kape. Maliit na cup lang iyon pagdating niya sa university ay mag-o-order pa siya ng kape para buhay ang kanyang diwa sa buong araw. Wala pang beinte minutos ay narating na ni Isla sa wakas ang West gate, iyon ang pinakamalapit na gate papunta sa research laboratory. And one of the safest place in Magnus, she won’t meet him here.             “Bitbit ang bag at ang kanyang breakfast meal ay nagpunta naglakad na siya papunta sa laboratory.  Kailangan niyang mag-biometrics para sa attendance record at simula noong nagtrabaho siya sa university ay never pa siyang na-late. May isang absent na siya ayaw niyang ma-late siya. That’s bad for her record.             “You’re almost late, Iana.” Nagulat siya nang madatnan doon ang kasamahang propesor din ng Magnus na si Mylene. Chemistry ang major nito at assistant niya ito sa Biochemistry Research Laboratory. Dahil full ang load ni Mylene kaya miminsan lang itong magawi doon. “First time.”             “Hindi ko na-set ang alarm ng bagong phone ko kaya late na akong nagising.” Pagkatapos makapag-log-in sa biometrics machine ay pumunta na siya sa kanyang mesa. “Akala ko nakalimutan mo ng dumalaw dito.”             She heard her huffed. “May ginawa ako sa laboratory, ginamit ko ang centrifuge para i-video ang next topic ng klase ko bago sila mag-hands on activity.” Karamihan sa mga loads nito ay nasa third and fourth year. Habang ang mga handled class niya ay mga basic subjects lang ng mga first year and second year students. Hindi siya full load dahil na rin sa pagiging researcher niya, “I hate my job but I hate yours more.” Umupo ito sa upuan ni Margot.             “Bakit may palagay akong hindi lang iyan ang dahilan kung bakit ka nandito?” she raised a brow. May chemistry laboratory na kompleto sa mga laboratory equipment sa Science Building kaya alam niyang may iba pa itong pakay. Ngumisi lang ito.                   “You really know me.”             Inirapan niya si Mylene. “Manghuhula ako, I’m very gifted.” Pang-aasar niya dito. Nagulat siya nang makita ang kausap, dahil dapat ay hindi sila magkikita ngayon pero heto at kaharap niya ito unexpectedly.             “Bakit hindi ka sumipot kagabi? The party was a blast, everyone was so hyped because of Mr. Rueda.” She sips her coffee and blankly stare at her.             “Rueda, who?”             “The new substitute teacher, girl, he is so hot.” At ipinaypay pa nito ang palad sa mukha kahit sobrang lamig na ng paligid. She won’t deny that, hot nga naman talaga si Caius. Hindi niya nagustuhan ang ideyang may ibang nagkakagusto sa lalaki pero wala rin siyang karapatan na sitahin ang mga babaeng tulad ni Mylene na nakakakilala kay Caius.             “Really?” patay malisyang tanong niya dito pero sinigurado niyang walang mababakas na interes sa kanyang mukha para sa lalaki. “Nice.”             Kumunot lang ang noo nito. “Anong nice? Nice lang ang masasabi mo? Hindi ka ba interesado?” Umiling siya. “Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo pa siya nakikita at nakikilala but I am sure that you will change your mind once you meet.”             “Hangga’t hindi pa tinutubuan ng mushroom ang ulo niya at hangga’t hindi pa siya lumuluha ng sodium chloride, sa tingin mo ay makukuha niya ang interes ko?” sumimangot lang ito sa kanya.             Bakas sa mukha nito ang pagtataka sa kanyang sinabi. “Parang kailan lang ay sabay nating binibigyan ng rating ang mga hunks at papable na dumadaan sa harapan natin. Bakit biglang naging cold ka sa mga lalaki?”             She sipped her coffee loudly. Hindi sa mga lalaki, sa lalaking iyon lang. “Am I? Hindi naman, I can still rate handsome guys. Hindi lang siguro ako interesado sa mga katrabaho ko.”             “You’ll change your mind soon.” Confident na ani nito sa kanya. “He can change any woman’s mind. Kahit madamot siya sa ngiti at kahit ayaw niyang ibigay ang phone number o kaya ay until now hindi pa niya tinatanggap ang friend request namin ay siya pa rin ang pinaka-number one na lalaking gustong dalhin ng mga babae sa altar.”             Yeah, until he breaks your heart. Gusto niyang isigaw iyon sa mukha ni Mylene pero kinagat lang niya ang lid ng papercup na may lamang malamig na kape.             “Ikaw lang ang wala kagabi, hinanap ka ni Dean. Bakit may palagay akong gusto kang ipakilala ni Dean kay Caius?” nagtatakang tanong nito sa kanya.             Nagkibit-balikat lang siya. “Because I’m a nice catch.” She smiles and bit her lips sexily making Mylene squirm in disgust.             “Nakakadiri ka.” Reklamo nito sa kanya na agad naman niyang tinawanan. “May favoritism si Dean, dapat kami ang iship niya.” Nakasimangot lang ito.             “Don’t worry girl, I am not going to get your man.” Nakapangalumbaba itong napatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. “I can cheer for you from a far.” She even offered but she just continued staring at her. “Problema mo?”             “I hate it.” Tinaasan niya ito ng kilay. “I hate to say this but I think I know what the Dean is thinking.” Siya naman ang nagdugtong ang kilay. Kinuha niya ang breakfast meal at kahit na nakatayo ay nilantakan niya ang pagkain. Food is life.             “What do you mean?”             “You do look good together.” Napaubo siyang bigla ng masamid siya ng kinakain na sunny side-up egg na kasali sa kanyang meal. Mabilis siyang kumuha ng tubig para maayos ang paghinga at inis na tinitigan ang kaibigan. “Yeah, you do.”             “What the hell, Mylene? May balak ka bang patayin ako?” asar na ani niya dito.             “Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Pagkakita ko sa kanya ay ikaw agad ang naisip ko at hindi ko alam kung bakit. Na-mention rin sa akin ni Kristel na ikaw ang naaalala niya nang makita niya si Caius kagabi.”             Hindi pa rin nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo. “You are spouting nonsense you know. I don’t even know the guy.” Gusto niyang ihinto na ang topic nila na may kinalaman sa lalaki. “Isn’t it weird? We want the guy for ourselves, but we want him for you too.”             “Aww, such a great friend.” Sarkastikong saad niya. “Huwag niyo na akong isipin, I am fine on my own.”             “It feels like we’ve seen you together already, but we knew it is impossible. Ang weird talaga.” Nagulat siya sa sinabi ni Mylene. Tumatak sa kanya ang sinabi nito, it feels like we’ve seen you together.             “Napanaginipan mo ba iyan?” that was a serious question. Gusto niyang malaman kung hindi lang ba siya ang may kakaibang panaginip.             “Good morning everyone!” sabay silang napatingin sa nakabukas na pintuan ng laboratoryo. Pumasok si Margot at napatingin sa kanilang dalawa. “Good moring Doc Mami and Doc Mylene.” Nakasunod naman si Teo na sumilip muna bago sila binati.             “Your minions are here, kailangan ko ng bumalik sa faculty dahil may klase pa ako.” Tumayo na si Mylene at ngumiting nagpaalam sa kanya pero bago pa ito umalis ay may sinabi pa ito. “I really want to see you with Caius together, I’ll be your number one supporter.”             Narinig niya ang malakas na pagsinghap ni Margot sa narinig. Nasapo niya ang kanyang pisngi dahil alam niyang kukulitin siya ng assistant pagkaalis ni Mylene.             “May development na ba sa love story nila, Doc My?” excited na tanong ni Margot. “I’m really shipping them together.” At tila nagkaroon ng sariling mundo ang dalawang babae. She dismissed herself or else she’ll kill it before they even meet… again.             Tinapos niya ang kanyang pagkain habang binubuksan ang computer, she typed her password, but it only prompted to incorrect password. Sinubukan niya ulit at tiningnang mabuti kung naka-capslock ba ang keyboard pero iyon pa rin ang prompt na lumalabas sa kanyang screen.             “Doc, there’s something wrong with my computer.” Narinig niyang sabi ni Teo.             “Mine too, did they change the password?” takang tanong niya. School computer’s passwords are system generated when they first use it, pwede nila iyong baguhin ng naaayon sa gusto niya. Simula ng magtrabaho siya sa Magnus ay never pa na nagkaroon siya ng ganitong problema at hindi pa siya nagpapalit ng password. Kung ano ang ibinigay ng kanilang IT department ay iyon lang ang ginagamit niya. Most of her important works are all saved in her laptop. Mas convenient lang sa kanya na magbasa ng mga journals dahil mas malaki ang screen ng computer at mas mabilis ang access sa internet. Connected din iyon sa printer na hindi pa niya nai-install sa kanyang laptop. “Teo, please call the IT department and request for a new password for us.”             Agad naman itong tumalima. “Let me call, Mami.” Nakangiting inagaw ni Margot ang telepono mula kay Teo. “Hello, this is Margot from the Biochemistry Research Laboratory. I would like to request for a new password for our computers. Ah, no, I’m just an assistant… o-okay.” Sumenyas si Margot. “Doc Iana, the IT personnel would like to talk with you. Ayaw niya sa assistant lang.”             Tumango siya at sumenyas kay Margot na ibaba nito ang receiver, dinampot niya ang telepono na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Connected lang iyon.             “This is Doc Iana from the Biochemistry Research Laboratory. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi na namin ma-access ang mga computers namin dito?” pormal na tanong niya sa kung sinuman ang nasa kabilang linya.             “There’s a major reset of the university’s security system, we need to refresh every PC’s in the school.” Natigilan siya at muntik ng mapasinghap nang marinig ang pamilyar na boses na iyon… they didn’t meet in the parking lot, but they are still connected through phone. Caius.             “Why didn’t we receive an advance notice regarding about this?” Luckily, her voice didn’t quiver or falter.             “We did, we sent it yesterday through e-mail address.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang e-mail na ang domain ay under ng Magnus. Hinanap niya ang tinutukoy na e-mail nito, and there was it… unread. Marahan siyang napabuntong-hininga.             “When you say major reset? May binura o ginalaw ba kayong files sa mga units namin?”             “None, just the passwords.” Damn it! Bakit ang ganda sa pandinig ang boses nito? Para bang gusto pa niyang magtanong ng magtanong para magtagal pa ang usapan nila. Calm down your t**s, Isla. You promised not to repeat the same mistake again.             “How to request for a new password?”             “Give me the units’ system number.” Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.             “What system number?” She’s controlling her frustrations and the urge to not be lured by his voice.             “There’s a white sticker at the back of the desktop, a ten digits number. Give me the last four numbers of the computer for the temporary password.” Tiningnan niya ang sticker na tinutukoy nito at nandoon nga iyon. Sinabi niya ang huling apat na numero sa parang barcode na sticker and he gave her the password.             “Stay in the line for a moment, my assistants need their temporary passwords.” Hindi ito nagsalita at tila ba hinintay ang sunod na sasabihin niya. “Teo, Margot, hanapin niyo ang serial number sa likod ng desktops ninyo. Give me the last four digits.” Unang ibinigay ni Margot sa kanya ang numero nito at sunod si Teo. Caius gave her the temporary passwords. “Okay, we got it. Thank you.” Malamig na pasalamat niya dito. Hindi na rin niya hinintay na masagot pa siya ng kausap dahil ibinaba na niya ang telepono.             “Try the new passwords, change it to a new one.” Tumalima ang dalawa. Siya naman ay ganoon din ang ginawa, fortunately, the temporary password works. She immediately changed it to the old password. Mas komportable siyang gamitin iyon. “Did it work?” she asks her assistants.             “Yes, Mami.”             “Good. Let’s go back to work na.” After two hours ay iniwan na siya ni Teo at ni Margot dahil may mga klase pa ang dalawa. Wala siyang klase every Thursday kaya mga papel ang kanyang kaharap. At apat na oras lang din na nasa laboratory ang dalawang assistant kaya most of the time ay siya lang mag-isa dito. Isinubsob niya ang kanyang sarili sa pagtatrabaho, she also checked the experiments once in a while to gather more data. Narinig niya ang pag-alarm ng kanyang cellphone, it’s a sign that she needs to eat.             Pagkatapos i-save ang ginagawa ay pumunta siya sa kanilang mini-kitchen at binuksan ang refrigerator. Napasimangot siya nang makitang halos wala ng laman ang kanilang ref, isang piraso ng cinnamon roll nalang ang natira. Kinuha niya iyon at kahit na malamig at binuksan ang plastic na nakabalot sa tinapay. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at ang wallet, kailangan niyang bumili ng pagkain. Lalabas na sa sana siya nang may marinig na mga boses sa labas ng pintuan.             “Ipapakilala kita kay Doc Iana, Caius. Nasa research lab lang siya kapag ganito---.” Mas mabilis pa keysa kay flash ang ginawa niyang pag-lock ng glass door at pagpatay ng ilaw. Pumasok siya sa inner laboratory at mabilis na nagtago doon. Wala siyang pakialam kung magmukha man siyang tanga ang mahalaga ay hindi sila magkita.             Damn it! Bulong niya. “Hindi nga kami nagkita sa parking lot pero parang sa ibang paraan naman kami pagtatagpuin.” Reklamo niya. Inis na inubos niya ang cinnamon roll na alam niyang hindi mapapasaya ang kanyang sikmura. Gusto niyang sumilip mula sa kanyang pinagtataguan kung nandoon pa ba ang Dean at si Caius pero kapag ginawa niya iyon ay makikita naman siya ng mga ito dahil gawa lang din sa salamin ang inner biochemistry laboratory. “Magkaka-hyperacidity ako nito, eh.” Parang batang reklamo uli niya. Kinuha niya ang cellphone at napilitan na mag-order ng Grab food.             Sa cafeteria lang sana siya pupunta dahil hindi na niya kayang maghintay pa pero wala na siyang choice. Pagkatapos mabayaran at ma-confirm ang orders ay tinawagan niya si Teo, malapit na ang out nito at malapit na rin ang lunch time ng assistant. She instructed him to get the food from the guardhouse and bring it in the laboratory. And as usual, hindi man lang ito nagreklamo. Napabuntong-hininga siya habang tinititigan ang walang lamang plastic ng tinapay. “I need to store more food for instances like this. Ang hirap namang umiwas pati mga bulate ko sa tiyan ay nagrereklamo na, kaasar.”             Ilang beses na ba niyang sinabi sa sarili na okay lang na magkita sila ni Caius ang importante lang ay hindi ito dapat magkaroon ng interest sa kanya? Sobrang daming beses na pero kapag nasa malapit lang ito ay bigla niya iyong nakakalimutan at mabilis pa sa dagang nakakapagtago.             “I am really crazy.” Inis na sinabunutan ni Isla ang sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD