“Mamiii!” Kulang nalang ay mabasag ang eardrums ni Isla nang marinig ang matinis na boses ni Margot. “I miss you so much.” Sabay yakap sa kanya. Mas matangkad at mas malaki ito sa kanya kaya kung dadambahin siya nito ay siguradong tatalunin niya ang lakas ng gravity.
“Bakit excited na excited ka?” takang tanong niya dito.
“Mi, hinanap ka ng Dean yesterday at may kasama siyang super pogi.” Margot squealed like a pig. “Sayang at wala ka dito pero kinikilig ako kasi bagay kayo.” May kakaibang pintig na biglang nabuhay sa kanyang puso sa sinabi ng student assistant. Si Cauis iyon, sigurado siya. “I ship you with him.”
“Naku Margot.” Pabirong pinisil niya ang cute na pisngi nito. “I am shippable, you can even ship me with the wall.” Patay malisyang wika niya dito at kumawala sa yapos nito.
“That’s not all, Mami. Naging instant superhero pa siya yesterday dahil tinulungan niya si Professor Kleena.” Kumunot ang kanyang noo. Kilala niya si Kleena dahil ilang beses na rin niyang nakausap ang babae. “Biglang nag-labor si Prof Klee at tamang-tama na napadaan sila Dean doon kaya dinala nila sa hospital.” Nagdugtong ang kanyang kilay sa sinabi ng kausap. Bago sa kanyang pandinig at wala siyang maalalang ganoon dati.
Did things really change because she tried it?
“And then Mr. Rueda was hired to be Prof. Klee’s substitute teacher. Tamang-tama naman na may masters sa ---.”
“Wait!” pigil niya sa sunod na sasabihin nito. “Magtatrabaho siya dito?” nakangiti at sunod-sunod na tumango si Margot sa kanyang tanong. Kung masaya ito ay iba ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Kung dito magtatrabaho si Cauis ay sa malamang magku-krus ang kanilang mga landas. Pero, hindi naman ito nagtrabaho bilang substitute ni Kleena base sa kanyang memorya. He didn’t save anyone, yes, pasulpot-sulpot ang lalaki sa university dahil may business ito sa university but he didn’t agree working here for pete’s sake.
“Madadagdagan na naman ang inspiration namin dito, hindi ba Teo?” bumaling sa kanila si Teo at sunod-sunod na tumango. Hindi niya alam kung nakikinig ba ito sa kanilang usapan o hindi, ang kabang nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay walang mapagsidlan. “Ayaw mo siyang mag-work dito, Mami?”
“Huh?” gulat na napatingin siya kay Margot. “I don’t mind, hindi ko naman siya kilala. Nagulat lang ako dahil ang bilis niyang nakapasok sa Magnus kahit substitute teacher lang siya. Usually, dumadaan sa maraming proseso ang gustong makapasok dito.” Iyon ang kanyang sinabing dahilan.
“Mi, bagay nga kayo.” Ungot nito sa kanya. Muli ay pinisil niya ang pisngi nito dahil nakukulitan na siya sa assistant.
“I am not available, maraming single na teachers dito kaya sa iba niyo siya i-pair.” There are always ways for their paths not to cross. Kung nangyayari ang mga ito dahil iniba niya ang dapat na mangyari puwes itutuloy-tuloy niya ang kanyang ginagawa. She’s always a step a head. “Oo nga pala, tinapos niyo ba ang trabahong ibinigay ko sa inyo kahapon?”
“Yes, po.” Bumalik na si Margot sa puwesto nito at binuksan ang computer.
“Mami, na-isend ko na po sa email ninyo ang mga documents.” Ani ni Teo.
“Thank you, tatapusin ko muna ang mga naka-pending na works. I’ll send you your work for today.” Bibigyan niya ng lesser workload ang dalawa since ang mga ito lang ang nagtrabaho kahapon. “By the way, may ibibigay ako sa inyo.” Kinuha niya ang dalawang paperbag na may lamang mga t-shirts. “Para sa inyong dalawa ito.”
Masayang kinuha ng dalawang assistant ang kanyang ibinigay at agad na tiningnan ang laman.
“T-shirts?”
“Yep.” She claps her hands. “From now on, iyan na ang magiging uniform ninyo kapag nasa loob kayo ng research laboratory. There’s one color per day, nasa loob na rin ang instructions kung anong kulay ang isusuot niyo every day.”
“Uniform po namin ito?” tumango siya sa tanong ni Teo.
“Yes, dear.”
“Isuot niyo iyan para malaman ng iba na nag-ta-trabaho kayo sa pinakamahirap at pinakanakakapagod na department ng Magnus.” Ngisi niya. Hindi nagreklamo ang dalawa pero batid niyang wala namang tutol ang mga ito sa nais niyang mangyari. “You can still wear anything you want outside the laboratory pero kapag nasa loob kayo ay iyan ang isuot ninyo. Understood?” sumaludo lang ang dalawa. Bumalik na siya sa kanyang mesa at kinuha ang maliit na notebook na palagi niyang bitbit.
Day 3
Hindi kami nagkita ni Caius, hindi siya nagpunta sa university.
Margot is wearing black and Teo’s shirt is black.
Sinulyapan niya ang dalawa. Kung ano ang nakasulat sa notebook ay ganoon din ang kulay ng suot ng dalawa. Marahan siyang napabuntong-hininga at pilit na inaalis ang hindi magandang pag-iisip na tumatakbo sa kanyang utak.
Caius will work here.
She taps her fingers on the table as she tried to think of possible ways. She and that man were not in good terms when they first met. They are literally, aso at pusa. Kaya nga napapadalas ang panunukso ng mga estudyante at mga katrabaho niya sa kanilang dalawa. And curse with that teasing, dahil doon ay nagsimulang mahulog ang loob niya sa binata hanggang sa dumating sa point na palagi ng nagku-krus ang kanilang mga landas.
Kung totoo man na nandito ang lalaki, maybe she can play it cool. Hindi niya ito papansin, hindi niya ito kakausapin, she can be invisible if she wanted to. She sighed and turn on her computer, kailangan na niyang tapusin ang kanyang mga trabaho. Hindi pwedeng maburyong ang kanyang utak sa kakaisip sa lalaki
“MAY gusto kayong kainin?” Untag niya sa dalawa nang malapit ng magtanghalian. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil sa gutom and when she’s like this, kapag may kumanti sa kanya ay susungitan niya talaga. Hindi siya nabubusog sa tubig lang at wala na ring laman ang kanilang refrigerator. She needs to re-stock.
“Kahit ano, Mami. May class pa ako after this.” It’s still eleven in the morning. Naalala niyang may laboratory works pa nga si Margot. Ang isa sa dahilan kung bakit siya aalis ay alam niyang maiiwan si Teo sa lab dahil mamaya pa ang klase nito. Pagkaalis ni Margot ay darating ang kapatid nito. Gusto niyang mapangisi sa kanyang gagawin.
“Teo, how about you?”
“Kahit ano na rin po.”
Ngumiwi siya. “Alam niyo malapit na talaga akong mag-imbento ng pagkain na may pangalang kahit na ano.”
“Ikaw na po ang bahala, Mi. You know our tastes.” She rolled her eyes and huffed. Wala siyang mapapala sa dalawa. Kinuha niya ang kanyang car keys at wallet saka hinubad ang suot na laboratory gown. Kagagaling lang niya sa main laboratory sa loob ng lab, maliban sa mga papel na kailangan nilang tapusin ay tumatanggap din sila ng mga outside works. Gaya na lamang ng mga water analysis para sa mga thesis o kaya ay investigatory projects ng ibang estudyante o kaya ay researcher sa ibang schools. Doon sila kumukuha ng funds para sa kanilang mga research studies and other expenses.
“By the way guys, huwag niyong i-turn off ang incubator sa loob ng laboratory. May undergoing experiment doon.” Tumango lang ang dalawa.
May grocery store na malapit sa university at okay lang na magpunta sila doon as long as hindi class hours nila at hindi sila tatambay ng ilang oras. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-order ng Grab food para sa kanila, mag-iikot muna siya sa grocery store para maghanap ng masarap na pwedeng i-stock sa refrigerator. Pagkatapos magbayad online at ma-confirm ang mga orders ay tumungo na siya sa parking lot.
“What the heck!” bulalas niya nang biglang may sumagi sa kanyang braso at nahulog sa sahig ang kanyang cellphone. Malakas siyang napasinghap habang nakitang nagkapira-piraso ang screen ng kanyang mobile phone.
“I’m sorry, Miss.” Handa na siyang bulyawan ang nakabangga sa kanya pero nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon, iyong boses na ilang beses na rin niyang narinig sa kanyang panaginip ay tila nakalimutan niya kung paano huminga. Hindi siya nagtangkang magtaas ng tingin dahil ayaw niyang makita ito, kahit na hindi niya ito tingnan ay alam niyang si Caius ang nakabangga sa kanya. Ganoon na lang ang takot na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon, she’s pretty confident that they won’t meet in any possible way because she tried changing everything.
No, Isla. This is just a mere coincident. Lihim na usal niya sa kanyang sarili. Mabilis niyang kinolekta ang sarili at hinayaan na takpan ng buhok ang kanyang buong mukha habang nakayuko. Mabilis niyang kinuha ang nagkabasag-basag na cellphone.
“Miss, your phone--.” Napansin niya ang paghakbang ng mga paa nito papunta sa kanyang direksyon. Ang malakas na kabog ng dibdib niya ang nagpapatunay na totoo ang lahat ng mga naisulat niya sa kanyang notebook. Hindi iyon joke and she doubt kung coincidence lang ba ang lahat ng ito.
“O-okay lang po, sira na ito.” Mabilis niya itong tinalikuran at mabilis na naglakad palayo dito. She’s still trying to calm herself, she can feel her hands shaking and she felt crying. Naaalala niya ang huling panaginip na kasama ito. That painful scenario that she wants to forget.
Mariin niyang naikuyom ang palad na may hawak ng basang cellphone, wala siyang pakialam kung humahapdi man iyon dahil sa maliliit na bubog na tumutusok sa kanyang palad. Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa kanyang kotse pero labis na pinagpapasalamat niya na nakarating siya doon ng walang sagabal.
“Damn it!” she clenched her teeth and look at her palms. May maliit na sugat doon dahil sa bubog. Itinaas niya ang kanyang mukha upang pigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. “I hate you.” She said to no one. “I hate you.” Hindi na niya pinigilan ang sarili at hinayaan nalang niyang kusang tumulo ang mga luha na kanina pa gustong lumabas. Humihikbi siya habang isa-isang tinanggal ang mga bubog sa kanyang palad. “Hindi na uli mangyayari iyon. Hindi na uli ako iiyak ng dahil sa iyo. Gagawin ko ang lahat mabago lang ang mga mangyayari, Caius.”
“DOC AGUIRRE, busy ka ba tonight?” Kalalabas lang ni Isla sa classroom dahil tapos na ang kanyang two hours lecture sa Biochemistry I nang makasalubong niya ang Dean ng kanilang department. Nasa early fifties na si Dean Samuel Trinidad pero at isa ito sa pinaka-active na Dean sa kanilang university. Maraming mga estudyante na natutuwa dito dahil madali itong i-approach at kausapin, mabait din ito sa kanila. She’s a jolly old man. “May party ang faculty ng Magnus ngayong gabi, mas masaya at maganda kung nandoon ka.”
Party? Ang buong faculty? Kung pupunta siya ay isa lang ibig sabihin niyon at iyon ay magkikita na naman sila ni Caius. Gusto niyang harapan itong tanggihan pero alam din niyang pipilitin siya nito hanggang sa pumayag siya. Ito ang dahilan kung bakit sila nagkita ni Caius dati at malamang ito rin ang magiging dahilan kung bakit magkikita silang muli.
“Pwede bang humabol, Dean?” magalang na tanong niya dito. “May mga naka-pending na laboratory experiments at mga research papers na kailangang isubmit. Absent kasi ako kahapon due to personal reasons kaya hindi ko siya natapos.”
“Okay lang na ma-late ka, Doc Aguirre. Ang importante ay makarating ka.” Ngumiti at tumango lang siya dito. Pagkatapos magpaalam ay bumalik na siya sa research laboratory at nadatnan doon si Teo na hindi maipinta ang magandang mukha. Yeah, he is really pretty.
“Anong nangyari sa iyo? Bakit parang may nakain kang hindi maganda?” kumibot ang mga labi ni Teo at ibinigay sa kanyang ang isang pamilyar na transparent folder.
“He met my brother.” Nakangiting singit ni Margot. “He’s handsome right, Teo?” nasa boses ni Margot ang panunukso. Sinamaan lang ito ng tingin ni Teo na parang gustong sakalin si Margot. “Handsome, right?” pangungulit pa nito.
“Whatever.” Iyon lang sinabi ni Teo at bumalik sa pagtitig sa screen ng computer nito.
Pinigil niya ang mapangiti dahil mukhang may ideya na siya nangyari. “Anong nangyari?” She’s still interested in the details. Margot pointed the table telling her that they need to go there for a little privacy. Pagkabalik niya mula sa grocery ay pumunta agad siya sa kanyang classroom, nauna ng hinatid ni Margot ang mga gamit niya doon kaya hindi na siya dumaan pa dito. Masyado siyang pre-occupied sa nangyari kanina kaya nawala siya sa kanyang isip. Bumili din siya ng bagong cellphone na hindi pa niya nase-setup.
“Teo, dear.” Malambing na tawag niya sa nagsu-sulk na assistant. “Can you get the groceries from my car?” ibinigay niya dito ang susi. Ibinigay niya ang direksyon kung saan siya naka-park at ang kanyang temporary plate number. Tahimik na lumabas lang ito ng laboratory habang siya ay mabilis na nagtungo sa kanilang maliit na dining area at kinuha ang paperbag na may lamang pagkain para makinig na rin sa kwento ni Margot.
“So, what happened?” excited na tanong niya dito.
“Mami, I think… I think my brother found the one.” Para itong kiti-kiting nagkikisay sa inuupuan nito.
“The one?” patay-malisyang tanong niya. “What do you mean?” kinuha nito ang cellphone nito at may ipinakitang picture sa kanya. Muntik na rin siyang mapatili sa kilig nang makita kung sino ang mga nasa picture. Nakaupo si Teo habang nagsasalubong ang dalawang kilay at masama ang tingin sa isang matangkad na lalaki, nakayuko ang lalaki na kulang nalang ay halikan ito sa sobrang lapit ng mga mukha. Nakagat niya ang plastic spoon upang pigilan ang sariling hindi tumili. She had seen this before and she still love Teo and Carlou’s first meeting.
“Kaya pala ayaw mong ipakilala ang kapatid mo sa akin? You want him to be Teo?” tinaasan niya ito ng kilay.
“Eh, Mami naman. As much as I want you to be a part of my family but I know my brother very well. Lalaki lang siyang tingnan pero lalaki din ang gusto niya.” Matamis na ngumiti ito sa kanya. “My brother is really cute.”
“And Teo?”
“She’s too pretty to be a man, we both know what his heart is beating for.” Pabirong itinaas-baba ni Margot ang mga kilay nito. “Well, I wasn’t really expecting this kind of chemistry. Pero noong makita ko sila kanina, I know there’s sparks.”
“Your only brother swings the other way, okay lang ba iyon sa inyo?”
Nagkibit-balikat lang si Margot. “I don’t really mind, ganoon din ang mga magulang ko. Tanggap nila ang orientation ni kuya. Mabait at matalino si kuya Carlou, ni minsan ay hindi siya sumuway sa mga magulang namin kaya siguro hindi rin mahirap na tanggapin ang kanyang orientation.”
“Taken na accepted na siya ng mga magulang mo pero what if hindi nila accept na magkaroon siya ng lover?” isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi naging maganda ang relasyon ni Teo at ni Carlou sa kanyang mga panaginip. Carlou really loves Teo and he even fought him from his parents but then Teo on the other hand has a weak resolve.
“May naging boyfriend na si kuya dati at alam iyon ng parents namin though hindi niya pinapakilala ng pormal sa amin. We don’t really mind, as long as masaya ang kapatid ko and as long as he gives me money, I want him to be happy too.” Tumango-tango siya habang tinatapos ang kanyang pagkain. “I even posted this in my family’s group chat and they are all commenting how pretty Teo is.”
“He’s really pretty, right?” ngumuso siya. “How can he be so pretty?”
“May mga tao talagang biniyayayaan, Mami. Sana ay magkita kayo ni Sir Rueda, I’m sure may fireworks din kayong dalawa.” Matamis na ngumiti ito sa kanya.
“Nah, not interested. So, anong balak mong gawin kay Teo? Halatang naiinis siya sa kapatid mo.”
“Because kuya mistaken him for a girl and my brother is pestering me to give Teo’s number.” At sunod-sunod na nagvibrate ang cellphone nito kasabay ng mga sunod-sunod na notifications mula sa kapatid nito. “It’s love at first sight.” She successfully diverted the topic back to Teo and Margot’s brother.
“Baka naman saktan niya si Teo? Kapag ginawa iyan ng kuya mo, kay Teo ako kakampi.”
Margot raised her right hand. “I promise, Mami. I’ll make sure kuya will never hurt Teo, for the sake of CarTe.”
“CarTe … what?”
“Carlou-Teo ship. That’s their loveteam name.”
“I permit.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumukas ang pintuan at pumasok na si Teo bitbit ang mga groceries niya. “Teo, come here. Tulungan mo akong ilagay ang mag groceries sa refrigerator.” Tumango lang ito. “Come on, my dear. Huwag kang sumimangot, baka ma-damage iyang mukha mo.” Hindi na nga ito sumimangot pero bumalik naman ang tila pasan ko ang daigdig na aura nito.
Inisa-isa niya ang laman ng eco bag. “Here.” Binigyan niya ng tig-isang yakult ang dalawa. It’s their favorite drink at mabubuhay na sila kahit iyon lang ang laman ng kanilang ref. “Oo nga pala, Margot. Here.” Kinuha niya ang pakete ng cadburry na chocolates na nakagay sa mini-pack. “Dalhin mo iyan.”
“Yay, you really love me Mami.” Ngumiti lang siya dito. “This is my favorite.”
“I watch a movie yesterday.” Aniya dito. “It’s a really cute movie, iyong girl sa movie may gusto siya sa kanyang co-worker na walang gusto sa kanya. Nag-isip ng paraan ang girl kung paano siya mapapansin ng guy, what she did is. Every time na magkikita sila ay binibigyan niya ng chocolate ang guy hanggang sa kapag nagkakasalubong sila sa corridors ay hindi maintindihan ng guy kung bakit siya masaya kapag nagkikita ang girl.”
“Parang napanood ko na iyan, Mami. I forgot the title.”
“Na-browse ko lang siya accidentally sa cable channel at nakalimutan ko rin ang title. But I was amazed by her strategy, I didn’t know that classical conditioning is applicable in flirting.”
“But it’s really interesting, Mami. Masubukan nga.” Napatitig ito sa pakete ng tsokolate na nasa ibabaw ng mesa.
“Mag-aral ka muna bago mo isipin ang pag-bo-boyfriend.” Ngumisi at nagpacute lang ito sa kanya.
“Pero si Teo okay lang ba na magka-in-relationship?” she saw Teo flinching when he heard his name.
“Matanda na si Teo at kaya na niyang magdesisyon, right dear?” tumango ito sa kanya habang ipinagpatuloy ang paglagay ng mga pinamili sa refrigerator. “Teo, if ever you fall in love and you don’t know what to do, you can always talk to me. I’m a good listener.” Hindi kumibo ang kanyang kausap. She needs to assure Teo that he is not alone, alam niyang darating ang oras na mahihirapan itong magdesisyon sa mga bagay-bagay. Way back then, masyado siyang abala sa pag-ayos ng kanyang sariling problema at hindi niya napansin na may dinadala rin pala ito. Iyon ang isa sa pagkakamaling ginawa niya dati. She became selfish and forgot about the people around her, this time it will be different.