HINDI alam ni Isla kung ilang oras siyang nakatitig sa ma-yelong sahig ng skating rink na kanyang kinabagsakan. She turned off her phone, she made sure that no one can contact her and she also made sure that she’s miles away from her apartment and university. Nandito siya sa isang ice skating rink at kasalukuyang nakipagtitigan sa sahig.
It’s been years since she did this, dahil natambakan siya sa kanyang trabaho ay nakalimutan na niya ang isa sa pinakapaboritong past time niya kapag may iniisip o kaya naman ay stress siya sa mga bagay-bagay. She skates. She can’t remember it clearly pero noon kapag dinadala siya ng daddy niya dito ay may isang mabait na babae na nagtuturo sa kanyang mag-ice skate at noong natuto na siya ay hindi na niya nakita pa ang first coach niya. Her father stops bringing her here dahil naging busy na ito sa trabaho at sa pamilya but she didn’t stop.
“Go, Isla.” Cheer niya sa kanyang sarili at bumitiw sa paghawak sa barandilla na nakapalibot buong rink. Wala pang masyadong tao dahil opening hours pa ng mga oras na iyon kaya malaya niyang malilibot ang buong skating rink. She closed her eyes and took a deep breath and starts to glide on the ice. It has been years, so she needs to warm up first, she made sure that her knees are nice and loose. Kapag hindi niya ginawa iyon ay babagsak nalang siyang bigla, she made sure that her muscles are relax. And when she found her momentum, she starts simple glides forward and bend her knees a little as she leans her body on the side. The blades of her shoes are angled away from the direction she was moving in and stops.
Napangiti siya habang nakatayo sa gitna ng skating rink at nameywang, she felt proud of herself. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang mag-skate at gumagaan pa rin ang pakiramdam niya kapag nasa ibabaw siya ng yelo. Muli siyang gumalaw, mga basics muna ang kanyang ginawa para i-warm up ang sarili. She did a lot of glide, stop, strokes, and stop motions. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nagsimula siyang gumalaw paatras. After some backward moves she starts to make some sharp turns, she did some forward crossovers and three turns.
“Spins.” Usual niya habang unti-unting umikot sa kanyang kinatatayuan. It was the basic spin and then lift one of her legs making her upper body parallel to the ice to make a camel spin. Habang gumagalaw sa ibabaw ng yelo ay ginawa niya ang mga naaalala niya, some toe loops, lutz, salchows, axels, sit spins and other movement. Hindi niya namamalayan na dumadami na pala ang mga tao sa skating rink at halos karamihan sa mga nandoon ay nakatingin sa kanya.
Iba talaga ang hatid sa kanya ng kanyang ginagawa, she felt so serene, peaceful, rhythmic and hypnotic to the point she forgot that this is not her rink. Bumalik siya sa starting point ng rink upang makapagpahinga. Wala siyang ginawang enough na warm up kaya sigurado siyang iiyak ang mga muscles niya mamaya pag-uwi niya. Napasulyap si Isla sa suot na relo at napagtantong lumapas na siya sa oras.
“Ate.” Napatingin siya sa batang humawak sa laylayan ng kanyang sweater. Sa tingin niya ay anim na taong gulang na batang babae. “Ang galing niyo pong mag-ice skate.” Manghang puri nito sa kanya. Yumuko siya hanggang sa magpantay ang mukha nila ng batang babae at hinaplos ang ulo nito.
“That’s because I practiced a lot when I was at your age.” Ani niya dito. She loves children, she loves their innocence and they don’t lie… they can’t lie, dahil mababasa mo sa mga mata nila kung nagsasabi sila ng totoo o hindi.
“I can be like you?” ngumiti at tumango siya.
“Just practice a lot and you will be better than me.” The little girl gave her a toothy smile and nod. Tumayo at nagpaalam na siya dito dahil mayh pupuntahan pa siyang importante. Someone who can help her with her ‘problem’. Pagkatapos ibalik ang ice skating shoes at magbayad ng excess ay nagmamadali siyang bumaba. Mabilis din siyang nakapag-book ng Grab.
“WHERE’S your car?” iyon ang sinalubong ni Leana, ang kanyang bestfriend, sa kanya. “Sino ang naghatid sa iyo? Your boyfriend?” biglang nagningning ang mga mata ng kaibigan habang binabanggit ang salitang boyfriend.
“That’s a Grab service.”
“Aw, I thought may boyfriend ka na. Hindi ka pa rin nakakapag-move on?” kung hindi lang galing sa panganganak ang kaibigan ay kinurot na niya ito sa singit.
“Come on Leana, pwede bang kalimutan mo na ang taong iyon? It has been eight years.” Tukoy niya sa ex-boyfriend niya noong nineteen years old palang siya. Simula noon ay hindi na siya nagkaka-boyfriend pa, kapag naisipan nitong ipa-date siya sa mga kasamahan nito sa trabaho o kaya ay ng asawa nito ay saka lang siya nakikipagdate. Pero hindi na nasusundan ang mga dates na iyon dahil hindi naman siya interesado. Kaya akala ng kaibigan ay jaded pa rin siya dahil as ex-boyfriend niya. “And about my car, matagal ng sira iyon. Kukunin ko iyong bago mamayang hapon.” Wala rin sana siyang balak na kumuha ng bagong sasakyan pero dahil sa mga panaginip niya ay napilitan siya.
Isa sa mga rason kung bakit napalapit siya kay Cauis sa kanyang panaginip dahil palagi siya nitong naaabutan sa mga alanganing sitwasyon. Gaya noong na-stranded siya sa ulan, naiwan siya sa bus, muntik na siyang ma-late sa mga seminars at meetings, at kung anu-ano pa. Alam niyang paranoid siya pero kung gusto niyang baguhin ang ending ng kanyang panaginip dapat ay may gawin siya.
“Did you eat?”
“Not yet, nag-skating ako.” Gulat na napatitig ito sa kanya.
“Mabuti naman at marunong ka pa palang mag-unwind. Akala ko kasi ay magpapakabulok ka na sa loob ng research laboratory mo.” Pasalampak na umupo siya sa sofa dahil nagsimula ng manginig ang kanyang mga muscles. “By the way, wala bang pasok ngayon?”
“Nag-absent ako.” Mas lalong lumala ang gulat sa mukha nito sa kanyang sinabi.
“Marunong ka palang mag-absent? Very good friend, I am so proud of you. Akala ko talaga loyal na loyal ka sa trabaho mo at may plano kang tumakbo bilang Outstanding Magnusian Awardee.”
“Heh!” angil niya dito. “Nasaan si Addi?” tukoy niya sa inaanak niya. Pangatlong buwan na Leana sa maternity leave nito. Isa itong Human Resource Manager sa isang BPO industry, magkaibigan at magkaklase sila simula high school kaya ganoon nalang sila ka-close. Halos lahat ay sinasabi niya dito.
“She’s still sleeping. Kakatulog lang niya kaya makakapagpahinga na rin ako sa wakas.” Umupo ito sa pang-isahang upuan na malapit sa kanya. “It’s not easy to be a mother but you can not hate it too.” Basang-basa sa mukha nito na masaya ito sa nangyayari sa buhay nito. Naiinggit siya dito dahil nangyari na ang isa sa mga pangarap nito, ang magkaroon ng pamilya. She won’t deny it, she also wants to have one, pero mukhang hindi madaling mangyari iyon. “So, what’s the problem?”
“Leana, I’ve been having a weird dream.”
“Dream?”
Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento niya. “I’ve been having weird dreams and its happening.”
Kumunot ang noo nito. “Parang déjà vu?”
“Parang ganoon na nga. I mean sa panaginip ko… I am living the next four months of my life.” Hindi ito nagsalita at naghintay lang ng kanyang sunod na sasabihin. “In my dream, I met a guy. I fell in love with him and it ends up with me broken hearted.”
“Your soulmate?” excited na tanong nito.
“No! Just someone who breaks my heart. And after him breaking my heart, I always woke up on the same day my dream started.”
“Teyka lang, always? Always? Ibig sabihin hindi lang first time na nangyari ang panaginip na tinutukoy mo?” tumango siya dito.
“Four times, it ended and started yesterday.” Alam niyang kabaliwan na sabihin kay Leana ang tungkol dito. Sa kanyang panaginip ay wala siyang sinabihan ni isa tungkol dito dahil natatakot siyang pagtawanan o kaya naman ay sabihan na nababaliw na siya. Who would believe her? Kahit siya ay nahihirapang paniwalaan ang mga nagyayari sa kanya. “This is crazy right?”
Tinitigan niya ang mukha ng kaibigan. Batid niyang nahihirapan itong tanggapin ang kanyang sinabi kaya kinuha niya ang maliit na notebook na palagi niyang dala-dala at ibinigay dito. Tinanggap iyon ni Leana at inisa-isa ang bawat pahina. Habang dumadami ang pinapasadahan ng mga mata nito ay mas lalong nagdudugtong ang dalawang kilay ng kaibigan.
“Every night, bago ako matulog ay sinusulat ko ang mga nangyayari diyan. Lahat ng mga naaalala ko, kahit ang pinakamaliit na detalye. You knew me, I hate something like that. I’m not an organized type of person. Yesterday, when I woke up the details are still there. Iyong mga nangyari sa akin sa nakalipas na apat na buwan sa panaginip ko, nandiyan pa rin. Isn’t it weird?”
“Cauis.” Basa nito sa pangalan na nakasulat sa pinakahuling pahina ng notebook na iyon. “Is that the guy?” tumango siya. “I haven’t meet him… dapat ay magkikita kami ngayon.” Nag-scan ito hanggang sa bumalik ito sa pangalawang pahina na nakasulat sa notebook niya.
Day 2
Abala ako sa pag-aasikaso ng mga paper and laboratory works nang pumasok research laboratory ang dean kasama si Cauis. Ito ang unang beses na nagkita kami. Parehong-pareho sa eksenang nangyari sa una, pangalawa at pangatlong panaginip ko.
Binasa nito ng malakas ang maikling note na nakasulat doon, hindi na nito binasa ang iba pang detalye sa ibaba pa. Nandoon ang kulay ng suot ng lalaki at maging ng Dean. She spared no minor details.
“Kaya ka nag-absent? But, why?”
“Because I don’t want to see him, I don’t want our paths to cross and I don’t want to experience the same painful feeling over again.” Bahagyang tumaas ang boses niya dahil sa frustration na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. “It’s always the same ending, Leana. The first three dreams, I didn’t do anything, I didn’t change anything because I felt that it was too absurd but when it happened again for the fourth time…” malakas siyang bumuntong-hininga. “I realized that something was not right and tried to change to ending, sinubukan ko. I fought for that stupid love because I don’t want to have the same ending, but it failed.” She explained to her friend hoping that she will believe her.
“And this is the fifth dream?”
“Hindi ko alam kung pang-lima ba ito o kaya naman ay reyalidad na malalaman ko nalang apat na buwan mula ngayon.”
Narining niya ang pagbuntong-hininga ito at inisa-isa uli ang bawat pahina ng notebook. “You don’t want this to happen again?” Tumango uli siya. “You are going to change everything?” and another nod.
Tumayo si Leana at sinundan niya ang bawat galaw nito. Pumasok ito sa kusina at paglabas ay may dal ana itong dalawang baso ng tubig. Inubos nito ang laman ng isang baso at ang isa ay ibinigay sa kanya.
“Isla, narinig mo na ba ang tungkol sa precognitive dreams?”
“It sounds familiar, I don’t deal with paranormal thingy you know that.”
“Wala namang ganitong nangyayari sa iyo noong bata ka pa, right?” Tumango lang siya. “This happened recently?”
“Yesterday. It started yesterday, palagi siyang nagsisimula sa November 14 at nag-e-end sa March14.”
Ibinaba nito ang notebook at inilagay sa centertable. “You know, I also don’t believe in paranormal things.” Anito sa kanya. “Pero may napanood ako na documentary about this, matagal na iyon at hindi ko na naaalala ang ibang mga detalye. Precognitive dreams often give us a glimpse of events that we will experience the next day or in the near future.” Leane suddenly rubs her arms. “My goodness, bakit kinikilabutan ako?” Maging siya ay ganoon din ang nararamdaman. “Precognition dreams have two main purposes. The first one, they can act as warning. A dream like this sometimes might show you something bad and painful that might occur if you continue the path you’re on.”
“The second one?” she asks.
“It is to show you that you are on the right path.” Lumabi siya sa sinabi nito.
“Kung nasa right path ako hindi na ito uulit ng uulit. I prefer the first one, malakas ang kutob kong warning ito sa akin.”
Napapailing na napatitig si Leane sa kanya. “Is this a prank, Isla? Bakit pakiramdam ko ay may papasok na mga estudyante dito with cameras at sasabihin na it’s a prank!”
“Leane, hindi ako aabsent para lang magbiro ng ganito. Akala ko ba naniniwala ka sa akin?” sa haba ng usapan nila iniisip nitong nagbibiro lang siya? Pambihira talaga!
“Friend, give me some time to digest everything. Kung ikaw nga nahirapan na tanggapin ito paano pa kaya ako?” tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kanyang palad. “You major science and I majored mathematics. Sa tingin mo ba madali sa ating dalawa itong sinasabi mo sa akin?”
“So, you are not thinking that I might be crazy?”
Leane slyly smiled at her. “You know you are already crazy, tinanggap kita. Kung may ibabaliw ka pa dadalhin na kita sa mental hospital.” Kahit papaano ay gumaan-gumaan ang pakiramdam niya dahil alam niyang kahit mahirap na tanggapin ang lahat ay maaasahan pa rin niya ang kaibigan.
“What should I do then?”
“I still believe that the man in your dreams is your soulmate and I want to meet him soon.”
“Leane!”
“What? I want to know who that man is so I can kick his ass when he hurt you again, for real. But, did things really change when you tried to change it?”
Tumango siya. “May nagbago.” Naalala niya ang nangyari kahapon ng bisitahin siya ng mga dating estudyante niya. “At may mga nangyari na hindi nangyari sa panaginip ko. Dati, ang ginagawa ko lang ay may kinalaman sa lalaking iyon pero ngayon, nang masali na ang ibang tao sa paligid ko ay malaki ang nagbago.”
Tumango-tango ito na tila ba may malalim na iniisip. “Sumasakit ang ulo ko sa mga sinabi mo, Isla.” Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan. Nagu-guilty siya dahil kapapanganak lang nito pero inaabala na niya.”
“Leane, huwag mo masyadong isipin ang sinabi ko. Gusto ko lang may masabihan dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko. Thanks to you, I somehow understand some things.” She smiled to assure her that everything is okay. “Mukhang alam ko na ang gagawin ko kung totoo man itong lahat ng ito. This is a warning, maybe there are things that I need to change—correct.”
Ginulo nito ang kanyang buhok. “I also think you are very stressed, baka kulang ka lang ng pahinga. Kung kulang pa ang isang araw na absent mo, please file a leave of absence and go somewhere. Baka sakaling managinip ka uli tapos masaya na ang ending.”
Ngumiti siya dito. “I’ll think about it, I just need to observe some things.”
“How about eat first? Nakakagutom ang topic natin, we need to eat something.”
“I won’t refuse. I’m hungry and my muscles are killing me, damn ice skating.” She hissed.
“Bawal na ang magmura sa bahay baka iyan ang first word ng inaanak mo.”
“Sorry.” Sinundan niya ito sa kusina pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang napag-usapan nila. There’s something she can’t point out and she needs to find it sooner or later.