MALAKAS ang t***k ng puso ni Isla habang nakatitig sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. May nagtutulak sa kanyang lapitan at yakapin ito pero wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mga mata ng kaharap. Unti-unti itong naglakad palapit sa kanya, may pagtataka sa mukha nito at tila ba hindi na siya nito kilala. Nag-init ang kanyang mga mata dahil akala niya ay kaya ng tanggapin ng kanyang puso ang eksenang ito. Nagkamali na naman ba siya? Ginawa naman niya ang lahat pero bakit ganito pa rin?
Naitakip ni Isla ang palad sa kanyang bibig upang hindi kumawala ang kanyang paghikbi nang tuluyan na siya nitong malagpasan. He forgot her again… he promised not to break her heart, he promised to love her, pero hindi na naman ito tumupad sa mga salita nito. Saan na naman siya nagkamali? Kulang pa ba ang lahat? Ilang beses pa ba niyang mararamdaman ang ganitong klaseng sakit?
“Please God, please, ayoko na. Ang sakit-sakit na. Itigil na po natin ito, nagmamakaawa na po ako sa inyo.” Napa-upo siya sa sementadong kalsada habang ipinagdarasal na matapos na ito. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at nagdasal ng mataimtim habang humihikbi. And when she opened her eyes, she saw that familiar bright light rushing towards her… just like before.
TIK…TOK… TIK… TOK…
Unti-unting binuksan ni Isla ang kanyang mga mata nang marinig ang nakakatawang alarm mula sa kanyang cellphone. Kinapa niya sa tabi ang nag-iingay na bagay na iyon at pinindot ang stop button ng alarm. Pupungas-pungas siyang umupo sa kanyang kama at agad na dumapo ang mga palad sa kanyang pisngi.
“That dream again.” Pinahid niya ang mga luha sa kanyang pisngi. Gusto pa sana niyang bumalik sa pagtulog pero hindi na pwede dahil kailangan niyang pumasok ng maaga sa trabaho. Maina siyang napabuntong-hininga at tiningnan ang kanyang cellphone. May mga notifications sa screen at ilang mga reminders mula sa kanyang e-mail application.
Dumapo ang kanyang hintuturo sa petsang nakatatak sa screen at muling nagdugtong ang kilay. Mabilis niyang binuksan ang side table at kinuha ang kanyang maliit na notebook. Binuklat niya ang bawat pahina ng notebook na hawak at tila nakaramdam siya ng panghihina kaya nahulog nalang iyon bigla sa ibabaw ng kama. Tila huminto ang kanyang paghinga habang nakatitig sa mga nakasulat doon.
“What the hell?” mahinang bulalas niya nang sa wakas ay mahimasmasan at unti-unting mag-sink-in sa kanyang utak ang mga nangyari. “That’s the end of the fourth dream.” Nasabi niya sa kanyang sarili. “I cried because of a dream that never happened.”
Hindi siya naniniwala sa mga magic, wala iyon sa kanyang bokabularyo pero tila may tumitibag na sa kanyang paniniwala. Everything is just so weird, her dreams are weirder though. Paulit-ulit nalang, akala niya noong una ay akala niya normal na panaginip lang. Para bang nakikita niya ang mga nangyayari sa kanya sa susunod na apat na buwan. Her second dream was the same, everything was the same, even the ending. The third dream is quite weirder, sinubukan niyang baguhin iyon pero ganoon pa rin ang ending. Kapag nagigising siya ay palagi siyang umiiyak at ang sakit-sakit ng kanyang dibdib. Sa pang-apat na panaginip niya ay inililista niya sa kanyang maliit na notebook ang mga nangyayari. Inilalapat niya sa mga pahina ang bawat detalye ng posibleng mangyayari sa kanya sa susunod na apat na buwan at hinintay na matapos iyon. And today, it ends. The same painful ending. Ang huling panaginip niya ay ang simula sa kanyang susunod na panaginip at umulit-ulit lang.
“This is crazy.” Marahas na usal niya habang nakatitig sa notebook na pinulot niya sa kama. “This is insane.” Itinakip niya ang mga palad sa kanyang mukha at malakas na tumili upang alisin ang pagkalito na nararamdaman. “This can’t be true, this is very impossible.” Pero nandoon pa rin ang mga detalyeng isinulat niya sa kanyang panaginip.
NO LIMITS. Iyon ang nakatatak na mga letra sa ibabaw ng maliit na notebook. Sa ibaba ng mga letra ay nandoon ang kulay rosas at asul na napapalamutian ng maliliit na bilog na kakulay ng pilak. Muli ay binuksan niya ang mga pahina hanggang sa umabot siya sa pinakagitna, doon niya isinulat ang buong pangalan ng lalaki na laman ng kanyang panaginip.
Caius Rueda.
“Caius…” Mahinang usal niya sa pangalan nito. “Rueda.”
Muli ay napabuntong-hininga siya at binuksan ang kalendaryo sa kanyang cellphone. Hindi iyon ang petsa ng kanyang huling panaginip, bumalik na naman siya sa simula. Ngayon ay hindi niya alam kung nasa panibagong panaginip na naman ba siya o totoong mundo na ang kanyang ginagalawan.
“GOOD MORNING, Teo.” Bati ni Isla sa fourth year BS Biochemistry student na student assistant niya sa Biochemistry Research Laboratory.
“Uhm, morning, Mami.” Mahinang bati nito sa kanya at masiglang ngumiti siya dito. Mami ang tawag sa kanya ng mga naging students na napalapit narin sa kanya. Napatingin siya sa suot ni Teo, he’s wearing black, the same shirt he wore in her dreams. At kung tama ang mga detalyeng nakasulat sa kanyang notebook at mula sa kanyang alaala. Ang pangalawang assistant niya na si Margot, isang third year Chemistry major, ay naka-green. Napatingin siya sa wall clock at sinabayan ang mahabang kamay ng orasan.
Five… four… three… two… one…
“Good morning everybody, I’m so very beautiful today. And, I thank you!” nanlumo siya nang makita ang suot ni Margot. She’s wearing that green shirt again. “Eh, Mami. Bakit parang nakakita ka ng pangit ngayon? Si Teo ba?” Nakangiti pa rin ito na tila ba palaging nananalo sa lotto. Lumapit ito sa nananahimik na kasama at tinitigan ng mariin ang mukha nito. “Syet, bakit mas maganda ka pa rin sa akin?” Maging siya ay iyon din ang reklamo sa mundo, Teo is a guy for pete’s sake but he’s more beautiful than her and Margot. He has this slightly longer messy hair, beautiful sad eyes, pointed nose and a heart-shaped plump lips that every woman will envy. His looks matched his gloomy and melancholic attitude too.
“So, Mami. What makes you unhappy?” nakangiti pa rin na bumaling sa kanya si Margot. Kabaligtaran ni Teo ang ugali nito, she’s sunshine and everything nice.
“I need to overtime tonight.” Iyon lang ang kanyang isinagot. She can’t tell them that she had this insane dream and she can tell what will happen four months from now.
“That’s sad.” Ngumisi lang ito sa kanya. “Hindi ako pwedeng mag-overtime dahil magdi-dinner kami ng kuya ko.” Bumaling siya kay Teo.
“May exams ako tomorrow.” Maiksing sagot nito.
“And you are asking me what makes me unhappy, Margot? I’m single and I need to finish the research proposals as soon as possible.” Sa totoo lang, apat na beses na niyang natapos ang research na iyon, sa apat na beses niyang panaginip. “I’ll be absent tomorrow, so, I will be leaving notes here for your work.” Ani niya sa dalawa.
“Why?” sabay na tanong ni Teo at ni Margot. Alam niyang magtataka talaga ang dalawa, hindi sanay ang mga ito na lumiban siya sa trabaho lalo pa at pakiramdam ng lahat ay doon na siya ipinanganak at doon na rin yata siya mamamatay. She just loved her work so much and she’s willing to give her youth for it.
“Family matters. Back to work na people.” Pumunta na siya sa kanyang mesa at binuksan ang laptop. Habang hinihintay na mag-boot ang makina ay bumuga na naman siya ng isang malalim na hininga. Kung totoo talaga ang panaginip niya, kailangan ay may gawin na siya. kailangang tapusin niya ang walang katapusan cycle na iyon. Hindi iyon pwedeng maulit muli, she hates to admit it but she’s actually believing this stupidity. Tomorrow, she’ll first meet that man. That man whose name is Caius Rueda here in the university. Kung ayaw niyang maulit ang mga nangyayari, hindi na dapat mag-krus ang landas nila.
Ang mas weird lang ay sa kanyang panaginip, kapag naririnig niya ang pangalan na iyon ay kulang nalang ay lumabas ang puso niya sa kanyang katawan. Kapag nagigising siya ay nakakalimutan naman niya ang pakiramdam na iyon. Mas mabuting hindi mag-krus ang landas nila, she’ll make sure they won’t have any interactions for the next four months.
And if her dreams were true… napasulyap siya sa dalawang kasama sa loob ng kanilang maliit na opisina. Maybe she can tweak it, she can help Margot and Teo get their happy ending. She can start working now.
“Margot.” Tawag niya dito. “Come here.” Tumayo at lumapit ito sa kanya.
“Yes, Mami?”
“Your bestfriend Carmi, she’s an international language student, right?” may kinuha siya sa kanyang drawer. “Pwede bang papuntahin mo siya dito?”
“Asian languages ang major niya.” Inilapag niya sa mesa ang ilang pahina ng journal na na-download at na-print na rin niya. “Why po?”
“Can she help me translate this journal? We really need this badly. And, I am willing to pay her.” Kinuha nito ang journal.
“This Dutch language po.” Pinagsalikop niya ang dalawang palad. “Hindi po ito kaya ni Carmi.” Of course, alam niyang hindi Asian Language ang major ng kaibigan nito. Nagpipigil siyang ngumiti dahil alam niya ang susunod na sasabihin nito. I can ask my brother for help. He studied European Language. “I can ask my brother for help. He studied European Language.” Damn it! Ngumiti ito sa kanya habang siya naman ay napasulyap kay Teo. In her dreams, Margot’s brother will fall in love with Teo, and yes, Teo is gay.
“Okay lang ba sa kuya mo? We can pay him--.”
“He won’t mind, I’ll just tell him I need this for my research.” Margot confidently said.
“We need that on Wednesday. Okay lang ba sa kanya ang rush?” tumango lang ito ng ilang ulit. “Thanks, Margot.” She gave her assistant a happy smile. She’ll make sure that these people will not experience the same pain they experienced inside her dreams. She needs to end it as soon as possible.
MAANG na napatitig si Teo nang ibaba niya sa mesa ang apat na box ng JCO Donuts na binili niya nang lumabas siya para bumili ng kape.
“Nasaan si Margot?”
“Pinuntahan ang kapatid niya.” Nakatitig lang ito sa box kaya binuksan niya ang isa para kumuha na rin ito. Mahilig ito sa matamis at nagniningning ang mga mata ng kausap kapag may masarap na pagkain sa harap nila. They share the same fascination over food because Margot is the same.
“Teo, nakita mo na ba ang kuya ni Margot?” umiling ito.
“Mami, bakit ang dami ng binili niyo?”
“Kasi, may---.” Natigilan siya at napatitig sa mga box na nakapatong sa ibabaw ng mesa. She remembered that her previous students would come and visit her today. They wanted to surprise her. “Baka kasi may mag-inspect dito mabuti ng ready tayo. At saka may refrigerator naman kaya pwede natin iyang i-store.” Dugtong niya. “Mamaya na natin iyan ilagay sa refrigerator, hintayin muna natin si Margot.” Kinuha niya ang kape na paborito nito at ibinigay sa assistant. “Inumin mo muna iyan bago ka pumasok sa klase mo.”
“Thanks, po.” Magalang na pasalamat nito sa kanya. Bumalik na siya sa kanyang mesa at ibinalik ang pansin sa binabasang mga articles and journals… not really, inaantok siya kaya sumubsob siya sa kanyang mesa at nagpasyang matulog muna.
“Mami! Doc Iana.” May narinig siyang tumatawag sa kanyang palayaw kaya siya naalimpungatan mula sa kanyang pagkaka-idlip. Isla Astrid Nolasco Aguirre, sanay siyang tinatawag sa abbreviation ng kanyang pangalan dito sa university. She rarely hears her own name here.
“Hmnn?” She tried opening her eyes.
“Surprise!” napahikab siya nang makilala ang mga taong nasa kanyang harapan. Should she act surprised? “Mukhang hindi pa po kayo tuluyan na nagigising.” Biro ni Reeca sa kanya. Seven years ago, noong una siyang magturo sa Magnus University of Advanced Studies bilang instructor ay naging students niya sa Natural Science I ang mga kaharap niya. Graduate at may sari-sariling trabaho na rin ang mga alumni students niya. It has been three years since they graduated but they still remember her.
“Mabuti naman at naalala niyo pa ako.” Nagkunwari siyang nagsusungit na gaya ng ginagawa niya noon sa mga ito.
“Hindi ka man lang na-surprise, Doc?”
“Doc? Dati ay Miss lang ang tawag niyo sa akin.”
“Noon pa po iyon, kailangan na mag-level up ang tawag namin sa inyo. Kapag tinawag ka namin ng Miss ay baka hindi talaga magbago ang status niyo.” Sumimangot siya sa sinabi ni Alexos. Pambihirang mga batang ito, hanggang ngayon ay paborito pa rin ng mga ito ng pakialaman ang lovelife niya. Gusto sana niyang sabihin na minsan sa kanyang buhay ay may naka-date na siya at may nakahalik na rin sa kanyang mga labi… in her dreams. “Bakit hindi po kayo nasurprise, Mami?”
“Nakita ko kayo sa panaginip ko.” Direstsong sagot niya na tinawanan lang ng mga ito.
“May special powers na po pala kayo, akala po ba namin ay hindi kayo naniniwala niyan.” Biro ni Nian. Si Recca ay researcher sa isang news and current affairs ng isang sikat na channel ng bansa, si Nian naman ay assistant director na rin sa kabilang network.
Humikab siya. “Well, things change.” Ngumiti lang siya sa mga bagong dating. “Now, tell me. Anong maipaglilingkod ko sa mga bisita ko ngayon? Ililibre niyo na ba ako gaya ng pangako niyo sa akin?” minsan sa buhay ng mga ito ay kulang nalang lumuhod ang mga ito sa kanya. Ang mahirap sa mga new instructors na tulad niya na fresh pa from the classroom ay sobrang idealistic niya at ang taas ng kanyang standard. Ang mga batang ito ay hindi science major, they are in the multimedia arts department at karamihan sa kanila ay walang ka-amor-amor sa kanyang tinuturo. Hanggang sa dumating sa point na may dalawa o tatlo lang ang pumapasa sa kanyang mga exams at karamihan sa klase ng mga ito ay bagsak sa midterms. They plead for her pity and asked her to pass them. Unfortunately, hindi siya nadadala sa awa at sinabihan lang niya ang mga ito na kailangan nilang mag-aral kung gusto nilang pumasa sa subject niya. They did, kahit na tres ang karamihan sa mga estudyante niya, they still passed.
“Mahirap pa po kami, Mi. Saka na po kapag nanalo na po kami sa lotto.” Nakangising ani ni Kris.
“Eh? Sikat na kayo ni Nian, kumusta ang pagiging assistant director?” masaya siya sa mga achievement ng mga estudyante niya. Sa mga naging estudyante niya ay mas malapit sa kanya si Recca, Nian, Kris at Viki dahil ito ang unang nakilala niya simula noong magturo siya dito ilang taon na ang nakakaraan. “Nabasa ko ang article mo Vicki, your writing really improved.” Ngumiti ang pinakatahimik sa magkakaibigan.
“May boyfriend na iyan, Mami.” Sumbong ni Recca. “Ang usapan namin kailangang mauna ka muna bago kami.” Tinawanan niya ang mga ito at saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan.
“May pagkain dito, mag-snacks muna kayo.” Naihanda na pal ani Teo ang mga donuts na dala niya kanina. Ngumiti siya dito habang abala ito sa pag-e-encode. “At saka huwag kayong umasa sa akin para magka-lovelife dahil baka maging alikabok nalang kayo wala pa rin akong ka-forever.” Kumuha siya ng maiinom sa refrigerator. “Kailan mo ipakilala sa akin ang boyfriend mo, Vicki?”
“Sa Foundation day, Mami. Eat out tayo, libre niya.” That’s two weeks from now.
“I love libre.” Pumalakpak siya sa sinabi nito. Mabait ang boyfriend ni Vicki kaya panatag siya sa magiging relasyon nito sa taong iyon. Gusto niyang makilala uli sa personal ang boyfriend nito, gusto lang niyang iprove ang kanyang panaginip na talagang nangyayari na naman. “Bakit nga pala kayo biglang napabisita dito?”
“Ininvite kami ng Multimedia Arts Department.” Tukoy ni Nian sa department nito noong nag-aaral pa. “May iju-judge kaming mga short video films na ilalagay sa youtube channel ng MAD.”
“Sino bang mag-aakala na magmomonetize ang youtube account na ginawa natin dati para may manood ng mga play natin? Malaki ang bayad ng MAD Organization sa amin, kaya dumeritso na kami dito.”
Huh? Sa pagkaalala niya ay hindi iyon ang dahilan kung bakit nagpunta ang mga ito ngayon. It was different, it wasn’t academic related. Dahil may ginawa siyang hindi naaayon sa mga naunang eksena sa kanyang panaginip. Did things slowly changing?
“Oo nga, eh. Ang yaman na ng MAD-O, pero okay lang dahil winiwisikan naman ang club namin ng yaman niyo.” Naaalala pa niya na halos ma-depressed ang mga ito noon dahil walang nanonood sa mga ino-organized na mga short plays. Kaya nag-suggest siya na i-film nalang iyon at ilagay sa video sharing social media account. Hindi niya masisisi ang mga estudyante ng Magnus na hind imaging interesado sa activities ng mga clubs.
Karamihan sa mga estudyante ng Magnus University of Advanced Studies ay nasa scholarship at iyong karamihan ay mga anak ng mga ma-empluwensyang mga tao na kayang ma-afford ang tuition fee ng university. Marami ang gustong mag-aral dito dahil na rin sa maganda ang mga pasilidad at ang mga graduate ay siguradong may trabaho after graduation. Iilan lang ang maswerteng nakakapasok dito. Kung hindi mayayaman ay sobrang matatalino. Iyong mga mayayaman na mga estudyante ay iba ang trip sa buhay at karamihan ay hindi engaged sa mga club activities dati, habang iyong mga scholars ay abala sa pag-aaral para ma-maintain ang required na GPA or else maki-kick out sa Magnus.
“And its all thanks to you, Mami. Kung hindi dahil sa suggestion mo ay hindi namin maiisip na gawin iyon.” Hindi lang students ng Magnus ang nakakapanood ng mga films na ginawa ng organization ng mga ito kundi pati na rin ang ibang mga estudyante sa iba’t ibang university. May mga awards na natanggap na rin ang mga ito dahil nalinang ng husto ang kakayanan ng mga bata sa platform na iyon.
“You know me, I’m really talented.” Biro niya sa mga ito na tinawanan lang ng mga kausap.
“Mi, libre mo kami.” Ungot pa ng mga ito.
“Pambihira talaga kayo, palagi niyong binubutas ang bulsa ko.” Naiiling na reklamo niya. “May klase pa ako.”
Ngumisi lang ang mga ito sa kanya. “Hihintayin ka namin pagkatapos namin sa MAD-O.”
Napabuntong-hininga siya. “Sige na, sige na. Pumunta na kayo doon sa MAD-O at balikan niyo ako dito mamaya.” Halata ang saya sa mukha ng apat. Alam niyang mauuwi rin naman sila dito kaya hindi na siya makikipagtalo and besides, she really missed them too. Iba pa rin ang impact ng mga naunang mga estudyanteng napalapit sa kanya. They will always have a special place in her heart.
Sa ngayon ay aayusin muna niya ang mga instructions niya kay Teo and Margot. She can’t be here tomorrow and she needs to meet someone. Kailangan masagot ang mga katanungan sa kanyang utak.