GUSTONG matawa ni Carmi nang makita ang pagsimangot ni Rhea habang nakatitig ito sa cellphone na hawak. Sinamahan uli siya nito sa kanyang night shift sa café dahil ang sabi naman nito ay wala itong ginagawa. Hindi na niya mabilang kung ilang libro ang naubos nitong basahin sa paghihintay sa kanya at kahit na ang boss niya sa shop ay kilala na ito. Paminsan-minsan ay napapakunot ang noo ng nakakabata kapag tumutunog ang cellphone nito. “Sino ba iyan at hindi na maipinta ang mukha mo?” “Mami’s brother.” Sagot nito. Well, hindi na siya nabibigla dahil kahit sino naman ang tanungin ay halatang trip ito ni Rafael, masyadong inosente lang talaga ang kaibigan sa mga ganoong bagay. Kahit na ang mga magulang ni Rafael ay tinutukso ito pero wala talaga silang m

