“ARE you sure you are okay?” nag-aalalang tanong ni Leane sa kanya. “You can rest-.” “I’m okay Leane, hindi na masyadong masakit ang ulo ko.” Pagkatapos makausap ang kaibigan sa cellphone ay nakatulog siya, hindi niya napigilan ang pagod at antok. “You didn’t faint?” Umiling siya. “Leanne, matagal na tayong magkasama hindi ba?” “Since high school.” “Nakilala mo ba sa personal ang lola ko?” Tanong niya sa kaibigan. Umiling naman ito bilang sagot. “Hindi mo siya ipinakilala sa akin dati.” Tumitig lang ito sa kanya. Malakas na napabuntong-hininga si Isla. “Leanne, alam mo naman na ikaw lang ang sinasabihan ko sa lahat ng mga nangyayari sa akin, right?” tumango ito bilang tugon. “Until now

