CHAPTER: 3

1533 Words
"Annika, over here!" Nakita kong nakataas ang kamay ni Brianna at sinesenyasan akong pumunta kung saan sila nakapwesto. Usually, ay nasa isang VIP Room kami kaya kunot noo ko silang tinignan dahil nandito sila ngayon nakapwesto sa baba. "Dito gusto ni Brianna. May katitigan na naman. Ayun oh!" Sabi ni Kylene at nginuso ang lalaking nakatingin ngayon sa pwesto namin at malagkit na nakikipgtitigan kay Brianna. " i'm not comfortable here." Sabi ko pagkaupo at kumuha agad ng hard drinks na nakalagay sa table namin. "Try mo naman makipagfling kaya Annika ng mabawasan yang coldness mo." Sabi naman ni Brianna. Saming Lima siya lang naman ng wild. Si Kylene na puro pag aaral lang din ang alam. Medyo mapanakit pag hindi nagustuhan ang ginagawa ng nasa paligid niya sa kanya. Si Kyla na medyo harot pero nasa lugar. Si Athena naman ay mahinhin na hindi makabasag pinggan pero heto at nasa bar dahil isa rin siya sa mga owner nito. At ako. Alam niyo na no need to explain. "Sayaw tayo Guys!" Sabi ni Brianna. At kinembot pa ang balakang habang nakataas ang kamay. Napailing nalang kaming apat sa ginawa ng kaibigan. "Susunod nalang kami Bri." Sabi ni Kyla at ininom ang alak niya. "No, sabay sabay tayo. Come on Guys let's enjoy the night!" Nakanguso niyang sabi. Napailing nalang kami pero tumayo na din para samahan ang baliw naming kaibigan. Nahawi ang ang mga tao na nasa Dance floor. They didn't know us na kami ay isa sa mga owner ang kilala lang nila ay si Brianna. Brianna, kylene and kyla are now dancing in the middle of the dance floor while Athena smiling looking at the three. Ako naman ay walang emosyong nakahalukipkip habang pinapanood sila. Walang nagtatangkang lapitan ang mga kaibigan ko when i'm around kaya ang mga tao ay medyo malayo samin at hindi kami nasisiksik sa dance floor. "Come on Annika, Huwag kang tumayo lang diyan sumayaw ka din!" Sabi ni Brianna habang tumatawa. Napapailing nalang ako at tinaasan lang siya ng kilay. "KJ as ever baby. " Sabi niya at gumitna kay Kylene at Kyla na ngayon ay natatawa sa kanya. Saglit pa kami sa gitna ng mapagod ay umupo na kami. "Wooh! That was fun!" Sigaw ni Brianna bago tunggain ang bote ng alak niya. Nagkukwentuhan na kami ng may lumapit na apat na lalaki sa table namin. Kasama ang lalaking malagkit na katitigan ni Brianna kanina. "Can we join Ladies?" Tanong ng lalaki na kay Brianna na katingin. Brianna look at me na parang nakikiusap ang mga mata. Dumekwatro ako at humalukipkip ng braso bago ko sila tignan. "Please Annika? Makikiupo lang naman sila eh. " Sabi ni Brianna at ngumiti sakin ng matamis. "Maraming upuan Bri. You know i don't like outsider." Sagot ko naman. Kaya napanguso siya. "Hindi sila tatabi sayo diba boys?" Sagot naman niya at tinuro na niya kung saan sila uupo. i rolled my eyes at hinayaan na sila. i took my glass and sipped it while looking at them. Malaki kasi ang sofa na inuupuan namin. Kulag red siya na pabilog ang design pero open siya na parang medyo pahalf moon at nasa gitna ang malaking mababang table na nilalagyan ng mga drinks and snacks. Bali ang pwesto namin ay yung lalaki na type ni Brianna, si Brianna, lalaki ka kakulay blue na polo. si Kylene, si Athena, Ako, si kyla, lalaki na nakakulay brown na polo, at lalaking naka kulay red na polo. Actually, lahat sila naka-polo. Para silang galing ng Office or san man and i don't care. Nagtawag na din sila ng waiter at umorder ng drinks. "Hi, what's your name?" Napatingin ako sa lalaking nakakulay red na nasa dulo ng upuan. Nakalean forward siya at nakatingin sakin kaya sigurado akong ako ang tinatanong niya. Napatingin din sa kanya ang mga kasama namin at pati na din sakin. Sumandal ako sa upuan habang nakadekwatro padin at nakahalukipkip. Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita. Ganun din ang ginawa niya nakipagtitigan siya pero hindi niya ata kinaya kaya siya na ang nag iwas ng tingin habang napapakamot sa batok. Nakikipagkwentuhan na sakanila ang mga kaibigan ko. Yung lalaking nakapula ay lumipat sa tabi ni Athena. Bali pinaggigitnaan siya ni Kylene at Athena. Mukha naman silang matitinong tao kaya hinayaan ko nalang. Habang ako ay bore na bore na pero hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko. Mahirap na at nagsisimula na silang mag inuman habang nagkukwentuhan. "Pagpasensyahan niyo na yan si Annika. Ganyan talaga siya. She's so cold and hindi palakausap ng tao. Well, maliban nalang samin apat diba Guys. " Sabi ni Brianna na ikinatango naman ng tatlo. "Well, okay lang naman samin. Ganyan din ang kaibigan namin si Gavin. Actually on the way na siya. May inasikaso lang. " Sabi ng katabi ni Brianna. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ang pangalang 'Gavin'. "Siguro naman hindi siya yun diba? At ang sabi katulad ko daw. Eh ang daldal daldal nung lalaking kilala ko." Anang isip ko. Tumayo ako at pupunta sana ng restroom ng hawakan ni Athena ang kamay ko. "Where are you going?" Tanong niya sakin kaya napatingin silang lahat. "Restroom." Walang emosyon kong sagot. Binitawan naman niya ang kamay ko at tumango. Taas noo akong naglakad papuntang opisina at doon nag-CR. i don't like to use public cubicle lalo na kung maraming tao. Pabalik na ko ng mapakunot noo ako ng matanaw na may nakaupo na sa bandang pwesto ko. Tumayo ako sa harapan nila kaya napatingin sila sakin at agad nilingon ang tinititigan ko. "Ahmmm. Gavin, lipat kana dito si Annika kasi nakapwesto diyan. That's here throne." Sabi ni Kyla sa bagong dating. Hindi siya kumilos at nakipagtitigan lang din sakin. Nagpalipat lipat ang tingin samin ng mga kasama namin sa table bago ako nakarinig ng pagtikhim pero diko inalis ang mata ko sa kanya. "Bro, lipat ka nalang?" Sabi ng lalaking naka kulay brown na polo. He looked at me emotionless. Lumakad na ko papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Nagkatinginan naman ang mga kaibigan namin at nagtatakang nakatutok lang ang mata saming dalawa. "Quit staring. it's annoying." Sabi ko kaya napaiwas sila ng tingin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko kabaliktaran sa emosyong pinapakita ng mukha ko. i feel stiffed dahil sa pagkakalapit naming dalawa pero hindi ko ipinakita iyon. Kinuha ko ang baso ko at ininom ang alak na nandoon. Sinalinan niya ulit ako kaya napatingin ako sa kanya. His emotionless face makes my heart beats more faster na parang aatakihin na ako sa puso. Nakailang baso na ko ng may kamay na umawat sa muli kong pag-angat ng baso papunta sa bibig ko. "Enough, Annika. Marami ka ng nainom." Pigil niya sakin. Tumahimik ang mga kasama namin at nakatingin na naman sakin. Alam ko naman na kanina pa sila nakikiramdam saming dalawa ni Gavin. "Hindi ako madaling malasing Gavin. Mataas ang tolerance ko sa alak. " Sabi ko at binawi ang kamay at ininom ang alak na nasa baso ko. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Sabi niya habang nakatingin sakin. "Ano bang pakialam mo?" inis kong tanong sakanya. "Galit ka parin ba? i'm sorry baby please.. Tiniis ko na ngang hindi magpakita sayo. Malay ko bang magkikita tayo dito. " Malumanay na sabi niya at biglang lumabot ang ekspresyon niya. inirapan ko siya at muling nagsalin ng alak sa baso. iinumin ko na ulit sana iyon ng pigilan na naman niya ang kamay ko. "Baby, i said enough." Sabi niya at inagaw ang baso ko at siya ang uminom. "Ano ba Gavin! Lintek naman oh. " Naiinis kong sabi. Hanggang dito ba naman mang-iinis siya. Sana tinuloy tuloy niya nalang yung ugali niya kanina. Bipolar ata itong lalaking to eh kaya ginagaya niya na ko sa kanya kainis! Lukot na ang mukha ko ng maramdaman kong niyakap niya ko sa bewang at isiniksik ang mukha sa leeg ko. "Huwag ka nang magalit sakin Baby please? i miss you already." Malambing pero malungkot niyang sabi. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ko nagreact. Saglit lang kami hindi nagkasama sa school ay namiss ko din siya. Pero hindi ko sasabihin sa kanya yun. Asa siya! "Annika.." Napatingin ako kay Brianna dahil sa pagtawag niya sakin at ngayon ko lang ulit naalala na may kasama kami. Gulat silang nakatingin saming dalawa ni Gavin at parang hindi makapaniwala na magkakilala kami at masyado kaming dikit sa isa't isa. Even his friend look shocked. "Gavin umayos ka na. Nakatingin sila sayo." Sabi ko at inaalis ang kamay niya sa bewang ko na nakayakap pero mas lalo lang niya itong hinigpitan. "i don't care. Gusto ko ganito muna tayo. Matagal ko ng gusto tong gawin sayo pero ang sungit sungit mo. " Sabi niya at lalo pang isiniksik ang mukha sa leeg ko. Hinayaan ko na siya at napasandal nalang ulit sa upuan kaya lalong napanganga ang mga kaibigan namin. "Don't over react." Cold kong sabi sa kanila. Naiilang man sa pagiging clingy ni Gavin ay wala na kong nagawa kundi pabayaan siya. Hindi ko siya niyakap pabalik pero masaya ang puso ko dahil hindi siya galit sakin dahil sa pagsampal ko sakanya kanina. --*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD