ilang araw na akong binibwisit ng lalaking yun. Araw araw siyang sunod ng sunod kung saan ako pumupunta. Wala ding tigil ang pagdaldal niya na nagpapasakit lagi sa aking tainga. Ka-lalaking tao pero napakakulit! Hindi din ako makatulog agad sa gabi dahil pagpumipikit ako ay mukha niyang nakangiti ang aking nakikita. Masyado niyang ginugulo ang isip ko! Arrgghhh! He getting on my nerves!
Panibagong umaga at masyado pang maaga para sa unang klase kaya nandito ako ngayon sa aking opisina. Heto na naman ako at naiisip na naman ang lalaking iyon! Nakakairita na!
"Hi, Annika!"
Napairap agad ako ng marinig ko ang masayang boses niya.Speaking of the devil. Naiinis ako dahil pakiramdam ko ay marami na siyang binubuhay na emotion sakin. Napapairap na niya ako, napapangiti at napapasigaw na hindi ko naman madalas ginagawa at dahil doon ay natatakot na ako para sa sarili ko. He making my heart beats fast kahit wala naman siyang ginagawa kundi ang kausapin at ngitian ako araw-araw.
Ngayon nga ay nagkukulong ako dito sa loob ng opisina ko para lang maiwasan siya pero itong makulit na lalaking ito ay may sa aso ata kaya nalamang nandito ako.
"What are you doing here? Wala ka bang klase?" Mataray kong tanong sa kanya.
Diba? Nakakatakot. Nasasanay na din akong magtanong sa kanya na hindi ko naman ugali dahil wala naman akong pakialam sa iba pero pagdating sa kanya ay parang gusto ko siyang tanungin ng tanungin para lubusan siyang makilala.
"iniiwasan mo ko." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang mahinang sinasabi iyon. Nanatili siyang nakatayo sa malapit sa nakasarang pinto habang nakakagat ang labi na parang pinipigilan na makapagsalita ulit.
Bumuntong hininga ako at napahilot sa aking sintindo. "Come over here." Utos ko sa kanya.
Agad naman siyang lumapit sa gilid ng lamesa ko at nakayuko.
"Ano bang ginagawa mo? Hindi ko gusto ang ginagawa mo." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
ilang araw palang pero masyado na siyang na attach sakin na pag hindi ko siya nakikita o naririnig ay hinahanap hanap ko siya.
"Anong ibig mong sabihin, Annika?" Naguguluhang tanong niya.
Tinukod ko ang kaliwang kamay ko at nangalumbaba paharap sa kanya. Napakaperpekto talaga niya. Pagnaglalakad nga kami sa corridor ay madaming babaeng natingin sa kanya at kinikilig. Alam ko din naman na maraming nagbibigay sa kanya ng kung ano ano sa paglipas ng mga araw. Pinag uusapan din siya ng mga students council dahil kahit mga estudyante ng taga ibang school ay sumasadya talaga dito para lang magregalo sa kanya ng kung ano ano.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo? Pero hindi parin kita type dahil ang daldal mo." Sabi ko sa isip ko habang pinagsasawa ang mata sa perpekto niyang mukha.
Dumaan ang gulat sa mukha niya bago napalitan ng isang malaking ngiti. Napakunot ang noo ko dahil bigla bigla nalang nagbabago ang ekspresyon niya.
"Bakit ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ko.
" 'coz you call me handsome?" naniningkit ang mata niya dahil sa pilyo niyang pagkakangiti.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Huh? Kailan ko sinabi?"Kunot noong tanong ko. Never ko pa naman siya sinabihan nun ha?
"Kanina lang diba? Sabi mo pa nga 'bakit ba kasi ang gwapo ko pero di mo parin ako type kasi madaldal ako." sabi niya habang natatawa.
"What the f*ck? Did i say it out loud?!" Gulat na tanong ko at napaayos ng upo. Sh*t! Gusto kong batukan ang sarili ko. Nag-init ang magkabila kong pisngi at may hula ako na namumula ito.
"Yes,baby." Sabi niya habang tumatawa. Giliw na giliw siyang pinagtatawanan ang reaksyon ko. Kung makatawa akala mo hindi siya sanay na sabihan ng gwapo.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Galak na galak? Sige h'wag kang tumigil kakatawa , sasakalin talaga kita." Badtrip na banta ko sa kanya at ang gag* tumawa pa lalo ng malakas.
"Come on. Choke me baby!" Tumatawa niyang sagot at tumingala pa to expose his neck.
Naiinis na ko pero di pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Feeling ko pahiyang pahiya na ako sa ginagawa niya. Tumayo ako at naglakad. Malapit na sana ko sa pinto ng hinawakan niya ang braso ko para pigilan. Hinarap niya ko sa kanya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka aalis? Dito lang tayo. Ang sungit sungit mo pag nasa labas tayo ng office mo e." Sumimangot siya habang nakatingin sakin.
Lintik na lalaking to napaka-arte!
Binawi ko ang braso ko at umatras ng konti at humalukipkip. "At kailan ako naging mabait sayo?" Mataray kong tanong.
Bumuntong hininga siya at humakbang palapit sakin. Naningas ako ng bigla niya akong niyakap sa bewang at hinapit ako palapit sa kanya.
"A-anong g-ginawa m-mo?" nauutal kong tanong sa kanya. Biglang nagblanko ang isip ko at parang nawala lahat ng harang na ginawa ko.
"Annika..." Mahinang anas niya habang nakatitig sa aking mukha.
Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Gahibla nalang ang layo ng magsink in sa isip ko ang nais niyang gawin. Agad ko siyang tinulak palayo at binigyan ng sampal.
Gulat siyang nakatingin sakin na parang nagising din siya sa pagkakahipnotismo.
"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.
Lintik na! muntik pa ko manakawan ng halik! Sumosobra na ang pagiging FC ng lalaking ito!
"A-anikka..."Nauutal na niyang banggit sa pangalan ko at akmang lalapit sakin.
"Get out! i don't want to see your f*cking face! Sumusobra kana!" Sigaw ko na nagpatigil sa kanya.
Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. " Get out." gamit ang malamig kong boses at tingin sa kanya.
Pumikit muna siya bago bumuntong hininga. " i'm sorry, Annika. " Malungkot na sabi niya.
Humakbang na siya papuntang pinto at tumigil mismo sa aking harapan. Tinitigan niya ko gamit ang nangungusap at malungkot niyang mga mata. Pero hindi ako magpapatinag. Marami na siyang ginagawa na nagpapabago sa akin at hindi ko nagugustuhan ang mga iyon kaya habang maaga pa ay kailangan ko ng lumayo bago ko pa makalimutan kung ano dapat at sino dapat ako.
"Out." Matigas na sabi ko dahil nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko. Bumuntong hininga siya bago tuluyang umalis. Pabalibag kong isinarado ang pinto.
Ayokong itolerate ang nararamdaman ko. ito ang unang beses na maramdaman ko ito pero hindi ako ipinanganak kahapon para hindi malaman ang ibig sabihin nun. i'm already attractive to him at ayoko ng nararamdaman ko.
..
Buong araw kong hindi nakita kahit anino ng lalaking iyon. Hindi din siya nagtetext o tumatawag katulad ng maya't maya niyang ginagawa. Well, mas maigi nga iyon dahil siya na ang kusang lumalayo.
Nasa library ako ngayon at nagbabasa ng libro ng may umupo sa aking harapan. Agad akong napatingin pero nadismaya ng hindi siya ang nakita ko.
Bakit ko ba inaabangan yung lalaki na iyon? Hindi ko na nga siya gustong makita diba?
"Annika." Sabi niya at ngumiti sakin.
Tinanguan ko lang siya at binalik ang tingin sa binabasa kong libro. Binabasa ko naman talaga pero walang pumapasok sa isip ko. Masyado na talaga akong nadidistract sa taong iyon at nakakatakot na talaga.
"Pupunta kaba mamaya? " Tanong nito na nagpaangat ulit ng ulo ko.
"Yes." Sagot ko at isinara na ang libro. Ayoko nag magpanggap. Oo na, inaasahan ko talaga na mangungulit ulit siya letche siya!
"Sabay na tayo?" Balik na tanong sakin ni Kyla.
Yes, si Kyla na student assistant ko dito sa school. isa siya sa mga matalik kong kaibigan. Actually, lima kami. Ako, si Kylene, Kyla, Brianna, at Athena. Lagi kaming nagkikita kita sa Bar na pagmamay-ari namin maliban kay Kylene.
"Mauna ka na. may dadaanan pa ko." Sagot ko at iniwan na siya mag isa sa loob. Kailangan ko lang siguro maglibang para makalimutan ko ang presensya niya.
--*