Pinilit ni Eeya na pansamantalang alisin ang alalahanin niya kay Isagani ang itnuon ang atensyon sa ganda ng paligid. Masayang binabaybay nina Rea at Eeya ang kagubatan na siyang magdadala sa kanila sa kalapit na templo ngunit napansin nilang yakap yakap ni Amalia ang kanyang sarili at bakas sa mukha nito ang pag aalala.
“Hindi ako kampante sa lugar na ito,” aniya na nagpatigil sa dalawa mula sa paglalakad.
Lalong nagpatindig sa kanilang mga balahibo ang biglaang pag ihip ng malakas na hangin. Mabilis na sumiksik si Rea kay Amalia. “Huwag ka ng manakot. Bilisan na lang natin.”
Ramdam ni Eeya ang kaba nang ipabatid ni Amalia ang kanyang nararamdaman sa pupuntahang lugar. Alam niya na karaniwan sa mga elemento ay umaaligid sa mga templo na kung saan marami itong matatakot at mapagkukuhanan ng lakas mula sa mga tao.
Batid rin iyon ni Isagani na palihin na sumama kay Eeya. Walang kaalam alam ang dalaga na sa dalang gamit nito ay naroroon ang binata. Naiwan man ang gamit ni Eeya sa sasakyan ay nakalabas rin si Isagani nang wala na gaanong tao sa lugar. Hindi niya maaaring alisin ang tingin sa dalaga lalo pa’t hindi siya pamilyar sa lugar. Kailangan niyang sundan ito nang masiguradong masasaklolohan niya ito kung sakali man may magpakitang elemento.
Hangos hangos ang binata sa pahabol kay Eeya na kasama ang mga kaibigan nito. Hindi pa man sila nakakalao ay doble na iyon para sa mga malilit na paa ni Isagani. Tagatak ang kanyang pawis sa suot na pinagpatong patong na tuyong dahon nang sa ganon ay hindi siya makita ni Eeya o ng iba pang tao roon.
Abala si Rea sa pagtingin muli sa mapa na kanyang dala. Siya ang naatasan na titingin dito upang masigurado na tama ang kanilang dinadaanan ngunit kaiba ang larawan sa tunay na itsura ng gubat dahil naglakihan na ang mga puno rito at may kalabuan na ang mga karatulang nakapalibot.
“Dapat malapit na tayo `di ba? Bakit parang naliligaw na ata tayo,” ani Eeya habang pinagmamasdan ang paligid. May pagtataka ito sapagkat hindi pa man sila ganoon katagal sa paglalakad ngunit dumidilim ang paligid na para bang nasa pusod na sila ng kagubatan.
“Bumalik na lang kaya tayo? Iba na lang ang puntahan natin,” ani Rea na suko na sa pagbasa sa mapa.
“Huli na para bumalik,” ani Amalia. “Narito na siya.”
Napako ang mga paa ni Amalia sa kanyang kintatayuan nang makita ang kanyang kinatatakutan. Isang halimaw na ahas na may tatlong ulo ang mabangis na nakatingin sa kanya.
“Sino? Ano?”pag aalala ni Eeya na agad pinuntahan ang nanginginig na kaibigan. “Ano ang nakikita mo?”
Ngunit hindi na nakasagot pa si Amalia na dahil sa takot ay kumaripas ito nang takbo. “Amalia! Sandali!” Mabilis siyang sinundan ni Eeya.
“Hoy! Huwag n`yo akong iwan dito!”
Batid ni Eeya na nakita ni Amalia ang kintatakutan niyang halimaw ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya ito nakikita.
“Amalia! Saan ka ba pupunta?!” sigaw ni Eeya sa kanyang paghabol sa kaibigan. Ngunit hindi niya nahabol ang kaibigan na labis ang bilis sa pagtakbo.
“Eeya!”
Natigilan ang dalaga nang marinig ang boses na tumawag sa kanya. “Isagani?” Hinanap niya ito sa paligid ngunit hindi niya ito makita ngunit sigurado siya na boses iyon ng binata.
Inalis ni Isagani ang nakatakip na dahon sa kanyang katawan saka ito tumalon talon nang makita ito ng dalaga. Agad na tinungo ni Eeya ito saka hinawakan. “Narito ka! Tulungan mo ako! Nasaan ang halimaw?”
Nang hawakan ni Eeya si Isagani at ipikit nito ang kanyang mga mata ay naramdaman na niya ang malakas na prisensya ng halimaw na nasa malapit lamang. Hindi na siya nagtaka na ganoon na lamang ang takot ni Amalia sapagkat sa kanyang pagdilat ng mga mata ay nakita niya ang halimaw na ahas.
Napaurong ang dalaga sa takot nang makita ang nanlilisik na mga mata ng mga ahas sa kanyang harapan. Alam niyang malakas ang halimaw na kanyang kaharap sapagkat ang ahas ang may pinakamalakas na kapangyarihang kamandag.
“Paanong nagkaroon ng ganito kalakas na elemento sa lugar na ito?” pagtataka ni Eeya sapagkat alam niyang ang palibot ng templo ay may basbas ng proteksyon laban sa malakas na elemento tulad ng kanyang harap.
“Dalawang dahilan lamang bakit narito ang mga halimaw,” ani Isagani. “Iyon ay para talunin ako. At isa pa, para kainin ang kapangyarihan mo.”
Inilabas ni Eeya ang kanyang binasbasan na papel. Gamit ang kanyang daliri ay isinulat niya sa papel ang salitang ahas na siyang mag tutulak sa halimaw pabalik sa kanilang mundo. Itinukop niya ang papel sa magkabilang niyang kamay saka sinambit ang orasyon kung saan nakapaloob ang ngalan ng ahas. Sa pagtapos ng orasyon ay ibinato ni Eeya ang binasbasang papel sa elemento na siyang dapat magkukulong rito.
Ngunit nasunog lamang ang papel at hindi man lang nakaapekto sa elemento kahit kaunti. Sigurado si Eeya na tama ang orasyon na kanyang binanggit kaya hindi nito maintindihan kung bakit hindi iyon naging epektibo.
“A-Ano ng gagawin ko ngayon? Hindi siya nawala sa orasyon ko!” pag aalala niya.
“Eeya, may isa pang paraan.” Nilingon ni Eeya si Isagani na nasa kanyang balikat.
“Ibalik mo ako sa dati kong anyo kung gusto mong matalo ang halimaw na iyan!”
May pag aalinlangan man ay alam ni Eeya na si Isagani lamang ang makakatulong sa kanya. Sa muli niyang pagtingin sa kalabang elemento ay lalo itong nagiging mabangis dahilan upang sambitin na niya ang orasyon na muling magpapabalik kay Isagani sa dati nitong anyo.
Nang sa muling pagbalik ni Isagani sa kanyang malaking katawan ay tila ba naging maamong aso ang kalabang halimaw na batid kung sino ang kanyang kinakalaban.
“Anong ginagawa ng ahas na katulad mo rito?” Unang salita pa lang ay napapaurong na ang kalabang halimaw na batid ang lakas ni Isagani.
“Talunin mo na siya! Huwag kang tumayo lang diyan!” sigaw ni Eeya.
Ngunit imbes na ituon ni Isagani ang atensyon sa kanilang kalaban ay lumapit ito kay Eeya at hinakawan ang bewang ng dalaga upang ilapit ito sa kanya. “Nakakalimutan mo na ba? Wala akong sapat na lakas para lumaban.”
“P-Pero ibinalik na kita sa dati mong anyo.”
“Halikan mo ako,” utos ng binata.
Hindi pa rin magawang maging kumportable ni Eeya sa tuwing hihiling ng halik sa kanya si Isagani. Namumula pa rin ang kanyang mga pisngi at lumalakas pa rin ang t***k ng kanyang puso.
“A-Ano? Dito mismo?” pag aalinlangan ng dalaga.
“Hindi ito ang tamang oras para mahiya. Sa pagbalik ng katawan ko sa dati ay lalo kong kailangan ng lakas.” Batid ni Eeya na nagsasabi ng totoo si Isagani dahil namumutla na ito at pinagpapawisan.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Isagani kay Eeya upang hindi ito tuluyang matumba. “Halikan mo ako, Eeya. Ilang araw na akong walang lakas. Kung magtatagal pa ito ay baka ikamatay ko na `to.” Yumuko si Isagani sa balikat ni Eeya upang bumulong. “Bilisan mo, Eeya. BIgyan mo akong lakas.”
Alam ni Eeya na tama si Isagani. Hindi iyon ang tamang oras para pa mahiya siya. Nasa binggit na kamatayan ang kanyang kasintahan at delikado rin hindi lamang si Amalia kundi maging ang ibang taong pupunta sa lugar na iyon dahil sa banta ng elemento.
Hindi niya pinigilan ang binata nang hawakan nito ang kanyang mukha at halikan ang kanyang pisngi. Alam niyang nasa kanya ang lakas nito at iyon lamang ang tangging paraan upang mailipat niya iyon.
Nang maglapat ang kanilang mga labi ay hindi naging sapat para kay Isagani ang marahang paghalik ng dalaga. Hinila niya ito sa kanyang bewang upang idiin ang kanilang halik na siyang magpapabilis sa paglilipat ng kanyang kapangyarihan.
Sa ilang segundong magkalapat ang kanilang mga labi ay mabilis na nailipat ang kapangyarihan ni Isagani mula sa dalaga. Nawalan ng malay si Eeya na agad naman niyang sinalo gamit ang kanyang isang kamay.
“Kung gusto mong tumakbo ay ito na ang tamang oras,” aniya sa kalabang halimaw na agad namang naaligaga sa kanyang narinig.
Dahil sa muling pagkakaroon ng lakas ni Isagani ay nakita niya ang tunay na katauhan ng kalabang elemento. Nang ngumisi ito ay alam na ng kalabang elemento na nahuli na siya sa kanyang pagpapanggap. “Nalinlang mo ako dahil wala ako sa tunay kong anyo. Hindi ka ahas kundi isa lamang mahinang elementong lobo na gumamit lang ng pagbabagong anyo!”
Sa pagkumpas ng kamay ni Isagani ay lumabas ang hangin na bumalot sa kalabang halimaw. HIndi niya ito tinigilan hanggat hindi ito bumabalik sa kanyang tunay na anyo na isang mahinang klaseng halimaw na isang lobo.
Mula sa pagiging isang malaking ahas ay umliit ang katawan ng halimaw at naging isang lobo. Maging ang kanyang kapangyarihan ay nanghina na rin mula sa epekto ng kanyang pagpapanggap. “Salamat na rin dahil nakabalik ako sa katawan ko dahil sa pagpapanggap mo. Walang wala ka sa tunay na elementong ahas.”
Sa mga panahong iyon ay nagkakaroon na ng malay si Eeya na agad hinanap ang kanilang kalabang ahas ngunit tangging nakita niya ang isang kaawa awang lobo na sugatan na.
“Napaka ambisyoso nilalang para ikumpara mo ang sarili mo sa isang malakas na elemento! Magbabayad ka sa kaguluhang dinala mo rito!” Aakama si Isagani ng kanyang kapangyarihang upang tapusin ang mahinang elemento ngunit pinigilan siya ni Eeya.
“Isagani, tama na!”
“Naawa ka sa kanya? Mahina man siyang elemento ay siya ang dahilan ng lahat ng `to! Hindi siya titigil kung hahayaan natin siyang makatakas ngayon!”galit na bulalas ni Isagani.
Dahil hindi mapigilan ni Eeya si Isagani ay sinangga niya ang sarili para sa maawa awang lobo. “Tumigil ka!”
Hindi inaasahan ni Isagani ang kanyang nakita dahilan upang matigilan ito sa dapat na gagawin. Hinarap ni Eeya ang lobo at hinawakan ang ulo nito. “Naniniwala akong hindi niya intensyon na manakit. Nagulat ka lang `di ba?” Bahagyang ngumiti si Eeya nang inanggat ng lobo ang kanyang ulo para tumingin sa dalaga.
“Hindi ka dapat nandito. Tignan mo tuloy nasugatan ka.” Marahang inabot ni Eeya ang nagdurugong paa ng lobo saka ito binalutan ng panyo na kanyang kinuha mula sa kanyang bulsa.
“Ayos na siguro ito,” aniya matapos maitali ang panyo.
Pinilit tumayo ng lobo saka ito umalis. Susundan pa sana siya ni Eeya na nag aalala sa kondisyon nito.
“Hayaan mo na,” ani Isagani. “Bakit mo `yon ginawa? Bakit mo siya tinulungan?”
Sandaling pinagmasdan ni Eeya ang lugar na pinuntahan ng lobo. Isa mang elemento ang lobo na kanilang nakaharap ay sigurado siyang hindi iyon masama katulad ng iniisip ni Isagani.
“Sigurado ako. Hindi siya masama katulad ng iniisip mo. Dahil may basbas akong nararamdaman sa kanya.”
Naghalukipkip si Isagani na ikinainis ang ginawa ng kasintahan. “Nang dahil lang doon kaya mo siya tinulungan?!”
Hinarap siya ng dalaga. “Bakit? Nagseselos ka ba?”
“Oo! Mali bang magselos ako?!”
Natawa na lamang si Eeya sa inaasta ni Isagani. “Ano bang pinagsasasabi mo?”
“Nagpapakita ka ng kabaitan sa lobong iyon sa harapan ko! Natural lang na magalit ako!” bulalas ni Isagani na hindi naman inaalala ni Eeya. “Nagtataksil ka!”
Napataas ng kilay si Eeya na hindi nagustuhan ang tono ng pananalita ng kanyang kasintahan. Palihim niyang hinugot ang papel na may basbas na nakahanda na sa kanyang bulsa. Basbas upang ibalik muli sa pagiging maliit si Isagani.
“Ulitin mo pa `yan at talagang hindi ka na makakabalik sa katawan mong `yan!”
Ngunit nang akma siyang haharap sa binata upang ipataw ang binasbasan na papel ay agadna pinigilan ni Isagani ang kanyang kamay.
“Hindi na ako papayag sa laro mo, Eeya.”