“Sigurado ka bang ayos ka lang, Eeya?” pag aalala ni Amalia nang makabalik na sila sa pansamantalang uuwian nila habang nasa bakasyon.
May paalala pa rin sa puso ni Eeya hindi dahil sa elementong kanilang nakalaban kundi dahil kay Isagani na iniwan siya nang marinig ang mga kaibigan niya na paparating. Kaiba ang lungkot sa mukha ng binata na hindi niya maalis sa kanyang isipan. Hindi man intensyon ng dalaga ngunit nasaktan ang binata at hindi mapunto ni Eeya kung alin ba sa mga ginawa niya ang ikinalungkot nito.
“Ayos lang ako. Mauna na kayo sa hapunan. May aayusin lang ako sandali rito,” ani Eeya na nagpa iwan sandali sa kanilang silid.
“Bilisan mo lang ah. Nangungulit si Ma’am kapag wala ka pa ro `n,” bilin ni Rea bago sila tuluyang lumabas ng kwarto upang magtungo sa silid kainan kung saan sabay sabay na kakain ang mga estudyante ng kanilang paaralan.
“Nasaan na ba `yon?” Hinahanap ni eeya ang panloob na kanyang pampalit na hinahanda na niya para bukas. Wala sa kanyang isip ay lumingon ito sa kanyang likuran. “Isagani! Saan mo na naman tinago--” Natigilan ang dalaga nang mapagtanto na mag isa lamang siya sa silid.
Sa kanyang isip ay animo’y alam nito na nasa paligid lang si Isagani parati. Ngunit wala ang binata kahit saan siya lumingon. “Kung narito lang siya siguradong may gagawin na namang kapilyohan iyon.” Napatakip ng bibig ang dalaga nang maramdaman ang pamumula ng kanyang mukha.
Nakikita niya sa kanyang isip ang malagkit na tingin ng kanyang kasintahan sa tuwing maglalambing ito. “Ano bang iniisip ko? Hinahanap ko ba paglalambing niya? Hindi ko na ata kilala ang sarili ko!” Tinapik tapik ni Eeya ang kanyang mukha. “Huwag mong kalimutan na tagapangalaga ka ng templo. Hindi ka dapat nag iisip ng malalaswa!” aniya sa sarili.
Nang makarinig ito ng pagkatok mula sa pintuan ng kanilang silid. “Ayan na! Lalabas na ako!” aniya na inakalang ang mga kaibigan ang nasa likod ng pintuan.
Laking gulat niya ng isang lalaki ang nasa pintuan. Hindi niya ito kilala at alam niyang hindi niya ito kamag aral.
“Magandang gabi,” pagbati nito. Ngunit hindi na pinansin ni Eeya ang pagbati sa kanya ng lalaki dahil natuon ang tingin nito sa mga tainga ng kaharap na animo’y mga tainga ng aso.
“K-Kailangan ba naka-costume sa hapunan? Wala naman akong naaalang kailangan nang ganoon. O baka naman dito ka nagtatrabaho at ganyan lang talaga kayo manamit?” Nilapad ni Eeya ang kanyang tingin sa lalaki na tila ba mas bata ang edad sa kanya nang kaunti.
“Oh! May buntot ka rin!” Itinuro niya ang gumagalaw na buntot ng lalaki. “Ang galing ah! Mukhang totoo!” aniya pa na bahagyang hinawakan iyon.
“Ah, hindi. Totoo ang mga ito. Medyo nahihirapan pa akong mag anyo na parang tao kaya hindi ko naitago ang mga tainga at buntot ko,” sagot ng lalaki.
“H-Huwag ka ngang magbiro,” pag aalilangan ni Eeya nang bigla niyang hinila ang buntot ng lalaki na halos maiyak dahil sa sakit.
“Aray! Huwag mong hilain! Masakit!” sigaw ng lalaki.
Biglang binitawan ni Eeya iyon nang mapagtanto na hindi niya iyon mabunot na tila ba totoo nga. Hindi pa man nakakaisip ng kasagutan si Eeya sa tanong niya sa isip kung sino at kung ano ang lalaking nasa kanyang harapan nang bigla nitong hawakan ang kanyang mga kamay.
“Maaari ba kitang maging kasintahan?”
“A-Ano?!” Napaurong na lamang si Eeya nang humakbang ang lalaki patungo sa kanya.
“H-Hindi ba pwede? Dahil ba hindi ko magawang maging anyong tao nang lubusan? Ilang subok pa, bigyan mo pa ako ng pagkakataon ay magagawa ko rin iyon.”
“Ah, Eh… Hindi iyon ang problema. Ano kasi---”
Nakarinig ng mga yapak si Eeya mula sa pasilyo dahilan upang mabalisa ito ay hinila ang lalaki papasok sa silid at mabilis na isinara ang pinto. “Pumasok ka muna rito sandali.” Batid niyang kapag may nakakita sa kanya sa ganoon niyang itsura ay pagkakaguluhan ito at magiging problema pa.
Nang sa paglingon ni Eeya ay kumikinang ang katawan ng lalaki na kanyang ikinabahala. “I-Isa kang elemento! A-Anong ginagawa mo? Narito ka ba para saktan ako?” Itinaas ni Eeya ang mga kamay na pagprotekta niya sa sarili kahit wala pa iyong magagawa para sa kanya. “K-Kahit makuha mo ang kapangyarihan ko ay wala ring silbi iyon dahil mahina lang ako. Hindi ako nakaklaban nang wala si Isagani. Iyon pa lang malalaman mo na isa lang ako mahinang klaseng tagapangalaga,” natatarantang wika ni Eeya.
Umiling ang lalaki. “Hindi iyon. Hindi mo lang ako naaalala pero ako iyong lobo na tinulungan mo. Ginamot mo pa nga itong sugat ko.”
“Lobo?” ani Eeya sa isip. Isang paraan lamang ang naaisip niya para malaman kung totoo nga ang sinasabi ng elemento sa kanyang harapan. Mabilis niyang hinablot ang kamay nito saka nilisya ang damit nito.
“Patingin ng kamay mo,” aniya. Laking gulat niya nang naroroon nga ang panyo na ipinantali niya sa lobo na kanilang nakaharap na siyang nagbagong anyo para magpanggap bilang elementong ahas.
“Ikaw nga! Ikaw yung nagpanggap na elementong ahas!” ani Eeya nang tignan ito.
Nakangiting tumango ang lalaki. “Ako nga. Pasensya na sa gulong ginawa ko kanina.” Walang anu ano ay lumapit ang lalaki sa kanya at niyakap ito. “Pero natutuwa ako na naalala mo na ako.”
Pinilit ni Eeya na maitulak ito palayo sa kanya ngunit mahigpit ang yakap nito sa kanya. “Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik mo. Bakit ka ba bigla na lang nawala?”
“A-Ano? Ano bang pinagsasasabi mo?”
Kumalas sa yakap ang lalaki at marahang hinawakan ang pisngi ni Eeya nang makita ang mga ito. “Nagpasya ako na sa oras na mahanap kita ulit ay magtatapat na ako ng tunay kong damdamin para sa `yo.”
“Ha? Teka sandali. Pakinggan mo muna ako,” ani Eeya ngunit tila hindi siya naririnig ng lalaki na muling yumakap sa kanya.
“Hindi na ako papayag na mawala ka ulit sa piling ko.”
“Sandali lang. Mukhang nagkakamali ka. HIndi ako ang--”
Natigil si Eeya sa pagsasalita nang bumukas ang malaking bintana na kung saan iniluwa niyon si Isagani. “Eeya, malamig ang gabi. Baka gusto mong tabihan--”
Hindi na naituloy ni Isagani ang sasabihin nang makita niya ang dalaga na may kayakap na iba. Mabilis na itinulak ni Eeya ang lobong nakayakap sa kanya. “Isagani!”
“Anong ginagawa mo?! Sino iyang kayakap mo?! Kung kailan nagdesisyon akong humingi ng tawad ay ganito ang isasalubong mo!” sigaw nito.
“H-Hindi! Sandali! Siya si--”
“Ikaw yung lobo na nakalaban ko! Anong ginagawa mo rito?!” ani Isagani na umakma ng anggas na animo’y susuntok.
“Nandito ako para magtapat kay Eeya. Gusto ko siyang maging kasintahan!” matapang na bulalas ng lobo.
“Magtapat?! Maging kasintahan?!” Tumitig si Isagani sa lobo at hindi nagtagal ay ngumiti ito na nagpakata sa lobo.
“Hindi mo nga magawang makapag anyo ng tao nang maayos at sasabihin mo ngayon na gusto mong agawin si Eeya sa akin?” Ngumisi ito. “Nababaliw ka na.”
“Bali na kung baliw!” Nag sangga ng mga kamay ang lobo na kanyang paraan upang magpakita na handa itong lumaban. “Kung lalaban ka ay hindi ako mag aatubiling kalabanin ka!”
Malakas mang elemento si Isagani ay may maikli naman itong pasensya na agad nagalit nang hamunin siya ng lobo. “Hindi ako uurong!”
Mabilis na nilapitan ni Eeya si Isagani para pigilan ito. “Sandali lang! Kumalma nga kayo! Mag usap muna kasi tayo!”
“Ano pa bang pag uusapan?!”
“Hindi kasi tayo nagkakaintindihan!” sigaw ni Eeya. “Nagkamali lang siya sa pagkakakilala sa akin!”
“Pinagtatanggol mo pa siya ngayon?!” galit na bulalas ni Isagani. “Lumayo ka. Tatapusin ko lang `tong lobo na `to!”
Itinaas ni Isagani ang kanyang kamay at hindi nito napansin dahil sa kanyang inis na nakapagpakawala siya ng kapangyarihan na tumama kay Eeya dahilan upang masira ang damit nito.
“Eeya!” sabay na sigaw ng dalawang elementong kasama niya.
“Hindi ko sinasadya!”
Agad na lumapit ang dalawa kay Eeya na bahagyang nasaktan dahil sa kapangyarihan ni Isagani nang siya namang akma ng pagbukas ng pintuan ng silid na iniluwa ang guro ng dalaga.
“Eeya! Ikaw na lang ang hinihintay! Ano bang ginagawa mo?” galit nitong bungad. Ngunit nang sa kanyang makita na hindi lamang nag iisa ang kanyang estudyante at bukas pa ang kanyang damit ay pumutok ang ugat sa kanyang ulo sa galit.
“Eeya!!”
Kunot ang noo ng dalaga habang kumakain ito ng hapunan sa bulwagan kung saan naroroon din ang kanyang mga kamag aral. Pulang pula pa rin ang kanyang mukha dala ng kahihiyan na hindi lamang nalaman ng kanyang guro maging ng kanyang mga kamag aral na siya na lamang ang pinag usapan simula ng dumating siya.
“Talaga ba? Dalawang gwapong lalaki ang kasama ni Eeya?”
“Oo! Mga lokal dito sa lugar na `to. Silang tatlo lang sa kwarto niya at sira pa ang damit niya!”
“Sandali, eh bat ganon `yung itsura n`ong isa? May pa-costume pa?”
“Baka naglalaro ng amoy!”
“Hindi talaga natin masasabi sa itsura `yong totoong ugali ng isang tao.”
Pinipili ni Eeya na huwag ng patulan pa ang kanyang mga naririnig na utos na rin ng kanyang guro. Nakapagpaliwanag at nakalusot man siya sa nangyari ay alam niyang hindi niya maiiwasan na mapag usapan dahil alam din niya na hindi maganda ang akto na nakita ng kanilang guro.
“Nagpunta tayo rito, Eeya para magdasal at magpasalamat. Ikaw ah, kung anu anong ginagawa mo. Hindi yata namin kilala `yang ugali mo pagdating sa mga lalaki,” pambubuyo ni Rea sa kanya.
“Tumigil ka nga. Ayoko na lang magpaliwanag,” ani Eeya na makailang beses na sumubo sa pagkain niya.
Patuloy man sa pambubuyo sa kanya ang mga kaibigan niya at ilan pang mga estudyante ay wala roon ang isip ni Eeya. Hindi man siya sigurado sa tunay na intensyon ng lobo ay sigurado naman siya na may basbas na iyon ng diyos na ang tangging makakagawa ay isa ring tulad niyang tagapangalaga ng templo.
“Sigurado gunoi guni ko lang `yon o dahil hindi ko pa talaga kayang makontrol ang kapangyarihan ko,” aniya sa isip. Nang bigla na lang pumasok sa kanyang isip si Isagani na siyang dahilan kung bakit lalong napalala ang sitwasyon dahil sa pagkasira ng kanyang damit.
“Talagang makakatikim ng galit ko si Isagani!”