Kabanata 30

1532 Words
Nagpasya ang dalawang elemento na  hintayin na lamang si Eeya sa kagubatan nang hindi na sila makita pa ng mga kamag aral nito at maiwasan ang gulo. Nakakaramdam ng lamig sa katawan si Isagani na alam niyang hindi pangkaraniwan sa isang malakas na elementong tulad niya ngunit ipinang kibit balikat niya lamang ito. “Hoy, Lobo!” pagkuha nito sa atensyon ng kasamang elemento na hindi man niya nais makasama ay wala itong magagawa dahil alam niyang galit na si Eeya at ayaw na niyang madagdagan pa ito. “Magpaliwanag ka. Ano itong ginagawa mo?” Tumingin sa kanya ang lobo na imbes na sumagot ay nagtanong din ito sa bumabagabag sa kanyang isip. “Talaga bang gusto ka ni Eeya? Anong relasyon ninyong dalawa?” Tumaas bigla ang tingin ni Isagani sa kanyang sarili dahil malakas ang kumpyansa nito sa relasyon nila ng dalaga. “Kasintahan ko siya. Kaya huwag ka ng umasa na--” “Mabuti kung ganon!” Malaki ang ngiti ng lobo na tila ba nabunutan ng tinik sa kanyang dibdib sa narinig. “Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi mo.” “Ha?! B-Bakit?” Takang taka si Isagani sa inasta ng lobo. “Dahil ibig lang sabihin niyon na may pag asa ako kahit hindi ako tao. Pwede niya rin akong mahalin kahit isa akong elemento.” Tumaas ang kilay ni Isagani na muli na namang umusbong ang galit niya para sa kasama. “Iyon pala ang ibig niyang sabihin,” anito sa isip. “Salamat sa impormasyon. Mauuna na ako,” wika ng lobo nang humakbang ito palayo. “Sandali, totoo bang gusto mo si Eeya at hindi ka lang nagsisinungaling para lang makuha ang kapangyarihan niya?” seryosong wika nito. “Siya lamang ang gusto ko at wala ng iba. Bago ka pa niya nakilala ay laman na siya lang ang laman ng puso ko.” Tumikhin na lamang si Isagani sapagkat alam niyang nagsasabi ng totoo ang lobo. Hinayaan na niyang umalis ito ngunit hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang pagdududa sa tunay na katauhan ng lobo.   Nagtungo ang lobo sa pusod ng kagubatan upang makalayo kay Isagani sapagkat muli niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang kapangyarihan. Gayunpaman ay masaya ito dahil sa wakas, matapos ang ilang taong paghahanap ay nakita na niya rin ang matagal na niyang hinahanap. Humawak na lamang ito sa puno nang maramdaman ang panginginig ng kanyang mga paa. “N-Nakita ko rin siya… Kaunting panahon pa… Kaunting panahon pa ang ibigay ninyo sa akin.” Tumingala ang lobo sa malaki at maliwanag na buwan upang humiling. “Sapat na sa akin ang kaunti pang panahon… Nais ko lang makitang muli ang ngiti niya.” Sa likod ng pisikal niyang panghihina ay tanging ang mga alala ng nag iisang mortal na kanyang mahal ang siyang nagpapalakas sa kanya. Mga aalala na matagal na niyang pinang kakapitan upang patuloy na mabuhay sa kabila ng maiksi niyang buhay. Ilang beses na siyang nahuli ng babaylan sa templo ngunit hindi niyon nagagwang mapigilan siya sa pagbalik masilayan lamang ang tagapangala ng templo lalo na’t sa mga panahong nagsasayaw ito sa kailaliman ng maliwanag na buwan. Ilang beses man siyang masaktan sa kapangyarihan ng babaylan at masugatan ay alam niyang iyon lamang ang paraan upang mapalapit siya sa tagapangalaga ng templo na siya ring paulit ulit na tumutulong at nagpapagaling sa kanyang mga sugat. Bilang isang mahinang elemento lamang ang lobo ay lagi itong mag isa sa kanyang pag aaligid sa mundo ng mga mortal. Ang kabaitan ng tagapangalaga ang siyang tanging naging dahilan niya upang magpatuloy na mabuhay sapagkat nakakita siya ng kaibigan dito. Madalas rin tampulan ng tukso ang lobo sa kapwa niya elemento dahil sa kahinaan nito at sa tuwing masasaktan siya ay sa templo siya pupunta dahil alam niyang pagagalingin siya ng kanyang natatanging kaibigan. Sa malambing niyang mga ngiti ay nahulog ang kanyang loob. Nagmistulan siyang liwanag ng araw na nagbibigay ng init sa kanyang buhay. Sa isang tingin ng tagapangalaga ay tuluyang natutong magmahal ang isang elementong tulad niya. Minsan na siyang nangakong hindi na magpapanggap na isang malakas na elemento kapalit ng kaligayahan ng kanyang minamahal. Tanging hiling niyang kapalit ay makita ang mga ngiti nito habang buhay.   “Eeya… Eeya.” Wala pa sa kailaliman ang tulog ni Eeya nang marinig niya ang pagtawag sa kanyang pangalan. Sa kanyang pagmulat ay bumungad sa kanya si Isagani na halos pagapang na lamang na patungo sa kanya. “T-Tulungan mo ako…” Mabilis na sinalubong ni Eeya ang kasintahan. “A-Anong nangyari? May nakalaban ka bang elemento?!” Mabibigat ang paghinga ni Isagani nang yumakap ito sa dalaga. “Magsalita ka! Anong nangyari sa `yo?” pasigaw man ay pinipilit ni Eeya na huwag magising ang mga kasamahan niya sa silid na mahimbing na ang tulog. “M-Masyadong… Masyado akong… nagselos.” “Ha?!” “Sobrang selos ay naubos ang lakas ko…” Pinilit ni Isagani na maianggat ang kanyang ulo nang matignan ang mga mata ni Eeya. “Eeya, nasa hangganan na ako. Hayaan mo akong yakapin ka.” “H-Hindi! S-Sandali!” Tinignan ni Eeya ng mga kasamahan na inaalala na baka magising ang mga ito. “Huwag mo na silang isipin. Hindi sila magiging dahil naglagay na ako ng kapangyarihan sa paligid.” Tinukop nito ang kanyang kamay sa pisngi ni Eeya upang hagkan ito ngunit umurong ang dalaga. “Hindi naman iyon ang problema!” “Problema iyon para sa akin! Mamamatay ako, Eeya!” Ngumisi ang dalaga na hindi naniniwala sa kasintahan. “Mamamatay? Hindi mo ako mapapaniwala d`yan! Malakas kang elemento hindi ba? Hindi ka sa ganitong paraan mamamatay!” Sumabog ang galit ni Isagani at hindi na napigilan pa ang sumigaw. “Hindi mo naiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko! Dahil sa pagkuha mo sa kapangyarihan ko nang patawan mo ako ng orasyon ay kailangan ko ang katawan mo para mabuhay ako!” Batid ni Eeya na kasalanan niya iyon ngunit hindi siya handa sa naging kapalit niyon. “Alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit nais naming manatili sa mundo ninyo?” Umiling is Eeya. “Dahil takot kaming mag isa! Ang takot na maiwan ng mahal namin ang umuubos nang tuluyan sa kapangyarihan namin!” Bahagyang sinakmal ni Isagani ang baba ni Eeya nang mailapit ito sa kanya. “Tanggapin mo ang kapalit ng ginawa mo sa akin! Ibigay mo sa akin ang buong pagkatao mo! Dito! Ngayon!” Hindi na napigilan ni Isagani ang bugso ng kanyang damdamin at hinalikan niya ang kasintahan. Magpumiglas man ito ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanya. Sa sandaling paglapat ng kanilang mga labi ay nakakuha ng kaunting lakas si Isagani ngunit hindi iyon sapat. Nagawa ni Eeya namaitulak ang mukha ng binata. “Bitawan mo ako! Ayoko kapag ganyan ka! Hindi mo ako mapipilit sa gusto mo!” Mulin ipinilit ni Isagani ang kanyang sarili sa kasintahan kahit pa itulak niya ito palayo. “Hindi na ako papayag na gawin mo ang gusto mo!” “Ayoko, Isagani! Sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi mo ako iniintindi!” Nang marinig iyon ni Isagani ay tumigil siya sa pagpilit sa kanyang sarili sa dalaga. Natigil din ang pagpipiglas ni Eeya na tumingin sa kasintahan. “Hindi mo rin ako naiintindihan, Eeya. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong makasama ka habang buhay.” Magsasalita pa sana si Eeya nang bigla na lamang natumba si Isagani. Sa labis niyang panghihina ay kusang bumalik ang kanyang katawan sa pagiging maliit na ikinagulat ng dalaga. “Isagani!” Hinang hina ang maliit na katawan ni Isagani nang hawakan siya ni Eeya sa kanyang mga palad. Kitang kita niya na ang panghihina nito. “Kasalanan ko ito,” pagsusumamo niya. “Hindi ko naisip na magiging ganito kabigat sa `yo ang pagpapataw ko ng orasyon. Patawarin mo ako, Isagani.” Huminga nang malalim ang dalaga nang ihiga niya ang binata sa tabi ng kanyang kama. “Isagani,” anito. Bahagyang nagmulat ng mga mata ang binata. “Hindi ako maglalagay ng harang sa panaginip ko. Gawin mo ang dapat mong gawin nang magkaroon ka ng lakas.”   “Gawin mo na,” matapang na hamon ni Eeya nang magkita ang dalawa sa kanyang panaginip. Naroon man ay hindi maitago ni Isagani ang panghihina na pilitin man niyang lumapit sa dalaga ay nahihirapan ito. Kinalimutan ni Eeya ang boses na pumipigil sa kanyang isip at humakbang ito patungo sa kasintahan. Sumungad ng malalalim na halik si Eeya na maputlang labi ni Isagani. Animo’y nabaliw sa bugso ng lakas na sa kanya ay umagos mula sa dalaga. Pilit na sumisigaw ang kanyang isip na tumigil ngunit ang bawat hawak ng mainit na mga palad ni Isagani sa kanyang bewang ay nagsisilbing dahilan upang magpatuloy siya at kalimutan ang kanyang prinsipyo. Napatingala na lamang si Eeya nang ilakad ni Isagani ang kanyang mga labi sa kanyang leeg na umabot pa sa kanyang dibdib. Ramdam niya hindi lamang ang mabilis at malakas na t***k ng kanyang puso maging ang ang puso ng binata na nakadagan sa kanyang tiyan. “Sa akin ka lang, Eeya,” bulong nito. “Ngayon at kailanman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD