Nakalapit man si Isagani sa templo kung saan nakatira si Eeya kasama si Landon ay hindi niya makagawang makalapit sa dalaga. Mula sa itaas ng puno kung saan nakatungtong si Isagani ay ramdam na ramdam niya ang lakas ng kapangyarihang bumabalot sa templo. Lakas na pumipigil sa kanyang makalapit. Lakas na sa oras na pasukin niya ay tiyak na mararamdaman ng mga babaylan. Batid ni Isagani na alam nilang babalik siya para kay Eeya ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganoon kahigpit ang mga babaylan sa kanya. Nakaramdam ng mga kaluskos si Isagani mula sa likuran ng templo na kanyang agad pinuntahan. Taimtim na nanagninilay ang anim na babaylan. Balot ang bawat isa sa kanila ng kapangyarihan na sa bawat paglipas ng segundo ay lalong lumalakas. Alam ni Isagani na hindi magandang balita iyon p

