Malayo man sa loob ni Eeya na tanggapin ang nais niyang gawin ni Landon ay sumama pa rin ito sa kanilang bulwagan kung saan pag uusapan ang paglusob sa lagusan sa mundo ng mga elemento. Paglabas pa lamang ni Eeya kasama si Landon ay sinalubong na siya ng mga babaylan kasama na ang kanyang mga magulang. Hindi naiwasan ni Eeya ang tingin ng mga ito. Alam niyang ang lahat ay umaasa na siya ang makakapag bukas sa lagusan. Hinarap ng dalawa ang lahat na hinintay ang kanilang hudyat upang umpisahan ang usapan. Ramdam ni Landon ang kaba ni Eeya kaya naman hinawakan niya ang kamay nito at marahang lumapit sa kanyang mukha. "Maraming taon ng lumalaban ang lahi natin para sa kapayapaan ng mundo. Alam kong pinanghihinaan ka ng loob pero tumingin ka sa harapan mo. Lahat sila umaasa sa iyo." Pinagm

