Kanabata 19

1643 Words
Mula sa pag aayos sa loob ng templo ay napalabas si Eeya nang marinig ang mga pagsabog sa labas. Nakita niya si Joaquin na kausap ang elemento at nakita rin nito ang pakuha nito sa dahon. Nang makita ni Isagani ang pagkuha ni Joaquin sa makapangyarihang dahon mula sa elemento ay agad itong tumayo at nilipad ang kanilang kinaroroonan. Hinarap niya ang babaylan. “Iniligtas mo man ang buhay ko ay iba na ang usapan pag dating sa mundo naming mga elemento. HIndi ko hahayaan na makapasok ka roon.” “Joaquin! B-Bakit mo kinuha ang dahon?” Buong akala ni Eeya ay may pagbabago nang nangyari sa intensyon ni Joaquin dahil sa pagsasama nila ni Isagani ngunit nagkamali siya. Ang pagkulong ni Joaquin sa elemento at pagkuha ng dahon nito ay isang malaking patunay na buo pa rin ang kanyang intensyon na basbasan ang mga elemento. Batid niyang nasa panganib ang lahat ng elemento sa oras na makapasok si Joaquin sa lagusan. “Nais ko pa ring malaman ang pinagtataguan ng mga elemento lalo pa’t alam ko na ngayon na ang lagusan ay narito lamang. Alam kong pipigilan mo ako kaya pinili kong maging malapit sa iyo. Maswerte ka pa nga at hindi kita sinaktan kahit kayang kaya kong gawin iyon nang mga panahong naghihina ka.” “Ngayon ay ipinakita mo na rin ang tunay mong intensyon, Babaylan. Ngayon ay hindi na ako magpipigil ng kapangyarihan!” Mula sa kamay ni Isagani ay nagpakawala ito ng napakalakas na hangin na bumalibot sa kanyang buong katawan. Napaurong si Joaquin sapagkat naramdaman niya ang hagupit ng lakas na iyon ng kanyang kalaban. “Hindi ako makakapag na gawin mo ang gusto mo. Mundo ko ang nakasalalay rito.” Sa bawat lakad ng elemento ay siyang paglabas ng mga ipuipo sa paligid. Nagliparan ang mga parte ng templo na hinigop nito maging ang mga puno at halaman sa paligid. Walang anu ano ay mula sa ipuipong ito ay nagmula ang mga matatalim na hangin na siyang umatake kay Joaquin. Nakaiwas man hindi nag alinlangan ang babaylan na umatake gamit ang kanyang binasbasang papel na kanyang ginawang apoy. Hinarap niya ang elemento at sa sapat na distansya niya mula sa kalaban ay pinawalan niya ang apoy mula sa kanyang kamay. Magkakasunod na pinakawalan ni Joaquin ang apoy na nagmistulang pagsuntok sa katawan ni Isagani. Bawat nag aapoy na suntok ay tinanggap ni Isagani. Hindi siya makagawa ng anumang paglaban sa mabilis na galaw ng kanyang kalaban. Sa huli at pinakamalakas na pagsuntok ni Joaquin ay tumilapon ang kanyang kalaba na sumira pa sa templo. Ngunit alam niyang hindi pa nagtatapos ang laban. Dahil sa paghupa ng buhanging humalo sa hangin ay nananatiling nakatayo si Isagani. Balot na ang kanyang katawan ng hangin na nagpapalakas sa kanya. Batid niyang hindi na uumbra ang mga binasbasan na papel. Pinalakad niya ang kanyang kapangyarihan patungo sa kanyang katawan. Hindi nagtagal ay maging ang kanyang katawan ay inari na ng apoy. Mabilis na sumugod muli si Isagani ngunit nang makalapit siya kay Joaquin ay naharangan lamang ito ng apoy na dingding. Ngunit hindi iyon napigilan na muling sumugod si Isagani. Sa bawat suntok na kanyang pakawalan ay siya ring pagprotekta ng apoy na harang kay Joaquin. Mataas ang lundag ni Joaquin upang bumwelo ito sa pagsugod sa kanyang kalaban ngunit agad namang pinasundan ni Isagani ng malakas na hangin na kanyang binunga. Itinuon ng babaylan ang kanyang apoy sa kanyang kamao na sa kanyang pagbaba ay mabilis na humalo sa hangin na nakapalibot kay Isagani. Ngunit lingid sa kaalaman ni Isagani ay sa paglundag ni Joaquin ay nagpakawala na ito ng bitag sa palibot niya. Hindi niya iyon naramdaman sapagkat sinadya ni Joaquin na abalahin siya sa kanilang laban. “Kaawa awa ka. Muli ka na namang nahulog sa bitag ko.” Naramdaman na lamang ni Isagani ang pagpalupot sa kanya ng mga kadenang dati ng bumihag sa kanya. Unti unti ay nawala ang malakas na kapangyarihang bumalot sa kanyang katawan. “Kailan mo--” “Galit ang pinapairal mo at naging bulag ka sa galaw ko. Ngayon ay tatapusin ko na ang laban na ito,” ani Joaquin. Itinaas niya ang kanyang palad na kanya pang sinugatan upang gawing epektibo ang kanyang kapangyarihang naka paloob sa rehas. Sa isang pitik ay lumabas ang malakas na pwersa patungo kay Isagani na sumira sa kanyang suot na damit. Sumama sa hangin ang kanyang dugo na nagmula sa mga maliliit na sugat gawa ng pwersa sa kapangyarihan ng babaylan. “Isagani!” Mula sa pagkakayap sa malaking puno ay bumitaw si Eeya nang makita ang pagkatalo ng elemento. Nanghihina man ang kanyang mga paa sa pagpupumilit na hindi matangay ng hangin at apoy mula sa laban ng dalawa ay pinilit niyang makatakbo upang saklologan si Isagani. “Patawarin mo ako pero hindi ko hahayaan na pigilan mo ang ginoo.” Pinigilan siya ni Nume na humarang sa kanyang daraanan. Humakbang si Joaquin upang ilapit ang kanyang kamay sa dibdib ni Isagani upang tuluyan itong basbasan at matalo. At nang kanyang ituon ang kanyang kapangyarihang pang basbas ay bigla na lamang iyong nanghina. Sa kabila ng pagkakagapos ay nakagawa pa rin si Isagani ng hangin na siyang pumaikot sa kamay ni Joaquin. “Ano pa ba ang balak mong gawin sa sitwasyon mo?” “Nabihag mo man ako ay hindi ako makakapag na matalo. Ako ang pinuno ng mundo ng mga elemento! Hindi ako makakapayag na saktan mo ang sinuman sa mga kauri ko!” Gamit ang huli at natitirang lakas ni Isagani ay nagpakawala siya ng ipuipo na nagmula sa kapangyarihan sa kanyang puso. Nagawa niyon na mapawalang bisa ang mahika sa kadeda dahilan upang tuluyan itong masira. Batid ni Joaquin na ang mahika na inihahanda ni Isagani ay hindi makakabuti para sa kanilang dalawa. “Tumigil ka! Pareho tayong mapapahamak sa gagawin mo!” Ngunit wala ng naririnig si Isagani. Alam niyang iyon na lamang ang paraan upang mailigtas niya ng mundo ng mga elemento mula sa kapangyarihan ng babaylan. “Kung mamamatay ako ay isasama kita sa kamatayan ko!” Napatakip na lamang ng bibig si Eeya nang ang hangin ay tuluyang pumalupot sa dalawa. At sa pagsabog nito ay kalakip ang dugo na nagmula sa dalawang magkalaban. Tumakbo si Eeya upang lapitan ang dalawa. Pigilan man siya ni Nume ay tila ba napako ito sa kanyang kinatatayuan nang hawakan siya sa balikat ng dalaga dahil sa paglabas ng kanyang kapangyarihan bilang tagapangalaga ng templo. Tuluyang bumagsak ang katawan ni Isagani na siyang mas napuruhan sa kanyang ginawa. Napaluhod man si Joaquin at napawalang bisa ang kanyang kapangyarihan ay may lakas pa ito upang makapagsalita. Tila ba binuhusan ng malamig na tubig si Eeya nang makalapit siya sa dalawa. Puno ng dugo ang katawan ni Isagani at kapansin pansin din ang panghihina ni Joaquin. Nais man niyang tumulong ay hindi niya alam kung sino ba ang kanyang uunahin. “Eeya,” bulong ni Joaquin. “Alam kong magpa hanggang ngayon ay naiisip mo pa rin na ginamit kita para matunton ko ang elemento sa bayan ito ngunit ang nararamdaman ko para sa `yo ay totoo. Hindi magiging madali para sa katawan ko ang labanan ang kapangyarihan ipinataw ng elemento. Kaya naman nais kong malaman ang sagot ko. Mahal kita, Eeya.” Unang beses pa lamang nakita ni Eeya ang larawan ni Joaquin ay nagustuhan na niya ito. Naging mas masaysa siya nang maging malapit sila nang tulungan niya ito sa kanyang pag aaral. “Joaquin, inaamin kong nagustuhan kita noong una kitang nakilala. Madali lang ang mahulog sa iyo dahil sa kabaitan mo. Totoong marami tayong pagkakapareho at bagay tayo bilang isa kang babaylan at isa ako tagapangala ng templo. Ngunit nang magtapat ka sa akin ay pinag isipan ko ang lahat nang mabuti.” Hinawakan ni Eeya ang kanyang puso na labis ang pagtibok. “Ngunit iba ang nararamdaman ko para sa `yo. Nagustuhan kita dahil naging mabait ka sa akin. Nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan mo. Pero hindi iyon katulad ng nararamdaman mo para sa akin.” Nagawa ni Eeya ang humakbang patungo kay Isagani na nanatiling nakahiga sa lupa. Umupo siya sa tabi nito at inanggat ang kanyang ulo. “Pero si Isagani, hindi ako mapakali kapag wala siya. Inaamin kong naiinis ako sa mga ginagawa niya pero hinahanap hanap ko pa rin siya. Naging malapit kami sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaiba namin. Kahit anong pigil ko ay hindi ko makaya na wala siya sa tabi ko.” Napayuko na lamang si Joaquin sa kanyang mga narinig. “Sa huli ay siya ang pinili mo,” bulong niya, “Patawad, Joaquin. Pareho kayong mahalaga para sa akin.” NIiyakap ni Eeya si Isagani na wala pa ring malay. “Hindi ako makakapag na mawala kayo.” Sa kanyang pagpikit ay siyang paglabas ng maliliit na bilog na liwanag sa kanyang paligid. Ang mga sugat na natamo ng dalawa ay unti unting nawawala sa kapangyarihan ng dalaga. “Kaya mo ng gamitin ang kapangyarihan mo,” ani Joaquin na hindi napigilan ang magulat sa mabilis na paggaling ng kanyang mga sugat. “Alam kong bilang tagapangalaga ng templo ay ang pagbabasbas sa mga elemento ang tungkulin ko.” Tumayo si Eeya upang harapin si Joaquin at protektahan si Isagani na nasa kanyang likuran. “Sa pagpapalitan namin ng pangalan ni Isagani ay nabuo ang kontratang nagbuklod sa amin habang buhay. Hindi man buo ang kaalaman ko sa taglay kong kapangyarihan ay gagawin ko ang aking makakaya upang protektahan siya at ang mundo ng mga elemento.”   Bago pa man makatayo si Joaquin upang harapin si Eeya at bigla na lamang sumulpot si Lyxa sa kanyang harapan. “Tumahimik ka!” sigaw niya sa dalaga. “Wala na akong pakialam pa kung sino man ang gusto niya. Habang buhay kong puprotektahan ang ginoo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD