Kabanata 18

1737 Words
Ngiting tagumpay ang naka ukit sa mukha ni Mona pagkalabas niya sa opisina ng mga guro. Lahat ng kanyang nalalaman ay sinabi niya rito. Wala na siyang pakialam pa sa kung ano ang mangyayari maging kay Joaquin. Hinintay niyang maipatawag ang isa pa sa mga kamag aral niya na kung saan may nakapagsabi sa kanya na may nakita rin itong dapat isumbong. Maliit man ang kanilang paaralan ay matagal na ang reputasyon nito sa pagkakaroon ng mga mag aaral na may moral. Hindi papayag ang paaralan na may mangyaring imortal lalo pa’t nangyari iyon habang ang aktibidad ay sila ang nagpalakad. Nakayuko ang lalaki na siya ring ipinatawag dahil nabanggit ni Mona ang kanyang pangalan. Hindi man siya handa na magsabi ay wala na siyang magagawa pa. Hindi niya magawang tignan si Mona na alam niyang sinadyang hintayin siya sa labas ng opisina. “Sabihin mo lahat ng nakita mo,” bulong ni Mona bago niya ito tuluyang buksan ang pinto. Pagpasok pa lamang niya ay alam na niyang galit ang guro na naroroon. Pinalapit siya nito at kahit kabado man ay alam niyang kailangan niyang sabihin ang lahat ng kanyang nakita. “Noong umaga po ng pagtatapos ng bakasyon. Nakit ko si Eeya natutulog sa silid ni Joaquin. Alam ko pong mali pero hindi ko sinabi kasi natakot po ako. At noong puntalan ako kina Joaquin kamakailan lang…” Nag alinlangan ito sa kanyang nais sabihin. “Ano? Ano ang nakita mo?” “Pumunta kami roon kasama ang mga kaibigan ko para maghiram ng aralin kay Joaquin at nakita ko na naroroon si Eeya. Kasama niya `yong lalaking gwapo na bumisita na sa paaralan noon at si Joaquin naman may… may kasamang ibang babae na mukhang mas matanda sa kanya.” Hindi maaaring mag isip nang kung anu ano ang guro sa kaunting detalye na sinabi ng kanyang estudyante. Ngunit hindi niya maipagkailan ang pagkagulat sa kanyang mga narinig.  “Sabihin mo lahat ng nakita mo. Lahat ng detalye.” “Nakapatong… kay Eeya… tapos kay Joaquin…” Hindi masabi nang buo ng lalaki ang detalye sapagkat hindi niya aatim na muling tandaan ang nakitang pilit niyang kinakalimutan.   Sa labas ng gusali ng klase ni Eeya ay rinig na rinig niya ang mga kamag aral na pinag uusapan siya at si Joaquin. Alam niyang kalat na ang balita. Wala mang katotohanan ang ibang detalye sa kanilang mga kwento ay hindi niya magawang maipagtanggol ang kanyang sarili. Mas inaalala niya ay si Joaquin. Alam niyang maaaring mapaalis si Joaquin sa paaralan at madungisan ang malinis niyang reputasyon. Napaluha na lamang si Eeya sa kanyang mga naririnig. “Paano ito nangyari? Hindi ako naging mainggat. Pati tuloy si Joaquin mapapahamak dahil sa akin.”   Nang mga oras na iyon ay sunod na ipinatawag si Joaquin sa opisina. Batid ng guro na siya ang dapat unahing kausapin lalo pa’t baguhan lamang ito sa paaralan. Hindi maliwanag kay Joaquin ang dahilan kung bakit siya ipinatawag sa gitna ng klase. Wala siyang naririnig sa mga haka haka sapagkat sadyang iniiwasan siya ng kanyang mga kamag aral. “Joaquin, maupo ka. Tayo lamang dalawa rito at nais ko sanang magsabi ka ng katotohanan,” kalmadong wika ng guro. “Anong ginagawa ni Eeya sa silid mo sa gabi ng bakasyon?” Nagulat man si Joaquin ay hindi niya ipinahalata ito sa kanyang guro. Alam niyang malaking eskandalo ang kinasasangkutan niyang gulo. At maging si Eeya ay ikakapahamak ito kung hindi siya makakapag paliwanag nang maayos. “Nakarating din sa akin ang balita na sa bahay ninyo nakatira si Eeya at may kasama kang mas matandang babae roon. Sa pagkakaalam ko ay wala kang kamag anak na nakatira rito. Paano mo iyo ipapaliwanag, Joaquin.” Alam ni Joaquin na mahigpit na ipinagbabawal ang matulog ang dalawang estudyante  sa iisang silid lalo pa’t babae at lalaki ngunit nang araw na iyon ay hindi siya makakapayag na pabalikin si Eeya sa mga kaibigan niya. Nangahas pa rin siya dahila alam niyang mapapahamak ito. Noong araw naman ng pagbisita sa kanya ng mga kamag aral sa kanilang bahay ay hindi niya na naisip na makikita pa nila si Eeya. Wala man silang ginagawang masama ay hindi niya hawak ang interpritasyon ng iba sa kanilang pagsasama sa iisang bubong. Lalong nakasama sa sitwasyon ang ginawa ni Lyxa na nagkataon namang nakita ng kanyang kamag aral. Alam niya ang intensyon ni Lyxa noong araw na iyon ngunit napigilan niya iyon. Gayunpaman ay hindi niya maaring sabihin ang pawang katotohanan sa kanyang guro lalo pa ang pagkatao ng mga kasamahan niya sa bahay. “Una sa lahat, Guro nais kong malaman mo na hindi ko alam kung paano naging ganito karumi ang isip ng mga kamag aral ko. Ang mga nakita nila ay aktong oras lamang para makapag isip sila ng mali sa mga nangyayari. Totoong natulog si Eeya sa silid noong gabi ng bakasyon ngunit ako ang lumipat ng silid at bumalik na lamang doon para gisingin siya,” nakangiting sabi ni Joaquin. “Alam ko na alam mo na mabuti ang pamilyang pinanggalingan ko at hindi ko kakayanin na madungisan iyon. Mabuti ang intensyon ko kay Eeya. Inaalagaan ko lamang siya sa mga kaibigan niyang nais manakit sa kanya.” Nagpanghalukipkip ang guro na unti unti ng naliliwanagan sa mga pangyayari. “At ang babae sa bahay mo?” “Tagapangalaga siya ng matandang bahay na ipinamana sa akin. Hindi na siya dapat pang isama sa gulong ito. Kawawa naman ang matanda na wala namang alam sa mga nangyayari.” Mag mga karagdagan mang mga tanong ang kanilang guro ay nagawa ni Joaquin na maipaliwanag iyon nang napapaniwala niya ito. Sa huli ay humingi pa ng paumanhin ang kanyang guro sa kanya at sa mga nangyayari at nangako na muling kakausapin ang mga kamag aral niya para hindi na magkalat ang mga ito ng mga mali maling balita.   Pagkalabas ni Joaquin sa opisina ay nakita niya si Eeya sa hindi kalayuan. Agad na tumingin sa kanya ang dalaga na may pag aalala sa kanyang mga mata. Nilapitan niya ito. “Hinintay mo ba ako?” Nang makalapit ang binata ay hindi na napigilan pa ni Eeya ang humagulgol nang iyak. Sinisisi pa rin niya ang sarili sa gulong sinangkutan nilang dalawa. “Patawad, Joaquin. Hindi naisip na mangyayari ito. Kasalanan ko dahil hindi ako naging maingat.” Hinawakan ng binata ang pisngi niya upang patahanin ito. “Huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyari. May kasalanan din ako. Hindi rin ako naging maingat.” “Pero… paano na? Ipapatanggal ka ba nila sa paaralan?” “Nakapag paliwanag na ko sa guro. Medyo nahirapan ako pero ayos na ang lahat. Huwag ka ng mag alala. Hindi na ulit iyon makapag uusapan.”   Matagumpay na naayos ni Joaquin hindi lamang ang gusot na kanilang kinasangkutan kundi maging ang nasirang templo ni Eeya. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan mula sa pagiging babaylan upang magawa iyon nang mas mabilis. Natuwaman sa kanyang natapos ay may lungkot siyang nararamdaman dahil aalis na si Eeya. Tanaw ni Joaquin ang malaki at bilog na buwan sa labas ng templo ni Eeya habang nagpapahinga ito. Upang mas maging ligtas ang templo para kay Eeya ay nilagyan niya ito ng harang upang hindi na makapasok pa ang mga elemento. Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng pagsabog sa hindi kalayuan. Batid niyang isang elemento iyon na sumubok na makapasok doon. Nahuli ng kanyang harang ang elemento na siya ring sumira ng templo. “Hindi ka pa rin tumitigil?” aniya rito. Nakulong ang elemento sa harang na kuryenteng nagpapigil sa kanya upang makagalaw. “Hindi talaga ko titigil hanggat hindi ko napapatay ang pinunong elemento! Ako ang karapat dapat para maghari sa mundo namin! Ako ang tatapos sa paghahari ng mga mortal!” “Ang panahon noon at panahon ngayon ay iba na. Mataas nga ang pamumuhay ninyo kumpara sa mga tao noon pero natalo kayo dahil din sa kanila. Umaasenso na ang mundo ng mga mortal ay unti unti na kayong nakakalimutan. At sa teknolohiyang meron ang mga mortal ngayon ay mas madali lamang kayong matatalo. Hindi na makakabuti pa ang ubusin ang mga mortal dahil tiyak na mauna pa kayo lalo na’t kakaunti na lang kayo.” Ngumisi ang elemento. “Kakaunti? Iyan ang alam mo.” Unti unti ay naisip ng elemento na walang alam ang babaylan sa mundong ginagalawan ng mga elemento. “Hindi mo alam kung nasaan ang ibang elemenot hindi ba? Mas marami pa kami sa inaakala mo. Alam kong pareho lang tayo ng nais, Babaylan. Nais mo ring matalo ang pinunong elemento. Bakit hindi na lang tayo magsanib pwersa nang sa ganoon ay madali natin siyang matatalo.” “At bakit mo naman naisip na sasang ayon ako sa `yo.” “Bilang kapalit ay sasabihin ko sa `yo kung saan ang lagusan ng mundo namin.” Lingid sa kaalaman ng dalawa ay narinig ni Isagani ang pagsabog na kanyang agad na pinuntahan. Nagtago ito pansamantala nang makita niyang magkausap ang dalawa. Marami mang naitulong sa kanya si Joaquin ay hindi pa rin nagbabago ang tingin niya rito. Naniniwala pa rin siya na may mas malalim na dahilan ang babaylan sa mga ginagawa niya. Lumabas si Isagani mula sa kanyang pinagtataguan upang salakayin si Joaquin. Sinadya niyang paghiwalayin ang dalawa nang hindi na maituloy pa ng elemento ang pagsabi sa lugar ng lagusan ng kanilang mundo. Agad na gumanti ng pag atake si Joaquin sa pamamagitan ng binasbasan na papel na nagpatilapon kay Isagani pabalik sa lugar na pinagtaguan nito. Dahil sa lason na nananatili pa rin sa katawan ni Isagani ay nahirapan itong makabangon muli. Agad inalis ni Joaquin ang harang sa elemento upang makuha ang mahalagang impormasyon na nais nito mula sa kanya. “Nasaan ang lagusan?” “Sa pinakamatandang puno sa bayan na ito naroroon ang lagusan patungo sa mundo ng mga elemento. Hindi ka basta basta makakapasok roon sapagkat kailangan mo ang ganito.” Inilabas ng elemento ang pirasong dahon mula sa kanyang bulsan. “Malamang ay hindi mo rin alam na ito rin ang gamit namin para makapagtago habang nasa mundo kami ng mga mortal.” “Salamat sa pagsabi sa akin ng mga sikretong iyan.” Muling inilabas ni Joaquin ang kuryente na kanyang agad na ipinanggapos sa elemento. “Hihiramin ko lang ito.” Kinuha niya ang dahon na ipinakita ng elemento na kakailanganin niya para makapasok sa lagusan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD