Kabanata 17

2020 Words
Mariin na napakapit si Lyxa sa dalang palamig para sa kanyang ginoo at sa kanilang bisita. Hindi man ito sang ayon sa pagpapatira sa mga ito sa kanilang bahay ay kailangan niyang sumunod dahil ito ang nais ni Joaquin. Ngunit ang kinatatakutan niya ang nangyari na. Narinig niya ang tunay na intensyon ng kanyang ginoo para kay Eeya, ang tagapangalaga ng templo. Tuluyan nang nahulog ang kanyang ginoo sa ibang babae. “Hindi ko agad ipinaalam sa `yo dahil inaalala ko na baka magbago ang pakikitungo mo sa akin matapos mo itong malaman. Hindi rin ako sigurado kung paano mo ito tatanggapin. Gayunpaman, maghihintay ako kung kailan ka magiging handa.” Ngumiti ang binata. Napayuko na lamang si Eeya na hindi alam kung ano ang sasabihin. Batid niyang dapat ay ikakasaya niya ang narinig mula kay Joaquin ngunit iba ang pintig ng kanyang puso. Nakita ng binata ang pagbagsak ng balikat ng dalaga. “Huwag kang magmadali. Kaya kong maghintay sa araw na maging handa ka. Hiling ko lang na sana kahit pa nalaman mo na ito ay hindi magbabago ang samahan natin.” Bahagyang tumango si Eeya. Tumango man ang dalaga ay alam ni Joaquin na may pag aalinlangan ito sa kanyang nalaman. May pagtingin man ito para sa kanya ay hindi niya intensyon na madaliin ito. Nais lamang niyang maging tapat sa dalaga lalo pa’t narinig na niya ito mula sa iba. “Matpusin mo na ang pag aaral, lumalalim na ang gabi.” Sa paglabas ni Joaquin ay noon lamang bumuhos ang kaba na pilit pinipigilan ni Eeya. Agad siyang nagsuklob sa kanyang kumot na hiyang hiya sa nangyari. Hindi niya sukat akalain na totoo ang balitang narinig niya sa paaralan. Wala siyang napansin na may pagtingin ang binata sa kanya. Namula man ang kanyang mga pisngi ay hindi lubusan ang saya na kanyang nararamdaman. Batid niyang dapat ay masaya siya. Nagugustuhan niya si Joaquin ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi niya tinanggap iyon gayong magandang pagkakataon iyon upang ipahayag din niya ang nararamdaman. “Bakit wala akong nasabi? `Di ba nagugustuhan ko siya?” aniya sa sarili na hinawakan pa ang kanyang puso na labis ang pagtibok. “Bakit hindi ko masabi?” May pag aalinlangang nararamdaman ang dalaga. Noong una ay sigurado siya na nagugustuhan niya ang binata dahil sa maraming magagandang katangian nito ngunit may kung anong pumipigil sa kanya na maging siya ay hindi niya maipaliwanag.   Kumatok si Joaquin sa silid ni Lyxa matapos niya itong gawan ng  gamot para lason mula sa sugat na kanyang natamo mula sa pakikilaban sa mga elemento. Dinatnan niya ang elemento na nakaupo at nakayuko. “Ano pang ginagawa mo rito?” mahina nitong tanong na hindi man nilingon ang kanyang ginoo.   “Narito ako para dalhan ka ng gamot.” Pumasok si Joaquin at nilapag ang baso sa mesa na kalapit ng elemento. “Hindi ko na iyan kailangan pa. Hayaan mo na lang ako malason. Kaya mo na naman ang sarili mo hindi ba? Marunong ka ng magluto. At tiyak na mayroon ng mag aalaga sa `yo,” aniya na nagpipigil ng mga luha. Hindi maipagkakaila ang pagtingin ni Lyxa kay Joaquin na maging siya ay alam iyon. “Lyxa, may nais akong sabihin sa `yo. Gusto kong hilingin sa `yo na huwag ka sanang umasa na--” “Tumigil ka!” Tumayo si Lyxa at sinunggaban ng yakap ang kanyang ginoo. Tuluyang buhumos ang luha na hindi na niya nagawang pigilan nang mapagtanto ang nais sabihin ni Joaquin. Kumalas ito sa pagkakayap sa binata at bahagya niya itong itinulak palabas ng kanyang silid. “Umalis ka na. Hindi tama ang magpunta sa silid ng isang babae lalo pa’t malalim na ang gabi.” Hindi na niya hinayaan pa si Joaquin na makapagsalita. Pagkalabas nito ay agad niyang isinara ang pinto. Alam man niyang kailanman ay hindi masusuklian ni Joaquin ang kanyang pagtingin ay hindi niya inaasahan na magiging masakit ang marinig na may ibang iniibig ang tanging mortal na kanyang sinisinta. Buong buhay niya ay inialay niya rito. Tinalikuran niya ang pagiging elemento at pinagsilbihan niya ito nang buong puso. Itinakwil siya ng kanyang pamilya dahil sa pag ibig sa hindi lamang basta mortal kundi isa pang babaylan. Ngunit wala siyang magawa noon, puso niya ang nagdidikta na hindi niya makayang matanggihan.   “May mga bisita akong darating ngayon. Manatili na muna kayo sa likod bahay nang maiwasan makita nila kayo,” ani Joaquin nang tahimik na nanananghalian ang lahat. Hindi pa rin magawa ni Eeya na tignan ang  binata matapos ang nalaman nito sa intensyon niya. Nananatiling tahimik si Lyxa na hindi pa rin maiwasan ang lungkot at galit na kanyang nararamdaman dahil sa mga nangyayari sapagkat wala siyang magawa para baguhin ito at ibalik sa dati. Tuwang tuwa naman sina Nume, Chacha, at Isagani sa masarap na pagkain na inihain ni Lyxa na hindi na nila nagagawa pang mapansin ang bigat ng hangin dulot ng tatlo nilang kasama. Matapos kumain ay bumalik si Eeya sa kanyang silid upang maipagpatuloy ang kanyang pag aaral. Lingid sa kaalaman niya ay sinamantala ni Isagani ang pagka abala ni Joaquin sa mga darating na bisita upang masundan niya ang dalaga. Naghimlamos muna ito at magpapalit sana ng damit nang maramdaman na lamang niya ang pagyakap sa kanya mula sa kanyang likod. Hindi man makita ay alam ni Eeya na si Isagani iyon. “Anong ginagawa mo rito? Mag aaral ako! Sinabiha ka na ni Joaquin na huwag mo muna akong guguluhin `di ba?” Pilitin man niyang tanggaln ang mga kamay na nakakapit sa kanya ay mahigpit ang mga iyon. “Ayoko na. Ilang araw na kitang hindi nakakasama. Abala ka lagi sa pag aaral mo. Sumunod naman ako kahit ayaw ko dahil alam ko na ngayon na mahalaga ang pag aaral sa `yo pero ubos na ang pasensya ko.” Lalong hinigpitan ni Isagani ang pagkakayap niya kay Eeya at hindi nito sinasadyang naitaas ang kamay sa mga dibdib ng dalaga. Napasigaw na lamang si Eeya nang maramdaman iyon. Dala ng kanyang galit ay inuntog niya ang likod ng kanyag ulo sa ulo ni Joaquin.   Hindi nagtagal ay dumating ang ilan sa mga kamag aral ni Joaquin upang kunin ang hiniling ng mga ito na leksyon para sa kanilang darating na pagsusulit. Namangha ang tatlong lalaki sa laki ng tirahan ni Joaquin. Hindi sila makapaniwala na totoo ang mga balita na mayaman nga si Joaquin at may minanang lupain mula sa kanyang mga ninuno. Malugod na tinanggap ni Joaquin ang mga ito at pinasapasok sa silid tanggapan ng kanyang tirahan. “Dumito muna kayo at kukunin ko lang ang mga libro.” Ngumit ang isa sa kanila ay naiihi na at nahihiya lamang na habulin si Joaquin para itanong kung saan ang palikuran. Ngunit hindi na niya ito matiis kaya naman siya na lamang mismo ang naghanap ng banyo. Sa kanyang paglalakad lakad ay nakarinig siya ng mga boses na nagmumula sa isang silid na hindi kalayuan sa kanya. “Bitawan mo nga ako!” sigaw ni Eeya. “Ayoko! Ang sakit kaya! Gaganti ako!” bulalas ni Isagani. Mabilis na nagawa ni Isagani na maihiga si Eeya sa sahig saka ito pumatong sa kanya, hawak ang magkabila nitong balikat. Hindi man nais ng lalaki na makialam sa nangyayari ay hindi niya napigilan ang lumapit at maki usyoso. Bahagya niyang binuksan ang pinto at laking gulat nito nang makita si Eeya na hawak ng isang lalaki. “Hindi ba siya kasintahan ni Joaquin? Nakita ko silang magkasama sa iisang kwarto noong bakasyon! Kailangan itong malaman ni Joaquin!” ani niya sa isip. Hindi man alam ng lalaki kung saan niya hahanapin si Joaquin upang sabihin ang kanyang nakita ay isa isa niyang binuksan ang mga silid na kanyang nadaraan sa kanyang pagkaripas nang takbo. At nang buksan niya ang isang pinto ay nahanap niya si Joaquin ngunit hindi ito nag iisa. Isang magandang babae ang nakapatong sa kanya at tinanggal ang damit nito. Nang ibaling ni Joaquin ang tingin niya sa kamag aral na nagbukas ng pinto ay agad naman niya itong isinara. Takang taka at gulat sa mga nakita ay nakalimutan na ng lalaki ang kanyang dapat gawin. “Lyxa! Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Joaquin na agad nagpatigil sa elemento sa pag aalis nito ng damit ng binata. Nagdesisyon si Lyxa na puntahan si Joaquin sa silid nito upang humingi ng tawad sa nagawa niyang pagpapalis rito sa kanyang silid nang nakaraang gabi. “Hindi kayo bagay ng tagapangalaga ng templo, Ginoo,” pagsusumamo nito. “Sa pagkakakilala ko sa `yo ay hindi ka mangangahas ng kahit na ano sa kahit na sinong babae. At ang tagaapangala ng templo ay hindi ko rin nakikitang makakayang mangahas na yakapin o halikan ka. Walang usad ang kung anumang maaaring mamagitan sa inyo, Ginoo. Sa akin ka mas nababagay. Handa akong gawin ang kahit na ano para sa `yo.” Naisip man ni Joaquin na may katotohanan ang sinabi ni Lyxa tungkol sa kanya at kay Eeya ay hindi pa rin maganda ang pagsunggab nito sa kanya. Bahagya niyang itinulak ang elemento palayo sa kanya. “Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo pero ipagpapaliban ko ito ngayon dahil may mga bisita akong naghihintay. Umalis ka na,” kalmado man ay kapansin pansin ang galit nito sa kanyang mga mata. Pagka alis ni Lyxa ay inayos ni Joaqui na ang sarili upang muling harapin ang kanyang mga bisita. Hindi na nagawa ng kanyang kamag aral na isumbong ang kanyang nakita kay Eeya sapagkat hindi niya ito matignan dahil alam niyang nakita niya na may nakapatong ng ibang babae sa kanya. Labis ang kaguluhan sa isip ng lalaki sa kanyang mga nakita ngunit wala itong mapagsabihan hangga’t naroroon sila.   Ngunit ang lahat ay mabilis na kumalat sa buong paaralan. Pagpasok pa lamang ni Eeya ay lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Rinig na rinig niya ang mga bulungan ng mga ito patungkol sa kanya at kay Joaquin. “Siya iyon `di ba? Hindi ko inaashaan na sa pagkatahimik niya ay may itinatago siyang kulo.” Humahagikgik pa ang mga ito kahit pa alam nilang naririnig sila ng kanilang pinag uusapan. “Palagi silang magkasama at mukhang nakatira na iisang bahay. Narinig ko na nakita siya roon ng isa sa mga kamag aral natin.” “Ibig sabihin ay hindi totoo ang sinasabi ni Mona tungkol sa kanila ni Joaquin. Naku! Malaking gulo ito.” “Tumahimik ka nga. Narito si Mona.” Hindi man nais ni Eeya na makinig sa kanila ay hindi niya napigilan ang tumingin nang banggitin nila ang pangalan ni Mona. Tuon ang tingin nito sa kanya at halatang galit ito. “Eeya, mag usap nga tayo,” bulalas ni Mona. “Hindi ako makapaniwala sa mga kaya mong gawin. Sa inosenteng mong mukha ay panlinlang lamang para mapa ibig mo ang mga lalaki!” “A-Ano? Hindi kita maintindihan.” “Huwag ka ng magsinungaling pa! Alam kong inakit mo si Joaquin! Nakita kitang lumabas sa silid niya noong bakasyon!” Agad na dinepensahan ni Eeya ang sarili. “Nagkakamali ka, Mona. Walang namamagitan sa amin ni Joaquin.” “At sa palagay mo ay maniniwala ako? Nagpalipas kayo ng gabi sa iisang kwarto at sinong maniniwala na walang nangyari sa inyong dalawa?!” Kung hindi lamang nagpipigil ng galit si Mona ay nasampal na niya ito. Ngunit inaalala niya ang kanyang reputasyon lalo pa’t nasa paaralan sila. “Huwag mong pabintangan ng ganyan si Joaquin. Tinutulungan niya lang ako.” Nagpumewang si Mona at huminga nang malalim. “Huwag ka sa akin magpaliwanag. Tignan ko lang kung maniniwala ang guro mo sa mga kasinungalingan mo!” Tumalikod si Mona at kahit pa habulin siya ni Eeya upang pakiusapan ay wala na itong balak pang kausapin ito. Alam niya malaking eskandalo ang ginawa ni Eeya at malaki ang posibilidad na matanggal ito sa paaralan. Hindi na niya iniisip na kahit pa mapaalis rin si Joaquin sa paaralan dahil sa isusumbong niya. Dahil kung hindi ito mapapa sa kanya ay walang ibang mag mamay ari sa kanya lalo na si Eeya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD