“Binabati kita, Eeya,” nakangiting wika ni Isagani nang sa pag uwi ng dalaga ay dala nito ang kanyang pagsusulit na kung saan nakapasa ito.
Ipinagmamalaki ni Eeya ang pasabo niyang markha. Bagamat hindi iyon kataasan ay sapat na sa kanya na nagawa niyang makapasa. “Matutuwa si Joaquin kung narito siya. Hindi nasayang ang pagtuturo niya sa akin.”
Bahagyang nakaramdam ng selos si Isagani sa muling pagbanggi ni Eeya sa naging katunggali nito sa kanyang pag ibig. Hinablot niya ang papel na hawak ng dalaga saka ito tinapon.
“Ano ba?!” bulalas ni Eeya habang pilit hinihintay bumaba ang papel na pinalipad ng binata.
“Ngayon tapos na `yang pagsusulit mo. Pagtuunan mo naman ng pansin ang pagsasanay mo bilang tagapangalaga ng templo. Sa estado ko ngayon ay delikado pa rin ang lagay natin kahit narito pa tayo sa templo,” wika ni Isagani na nakaupo sa mesa.
“Narito naman si Tiyo Amil. Sigurado akong tuturuan niya ako.”
“Umalis na siya.”
Hindi na nasalo ni Eeya ang papel na tuluyan ng nahulog sa sahig. “Ano? Bakit hindi siya nagpaalam sa akin?” anito nang tignan ang binata.
“May mahalaga raw siyang gagawin at hindi ka na niyang magawang hintayin.”
Padabog na umupo si Eeya sa upuang nakaharap sa binata. “Bakit hindi mo pinigilan? Sino ng magsasanay sa akin ngayon?”
“Bakit ko naman siya pipigilan? Mas mabuti ngang wala siya rito. Walang nag uutos sa aking gumawa ng kung anu ano.” Nilundag ni Isagani ang mataas na distansya ng mesa at sahig. “Ako na ang magtuturo sa `yo.”
Nakatawang nilingon ni Eeya ang binata. “Nagpapatawa ka ba? Anong alam mo sa pagbasbas ng mga elemento?”
“Sumunod ka na lang.”
Hawak ni Eeya ang kanyang pana at palaso. Nakapikit at pinakikiramdaman ang elemento sa labas ng templo kung saan siya dinala ni Isagani. Sa kabila ng paghahanda sa kanyang pagsusulit ay nagpupuyat din siya sa pagbasa sa mga orasyon nang masaulo niya muli ang mga ito.
“Saan ka ba nakatingin?! Wala d`yan ang kalaban mo!” sigaw ni Isagani habang pinagmamasdan ang dalaga sa pagsubok nitong pagbasbas sa malapit na elemento.
“Bakit ba kasi hindi ko sila makita?! May gamit din ba silang mga dahon? Hindi ba pwedeng paliparin mo ang mga `yon nang maitama ko ang orasyon sa kanila?!” bulalas ni Eeya.
“Kasalanan mo rin dahil pinaliit mo ako ulit! Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko nang maayos!” Mula sa pagtayo sa gilid ng templo ay lumundag si Isagani upang puntahan ang dalaga. “Hindi mo pa ito magagawa nang mag isa. Hawakan mo ako!”
Sa patuloy na pagsasama ng dalawa ay unti unti nang nalalaman ni Eeya ang sikreto ng mga elemento. May mga elementong wala ng balak pang umaligid sa mundo ng mga mortal ngunit may mga iilan pang nagpapatuloy na maghasik ng takot sa mga tao. Habang ang iba pa na pawang mas malalakas naman ay nais tapusin ang pamamayagpay ni Isagani bilang pinakamalakas na pinunong elemento. Dahil sa kanyang pakikipag relasyon dito ay kailangan niyang tanggapin na ang buhay niya ay iikot sa pagbasbas sa mga elementong nais manakit ng mga mortal at nais saktan ang kanyang kasintahan.
Sinalubong ni Eeya si Isagani na siyang patungo sa kanya nang mahawakan niya ito. Iyon na lamang ang tanging paraan upang makita niya ang mga elementong kalaban. Nang mahawakan niya si Isagani ay agad niyang naramdaman ang prisensya ng kalabang elemento.
“Tapos na ba kayo sa paglalaro ninyo?” garalgal ang boses nang halimaw nang marinig na ito ni Eeya.
“Tumahimik ka!” sigaw ni Isagani habang pinagmamasdan ang halimaw na may tatlong mata.
“Ikaw man ang kilalang pinaka malakas na pinuno ay hindi ka uubra sa akin sa kundisyon mo ngayon! Kakainin ko kayong pareho kaya maghanda kayo!”
Ngumisi lamang si Isagani habang nakakapit ito sa damit ni Eeya. “Huwag kang hangal. Sa hina mong iyan ay kayang kaya kitang patayin kahit ganito ang kundisyon ko.”
Isang kumpas lang ng kapangyarihan ni Isagani ay nabura sa mundo ng mga mortal ang elementong kanilang kalaban. Magagawang makatalo ni Isagani ng kalabang elemento hangga’t nakadikit ito sa dalaga. Gayunpaman ay matapos iyon ay makakaramdam siya ng panghihina.
Dahil sa kapansin pansing panghihina ng binata ay minabuti ni Eeya na ibalik sa loob ng templo si Isagani.
“Ibalik mo na kasi ako sa dati,” wika nito nang iupo siya ni Eeya sa mesa.
“Ayoko. Kung hindi mo rin sasagutin ang tanong ko ay hindi kita ibabalik sa dati mong anyo,” ani Eeya habang kinukuha ang ginawang damit para kay Isagani.
Sa mga nakalipas na araw ay palaging pumapasok si Isagani sa panaginip ni Eeya. Sa bawat paggising niya ay mabigat ang kanyang pakiramdam at namumula ang kanyang mga pisngi. Kahit anong pilit niyang pag aalala sa napanaginipan ay hindi niya ito maalala. Sa tuwing tatangunin niya si Isagani ay hindi naman ito sasagot. Biglang parusa ay muli niyang ibinalik ang binata sa pagiging maliit.
“Ayaw mo lang o nakalimutan mo na naman ang orasyon.”
“Hindi ko nakalimutan! Hindi kita ibabalik dahil alam kong may iba kang ginagawa sa panaginip ko! At ayaw mong sabihin iyon!”
“Dahil magagalit ka!” sigaw ni Isagani na unti unti ng nawawalan ng pasensya lalo pa’t nanghihina ito.
“Lalo akong nagagalit dahil ayaw mong sabihin ang ginagawa mo sa panaginip ko!”
Mariin na tumingin si Isagani sa dalaga. “Gusgutuhin mo bang maalala kung paano natin iyon ginawa sa panaginip mo?”
Natigilan si Eeya sa sanaý pag abot sa ginawa nitong damit para sa binata. “Iyon?” pag ulit niya sa kanyang isip. “A-Anong iyon?”
“Alam mo ang sinasabi ko, Eeya.”
Nang makita ni Eeya ang siya ring pamumula ng mukha ni Isagani ay doon niya nakumpira na ang sinasabi ni Isagani na kanilang ginawa ay siyang bagay na ginagawa lamang ng mag asawa.
“Hindi pwedeng ipagpaliban iyon. Kailangan ko ng lakas mo dahil sa pagiging maliit ng katawan ko ay na sa iyo ang kapangyarihan ko.”
Hindi alam kung ano ang sasabihin ay tumalikod si Eeya. “Matutulog na ako.”
Sa pagpasok niya sa kanyang silid ay agad niyang isinara ang pinto at hinawakan ang kanyang namumulang mukha. “Bakit hindi ko maalala?”
Tanging ang naiiwang nakahahalinang pakiramdam lamang ang naalala ni Eeya sa tuwing paggising niya na siyang nagpapa init sa kanyang buong katawan.
“Imposible namang hindi ko maalala mismo ang nangyari at pakiramdam lang ang naaalala ko. Siguradong may kinakalaman ang kapangyarihan niya kaya ganoon ang nangyayari!”
Naisip niyang ibalik ito sa dati ngunit alam niyang lalo lamang siyang gagamitin nito para magpalakas. Sa kanyang naiisip ay lalong nag init ang kanyang mukha.
“Bakit hindi ako tumanggi sa kanya?”
Umiling iling si Eeya upang alisin sa kanyang isip ang mga katanungan. Mahal niya si Isagani ngunit wala pa sa kanyang isip ang gawin iyon, sa totoong buhay man o sa kanyang panaginip.
Hangos hangos si isagani nang pilitin iyang lumusot sa siwang ng pintuan upang makapasok siya sa loob ng silid ng dalaga at muling pasukin ang kanyang panaginip.
Malugod siyang sinalubong ni Eeya nang tuluyang makapasok ito sa kanyang panaginip. Malayo malayo sa pagsusungit nito bago ito matulog.
“Kaya gustong gusto kong nasa panaginip mo eh. Mabait at masunurin ka sa `kin dito.”
Malambing ang ngiti ng dalaga na tumango tango sa kanya. “Halika, lumapit ka sa akin.”
Nang humakbang si Eeya na sinabayan na ni Isagani ay nauntog ang binata sa hindi nakikitang harang sa kanilang pagitan.
“A-Ano ito?!” bulalas ni Isagani. Nang pagmasdan niya ang harang ay noon lamang niya napansin na gumawa ng basbas sa papel si Eeya upang hindi siya makalapit dito sa kanyang panaginip.
“Pinaghandaan mo talagang hindi ako makalapit,” naiinis nitong bulalas. “Eeya! Tanggaling mo ito ngayon na!”
Hindi niya magawang makausap ito dahil sa harang. Unti unti ay nararamdaman na ng binata ang panghihina. Alam niyang mali ang gamitin ang panaginip ni Eeya upang makaisa ito ngunit alam din ni Isagani na kailangan niya iyon upang patuloy na mabuhay.
“Eeya,” nanghihina nitong wika. “K-Kailangan kita.”
Maaliwalas ang gising ni Eeya hindi katulad sa mga nakaraang araw. Walang natatandaang panaginip si Eeya at wala ring bigat at init sa kanyang pakiramdam. Batid niyang umepekto ang binasbasang papel na ginawang niyang harang para kay Isagani.
Pagtayo niya ay pagtataka ang agad na kanyang naramdaman. Walang mainggay na gumising sa kanya. Hindi rin niya maramdaman ang kapangyarihan ni Isagani. Laking gulat nito nang makita si Isagani sa gilid ng kanyang unan. Mabibigat ang paghinga nito at halos hindi na gumagalaw.
“Isagani! Isagani! Gumising ka!”
Nang maramdaman ni Isagani ang malambot na kamay ni Eeya ay agad niyang hinila ang daliri nito upang ikiskis ang kanyang mukha. Sa ganoong paraan ay nakakakuha siya ng kahit kaunting lakas lamang.
Kitang kita ni Eeya na desperado ang binata sa kanyang bawat hawak rito. “Nanghina siya dahil sa nilagay kong harang. Hindi siya nakalapit sa akin sa panaginip ko kaya ito nangyari sa kanya,” aniya sa isip.
“Iyon lang ba talaga ang mapagkukuhanan mo ng lakas?” bulong nito.